Addicted to Love You

By chagocx

203K 5.1K 1.6K

She knows one thing about him, he's a criminal who deserves a death sentence. One tragic incident made her l... More

Addicted to Love You
Excerpt
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 1
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 2
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 3
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 4
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 5
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 6
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 7
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 8
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 9
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 10
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 11
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 12
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 13
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 14
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 15
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 16
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 17
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 18
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 19
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 20
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 21
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 22
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 24
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 25
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 26
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 27
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 28
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 29
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 30
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 31
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 32
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 33
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 34
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 35
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 36
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 37
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 38
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 39
C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 40
Epilogue
Notes
VISUALS
Notes II
NOT SO IMPORTANT ANNOUNCEMENT

C̶h̶a̶p̶t̶e̶r̶ 23

4.2K 126 40
By chagocx


Without Me

I was just silent the whole time habang pauwi na kami ni Ice. Wala lang talaga akong masabi...

Bakit ba sa tuwing nag-aaway kami ay laging nauuwi sa ganito?!

Hindi maalis sa isip ko ang mga mata niya. The way he looked at me...it was different. I felt something from it and it wasn't coldness anymore.

Sa kakaisip noon ay hindi ko na namalayang pinarada na pala niya ang Corvette sa tapat ng bahay.

"Don't move." Utos niya bago bumaba ng kotse.

Napakurap-kurap ako habang pinapanuod siyang bumaba at umikot palapit sa pwesto ko. Pinag-buksan niya ako ng pinto at napasinghap ako nang buhatin niya ako palabas ng kotse.

"I-Ice..w-what are you..-"

"I got your dress ripped. Stop talking."

Napanguso ako at isinukbit nalang ang mga kamay sa kanyang batok.

"M-Master, nasa basement na po ang vase." Sambit ng isa niyang tauhan.

"Good, I'll check it later."

Binaon ko ang mukha ko sa kanyang dibdib dahil panay ang silip ng mga tauhan niya sakin.

"S-Sige po, Master."

Nag-patuloy sa pag-lalakad si Ice papasok sa bahay ngunit nang makarinig ako ng halakhak sa bulwagan ay agad akong napapikit nang mariin.

That was Cloud's laugh!

"Woah, look who we have here.. Ice! Sino yan?" Mas napakapit ako kay Ice nang marinig ang tanong ni Cloud.

Dikit na dikit na yata ang mukha ko sa kanya.

Mabuti nalang talaga at malakas ang pagiging suplado niya...hindi siya tumigil para kausapin si Cloud. (Na may kasama yatang babae dahil naririnig ko rin ang hagikhikan nila)

"Hey Ice!" Sigaw pa ni Cloud ngunit nakahakbang na si Ice sa hagdan paakyat.

"Ice! I-Is that...Luna?" Sigaw pa ni Cloud hanggang sa tuluyan na namin siyang hindi narinig.

Napabuntong hininga ako nang makalagpas sa kanyang pinsan.

Pinagbuksan muli si Ice ng kanyang tauhan para sa pag-pasok niya sa kanyang opisina. Gusto ko na nga sana magpababa kaso nga lang ayoko nang makipagtalo sa kanya.

Naalala ko noong nakipagtalo ako sa kanya tungkol dito...ako lagi ang talo.

Buhat niya pa rin ako hanggang sa makapasok kami sa kwarto at ilang sandali pa ay nilapag na niya ako sa kama.

Makakahinga na sana ako ngunit habang nakahiga ako ay tinuko niya ang kanyang mga kamay sa magkabilang gilid ko.

Agad akong kinabahan. Hinayaan ko naman siyang buhatin ako ah?!

"U-Um.." Nauutal kong sinabi kahit wala naman akong masabi.

Tinitigan niya ako. Napalunok ako dahil doon.

"Don't make me mad again." Napapaos niyang bulong.

Napapikit ako nang dampian niya ng mababaw na halik ang aking labi.

Hindi niya pa rin talaga maamin na nag-aalala siya, ano? 'Mad' pa ang term na ginamit. It should be 'don't make me worry again'.

"Let's take a shower?"

Nanlaki ang mga mata ko!!!

What the hell?

Nag-iinit ang pisngi ko habang kinakagat ko ang pangibabang labi ko. Nakakahiya!

He chuckled softly..

"Joke."

Pinamulahan ako ng pisngi!!!

"J-Jokes are meant to be funny..." Nauutal kong sinabi.

"Maybe it isn't funny because it wasn't a really a joke." He said sarcastically! Mocking me!

