Ang True Love Ni Bebeng

By WRITING_LOVE_STORY

42.7K 1.5K 108

"MARRY ME AND BE MY WIFE" Parang biglang tumigil sa pag inog ang mundo ni GENEVIE LOVE MASANGCAY or bebeng fo... More

Mga Cast & Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100 (THE LAST PART)

CHAPTER 80

335 12 4
By WRITING_LOVE_STORY

BEBENG...

"Baby, im so sorry pero hindi tayo matutuloy ngayon. medyo hindi okay ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko. i guess tinamaan ako ng lamig kagabi ng abutan tayo ng malakas na ulan nung nasa bubong niyo tayo. again, i am so sorry.. mamaya siguro kapag medyo okay nako. pupuntahan kita diyan sa inyo okay.. i love you... RED :)"

Basa ko sa text message sakin ni Red ngayong umaga at sumama na pala ang pakiramdam nito ngayon dahil sa nangyari kagabi. sayang naman yung araw na makakapamasyal sana kami nito ngayon pero mas makakabuti siguro dito ang magpahinga nalang muna kaysa ang lumalala pa ito kung ipipilit namin ang mamasyal ngayon kahit masama ang pakiramdam niya.

"oh insan anong oras uli kayo magkikita ni Red ngayon ha?"

tanong ng pinsan kong si kulas ngayong itinuloy ko uli ang pagliligpit ng mga pinagkainan namin ng almusal pagkatapos kong basahin ang sms ni Red sakin.

"hindi kami matutuloy ni Red sa lakad namin ngayon. masama daw ang pakiramdam niya. baka nalamigan siya kagabi kasi diba nga inabot kami ng ulan sa labas at nabasa kami pareho"

"ahhh ganun ba.. tsk sayang naman yung araw niyo sana ngayon oh. diba tatlong araw lang silang mag-i-stay dito satin.. sayang hindi kayo makakapasyal ngayon"

iiling iling na sabi ni kulas at maging ako e nanghihinayang din sa araw na makakapamasyal sana kami ni Red kung hindi lang sana siya nagkasakit.

"yan nga din ang iniisip ko e. sayang yung araw na makakapasyal sana kami ni Red ngayon. di bale marami pa naman kaming pagkakataon para mamasyal"

sabi ko nalang kahit medyo malungkot ako na hindi kami matutuloy sa lakad namin ni Red. sa isang banda nag-wo-worry din naman ako sa kaniya. nagkasakit pa tuloy siya dahil sa stargazing namin nito at nangyari kagabi.

"oo nga marami pa naman kayong pagkakataon insan para mamasyal ni Red. hayaan mo nalang siyang magpahinga sa ngayon. malay mo naman bukas okay na siya, diba"

sang-ayon ni kulas sa aking sinabi at tatango tangao nalang ako.

"so ano ang balak mo ngayon? ngayong masama pala ang pakiramdam niyang fiance mo. ano ang usapan niyo ni Red? bukas nalang uli kayo magkikita o----"

"ang balak ko pupuntahan ko nalang siya ngayon sa tinutuluyan nilang hotel ng lola at ate alex niya.. siyempre gusto ko din naman makamusta ang kalagayan niya ng personal saka para maalagaan na din siya"

"naks naman oh, ang sweet sweet lang talaga niyang fiance.. oh siya tapusin mo na yang mga nililigpit mo kung ganun para makaalis kana at maalagaan mo na yug honey my love so sweet mo"

nangingiti-ngiting panunudyo sakin ni kulas at binilisan ko na nga ang pagliligpit ng mga pinagkainan namin para mapuntahan ko na si Red.

MAKALIPAS ANG MGA ILANG SANDALI...

"Room 508, 508, nasaan kaya siya?"

sambit ko habang hinahanap ko ang kuwartong okupado nila Red, ng lola nito at ng kapatid nitong si ate alex sa hotel na kanilang tinutuluyan.

"Room 508, nasaan na kaya? tama ba itong floor na pinuntahan ko? nasa fifth floor ba ako?"

patuloy ko at medyo duda kong sambit habang hinahanap ko pa din ang kuwarto nila Red.

