Signs Of Love (Buenaventura S...

נכתב על ידי Ineryss

4.9M 142K 20.3K

Alyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae... עוד

Signs Of Love
Prologue.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 33

66.1K 1.8K 317
נכתב על ידי Ineryss

Signs of Love

Blame

Ano ulit iyon?" I laughed bitterly. Na biro lang iyong narinig ko. Na hindi iyon totoo. Na gawa lamang iyon ng malakas na ulan kaya hindi ko siya gaanong marinig.

"I am the owner of this place, lahat ng natatanaw ng iyong mga mata ay pagmamay-ari ko na Aly. Kahit ang lupain, ang resthouse. Ang tinatayuan mo. Akin," mariin niyang sabi.

"I am the owner," ulit niya sa mas malinaw na boses.

Namutla ako. Ang lamig na gawa ng buhos ng malakas na ulan ay mas naramdaman ko sa aking loob. Para iyong pumasok sa aking sistema at sinasalakay ako. Ba't hindi man lang ito nabanggit ni Tita sa akin? Hindi niya sinabi sa aking binili pala ni Uno ang lupain? Kaya ba ayaw niyang tanggapin ang pera ko?

I stared at him with hatred. Namumuo ang galit sa akin at gusto ko nalang siyang sampalin dahil sa pagdedesisyon niya habang wala ako.

"Binili mo ang lupain? Ang lupain ni Lola?!" I said with so much anger.

Hindi siya sumagot. Tanging pagtitig lamang ang nakuha ko sa kanya. Ang mga mata nitong walang kislap at ang madilim niyang ekspresyon. Ang kabuuan niyang sumisigaw sa katikasan. Na hindi lamang ako ang hinubog ng nagdaang taon kundi pati siya. He was a pure ruthless man now. Kung noon ay namamangha ako sa kanya, ngayon ay mas trumiple pa ata. Pero iyong galit sa puso ko, iyong ginawa niyang pagtraydor sa akin!

"Sinabi ko na sayo na ako ang bibili!" sigaw ko. Nabitiwan ko na ang aking dalang payong para mas matitigan siya. Mas matingala ito at mas maipamukha sa kanya ang galit ko.

Napunta sandali ang tingin niya sa payong na nalaglag. Pinulot niya iyon at nag-akmang payungan ako pero itinulak ko siya gamit ang dalawa kong kamay. Para akong nakahawak sa isang mainit na mantika kaya ngayon ay may dinaramdam na akong masakit na pagkapaso ko. May masakit sa akin at hindi ko lubos mapunto kung ba't sobrang nasasaktan ako.

"I bought it for myself. Not for you. Huwag mong lagyan ng malisya ang pinaggagawa ko," seryoso niyang sagot, wala paring emosyon sa loob.

Tiningnan ko siya na may pagkadisgusto. Ngayon ay nakuha na ni Tita Felicita ang gusto niya. Sa loob ng mahigit limang taon, maraming nangyari. Hindi lang sa pisikal niyang itsura kundi sa buhay niya. Apat na taon ang agwat niyo sa isa't isa, Aly! Lalake siya. May pangagailangan. At siguro ay nababagot na siya sa kanyang buhay kaya mas pinili niyang maitali nalang.

"Gumaganti ka ba? Dahil sa ginawa ko sa 'yo noon?" Halos pabulong ko nalang. Na sana ay mali ako ng iniisip ko. Na sana ay siya parin iyong Uno na kilala ko. But seeing his dark expression burned me to death. Para itong nakatayo sa harapan ko ngunit hindi ko na makilala ng husto. Na iyong itsura nalang ang pamilyar sa akin, iyon nalang ang kilala ko sa kanya. Na kahit iyon ay nagbago narin.

"Gumaganti ka dahil sa ginawa ko sa'yo kaya ngayon itong lupain ni Lola ang ipinagkakait mo sa akin dahil sa pinagkait ko sayo noon!"

He chuckled evilly but there's no humor on it. "That was before, Aly. Do you think I'm too shallow? Nasa murang edad ka palang noon. You don't even know the word love. Wala akong mapaggastuhan ng aking pera kaya binili ko nalang total inaalok rin sa akin ng iyong Tita. What's wrong with that?"

I look at him unbelievably. Nagugulantang ako sa lumalabas sa kanyang bibig. Nasasaktan sa pinagsasabi niya.