Iyon ang sinabi ko sa kanya noon. Ugh.

Nginusuan ko siya at inirapan.

"Rest now. I have to take care of some things." Malamig niyang sinabi.

"Mm..the vase? And Romualdo's money?" Natigil siya sa pag-angat.

Natuptop ako nang muli siyang bumalik sa kanyang pwestong kumukulong sa akin.

"You know why I killed him?"

Kumunot ang noo ko. Medyo napapaisip ako. Bakit nga ba niya pinapatay ang lahat? Talaga bang sasabihin na niya ang rason?!

Mabilis akong umiling.

Ngumisi siya.

"I killed him because I didn't like the way he touched you."

Nakagat ko ang labi ko nang talikuran niya ako. That's not really the answer, is it?

Bumangon ako nang tuluyang nakalabas si Ice ng kwarto. Dumiretcho ako sa banyo upang mag-babad sa kanyang tub at mag-isip.

I can still feel him down there..

We did it again..

Should I call it making love? Now that we did it for the second time?

Napabuntong hininga ako at mas lalong nilublob ang sarili sa tubig, iniiwan lang na nakalabas ang ilong. What am I doing?

I don't really know but what I know right now is I don't regret anything. I..I wanted to give myself to him... All of him.

Isang oras ang tinagal ko sa banyo. Nang masuot ang kanyang puting tshirt at boxer shorts ay bumalik ako sa banyo para patuyuin ang aking buhok gamit ang blower.

Natulala ako sa aking leeg sa harap ng salamin. Tinigil ko ang pag-bblower at nilabas ang kwintas na bigay ni Ice mula sa pag-kakatago nito sa ilalim ng aking shirt.

Hinaplos ko ang pendant nito bago nagpatuloy sa pag-bblower.

Would Danilo be happy for me? If I finally admit that I am falling for...my enemy? What would he say if he sees me happy after those long years of grievances? I know he would understand. . . I hope he understands. Even if I, myself, couldn't fathom why this happened.

Nang matapos ko ang lahat ay bumalik na ako sa kama at nahiga. Alas dose na ngunit wala pa rin si Ice. Ano kayang ginagawa niya? Bakit ang tagal niyang bumalik?

Napatalon ako nang maramdaman ang pag-galaw ng doorknob. Nagtalukbong ako ng comforter at umaktong natutulog.

Pinakiramdaman ko ang pag-galaw ni Ice. Nang narinig kong pumasok siya sa banyo ay saka ko inalis ang comforter sa mukha ko. Nakahinga ako ng maayos.

Muli kong inabangan ang pag-labas niya at agad nag-talukbong ng comforter nang marinig ang pag-bukas ng pintuan sa banyo.

Mga yapak niya ang narinig ko habang nag-tatago.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

Natigilan ako nang magsalita si Ice.

Shoot! Is he talking to me?!

Marahan akong sumilip sa comforter at napatakip muli nang makitang topless pa siya at nakasabit lamang sa balikat niya ang tuwalya!

"M-Matutulog na." Simple ko lang na sinabi bago tumagilid.

Muling gumalaw si Ice. Ilang sandali pa ay namatay na ang ilaw at narinig ko na ang pag-upo niya sa reclining chair.

Nakagat ko ang labi ko habang pinapakinggan ang nagagawang tunog noon. Bakit kaya hindi nalang siya matulog sa tabi ko?

It's not like there's nothing happened between us. Bakit pa kaya siya nag-titiis doon? Parang mali naman yata na hayaan ko siya doon...

Humugot ako ng malalim na hininga at bumangon sa kama. Nilakad ko ang maliit na pagitan ng kama at ng reclining chair.

Nag-mulat si Ice nang tumigil ako sa harap niya. Ang mga mata niya ay nakatuon na agad sakin. Napalunok ako dahil sa epekto nito.

"U-um.. I decided that you could sleep beside me tonight." Mariin kong sinabi.

"I decided not to comply."

Humalukipkip ako sa harap niya.

"It's your bed Ice, it's not comfortable sleeping on that chair." Sagot ko.

"Go back to sleep." Malamig niyang utos.

Ngumuso ako at suminghap.

"Okay then, I'll go back to sleep." Mariin kong sinabi at humakbang palapit sa kanya.

Umupo ako sa hita niya at nagsumiksik sa gilid niya!

Ayaw mo sa kama? Fine then! We'll sleep here!

"What are you doing?! Luna!" Saway niya na hindi ko pinakinggan.

Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga ngunit nakangiti na akong pumikit.

"Damn it." Bulong-bulong niya pa ngunit tahimik lang akong humagikhik.

Akala ko ay papayag na siya sa ganoong posisyon namin ngunit napatili ako nang bigla siyang tumayo habang buhat-buhat ako.

"Ice!!!" Saway ko nang makitang naglalakad na siya palapit sa kama.

"Ah!"

Marahas niya akong binagsak doon. Halos mag-bounce pa ako sa kama dahil sa ginawa niya.

"Sleep now." Utos niya at aambang tatalikuran ako ngunit naabot ko ang kamay niya.

"Ice.." Natigil siya sa paghakbang. "Sleep beside me."

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. Ilang sandali pa ay napausog na ako nang makita ang pag-harap niya.

"You don't tell me what to do." Sagot niya at lumakad na palabas ng kwarto.

Argh! You heartless beast!!

Nakakunot noo akong natulog! Bahala siya!

Malalim na ang tulog ko nang maramdaman ang mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Kahit na hinihila pa ng antok ay nagawa kong imulat ang aking kaliwang mata.

Bigla akong napamulat ng todo nang makita si Ice sa tabi ko.

Is this a dream?!

Tulog na tulog siya sa tabi ko.

Yumuko ako at tiningnan ang tiyan ko at mabilis na kumabog ang dibdib ko nang makita ang braso niya doon. Huminga ako ng malalim...

Goddamn it Luna! Calm down!! It's just Ice!!

Nanatili akong hindi gumagalaw.

O baka talagang naestatwa na ako dahil nasa tabi ko si Ice???

Ilang minuto pa ang lumipas bago marahang gumalaw si Ice. Ang bawat pagdampi ng braso niya sa aking tiyan ay nakakakiliti. Kinagat ko ang labi ko habang pinipigilan ang pag-galaw.

Gamit lang ang mga mata ay muli kong tiningnan si Ice. It felt like a sunny day after a strong storm. It was so calm.

Tinitigan ko siya... His lips.. His nose.. His eyes..

Napasinghap ako nang bigla siyang mag-mulat.

Napabalikwas siya at nag-mamadaling bumangon!

"I.. I decided to sleep beside you." Napapaos niyang sinabi bago tumayo at mabilis na naglakad patungo sa banyo.

Natulala ako sa bilis ng pangyayari.

Damn! I will never understand him!

Nang makalabas na siya sa banyo ay ako naman ang sumunod. Mabilis akong naligo sa pag-iisip na sabay kaming mag-aalmusal. Ngunit napanguso ako nang paglabas ko ay nakita ko si Aling Sita na nag-hahain ng pagkain ko sa maliit na mesa sa kwarto.

"Good morning, ma'am. Ito na po ang almusal ninyo." Ngiti niya sakin.

"Ang Master niyo po? Nasaan?"

"Naku ma'am, may inasikaso. Nagkaroon yata ng problema sa labas." Sagot naman niya. "Maiwan ko na po kayo ma'am ha? Maglilinis muna ako sa labas. Babalikan ko nalang po ito mamaya." Paalam niya bago umalis.

Napabuntong hininga ako at mabagal na nag-lakad palapit sa mesa. Ano kayang inasikaso ng isang yun?

Kumain na kaya siya?

Hay..

I think I'm going crazy. Bakit pati iyon inaalala ko?!

Tamad kong kinain ang almusal ko. Oatmeal with fruits lang naman ang napili ko kaya mabilis ko din iyon natapos. Lumabas ako sa opisina at naabutan doon si Aling Sita.

"Tapos na po kayo ma'am? Tatapusin ko lang po itong paglilinis at kukunin ko na po ang pinagkainan niyo." Sambit niya nang makita ako.

"Sige lang po." Ngumiti ako sa kanya.

Lumapit ako sa isang bookshelf at sinubukan maghanap ng libro bilang panlibang. Ngunit nahagip ng mata ko ang isang newspaper.

It was dated just two days ago. Bago lang.

Mabilis ko iyong binuklat at binasa...

'GENERAL SEVERO: Denies that the PNP are responsible for the EJK (extra-judicial killings).'

'Two dozen people killed during the overnight drug raids in Manila.'

'Multi-billionaire Romualdo Villon, found dead in a hotel. Investigators are still looking for the real motive for his death.'

'PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) arrested 11 individuals after discovering a drug den in Bulacan.'

"Ma'am?"