"ay bossing puwede hong magtanong? yung room 508 nasaan po siya?"

maya-maya ay tanong ko sa lalaking mukhang staff ng hotel na nakasalubong ko at itinuro nga nito sakin kung saan yung way papunta ng Room nila Red.

"haaay kaya naman pala parang nawawala ako. nagkamali ako ng nilusutan. oh siya maraming salamat po boss. sige ho have a good day, thank you ulit"

pasasalamat ko sa huli sa lalaki at tinungo ko na nga ang tamang way papunta ng kuwarto nila Red. makalipas pa ang ilang sandali nahanap ko din sa wakas ang kuwarto nila Red at nasa tapat na nga ako ngayon ng pintuan niyon. kumatok ako dun ng mga ilang beses.

"oh hi Bebeng ikaw pala, good morning!"

magiliw na sambit ni ate alex ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng kuwarto nilang mag-lo-lola.

"good morning din ate alex. si--- Red kamusta na siya?"

bati ko din dito at sa huli ay hanap ko sa kapatid nito.

"ah nandito siya sa loob, sa kama niya at nakahiga pa din siya hanggang ngayon. halika pasok ka bebeng.."

anyaya sakin ng ate ni Red sa huli at nakita ko ngang nakahiga pa din si Red sa kama at mukhang nakatulog uli ito. binati ko din ng good morning ang lola ng magkapatid at kinamusta ko din ang kalagayan ng matanda.

"heto kahit paano ayos lang hija salmat. hetong si Red mukhang hindi ayos ngayon, may lagnat at masama ang pakiramdam. mukha yatang pinasukan nga siya ng lamig dahil sa naabutan daw kayo sa labas ng ulan at basang basa kayong dalawa kagabi"

"ah e oo nga ho lola naabutan kami sa labas ni Red ng malakas na ulan kagabi. naisipan ho kasi namin ang mag-star gazing sa may bubong ng bahay namin. naabutan kami ng ulan doon at dahil sa medyo mahirap ang bumaba sa ladder at baka mahulog kami. medyo natagalan kami sa pagbaba kaya hayun basang-basa talaga kami"

salaysay ko sa nangyari samin ni Red kagabi at tatango-tango naman ang matanda.

"medyo mahina ang resistensya niyang kapatid kong si Red sa ulan. bata pa lang siya ganyan na yan. basta kapag naulanan agad agad nagkakalagnat at sumasama ang pakiramdam. kanina nga e paggising niya dumadaing siya na masakit ang ulo niya saka yun nga medyo mataas ngayon ang lagnat niya. gusto sana aniya ang lumabas kayo pero hindi naman niya kaya dahil sa nararamdaman niya ngayon. tignan mo nakatulog uli dahil sa sakit ng ulo at lagnat. nga pala nabanggit niya samin ni lola na nag-text daw siya sayo kanina? sinabi niyang hindi nga kayo matutuloy ngayon sa lakad ninyo?"

"ah oo ate alex na-text na nga niya ako kanina. nagpunta ako dito kasi gusto ko sanang kamustahin ng personal ang kalagayan niya saka----"

"saka siyempre gusto mo siyang alagaan diba"

dugtong ni ate alex sa sasabihin ko pa sana at nahihiyang tumango naman ako. napapangiti nalang ang matanda at maging ang kapatid ni Red e mukhang nanunudyo uli ang tingin nito sakin.

"since--- hindi kayo matutuloy ni Red sa lakad niyo ngayon at dahil sa may lagnat nga siya at gusto mo siyang alagaan.. mabuti pa aalis na muna kami ni lola at maiwanan na muna namin kayo ni Red"

paalam ni ate alex at medyo parang nag-alangan naman ako na aalis pa ang mga ito para lang samin ni Red.

"ha aalis kayo? naku ate alex, lola okay lang naman ho kahit nandito kayo e saka isa pa lola baka masama ang pakiramdam ninyo"

alanaganin ang hitsura kong saad sa mag-lola at sinabi ko sa dalawa na hindi naman nila kailangan ang umalis.

