Ang Dalawang Anino ni Satanas

By GYJones

199K 13.1K 1.4K

Nagbabalik ang team ng exorcist, psychic at parapsychologist upang makipagtuos mismo sa hari ng kadiliman--s... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Premiere Night
Chapter 2: Ang Kaso ni Don Villaromano
Chapter 3: Hannah's Date
Chapter 4: Sa Mansyon
Chapter 5: The Exorcist
Chapter 6: The Possessed
Chapter 7: The Private Detective
Chapter 8: To JHS!
Chapter 9: Symbols
Chapter 10: Ang Don
Chapter 11: Merry Satanic Christmas, Joe Mari
Chapter 12: Satan!
Chapter 13: It Comes And Goes
Chapter 14: In His Own Image
Chapter 15: Infiltrate!
Chapter 16: Ang Satanic Groupie, Jesus Fish at Si Emily Rose
Chapter 17: Black Nativity
Chapter 18: Ang Green Room
INTERMISSION
Chapter 19: The Deal
Chapter 20: Madaling Araw
Chapter 21: The Raid
Chapter 22: Caroling
Chapter 24: The Twin Enigma
Chapter 25: Christmas
Chapter 26: Game Time!
Chapter 27: Pasko sa Mansion
Chapter 28: Ang Bahay na Itim
Chapter 29: The Ritual
Chapter 30: Rescue!
Chapter 31: Reunion
Chapter 32: Double Exorcism
Chapter 33: Hypnotism
Chapter 34: Satanists Attack!
Chapter 35: Finale
Epilogue
Chapter X
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 23: The Vessel

4.3K 313 27
By GYJones


"I knew sooner or later, you'll find out," sabi ni Don Carlos. "Yes, Lucas is our son. Miguel's twin."

"Identical twins," sabi pa ng Doña.

Mula sa firing range ay nagtungo ang JHS sa mansion ni Don Carlos Villaromano sa Forbes Park. Sina Dean at Pam ay umuwi na muna habang sina Andy at Tony ay bumalik sa kanilang opisina.

Magkatabing nakaupo ang mag-asawang Villaromano sa sofa ng living room, taimtim na kino-confess ang katotohanan ukol sa mga anak. Sa center table ay isang photo album at nang binuklat iyon ng Doña ay nakita nina Father Markus, Jules, at Hannah ang pruweba na hinahanap nila. May mga litrato nina Miguel at Lucas na magkasama. Aniya ni Jules, sana'y sinabi na ng Don ang bagay na ito noong umpisa pa lamang.

"Well, If I had informed you earlier, hindi na kayo nagpunta sa concert," rason ng Don. "Then, you wouldn't have known about the ritual, like you told me. Hindi n'yo sana nalaman kung nasaan si Lucas."

May katuwiran naman ang Don. Isang breakthrough ang impormasyong nakalap nila sa Black Nativity concert. And speaking of Don Carlos Villaromano, tila nabawasan na ang sungit niya. May kakaibang kalma at pagtanggap na siya talaga ang ugat ng lahat ng nangyayari. Isang relief para sa kanya na ngayo'y naisisiwalat na niya ang sikretong matagal na niyang itinago—sa mga taong tingin niya'y mapagkakatiwalaan at makakatulong. Ikinuwento niya ang tungkol sa lalaking naka-itim at ang kanilang naging kasunduan.

"Itong deal mo kay Satan, ano pang naaalala mo?" tanong ni Father Markus.

"Like I told you, bumalik siya sixteen years later to take Lucas away," sabi ng Don. "And now, after two years, si Miguel naman ang kini-claim niya."

"Close po ba sina Miguel at Lucas?" tanong ni Hannah.

"Yes, they were very close," tango ng Don. "Inseparable. They're always together."

"It's like, they know na magiging maikli lang ang pagsasama nila," dagdag ng Doña.

Sa photo album ay mga litrato nina Miguel at Lucas. Mula sanggol hanggang sa pagtanda. Anila, tahimik na bata si Lucas, kadalasan ay blanko ang tingin ng kanyang mga mata. May hiwaga, may lalim na mahirap ipaliwanag. Hindi siya ngumingiti, maliban na lamang kung kasama niya si Miguel. Patunay ang mga litrato kung saan ang kambal ay masayag naglalaro, nagbibisikleta, nasa swing at seesaw sa playground, sa swimming pool, at sabay palagi na papasok sa school.