Napatalon ako at agad binalik ang newspaper.

"B-Bakit?"

"Mauuna na po muna ako. Maya-maya rin po ay babalik na si Master." Ngumiti siya sakin at nag-paalam.

Nang tumango ako ay umalis na siya dala ang pinagkainan ko.

Kumuha na ako ng libro sa bookshelf at dumiretcho sa sofa ng opisina ni Ice. Doon ko inubos ang oras ko.

It's about astronomy. The moon and the stars. Masarap basahin. Yun nga lang, hinihila ako ng antok...

"Hey, wake up." Napabalikwas ako nang maramdaman ang kamay sa aking braso.

Hell! Nakaidlip nga ako!

Mabilis kong pinunasan ang mukha ko nang makita si Ice sa harap ko.

"I-Ice.." Napapaos kong sinabi.

Umayos ako ng upo at uminat nang lumayo siya sakin.

"What are you doing here?!" Galit niyang sinabi habang pinagmamasdan ang kabuan ko.

I'm just wearing an over-sized shirt and his boxer shorts.

"U-Uh.. Nagbabasa?"

Pumikit siya at marahas na Bumuntong hininga. Nawawalan nanaman ng pasensya.

Teka? Ano bang ginawa ko? Nakatulog lang ako ah?!

"I told you to stay inside our room. What if it's my stupid cousins who saw you in that state? You think they wouldn't lust on you?"

"S-Sorry.." Napayuko ako.

Nang naglakad siya ay napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa bar island at kumuha ng isang mamahaling alak at nag-salin sa baso.

"Um.. Wala tayong misyon ngayon?" Tanong ko nang makahugot ng lakas.

Bumalik siya sa kanyang swivel chair nang hindi ako tinitingnan.

"I decided to make this day as your rest day." He mocked me again.

Napanguso ako.

"Red is handling the missions for today." Seryoso niya pang sinabi.

Tumango ako. Hindi ko alam na marunong din pala siyang mag-'share' ng mga nangyayari.

Muli kong binuksan ang libro na hawak habang binubuhay ni Ice ang kanyang laptop.

"And uh.. Something happened to your friend." Mabilis kong nilingon si Ice. "Maya, am I right? During her mission she got shot."

Bumilis ang pintig ng puso ko. Nailapag ko ang libro sa sofa at mabilis na tumakbo palabas ng opisina ni Ice. Nagugulat ang mga tauhan niyang nakakakita sakin ngunit mabilis ang takbo ko patungo sa basement. Ni hindi ko na inalalang naka-paa lang ako.

Dumiretcho ako sa Unit 3 at naabutang pinapapasok palang doon ni Dos si Akilla.

Mabilis akong lumapit sa kanila.

"Akie!!" Nagulat ang dalawa nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?!" Singhal ni Dos ngunit hindi ko siya pinansin.

"Akie! Si Maya?!" Sigaw ko ngunit nag-patuloy lang si Akie sa pagpasok.

Hinawakan ni Dos ang braso ko at pinigilan sa pag-pasok.

"Dos! Kakausapin ko lang si Akie, please! Sandaling-sandali lang." Pakiusap ko.

Matalim pa rin ang tingin niya sakin ngunit binitawan niya ang braso ko at hinayaang makapasok.

Malalaking hakbang ang nagawa ko hanggang sa malapitan si Akie na nakatuko ang kamay sa mesang kinakainan namin at nakayuko.

Napatalon ako sa malakas na pag-sara ng bakal na pinto ngunit tinuon ko pa rin ang atensyon ko kay Akie.

"A-Akie.. Nabalitaan ko ang nangyari.. K-Kamusta na si Maya?" Sabi ko habang humakbang palapit sa kanya.

"Bakit? May pakialam ka ba talaga? Huh?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang sagot niya.

"Oo! Akie, kaibigan ko kayo! Nag-aalala ako kay Maya!"

"Sinungaleng! Alam ko ang dahilan kung bakit ka narito! Hindi ba para bistuhin ang negosyo ni Master at ipakulong kaming lahat?! Nakita mo ang nangyari kay Maya?! Nabaril siya sa misyon namin!! Binaril ng pulis na gaya mo!!" Galit na galit si Akie nang hinarap niya ako!

"Akie... T-Trabaho ko iyon.. Pero hindi na kasama sa trabaho ko ang tumagal rito at kaibigani-"

"Trabaho?! Kung trabaho 'yan pwes gawin niyo ng maayos! Hindi 'yong baril lang kayo nang baril!!" Galit na singhal niya at ilang sandali pa ay tumulo ang luha sa kanyang mata.