"Bibilhin ko sa 'yo ito. Sa amin ito, Uno! Kay Lola!"

His brow raised with so much hate. "Gaano na ba kataas ang narating mo at mukhang may maipagmamalaki kana ngayon?"

"Magkano? Bibilhin ko." Deklara ko, binabalewala ang sinasabi niya.

"Really, Aly?" He leered.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa sobrang galit at sa luhang namumuo sa aking mga mata. He changed. Hindi na ito ang Uno na nakilala ko. Well maybe, he changed because he's married now. Binili niya ang lupain para sa kanyang sarili at para mapakasalan ang pinsan ko. You really deserved my clap right now Uno. Ang sarap mong palakpakan sa mukha.

"Magkano?" Mas matigas kong deklara.

"Sampong milyon."

Napaawang ang aking bibig. Ang luhang namumuo sa aking mga mata ay mas lalong rumarami. Lumalabo iyon. Anong nangyari sa dating Uno? Dahil ba sa pananakit ko sa kanya? Dahil sa pagpapamukha ko na wala akong nararamdaman para sa kanya?

"How can you be so cruel? Kalahating milyon lang iyong ipinangako ko kay Tita!" I cried with so much anger. Hindi na nagiging halata ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata dahil sa ulang bumubuhos sa akin.

"Mahigit limang taon ang lumipas Aly. Inalagaan ko ang lupain, pinalago. Hindi naman pwedeng ibigay ko nalang iyon basta basta. Bakit, kaano ano ba kita?" He said with so much cruelty.

Naiwang nakaawang ang aking bibig sa ere. Gusto ko siyang sampalin sa sobrang galit. Gusto ko siyang saktan. Oo nga naman, kaano ano ka ba niya Aly? Katulad ng nangyari noon, naging parte ka lang ng mga babaeng nagawa niyang paglaruan. Nagawa niyang paikutin sa kanyang mga palad at nagawang paniwalain na totoo lahat ng pinapakita niya. Pero ngayon, lahat ng iyon ay nagiging malabo na sa akin. Lahat ng iyon ay parang isang kathang isip lamang sa isang libro. Na wala naman talagang ganoong lalake.

"Wala akong sampong milyon, Uno!" diin kong sabi nang mapunto ko siya.

"Umalis ka para may mapatunayan. Ngayon, bumalik na pero para ano? Ipamukha na hanggang ngayon ay wala ka rin namang napala?"

His words were like bullets. Tumama iyon ng malalim sa akin. Pinapamukha niyang mas mataas parin ang kanyang narating. Na walang wala ako sa kanya at kaya niyang manipulahin ang isang bagay dahil mas marami siyang pera kumpara sa akin. Mas makapangyarihan kumpara sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Gusto kong magsalita pero wala rin naman akong masabi. Naiyak nalang ako. Tinititigan ko ang mukha niyang walang kaemo-emosyon. Ang lalaking nakilala ko noon, nakukuhang ngumiti ng maliwanag, nakukuha akong halikan. Ang lalaking pinangakuan ako ng marami, pero ba't parang lahat ng iyon ay parte lamang ng isang maganda kong panaginip? Na ngayon ay gising na gising na ako at sinasampal na ako ng katotohanan na reyalidad ito at hindi siya iyong Uno na nakilala ko.

"Wala kang pera?" tanong niyang muli pagkatapos ng ilang sigundong katahimikan.

"Kulang ang p-pera ko." Sinubukan kong hindi mabasag ang aking boses at mahalata niyang umiiyak ako.

"Then work for it. Work for me."

Nagkasalubong ang aking kilay sa naging desisyon ni Uno. Nilingon niya iyong driver na nasa veranda parin at mukhang nanonood lamang sa amin. Sa malakas na buhos ng ulan, malabong narinig niya ang pinag-uusapan namin.

Nagpaalam itong umalis na. Ngumiti ako ng pilit lalo na't bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala. Kung ba't ako nagpapakabasa sa gitna ng ulan. Pinakiusapan ko nalang ito na sana ay hindi na makarating kay Addi ang mga nakita niya.

Pinanood ko ang van na umaalis. Hindi na gaanong bumubuhos ang ulan pero wala paring tigil sa pagbuhos ang aking mga luha. Ngayon, paano ko babawiin ang lupain kung nakay Uno na ito? Siguro ay pinlano na nila itong dalawa ng pinsan ko.