"Here's is the last photo na kinuha namin kay Lucas," turo ng Doña sa litrato nina Miguel at Lucas noong ika-16th birthday ng dalawa. Tulad ng mga naunang birthday pictures, palaging may malaking cake sila sa harapan.

"'Yung pagkawala ni Lucas, paano n'yo inexplain ito kay Miguel?" tanong ni Jules.

"We didn't have to. It's like he knew all along," sagot ng Don. "They have this special bond. Like they know everything. Alam ni Miguel kung saan pupunta si Lucas."

"And how did he take it?" tanong ni Father Markus. "Ang pag-alis ni Lucas."

"He was very angry, of course," ani ng Don. "Naging rebelde siya. Maybe, the reason why Miguel joined those cults. Those Satanists."

"Nang mawala si Lucas, Miguel was never the same," sabi naman ng Doña.

Saglit silang natigilan at inabsorb ang mga bagay-bagay. Sinabi nila sa mag-asawang Villaromano ang balak nilang Double Exorcism.

"Can you do it? Can you free our sons of the devil?" tanong ng Doña at tumingin sa pari. "Father?"

Napatingin sina Jules at Hannah kay Father Markus, hinihintay ang kasagutan niya. Pero, walang tiyak na kasagutan ang pari, wala siyang mai- promise.

"We'll double your fee!" hudyat ni Don Carlos.

Nagkatinginan sina Jules at Hannah. Doble ng fee ay P800k.

"Okay, let's make it a million and a quarter!" sabi ng Don.

"We...we'll do our best," sabi ni Father Markus.

"Bless you, all," sabi ng Doña. "Alam naming matutulungan n'yo kami."

Matapos ang paguusap ay nagtungo sila sa basement. Gising na si Miguel at present si Satanas. Nakaupo sa kama at nakataling mga kamay sa frame nito.

"Welcome back, Father," sabi ni Satanas. "Mukhang naging busy kayo."

"Alam na namin ang tungkol kay Lucas," sabi ni Father Markus.

Ngumisi ang binata at lumabas ang naninilaw niyang mga ngipin. "About time," aniya. "Nag-confess na ba ang Don ng kanyang mga kasalanan? Kanyang pagkakamali?"

Humakbang palapit si Don Carlos.

"Give me back my son!" sigaw niya. "Binabawi ko na'ng sinabi ko! I take it back!"

"May kasunduan tayo, Carlos. We have a deal," sabi ng dimonyo. "Pinapili kita kung si Lucas o si Miguel. A deal is a deal."

"Then I take it back!" sabi ng Don.

May na-realize si Jules.

"Kung may kasunduan na pala kayo, bakit mo pa kinukuha ngayon si Miguel?" tanong ng parapsychologist.

"Oo nga! Bakit mo pinossess si Miguel?" sumbat ni Hannah. "Kung hindi naman pala kasama sa deal n'yo?"

"Kapalaran na ng kambal ang mamatay," umpisa ni Satanas. "Iyon ang kanilang fate. Na itinakda ng sino pa kundi ng Diyos n'yo. Kung hindi sa akin..." at tumingin siya sa Doña. "...ay namatay na sila sa sinapupunan mo palang. Binuhay ko sila. Binigyan ko ng magkahiwalay na atay," at tumingin naman sa Don. "Binigyan kita ng milagro, Carlos. Pasalamat ka sa grasyang ibinigay ko."

"Blessing? You call this a blessing?!" galit na sabi ni Don Carlos.

Pero alam ni Jules na pawang mga katotohanan ang sinabi ni Satanas. Ang kaso ng mga conjoined twins ay napaka-rare, only 1 out of 50,000 pregnanices, at may mababang mortality rate. Sa kaso nina Miguel at Lucas, 28 percent ang namamatay in utero, 58 percent after ng kapanakan at 18 percent sa mga ito ang namamatay within 24 hours. Mahirap mang tanggapin, pero sa tulong nga ng kapangyarihan ni Satanas ay nag-survive ang dalawa. Nguni't, mapaglinlang ang dimonyo, sa katotohanang isiniwalat niya'y may kasamang kasinungalingan.