"Alam mo ba kung bat ako narito ha?! Dahil ang pulis na gaya mo ang pumatay sa Tatay ko! Ang nag-iisa kong magulang! Napag-kamalan lang siyang pusher!! Pero ano? Hindi kami nabigyan ng hustisya! Dahil pulis ang kalaban namin at may kapit sa gobyerno! Kaya ako pumasok dito para gawin ang binibintang sa kanya! Para makaganti!" Pinalis niya ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Napalunok ako nang makita kung gaano katindi ang galit sa kanyang mga mata. Mapupungay ang mga mata ko siyang tiningnan.

"Akie..I-I'm sorry-"

"At ikaw?! Narito ka para sirain ang tanging bagay na nagbibigay pag-asa sa mga ordinaryong tao na tulad ko?! Pati si M-Maya..nasaktan n-nang dahil sa gaya mo! Wala kang kwenta! Traydor ka!!"

"Akie!!" Sigaw ko nang sumugod siya palapit sa akin!

Galit niya akong binigyan ng suntok na agad ko namang nasangga. Ilang beses niya pa akong sinuntok at iniwasan ko lahat ng galaw niya.

"Akie! Itigil mo na 'to! Kaibigan mo 'ko!" Singhal ko ngunit masyado siyang galit.

"Kung gano'n, kaibigan pala ang pumatay sa tatay ko!" Sagot niya bago ako sinugod muli.

Natamaan niya ako sa balikat at nang susuntok siyang muli at nahawakan ko na amg kamao niya.

"Please, Akie! Makinig ka sakin!" Sigaw ko pa.

"Bat ako makikinig sa gaya mo?! Wala kang pinagkaiba sa pinanggalingan mo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang nag-labas siya ng patalim at inundayan ako ng saksak. Mabuti nalang at nakadampot ako ng libro at pinangsangga iyon.

Nang susugod uli siya ay mariin kong hinawakan ang kanyang braso at ilang sandali pa ay inikot ko iyon patungo sa kanyang likod. Nagkukumahog siyang kumawala sa akin ngunit mahigpit ang hawak ko sa kanya.

Ilang sandali pa ay nabitawan na niya ang patalim habang iniinda ang sakit.

"Akie, please makinig ka sa akin.. Hindi rin maganda ang nangyari sakin..s-sa mahal ko sa buhay at dahil 'yon dito.. Kaya ako pumunta dito para gumanti..tama ka doon. P-Pero nang makilala ko kayo.. A-at ang iba pang narito ay nagbago ang lahat. Akie please maniwala ka. Mahal ko kayong dalawa ni Maya." Nanghihina kong sinabi.

"Sa oras na may mangyaring masama kay Maya. Sorry din pero hinding-hindi ko kayo mapapatawad." Bulong niya bago muling nagpumiglas ngunit nahampas ko na ang batok niya. Ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay.

Sinalo ko si Akie at naluluha ko siyang nilapag sa kama ni Maya. Matagal sigurong tinago ito ni Akie. Hindi niya nagawang sabihin iyon samin ni Maya noon. Ang akala namin ay simple lang at masaya ang  buhay niya pero. . .hindi pala.

Nang makumutan si Akie ay humakbang na ako paalis. Binuksan ko ang pintuan ngunit agad bumungad sakin si Dos.

"Nagtalo kami ni Akie..nakatulog na siya, Dos." Sambit ko.

Umigting ang kanyang panga.

"Sabi na nga ba't walang binatbat ang Akilla na yan sa'yo." Mariin niyang bulong bago hinawakan ang braso ko.

"D-Dos! A-anong ginagawa mo?! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ako ngunit hinawakan niya pa ang isang braso ko at nilagay ang kamay ko sa aking likod!

"Ang akala mo ba porkit paborito ka ni Master ay makakaligtas ka sakin? Ha?! Alam mo na ang nangyari kay Maya hindi ba?! Alam mo ba kung ano ang relasyon ko sa kanya? Ha?!" Singhal niya sa tenga ko at pinaharap ako sa pader!

Diniin niya ako roon.

"Dos! B-Bitawan mo 'ko! Kaibigan ko si Maya! Alam mo yan! H-Hindi ko ginusto ang nangyari s-sa kanya!" Hirap na hirap kong sinabi dahil sa pagkakadiin niya sakin sa pader.