"Let's get inside," sabi niya. Pasimple kong pinunasan ang aking pisngi lalo na nang naramdaman ko ang kanyang imahe sa aking likuran. Nakatutok na ulit sa akin ang payong.

Hindi ako sumagot sa kanya at naunang maglakad sa Resthouse. Deri-deritso akong pumasok pero natigil rin ako nang makita ko ang hindi pamilyar sa akin na loob. Marami nang nagbago. Para na iyong isang bahay kung saan may nakatirang isang masayang pamilya. May mga pinto akong naaninag sa gilid na mukhang kwarto ata. Sa gitna ay may dalawang malaking sofa at redcarpet.

"Nasan ang mga gamit ko?" Nilingon ko ito sa aking likuran. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Nag-angat siya ng tingin, nakaigting ang kanyang panga at parang may ikinakagalit.

"Nasa magiging kwarto. That second door beside my room." Nilingon niya iyong kwartong tinutukoy niya at nilingon akong muli.

Pinuntahan ko ang sinasabi niyang kwarto. Namamangha ako sa loob pero wala na akong panahong pagtuunan iyon ng pansin. Deri-deritso kong kinuha ang dalawa kong bagahe at hinila iyon palabas. Tuloy tuloy ang lakad ko. Ramdam ko ang titig sa akin ni Uno. Pero nang makarating ako sa pinto palabas ay nagulat nalang ako nang isinara niya iyon ng marahas.

"Where do you think you're going?" pagalit niyang tanong.

"Malamang, uuwi. Hindi na ito sa amin. Pagmamay-ari mo na ito." Sila ng asawa niya. Gusto ko iyong isaboses pero ayokong makaisip siya ng kung ano roon pag binanggit ko iyon. Hindi ko hinayaang traydurin ako ng mga luha ko at makita niyang nasasaktan ako sa katotohanan na may asawa na siya. Na kasal na siya.

Tumaas ang kilay niya. Mas nagiging malisyoso ang tingin niya sa akin.

"Kasama yan sa gusto ko. Magtatrabaho ka sa lupain, dito ka titira." deklara niya na parang may nakakalimutan.

Hindi ba magagalit ang pinsan ko?

"That's what I want. Kayang kaya kong sirain ang lupain Aly. Lalo na't nauumay na ako sa pagtatanim. Baka pag nagbago ang isip ko ay patayuan ko iyan ng mas mapapakinabangang business," dagdag niya at humalukipkip sa harapan ko. Nagawa pang sumandal sa pinto.

Nalaglag ang aking panga. Bumabalik sa akin ang sakit kung paano ipinamukha ni Tita sa akin na wala akong magagawa dahil hawak niya ang desisyon. Na anak siya at apo lamang ako. Pero sa oras na ito ay may halong galit akong nararamdaman para kay Uno. Nagpapasalamat ako ng malaki at hindi ako nagpauto sa mga binibitiwan niyang salita sa akin noon. Lahat iyon ay kasinungalingan lamang. Nachallenge lang talaga siya. Pero ngayon na wala na siyang nararamdaman sa akin ay ganyan na siya makitungo. Nagiging mas animal na.

Matalim ko siyang tiningnan. Nakipagsukatan ako sa mga mata niyang malalim. Pero nang unti unti iyong bumaba sa katawan ko ay napatingin narin ako sa aking sarili. Pinamulahan ako ng pisngi nang makita ang bra kong bakat na bakat sa puti kong suot na bistida. Magulo pa ang aking buhok at medyo basa parin.

Umirap ako sa kanya at tinalikuran siya pabalik sa aking kwarto. Halos itapon ko ang mga bagahe ko kung hindi lang talaga ito mabigat. Hinubad ko ang aking suot pagkatapos isara ng marahas ang pinto. Kulang nalang ay tawagin ko lahat ng demonyong kilala ko dahil sa galit na nararamdaman kay Uno. Kung alam ko lang na magiging ganito pala ay sana noong una palang ay hindi ko na hinayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanya. Siguro ay naiwasan ring atakihin sa puso si Lola at hindi nasira ang pangalan ko.