"Hindi pa rin iyon rason para angkinin mo si Miguel," sabi ni Father Markus.

"Bingi ka ba, Father?" sabi ng dimonyo. "Iisa lang ang fate nina Miguel at Lucas. Sa madaling salita, kung ibinigay mo sa akin ang kaluluwa ni Lucas, ibig sabihin ay sa akin din ang kaluluwa ni Miguel. Buy one take one." At tumawa ng malakas ang dimonyo.

Pumutok sa galit si Father Markus."Hindi sila mga bagay! Hindi sila mga laruan na binibili mo lang ang kaluluwa!" sigaw niya.

"Ah...d'yan ka nagkakamali, Father. Lahat ng ito'y laro lamang," sabi ni Satanas. "Pinaglalaruan na kayo ng Diyos simula pa lang nang nilika niya kayo. Ang buong kasaysayan ng mundo, ng tao ay isang laro at siya ang nagtakda ng mga rules. Kinagat n'yo ang mga patibong na nilagay niya. Kinain nina Adan at Eba ang prutas. Siya ang nagdala sa inyo ng sakuna, ng sakit, ng cancer, ng giyera. Mga piyesa lang kayo at siya ang nagro-roll ng dice. Tinitignan niya kung hanggang saan kayo tatagal. Kung sino ang aayaw. Kung sino ang mananatili sa laro. At kapag nagsasawa na siya ay isinasama niya ako sa kanyang game."

Huminto saglit si Satanas para tignan ang mga reaksyon nila. Walang makapagsalita.

"Ngayon, tatanungin ko kayo," ngiti ni Satanas. "Nag-eenjoy ba kayo?"

Hindi na nakapagtimpi si Father Markus at kanyang inilabas ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz at kanyang itinapat ito kay Miguel. Nguni't tulad ng dati, bago magapi ng kapangyarihan nito si Satanas, ay bigla na lamang siyang naglaho sa katawan ni Miguel.

Nagsilabasan sila ng kuwarto na mga talunan.

Nagpaalam sina Father Markus, Jules, at Hannah sa mag-asawang Villaromano at nangakong babalik matapos ang gagawin nilang raid sa kuta ng mga Satanista. Pagabi na at inabutan na sila ng traffic sa Makati. Napagdesisyunan nilang magpalipas muna ng oras at nagtungo ng Starbucks. Sa labas na veranda sila naupo. Ang ibang mga mesa ay okupado ng mga teenagers na pulos busy sa kani-kanilang mga cellphones na hindi na sila halos nag-uusap. Maliwanag ang Starbucks sa makukulay na Christmas lights. May ambient music na tumutugtog. Karamihan sa mga customers ay galing sa pagsho-shopping, katabi nila ang mga pinamiling mga regalo.

Kapuwa umorder sina Jules at Hannah ng Frapuccino. Si Father Markus ang paborito niyang Caramel Macchiato.

"Well, natakasan na naman tayo," sabi ni Jules habang humigop ng kape.

"At least nasagot ang tanong kung bakit pinossess ni Satan si Miguel," sabi ni Hannah. "Nakuha na niya si Lucas, pero gusto pa niyang makuha si Miguel! Mukhang may fascination lang siya sa identical twins."

And with that, biglang may na-realize si Jules at napapitik ng daliri. "That's it!" aniya.

"Ha?" Anong that's ano?" pagtataka ni Hannah.

"Go, Jules, anong iniisip mo?" tanong ni Father Markus, alam niyang may naglalarog teorya sa isipan ng parapsychologist.

At sa sumunod na pangungusap ng parapsychologist ay napaigtad sina Father Markus at Hannah. Tinignan sila ni Jules at sinabi:

"Kungidentical twins sila. May possibility na hindi possessed si Miguel!"


NEXT CHAPTER: "The Twin Enigma"

Continue Reading

You'll Also Like

30.6K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
71K 2.6K 51
[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of November 2017 in Historical Fiction! Check thi...
2.7M 53.5K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
659K 25.6K 52
The Watty Awards 2020 Winner Paranormal Category #1 in Paranormal 11/17/18 #5 in Thriller 12/05/18 🌟UPG Trilogy Book 2🌟 There are tons of unsolved...