"Hindi mo man ginusto ay hindi pa rin ako makakapayag na hindi makaganti sa'yo! Traydor ka lang naman dito, diba? Wala kang halaga!" Mariin niyang sinabi sa akin.

"D-Dos! P-Please!"

Napasinghap ako nang mas idiin niya pa ako sa pader. Nilapit niya ang kanyang mukha sa aking leeg at marahang inamoy iyon. Nag-pumiglas ako ngunit labis ang lakas niya at hindi maganda ang lagay ko.

"Ano kayang magandang gawin sa'yo?" Napapaos niyang bulong.

Napapikit ako ng mariin.

"Sa'yo kaya?" Nakarinig ako nang pagkasa ng baril! At nang magmulat ako ay tumambad sa gilid ko si Ice habang nakatutok ang baril kay Dos!

Dahan-dahan akong pinakawalan ni Dos at kasabay noon ang pag-angat niya sa kanyang mga kamay. Sumusuko.

Hinawakan ni Ice ang kamay ko at agad hinila patungo sa likod niya. Doon ko lang din nakita na kasama niya pa ang apat na tauhan.

Nag-iigting ang panga ni Dos habang iniiwas ang tingin samin. Ilang sandali pa ay sumenyas na si Ice. Nilapitan si Dos ng dalawang tauhan at mabilis na hinawakan.

"One simple rule and you can't follow." Pinatunog ni Ice ang kanyang leeg.

Napalunok ako nang makitang humakbang si Ice palapit kay Dos.

Hindi na sumagot pa si Dos. Yumuko lang siya na tila handang tanggapin ang parusa.

Napapikit ako nang mabilis na binigyan ni Ice ng isang mabigat na suntok si Dos. Halos mabali ang panga niya  at napatingin pa siya sa kanan dahil sa lakas nito! Umalingawngaw sa pasilyo ang tunog ng suntok na iyon ni Ice.

Dumura ng dugo si Dos ngunit yumuko lang siyang muli.

"Take him. You already know where." Malamig na utos ni Ice sa kanyang tauhan na agad naman sumunod.

"Yes, Master." Sagot pa ng ilan bago humakbang kasama ang nakayukong si Dos.

Natahimik ang pasilyo nang maiwan kami roon ni Ice. Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdam ko, galit siya sa akin...

Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga niya bago ako hinarap.

Wala akong nagawa kundi ang lumunok at harapin siya.

His bloodshot eyes darted through me. Halos magdugtong na ang kilay niya sa inis.

"I just told you not to leave our room and yet you dashed your way out my office. Kailan ka ba titigil na galitin ako? Hm?" Mariin niyang binulong ang huli.

"I-I'm sorry.." I said for the nth time!

Yumuko siya at pinagpantay ang paningin namin. Nag-init ang pisngi ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa. At nang hindi kinaya ang paninitig niya ay iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Never go without me again. You understand that?" Napapaos niyang sinabi.

"Y-Yes." Sagot ko at agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila paalis.

"Don't worry about your friend." Sabi niya habang nag-lalakad.

Gumaan ang pakiramdam ko doon. Kahit papano'y sigurado akong maayos si Maya. Gusto ko pa sana siyang tanungin tungkol sa iba pang detalye kaso...wag nalang.

Sadly, he's still mad at me... And I'm telling you, nobody wants to talk to a mad Ice.

-----------------------------★~

Yung binati ni ViceGanda si Ice sa showtime hahahah
Goosebumps!!

Yung anak pala ni Vhong, Isiah ang name and Ice din  nickname HUHUHU ugh puso ko namarn. Hahaha wala lang (⌒0⌒')

A/N: namiss ko sila. Huhuh sorry, nagfocus kasi ako sa "Love is Blind, literally" nitong nakaraang araw. Thanks for waiting! I hope you enjoyed reading!

& flis don't forget to vote and leave comments? Huhu I appreciate them a lot ~ LOVEYAH!!! (=゚ω゚)ノ♡

~( what Luna's necklace kinda looks like )~

Continue Reading

You'll Also Like

23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
14.6K 131 60
SYPNOSIS Liyann always turn blind eye with the cheating escapades of his boyfriend not until Caver Zyke McClehoux came like a hurricane into her ordi...
234K 5.1K 27
Maria Mercedes is the eldest among the Villacorta sisters. Pinauwi ng kanyang Lola upang mamahala sa hacienda. Makaya kaya nya?. What kind of journey...
1.1M 19K 32
He can't get her that easy so he has no choice but to use force...