Isang puting bestida parin ang aking suot. Pagkatapos kong patuyuin ang aking buhok gamit ang blower ay lumabas rin ako. Hindi na ako nag-abalang ayusin ang mga gamit ko. Wala rin akong balak manatili rito ng matagal. Para pag naisipan kong umalis ay hindi na ako mahirapan sa pag-iimpake.

Nadatnan ko si Uno sa may pinto. Nakapagbihis na ito habang nakasandal sa nakabukas na pinto at nasa labas ang tingin. Hindi parin humuhupa ang ulan pero hindi na iyon gaanong malakas. Kalmado na itong tingnan.

Ilang sigundo akong nakatitig sa malapad na likod ni Uno. Bumabakat sa suot niyang puting damit ang biceps niya. May hawak siyang tasa at umiinom ata ng kape. Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

"Do you want some coffee?" tanong niya nang hindi man lang ako nililingin.

"Parte parin ba iyan ng trabaho ko?" sarkastiko kong tanong.

Hindi siya umimik pero naramdaman ko ang pagbuntong niya ng hininga.

"Kung gusto mo. Pero kung ayaw mo, hindi kita pipilitin," aniya, kalmado ang boses.

Napanguso ako at pumasok nalang ulit sa aking kwarto. Hinawi ko ang malaking kurtinang nakatakip sa bintana. Laking gulat ko na lamang nang bumungad sa akin ang maraming sunflower. Basa ang mga ito dahil sa ulan pero kahit hindi gaano maaraw ay naaaninag ko sila ng mabuti. Malalaki ang mga ito at sobrang ganda. Parang tinangay ng hangin ang galit na nararamdaman ko at napalitan ng panibagong emosyon.

Nagmamadali akong lumabas ng kwarto. Naroon parin ang pintong kumukonekta sa likod. Sa sobrang pagmamadali ko ay nakalimutan ko nang kasama ko si Uno at hindi na namin ito Resthouse. Sa kanya na ito.

Natigilan ako nang hawakan ko ang doorknob at akma na sana itong pipihitin. Dahan dahan kong nilingon si Uno. Ngayon ay nasa akin na siya nakaharap.

"Sa'yo pa rin ba ang likod?" tanong ko.

"Yeah..."

Napabusangot ako.

"But if you want to see it then go. May upuan diyan sa labas at pwede kang sumilong. Maulan parin," mungkahi niya na ikinatango ko nalang. Binuksan ko ito hanggang sa humampas sa akin ang malamig na hangin, singlamig ng pakikitungo ni Uno sa akin.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at hindi napigilang hindi mapangiti nang bumungad sa akin ang kabuuan. Para akong nasa isang magandang paraiso na tanging sunflower lamang ang naroroon. Tuluyan akong lumabas. Sa gilid ay may upuan nga at medyo nakakasilong parin. Napasinghap ako nang iginala ko na ang aking tingin. Kung hindi lang talaga maulan ay tumakbo na ako at isiniksik ang aking sarili sa naggagandahang sunflower.

"Ito ang naging bunga ng ginawa natin noon." Halos mapatalon ako sa boses ni Uno. Nilingon ko siya. Nakatayo siya sa may pinto at nakapamulsa. Naalala ko ang araw na iyon. Ang ngiti niya, ang pagtawa ko. Lahat ng magagandang alaala na akala ko ay naibaon niya na sa limot.

Hindi ako sumagot at umupo nalang. Lumaki sila ng maganda. Kung paano namin sila itinanim. Pero ba't ganoon? Nasaan na iyong sayang itinanim namin ni Uno? Alam kong kasalanan ko naman sa umpisa palang. Pero iyong bilhin niya ang lupa para sa kanyang sarili dahil lang gusto niyang pakasalan ang pinsan ko ay hindi ko tanggap. Nagsumikap ako. Ginawa ko ang lahat huwag niya lang iyong bilhin. Pero nawalan rin ng silbi ang pagsisikap ko. Ngayon ay huli na ang lahat. Nakatali na siya. Siguro ay hindi talaga si Uno ang para sa akin.

"How's the experience living in the City?" kaswal niyang tanong na para bang nakalimutan niya na ang nangyaring alitan namin kanina.

"Sobrang dami palang mga gwapo sa syudad 'no?" Tiningala ko siya na ngayon ay nakataas na ang kilay. Napatitig siya sa akin, hindi parin mabasa ang ekspresyon ng mukha.

