Ang Bayang Naglaho

By GYJones

105K 6.5K 365

Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Pr... More

Introduction
Prologue
Chapter 1: Si Andy Madrid, Isang Private Investigator
Chapter 2: Maverick P.I.
Chapter 3: Ang Kaso ng Mga Nawawalang Tao
Chapter 4: Bisita sa Dilim
Chapter 5: Ang Tinyente at ang Psychic
Chapter 6: Callejon
Chapter 7: Simula Ng Pagsaliksik
Chapter 8: Ang Simbahan
Chapter 9: Ang Simenteryo
Chapter 10: Mga Bolang Ilaw sa Gabi
Chapter 11: Kabaong ng mga Muling Nabuhay
Chapter 12: Silang mga Espiritu sa Simbahan
Chapter 13: Alien Blood
Chapter 14: Mga Ala-ala ni Andy
Chapter 15: Press Release
Chapter 16: Ilang Mga Pamamaalam
Chapter 17: Ang Mga Aliens
Chapter 18: Close Encounters
Chapter 19: Kuha Mula sa Camera
Chapter 20: To Arms!
Chapter 21: Battle Stations!
Chapter 22: Bala at Ilaw
Chapter 23: Mga Asong Ligaw
Chapter 24: Aftermath
Chapter 26: Epilogue

Chapter 25: Finale

2.7K 208 25
By GYJones



"Sa loob! PASOK SA LOOB!"

Matapos ang labanan sa headquarters ay sa simbahan ng Callejon nagtungo si Andy upang magtago at mailayo ang mga UFOs. Alam niyang hindi na sasalakayin ng mga aliens ang headquarters kung wala siya roon. Sinundan siya nina Laxamana at Jang-Mi, kasamang dalawang NBI agents na sina Perez at Salazar. Makarating doon ay agad namang dumating ang tumutugis kay Andy.

Pero hindi ang mga scout ships ng aliens.

Kundi ang higante nilang Mothership.

Nakatingala sa kisame ng simbahan sina Andy, Colonel Laxamana, Jang-Mi, Agent Perez at Agent Salazar. Ramdam nila ang bilis ng kanilang mga pulso. May nginig sa kanilang mga kamay hawak kanilang mga semi-automatic rifles.

At bigla, niyanig ng malakas na ugong ang bubungan. Ang mga naka-hang na chandelier ay wumawagayway. Narinig nila ang mga pag-crack sa bubungan. Maya-maya'y napatid ang mga kable ng mga chandeliers at bumulusok paibaba ang mga ito't nawasak.

"TAKE COVER!" sigaw ni Colonel Laxamana.

Nagsiatrasan sila sa gilid ng loob ng simbahan kung saan hindi direktang nasa ilalim ng bubungan. Sina Andy, Laxamana at Jang-Mi sa isang bahagi, sina Agent Perez at Salazar sa kabila. Kumubli sila sa likuran ng mga poste na may mga santo.

Hindi pa rin sila makapaniwala sa nakita. Isang dambuhalang flying saucer na sa estima ni Andy ay halos kasing lapad ng Araneta Coliseum. Nakalutang ito mga isandaang metro sa ibabaw ng simbahan.

At may weapon ito na wala ang mga scout ships. Weapon na gumagawa ng malakas na vibration na kayang warakin ang bubong. At gawa rin ng weapon na ito, ay nagsipagbasagan naman ang mga stained glass windows sa mga pader. Nagsipagyukuan sila at hinarang kanilang mga braso para protektahan ang mga mukha. Tinamaan sina Agent Perez at Salazar ng mga nagliparang bubog.

"Perez! Salazar!" sigaw ni Laxamana.

"O...okay lang kami, sir!" sigaw pabalik ng dalawang NBI agents, bagama't may mga natamo silang mga hiwa sa braso.

"Andy! Jang-Mi!" lingon ng colonel sa kanyang kanan kung nasaan ang dalawa, dalawang poste ang layo.

"We're okay!" sigaw ni Jang-Mi.

Maya-maya'y lumakas pa ang ugong, na sa sobrang lakas ay nabiyak ang isang parte ng bubungan. Bumagsak ang mga pitak ng kahoy at yero at nagkaroon ng malaking butas sa gitna ng kisame. At mula roon ay bumulusok paibaba ang malakas na ihip ng hangin.

Nagsiliparan paakyat ng butas sa kisame ang mga gamit. Mga missalettes, mga tela, halaman at bulaklak. Hinigop sila ng hangin.

"TAKE COVER!" muling sigaw ni Laxamana. Napamura ang colonel. Hindi lang vibration weapon ang meron ang Mothership. Meron pa itong weapon na hangin na humihigop. Parang vacumm cleaner.