"hija ayos lang yun.. siyempre gusto din naman namin ng ate alex mo na masolo mo si Red. sige na bebeng huwag mo akong intindihin, ayos lang ako"

giit pa sakin ng matanda na sinegundahan naman ni ate alex.

"oo nga bebeng huwag ka ng mag-worry samin ni lola kasi okay lang siya saka isa pa diyan lang naman kami sa may parke na malapit diyan. doon na muna kami tatambay ni lola para alam mo na---- para makasagap din siya ng fresh air at para makapaglakad lakad na din. kailangan din kasi ni lola ang maglakad-lakad kaya okay lang talaga, dont worry"

"g-ganun ba? sigurado kayo ate alex? lola, sure po ba talaga kayong ayos lang kayo?"

medyo hindi pa din convince na tanong ko at sinigurado naman sakin ng mag-lola na okay lang talaga sila at aalis na nga lang muna silang dalawa. maya-maya pa umalis na nga si ate alex kasama ang matanda at kami nalang ni Red ang natira ngayon sa kanilang kuwarto.

sinalat ko ang noo ni Red. mainit nga ito at mukhang mataas nga talaga ang lagnat nito ngayon. kinuha ko ang thermometer na sinadya kong dalhin at nasa loob ng bag ko. ginamit ko yun para i-tsek kung gaano kataas ang lagnat ni Red at maya-maya nakita kong nasa 38.7 ang lagnat nito. inayos ko ang kumot ni Red. pagkatapos niyon nagtungo ako ng banyo para kumuha ng basang bimpo na siyang gagamitin ko naman para ilagay sa noo nito. ng matapos ko na nga ding gawin yun, dahan dahan kong binanyusan ng bimpo sa kaniyang noo at leeg si Red. maging sa mga kamay nito.

"bebeng----"

ungol ni Red sa pangalan ko at napangiwi nalang ako dahil mukhang nagising ko pa yata ito dahil sa ginagawa ko. tinigilan ko ang gingawa kong pagbabanyos sa kaniya. inilagay ko nalang ang basang bimpo sa noo nito at hinayaan ko siyang makatulog uli ng maayos.

ngunit sadyang nagising ko na nga talaga si Red dahil nagmulat ito ng mga mata at mukhang nagtaka siya ng makita niya ako.

"B-baby anong ginagawa mo dito?"

nagtatakang tanong ni Red sakin.

"ah nandito ako para kamustahin ang kalagayan mo saka alam mo na--- para alagaan ka"

sagot ko at umungol naman si Red sabay dumaing na masakit ang ulo nito.

"shit, ang sakit ng ulo ko.."

sambit ni Red at akmang babangon sana siya, agad ko naman siyang pinigilan.

"huwag ka ng tumayo.. magpahinga kana lang okay"

"pero bebeng nakakahiya naman at nakahiga ako ngayon dito tapos ikaw----"

"huwag mo akong intindihin. nagpunta ako dito para ako ang magaalaga sayo hindi yung ikaw ang aasikaso sakin.. sige na magpahinga kana lang, mahiga ka at sa araw na ito aalagaan kita okay.."

pamimilit ko kay Red at napaungol nalang uli ito dahil sa sama ng kaniyang pakiramdam at sa sakit ng ulo.

"pasensiya kana bebeng kung hindi tayo natuloy sa lakad natin ngayon ha. masamang masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon"

hinging paumanhin ni Red habang nakapikit lang uli ito ng mga mata at base sa nakikita ko mukhang masamang masama nga talaga ang pakiramdam niya.

"ayos lang sakin yun. naiintindihan ko. marami pa naman tayong pagkakataon para makapamasyal, diba"

sabi ko nalang at hinaplusan ko uli ng basang bimpo ang noo ni Red, leeg niya saka ang mga kamay nito.