"Yung mga kaklase ko mga gwapo. Kahit saan ako magpunta, maraming gwapo," dagdag ko pa, hindi alam kung anong ipinaglalaban pero gustong iangat ang sarili sa ibang bagay. I don't make sense. Alam ko iyon. Pero baka sakali lang naman...

"Maraming gwapo pero ba't bumalik ka parin dito?" May tabang sa tono ng pananalita niya.

"Dahil sa lupa. Kung hindi ko lang masyadong mahal ang lupain ni Lola ay wala na akong rasong mahanap para balikan ang lugar na hindi naman naging maganda ang karanasan ko."

His eyes were still deep, filled with darkness. Para siyang isang painting na hindi mo mailarawan kahit anong titig mo. Nakakamanghang isang larawan ng perpektong lalake.

"Boyfriend?" he asked flatly.

Sandali akong nag-isip. Oo nga pala. Ba't nga ba hindi ako nakapagboyfriend doon? Sa dami ng gwapo at bumibili sa akin, ni isa ay wala naman akong inientertain. Ni isa, wala akong nagustuhan. Para akong pumunta sa syudad dala lahat ang gamit ko pero may naiwan ata akong parte ng katawan ko. Nanatili ito rito kaya ganoon nalang ako kamanhid pagdating sa ganoong bagay.

"N-Nakalima ako. Uhm, si U-Ully... si C-Chad, uh, Cristoff, Blake at V-Vernon." Pag-iimbento ko ng pangalan. Iyon yung mga kaklase kong mga arogante. Pero meron rin namang mababait at palaging napupuwing sa tuwing nakatingin sa akin, palaging kumikindat.

His expression remained undefined. Di ko alam kung naniniwala ba siya o sadyang wala siyang pakialam. At hindi ko rin alam kung ba't gusto kong magmalaki sa kanya na hindi lang siya ang lalakeng nakilala ko. Na may karanasan na ako. Na hindi na ako iyong Aly na nakakaya niyang utuin noon. Nakakaya niyang pahulugin sa mga matatamis niyang salita. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon ay wala pa ring nagbago. Everything was a lie. And sadly, I fell on it.

"Really, huh?"

"Oo naman." Pagmamalaki ko.

"Was it fun?" Ngayon ay may pang-uuyam na ang tono niya. Napatanga ako ng ilang sigundo. Iniisip kung gagawin ko bang masaya ang mga nakarelasyon ko o miserable nalang.

"Hindi rin. Wala akong napala, natuto lang."

"What about your signs?" Mas naging matabang ang pananalita niya. Ramdam ko iyon lalo na't umiigting na ang kanyang panga.

Hindi agad ako nakapagsalita. Para akong bumubuo ng isang puzzle sa aking utak at hinahanap ang ilang pirasong nawawala ata.

"Sa limang naging lalake mo, hindi naman pwedeng lahat sila ay tumugma sa senyales mo Alyssa." Now he sounds pissed.

"Syempre, mapagbigay ang Langit dahil alam niyang mabait ako kaya pinapaulanan niya ako ng grasya." Napatayo ako. "At hindi ako nagsisisi na sinunod ko ang mga senyales ko. Dahil alam ko na mas alam ng nasa itaas ang makakabuti para sa akin," diin ko na ikinadilim lalo ng kanyang ekspresyon.

Hindi ko na makayanan ang mga tanong niya kaya pumasok nalang akong muli. At dahil nandoon siya ay malalagpasan ko siya. Nanginginig ang aking tuhod, dala ng takot na magkadikit kami, na masyadong masikip ang lugar para sa aming dalawa.

Nakakatawa na naghangad pa ako ng iba. Na akala ko, hindi lang ang lupa ang mababalikan ko, na hindi lang ang naiwan naming alaala ni Uno ang mababalikan ko, pero huli na pala. Siguro ay pinaparusahan ako dahil sa pananakit sa isang lalakeng walang ginawa noon kundi mahalin ako at iparamdam sa akin na wala akong katulad. Pero kung siya talaga ang para sa akin, makakapaghintay siya! Tama nga talaga siguro ako na pinaikot niya lang ako dahil wala naman akong experience sa ganoong bagay. Who am I going to blame now?

המשך קריאה

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
6.2K 201 40
(Valiente #2) It is fun to meet someone with the same vibes like yours. The two of you would talk, call, and share each other's problems that both of...
5M 142K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...