Nayanig muli ang simbahan at nabiyak ang isa pang parte ng bubungan—ngayon malapit sa may altar. Dalawa na ang butas sa bubungan. At bumulusok muli paibaba ang malakas na hangin at hinigop paakyat ang tablecloth ng altar at ang mga kandila.

"Lintik!" inis na sabi ni Laxamana, pagka't nagmistulang mga sitting ducks na naman sila, at hindi niya aantayin na matangay sila ng hangin na hindi lumalaban.

"Andy!" Initsa ng colonel ang semi-automatic rifle na sinalo ng private investigator. "FIRE AT WILL!" sigaw niya.

Nagpaputok sila paitaas ng mga butas sa bubong.

Nagkalansingan ang mga basyo ng bala sa tile na sahig. Napuno ng usok ang loob ng simbahan. At tulad ng dati, walang epekto ang kanilang mga bala.

"'Yung rocket launcher!" sigaw ni Laxamana.

Binuksan ng mga agents ang hard case na laman ang RPG-7 rocket launcher. May case din sila na may lamang tigatlong rockets.

"FIRE WHEN READY!" sigaw ni Laxamana. Nasa kanya ang isa pang RPG-7.

Sumilip si Agent Salazar sa scope at nang mag-lock in sa target ay kinalabit ang trigger. Bumulusok ang rocket paitaas ng butas sa kisame at tinamaan ang Mothership na lumulutang sa ibabaw ng simbahan.

Ramdam nila ang impact ng pagsabog ng warhead. Nagbagsakan ang mga piraso ng kahoy at simento mula sa bubungan.

"DIRECT HIT!" sigaw ni Agent Perez.

Pinaputok din ni Laxamana ang kanyang rocket tungo sa butas sa kisame. Muling nayanig ang simbahan sa pag-detonate ng warhead. Isa na namang direct hit sa Mothership. Nagbagsakan pa ang mga piraso ng kahoy at yero mula sa kisame. Napuno ng usok ang loob ng simbahan. Natakpan ang mga katawan nila ng alikabok.

"Ang maganda lang nito eh, kung ganyan kalaki ang target, hindi tayo magmimintis!" hayag ni Laxamana.

"RELOADING!" sigaw ni Agent Salazar.

"STAND BY!" sigaw ni Laxamana.

Nakiramdam sila habang inantay na mawala ang usok.

"Nand'yan pa ba sila, sir?" tanong ni Agent Perez.

"Baka umalis na ang Mothership," sabi ni Agent Salazar.

"Nandyan pa sila...naririnig ko sila," sabi ni Andy.

"I can hear them too," sabi ni Jang-Mi.

At bigla, bumalik ang malakas na ugong. Pero ngayon, mas malakas pa sa kanina. Triple ang lakas. Na-caught by surprise sila.

Nayanig ang sahig ng simbahan. Tila lumilindol.

"KAPIT!" sigaw ni Andy.

Nagsipagkapitan sila sa mga poste.

Sa lakas ng ugong ay nagsipagbagsakan ang mga estatuwa ng mga santo.

Tumaob ang altar.

Ang higanteng krus sa gitna'y umuuga at nanganganib na matanggal sa kanyang pagkakabarena sa pader.

At sa gulat nila, nawasak ang buong bubungan ng simbahan. Ang buong bubungan ng simbahan ay nilipad na para bang papel na tinangay ng hangin.

Pumasok ang malakas na bugso ng hangin paloob.

Ngayon ay parang ipo-ipo.

Tinangay nito ang naglalakihang mga estatwa. Pati ang mga pews—ang mabibigat na kahoy na mga upuan ay nagsiliparan paitaas.

"KAPIT!" sigaw nila.

Nagsiakap sila sa mga poste. Ramdam nila ang malakas na hanging ipo-ipo na hinahatak sila.

Tinangay ng hangin paitaas ang mismong altar. Ang higanteng krus sa pader ay nakakapit na lamang sa nag-iisang turnilyo.

"KAPIT! 'WAG KAYONG BIBITAW!" sigaw ni Andy.

Tinangay ng hangin ang kanilang mga baril. At ang mga rocket launcher.

Humiyaw si Agent Salazar nang matangay siya ng hangin.

"Salazar!" sigaw ni Agent Perez na nagaagaw-buhay ring nakayapos sa poste. Ang grip niya'y unti-unti nang dumudulas.

Kita ito ni Laxamana.

"Perez!"

Napatingin sa kanya si Perez. Sa mukha ng babeng agent ay alam niyang iyon na rin ang kanyang wakas.

Tinangay ng hangin si Perez paakyat.

Nguni't sa kanyang kapalaran, habang siya'y nililipad ng hangin tungo sa Mothership ay nadakma ni Perez ang rocket launcher na kasama niyang nililipad din. Halos nasa taas na siya ng kisame nang inumang niya ang rocket launcher, almost blindly paitaas, at kanyang kinalabit ang trigger. Lumipad ang rocket at sumabog ang warhead nang tamaan ang Mothership.