"alam ko naman na may mga pagkakataon pa tayo para lumabas kaso sayang lang talaga yung araw sana natin ngayon.. ughh kung bakit ba naman kasi ngayon pa ako nagkasakit kung kailan magkasama tayo saka mamamasyal uli tayo"

"alam mo huwag mo na ngang sisihin pa ang sarili mo.. ayos lang talaga sakin kahit na hindi tayo nakalabas ngayon.. ang intindihin nalang muna natin sa ngayon e yang sarili mo. kailangan mong magpagaling.. siya nga pala uminom kana ba ng gamot ha? may mga dala akong gamot dito. nasa loob ng bag ko"

"hindi pa.. wala akong dalang gamot e.. kahit sina ate at lola wala din---"

"ha e di ang ibig mong sabihin kahit isang gamot para sa sakit ng ulo at para sa lagnat mo hindi kapa umiinom mula kanina?"

worried kong tanong at umungol naman uli si Red at sinabing hindi pa nga siya nakakainom ng kahit na anong gamot para sa sakit ng kaniyang ulo at lagnat mula pa kanina.

"naku e mabuti nalang may dala akong gamot ngayon dito. sandali kukunin ko at paiinumin kita. pero teka---- kumain kana ba ng almusal ha?"

"hindi pa"

"kahit almusal hindi din? e paano ka iinom ng gamot niyan kung walang laman yang tiyan mo? sandali bababa ako, lalabas ako sandali. diyan sa may tapat ng hotel na 'to may karinderya.. bibili ako ng sopas. kainin mo yun ha---"

"huwag na bebeng please saka isa pa wala din naman akong ganang kumain ngayon e"

tanggi ni Red ngunit hindi ako pumayag sa gusto nito.

"alam ko at naiintindihan ko na wala kang ganang kumain ngayon pero kailangan mo pa din ang kumain at kailangan mong lagyan ng laman yang tiyan mo bago ka uminom ng gamot.. sandaling-sandali lang talaga ako. wait ka lang dito ha..."

giit ko kay red at akmang aalis na sana ako para bumili saglit sa karinderya ng sopas na kakainin nito. maagap naman akong pinigilan ni Red sa braso ko.

"huwag ka ng umalis bebeng. dito kana lang"

pigil uli ni Red sakin.

"Red huwag na ngang matigas yang ulo mo. kailangan mo ang kumain para makainom ka ng gamot, naiintindihan mo"

"alam ko pero---- huwag ka ng lumabas.. o-order nalang ako dito sa hotel ng makakain"

giit ni Red sakin at kinuha nito sa bedside table ang telepono ng hotel para umorder na nga ng makakain. nag-request si Red ng pagkain sa taong kausap niya sa kabilang linya na malamang ay staff ng naturang hotel. ng matapos ito sa pakikipagusap at ng maibaba na niya ang telepono. hinila ako ni Red pahiga din sa kaniyang tabi. hinapit ako nito sa aking baywang at niyakap niya 'ko.

"ugh bebeng, alam mo bang torture sakin ang katabi kita ngayon at naaamoy ko yang baby cologne na gamit mo.. kung alam mo lang gustong-gusto kitang halikan pero sa ngayon hindi na muna kasi baka mahawa ka sakin. siguro bukas kapag okay nako, humanda ka talaga sakin at sigurado, malalamog yang labi mo"

kunway banta pa ni Red ngayong yakap ako nito at pilyo itong ngumiti sakin.

"alam mo ikaw may sakit kana nga at masama ang pakiramdam mo. kung anu-ano pa ang sinasabi mo. saka isa pa, ayaw mo pala akong mahawa sayo e bakit mo ako niyayakap?"

"e bakit ka din nagpunta dito kung alam mong may posibilidad na mahahawa ka nga sakin, ha?"

balik tanong ni Red at kahit masakit ang ulo nito. nagawa pa nito ang bumungisngis sakin at ngumiti ng pilyo.

"e kasi nga po nagaalala ako sa inyo kamahalan. siyempre gusto ko din naman kayong alagaan saka para makita na din. tatlong araw lang tayong magkakasama at ayokong masayang ang tatlong araw nating yun"

katuwiran ko at tatango-tango naman si Red sakin.

"aaahh so yun pala ang dahilan mo.. okay.. sabi mo e"

sabi nalang ni Red at maya-maya pa dumating na nga ang inorder nitong pagkain kanina. nagpasalamat kami pareho ni Red sa taong nagdala at naghatid ng pagkain nito. ilang sandali pa ay kumakain na si Red at sinusubuan ko ito.

"ayoko na bebeng, tama na. pakiramdam ko isusuka ko lang yang pagkain"

tanggi ni Red ng akmang susubuan ko pa sana uli siya ng pagkaing inorder nito kanina.

"ha ayaw mo na agad? e wala pa nga yatang sampung subo ang nakakain mo, quit kana?"

"ayoko na talaga.. kung ipipilit mo sakin na ipakain yan. malamang baka maisuka ko lang lahat yung mga isinubo mo sakin kanina"

tanggi pa din ni Red at wala akong nagawa kundi ang huwag na nga itong pilitin na kumain dahil baka maisuka nga lang niya yung mga isinubo ko kanina. kinuha ko ang gamot para sa sakit ng ulo at lagnat nito na nasa bag ko. pinainom ko yun kay Red at kapagkuwan, muli ay nahiga ito.

"thank you sa pagaalaga mo sakin ha.. dapat ako ang nagaalaga sayo, hindi yung ikaw ang nagaalaga sakin"

sabi ni Red habang pahapyaw-hapyaw kong binabanyusan uli ang leeg at noo nito.

"ayos lang yun saka isa pa bakit naman ako ang aalagaan mo e okay na okay naman ako ngayon. ikaw ang may sakit kaya ako ang magaalaga sayo.. sige na magpahinga kana. umidlip kana at dito lang ako hanggang sa muling paggising mo, promise"

"promise? kahit matagalan bago ako magising hihintayin mo ako at hindi ka aalis?"

ulit ni Red at marahan naman akong tumango dito.

"pangako dito lang ako hanggang sa paggising mo, hindi kita iiwan at aalagaan kita ngayon"

nangangako kong saad kay Red at marahan din naman nitong hinaplos ang isang pisngi ko bago nito ipinikit ang mga mata para matulog uli.

"I love you bebeng... mahal na mahal kita"

sambit pa ni Red ngayong nakapikit na uli ang mga mata nito at nakayakap ang isang kamay nito sa baywang ko.

"mahal na mahal din kita Red.. sige lang pahinga kana muna.. dito lang ako at babantayan kita"

sabi ko din dito at maya-maya pa nakatulog na nga uli si Red base sa mahinang paghilik nito.

MAKALIPAS ULI ANG ILANG SANDALI....

Habang mahimbing pa din ang tulog ni Red, nagbabasa nalang muna ako ng dala kong libro na regalo sakin ni jake nung birthday ko. habang kinikilig sa aking binabasa, maya-maya narinig ko nalang na tumunog ang cellphone ni RED. agad kong kinuha yun para i-silent at para huwag magising si Red ngunit nasorpresa nalang ako at gusto ko din ang mainis ng makita kong si AUDREY uli ang tumatawag sa fiance ko.

"nakakainis ang babae na 'to ha, malandi talaga. may fiance na nga si Red tumatawag pa din talaga siya, haaay!"

mahinang usal at naiinis kong sambit sabay ikinansel ko ang tawag ni audrey. makalipas ang ilang segundo muling nag-ring yun at katulad kanina ikinansel ko uli yun dahil si audrey pa din ang tumatawag. sa ikatlong beses, may dumating na sms si Red at galing din yun kay audrey. masama man ang magbasa ng hindi sayo at ang mangilam, napilitan akong basahin yun ng lingid sa kaalaman ni Red.

"Red, alam kong ayaw mo na akong makausap pa pero utang na loob kahit ngayon lang sagutin mo ang tawag ko. may importante akong sasabihin sayo.. AUDREY... "

basa ko sa text message ni audrey kay Red at ibig ko nalang ang manggalaiti dahil sa mensahe ng babaing ex-fubu ng fiance ko.

muli ay nag-ring ang cellphone ni Red at tulad kanina si AUDREY pa din ang tumatawg. this time hindi ko na kinansel ang tawag nito. lumabas ako ng kuwarto at nagtungo ako sa may balcony para kausapin ang makulit at malanding babae.