Huminto ang ipo-ipo.

Bumagsak sa sahig si Agent Perez.

"Perez!" sigaw ni Laxamana habang nagsilapitan sila nina Andy at Jang-Mi.

Buhay si Agent Perez pero masama ang pagkakabagsak niya. Nakita nilang nabalian ito. Lumabas ang buto sa kanyang binti. Namimilipit sa sakit ang babaeng agent na nakahiga sa sahig.

"Kailangang madala agad siya sa ospital," sabi ni Laxamana.

"Dalhin niyo na siya, Greg. Umalis na kayo," sabi ni Andy.

Tumingala si Andy sa bukas na bubungan ng simbahan.

Ang Mothership ay nakalutang sa kanilang uluhan. May usok ito gawa ng pagsabog ng warhead ng rocket.

"Ngayon na," sabi ni Andy. "Habang hindi pa bumabalik ang hangin."

"Paano ka?" tanong ni Laxamana.

"You come with us!" sabi ni Jang-Mi.

"No, Jang-Mi, I must stay..."

Hindi pa natatapos ni Andy ang sasabihin nang mula sa Mothership ay nagbalik ang hanging ipo-ipo.

"TAKE COVER!" sigaw ni Laxamana.

Nagsipagtakbuhan sila pabalik sa gilid ng simbahan.

Nakita nilang tinangay ng ipo-ipo si Agent Perez.

"PEREZ!" sigaw ni Laxamana.

"NOOOOO!" sigaw ni Jang-Mi.

Nagliparan ang mga piraso ng kahoy at yero paakyat.

"KAPIT!" sigaw ni Andy.

Ngayo'y hirap nang nakayapos sa mga poste sina Andy, Jang-Mi at Laxamana. Ramdam nila ang makalas na hangin na hinahatak sila.

"ANDY!" sigaw ni Jang-Mi.

Kita ni Andy na unti-unti nang lumuluwag ang kapit ni Jang-Mi sa poste, at ganoon din si Laxamana. Alam nilang hindi magtatagal ay mahihigop na sila at makukuha ng mga aliens.

"Hindi...hindi..." sabi ni Andy sa sarili.

Biglang nag-flash sa isipan ni Andy ang kanyang buhay. Ala-ala ng kanyang kabataan, ng kanyang ama't-ina, ang paglisan niya sa bayan ng Callejon, ang buhay niya sa Maynila, ang araw nang makilala niya si Carol, ang araw nang sila'y ikinasal, ang pagsilang ni Pauline, ang hiwalayan, ang away nilang mag-ama, ang kanyang buhay na nag-iisa sa bahay, ang kanyang trabaho, sila Tony, Marissa at Vic, ang muli nilang pagtatagpo ni Colonel Laxamana, ang araw na nakilala niya si Jang-Mi, ang pagbabalik niya sa bayan ng Callejon, ang kanyang mga panaginip, ang muling paghaharap niya at kanyang ama, ang pagatake ng mga aliens hanggang sa pagtago niya sa simbahan.

Patuloy ang bugso ng ipo-ipo.

Kaunti na lang ay mawawalan na sila ng lakas.

Makukuha na sila ng mga aliens.

Isa na lang pag-asa nila. At alam ni Andy na ito'y nakasalalay sa kanya.

Napapikit si Andy at naalala ang sinabi ng kanyang ama.

Sa kahuli-hulihan, anak. Ikaw o sila.

"Ako o sila," sabi ni Andy sa sarili. Naiintindihan niya ang sinabi ng ama. Sinabihan siya noon na magtago, pero sa kahuli-hulihan ay nasa sa kanya pa rin ang pagpapasya.

At ngayon, napagpasyahan niya na gawin ang nararapat niyang gawin.

Sa kanyang paanan, nakita ni Andy ang isa sa mga chandelier na bumagsak mula sa kisame. Ang mahaba nitong kable ay nakapulupot sa poste na kanyang kinakapitan. Pilit na inabot iyon ni Andy, nagiingat na hindi makabitaw. Nang maabot niya ang kable ay ipinulupot niya iyon sa kanyang katawan. Ngayo'y hindi na siya basta-basta matatangay ng hangin. At dahil din doon, na-free niya ang kanyang mga kamay.

Kinapa ni Andy ang loob ng kanyang jacket.

At naramdaman niya ang kanyang .38 kalibreng baril na naroon sa loob. Kinuha niya ang baril mula sa jacket.

Patuloy ang higop ng hangin. Kita ni Andy na dumudulas na ang kapit nina Laxamana at Jang-Mi sa mga poste.

"Ako o sila," ulit ni Andy sa sarili.

Tinutok ng private investigator ang baril sa kanyang sintido at sumigaw.

"Ako ang kailangan nyo! AKO!"