"Hello---"

sambit ko ng sagutin ko ang tawag ni audrey.

"Hello--- uhmm wait, ikaw ba yan Red?"

medyo alanganin ang boses na tanong ng malanding babae sa kabilang linya.

"hindi.. hindi si Red ito.. ako ito si bebeng.. yung fiance nung lalaking palagi mong kinukulit at tinatawagan. bakit ba ang kulit kulit mo at ayaw mo siyang tantanan?"

agad kong sambit kay audrey na nasa kabilang linya at mga ilang segundo din itong natahimik bago siya nakasagot sakin.

"well, im sorry.. may importante lang kasi akong sasabihin diyan sa fiance mo kaya ako tumatawag ngayon"

medyo pormal ang boses na sabi ni audrey sakin.

"ah talaga may importante kang sasahihin sa kaniya.. sa araw araw na kinukulit mo siya at tinatawagan. palagi nalang bang importante yung sasabihin mo sa kaniya? huwag mo akong lokohin. alam ko kung bakit ka tumatawag kay Red. puwede ba tigilan mo na siya kasi kahit ano pa ang gawin mo wala ka ng magagawa pa at magpapakasal na kaming dalawa. maghanap kana lang ng ibang lalaki na puwede mong landiin puwede at huwag si Red"

hindi ko napigilan ang sarili na sabihin dito at narinig ko naman ang marahas na pagbuntong hininga ni audrey sa kabilang linya.

"look, hindi ako tumawag kay Red para landiin siya na sinasabi mo okay. tumatawag ako sa kaniya kasi may importante akong sasabihin at kung maari sana, gusto ko siya ang unang makakaalam niyon at hindi ikaw"

"hindi ako? aba bakit? sa tingin mo gusto ko din bang malaman yang sasabihin mo sa fiance ko? alam mo audrey tigilan mo na siya okay.. tumigil kana at uulitin ko sayo maghanap kana lang ng ibang lalaki na puwede mong gawing boyfriend kasi si Red taken na siya, pagma-may-ari na siya ng iba at ako yun, gets mo?"

"alam ko at hindi ko nakakalimutan yun bebeng. tumawag lang talaga ako ngayon kasi gusto ko lang ipaalam diyan sa fiance mo ang importante kong sasabihin at dapat niyang malaman yun"

"alam mo paulit ulit kana lang e. kung ano man yang sasabihin mo na importante na yan. for sure hindi interesado si Red diyan okay"

"ah talaga hindi siya interasado? paano ka nakakasigurado bebeng na hindi magiging interasado si Red sa importante kong sasabihin ngayon sa kaniya ha? paano kung sabihin ko sayo ngayong BUNTIS ako at si Red ang ama? sasabihin mo pa din ba saking hindi interasado yang fiance mo na yan sa anak niya sakin ha?"

parang bombang sumabog sa pandinig ko ang huling sinabi ni audrey.. biglang nanikip ang dibdib ko at hindi ako makaimik agad dito dahil sa sobrang nakakagulat na rebelasyon nitong yun sakin. si Red? ang lalaking mahal ko at mapapangasawa ko e magkakaanak na kay AUDREY?!

"so ano bebeng natahimik ka? nagulat ka sa pasabog ko, right? hindi mo inaasahan na ang lalaking mahal mo at sinasabi mong fiance mo e magkakaanak na sakin. look, pakisabi nalang kay Red na magiging DADDY na siya okay.. sabihin mo din sa kaniya na kailangan naming pagusapan ang tungkol sa anak naming dalawa ASAP. yun lang bebeng, maraming salamat and oh enjoy your day nalang with your FIANCE!"

may halong nangiinis pang sambit ni audrey sa huli at nawala na nga ito sa kabilang linya. hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon? gusto ko ang magalit, magwala, malungkot at lalo na ang sumama ang loob dahil sa nalaman ko. kung magkakaanak na si Red kay AUDREY. paano na kaming dalawa?

sa huli kong naisip. mabilis na umagos ang mga luha sa mga mata ko at parang sasabog ang dibdib ko dahil sa halo halong emosyon kong nararamdaman ngayon at sa nalaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...