Nalulunod ang boses niya sa hangin. Pero alam niyang dinig pa rin siya ng mga aliens. Kung hindi sa kanyang sigaw ay alam niyang dinig siya ng mga ito sa kanyang utak. Telepathy. May telepathic link na siya sa mga aliens. Alam niyang alam ng mga aliens ang iniisip niya.

Nang makita siya ni Jang-Mi ay nagtaka ang Koreana.

"Andy! What are you doing?" kanyang sigaw.

Nagulat din si Laxamana na makita si Andy na may baril sa kanyang ulo.

"Andy! Huwag, pare!"

Pumikit si Andy at inulit ang kanyang sinabi sa kanyang isipan, ang baril nakatutok sa kanyang ulo.

Ako'ng kailangan n'yo. Ako ang kailangan n'yo.

Nanginginig ang mga kamay ni Andy. Ang daliri niya sa gatilyo'y unti-unti nang pakalabit. Determinado siya. Handa siya sa gagawin.

Ako'ng kailangan n'yo. Ako ang kailangan n'yo.

At biglang nagbago ang reaksyon ni Andy.

Pagka't narinig niya sa kanyang isipan ang mga aliens. Boses nila sa kanyang utak. Kinakausap siya ng mga aliens. At naiintindihan niya ang kanilang sinasabi.

Ako. Sila. O ako.

Kausap ni Andy ang mga aliens sa kanyang utak.

Isang kasunduan.

At ganoon na lang ay biglang tumigil ang hangin. Nawala ang ipo-ipo.

Napaupo sina Laxamana at Jang-Mi sa sahig, nakaramdam ng relief. Nguni't, hanggang kailan? Nilubayan na ba sila tuluyan ng mga aliens? Ligtas na ba sila?

Nagulat sila nang mula sa Mothership, ay may lumitaw na nag-iisang beam of light na tumama sa gitna ng loob ng simbahan.

Ang kinatatakutan nilang tractor beam.

"TAKE COVER!" hudyat ng colonel.

Nguni't ang ilaw ay nanatili lamang na nakapirmi.

At alam ni Andy kung bakit.

Ito'y kanyang sundo. Parte ng isang kasunduan.

Binitawan ni Andy ang kanyang baril, kinalas ang kable sa kanyang katawan, at naglakad tungo sa naghihintay na ilaw.

"Andy! Anong ginagawa mo?!" nagtatakang sigaw ni Laxamana. "Umalis ka d'yan!"

"Andy!" sigaw din ni Jang-Mi.

Pero nakita nilang may kakaibang kalma sa mukha ng private investigator. Na tila alam na niyang kanyang ginagawa. Na tila nakapag-desisyon na siya. Sumenyas ito sa kanila na okay lang. Na okay lang siya.

"Andy, umalis ka diyan! Matatangay ka ng ilaw!" sigaw ni Laxamana.

Lumapit si Andy sa ilaw.

Nagsipagtayuan sina Laxamana at Jang-Mi para lapitan ang private investigator, pero itinaas ni Andy ang kanyang palad para pigilan sila.

"Andy, what are you doing?" sigaw ni Jang-Mi.

"It's okay, Jang-Mi. We made a deal," sagot ni Andy.

"Deal? Anong deal?!" pagtataka ni Colonel Laxamana. "Anong pinagsasabi mo?"

Pero wala nang panahon si Andy para magpaliwanag.

Ang huling mga sandali'y napakahalaga.

"Greg, pasabi kay Pauline..." sabi ni Andy habang tumulo ang kanyang luha. "Pasabi sa kanya na siya ang pinakamahalagang bagay para sa akin sa mundong ito. She meant all the world to me."

Tumayo sa ilalim ng ilaw si Andy.

"ANDY!" sigaw ng kanyang mga kasama.

At dahan-dahang lumulutang si Andy paitaas. Paakyat ng ilaw, tangay ng tractor beam. Papunta sa Mothership. Animo'y taong paakyat ng langit. Animo'y rapture.

"ANDY!" habol nina Laxamana at Jang-Mi.

Tumingala sila at nakita si Andy na patuloy na inaangat ng ilaw, lampas sa bubungan ng simbahan hanggang sa siya ay nawala. At ang ang ilaw ay nawala.

Sinundan iyon ng ugong at dagsa ng hangin.

Napapikit sina Laxamana at Jang-Mi.

At nang tumingala silang muli ay ang buwan at mga bituin na ang naroroon.

Wala na ang Mothership.

At wala na si Andy.


NEXT: EPILOGUE

Continue Reading

You'll Also Like

39.5K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 47.9K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
20K 494 12
Rank #1 MULTO. Huwag magbasa kung mahina ang loob. Koleksyon ng mga orihinal na kuwentong multo sa probinsya at siyudad. #Featured #Multo #Tagalog #P...
30.7K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...