WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE (Pu...

By xianrandal

13.4M 206K 24.2K

Nananahimik siyang nagtatrabaho sa Canada as an architect when he received a letter from the Philippines, a c... More

WHEN A BEKI FALLS IN-LOVE
1
2
3
4
5
6
7
8
9-name
10
11
12
12 - itech na talaga ang trulaloo na update
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29 Scanver
30
31- A Bitin ito, pramis!
31-B - mas bitin ito kaysa sa una
31-C -Huwag masyadong excited dahil baka ma frustrate!
32 - waley itey! Nagpalabas lang ng stress
33
34
35-Waley ito
36
37
38
39 -
40
41
42
43
44
45
46-Patatas pa More!
47
48
49 - Madrama to
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67 - MAUUMAY KAYO KAY INDAY- walang connection sa story-wala lang akong magawa
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77 - Near the ending
END
Tsenen!
WHEN A BEKI FALLS IN LOVE 2
FREE TWO SIGNED COPIES

13

224K 2.7K 262
By xianrandal

 Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok ha)

13

“Next na agad ang plano naming magpakasal sa Huwes, okay naman po ang mga papeles na kakailanganin naming dalawa.” Pagbibigay alam ni Elvin sa mga magulang nila. Pinag-usapan na nila iyon ni Kathryn. Mabuti na lamang pala at may mga kakilala ang mapapangasawa niya kaya naasikaso ng maaga ang mga kakailanganin.

“Hindi na ba kayo talaga makapag-antay? Iba pa rin siyempre kapag sa simbahan ang kasal.” Ang Papa ni Kathryn.

“Hayaan na natin ang mga bata, desisyon nila iyan. Isa pa, nangako ka naman sa amin Elvin na magpapakasal kayo sa simbahan, hindi ba?”

“Opo, Mama.”

“Gawin nating tatlong buwan mula ngayon ang kasal sa simbahan, Balae.” Suhestiyon ng Mamang ni Elvin.

“Bakit ba tatlong buwan pa, isang buwan na. Kayang-kaya iyan!” Ang Papa ni Kathryn.

Ano ba naman itong mga magulang nila, yung totoo, sino ba talaga ang ikakasal?

“Pinag-usapan na po naming iyan ni Elvin, Mama, Papa, Mamang, Papang. Hindi na po naming mamadaliin ang kasal sa simbahan, ang importante po ay ang kasal naming sa Huwes.”

“Ay hindi anak! Kahit lalaki ang amin, importante pa rin ang may basbas ng simbahan. Ikakasal kayo sa simbahan pagkatapos ng isang buwan, huwag nyo nang alalalahanin ang mga dapat asikasuhin, kami na ni Balae aang bahala.” Tumingin ito sa Mama ni Kathryn.

“Oo nga naman, kami na ang bahala. Ang asikasuhin ninyong dalawa ay ang pag-oovertime ng paggawa ng apo namin.” Ang Mama ni Kathryn.

Wapak! Apo your face! Sa isip ni Elvin.

“Nakakahiya naman po, Mamang, Mama. Kami dapat ang mag-aasikaso niyan dahil kasal po namin.” Baka sakaling lumusot siya.

“Kuuu! Wala naman kaming iniisip na iba ng Mamang mo, Elvin. Kami na, tutal naman, ay okay na ang papers ninyong dalawa. Sa honeymoon na lamang kayo mag concentrate. Saan nyo ba balak pumunta ha?”

“Hindi pa po namin napag-uusapan ng Sinta ko, Mama.”

“Importante ang honeymoon, Anak. Alam mo bang jan ka naming nabuo ng Mama mo.” Nagsimula nang magka cramps si Elvin sa takbo ng usapan. Stop me! Sa isip niya.

“Hayaan mo at pag-uusapan namin ni Kathryn, Papa.”

“I’m really happy for both of you. Teka, saan nga pala kayo titira pagkatapos?” Ang Mama niya.

Iyan! Napag-usapan nila ni Kathryn yan. “Salitan po na condo ko at condo ni Kathryn. Sa ngayon po, yun muna ang set-up. Mas malapit po kasi ang condo ko sa trabaho ni Kathryn kaya dun siguro kami madalas, pero hindi naman po pupuwedeng iwang bakante ang unit ni Kathy kaya pupunta-punta rin po kami dun. Maghahanap rin po kasi ako ng bagong mapapasukan.”

“Hindi mo na kailangang maghanap, Iho. Sa kompanya na lamang naming ikaw tumulong, tutal naman ay nasa real estate business kami at architect ka, tamang-tama. Isa pa, magiging asawa ka na ni Kathryn.”

“Pa, napag-usapan na po naming yan ng Sinta ko. Balak po kasi niya na magtayo ng isang architectural firm. Gusto ko po siyang tulungan. Siguro Pa, kunin mo na lang ang service ni Elvin.”

“Pareho lang yun, kayo talagang mga kabataan, masyadong ma pride, pero gusto ko yan. Sige, pagkatapos ng honeymoon ninyo at naisipan mo nang magtayo ng binabalak mo, pumunta ka ng opisina ko at mag-uusap tayo tungkol sa business.”

“Kayo ba Balae wala ng balak bumalik ng ibang bansa?” Biglang tanong nito sa mga magulang ni Elvin.

“Sa ngayon, wala muna Balae, may iniwan kasing farm ang Lola nina Elvin, iyon na muna ang palalaguin namin. Saka, iba talaga kapag nandirito sa ating bansa, iba ang pagmamahal ng mga kapwa natin Filipino.”

“Tama ka. Isa pa, kapag kasi bumalik kayo dun, baka isama ninyo ang anak namin, nag-iisa eh.”

“Naku! Desisyon nila yang dalawa, Balae, hayaan mo, kapag nagkaapo na sila, magkakaroon na tayo ng pagkakaabalahang dalawa. Sana the soonest.” Ang Mamang niya.

Teka, kailan ba nila tatantanan ang apo topic na yan? Nakakaumay! Gusto nang mag welga ni Elvin sa harap ng city hall ng Davao!

“O siya! Let’s continue it later, kumain na muna tayo.” Ang Papa ni Kathryn. Sumenyas na kasi ang kasambahay nila na ready na ang pagkain.

Ang daming pagkain na nakahain.

“Whoa! Pamamanhikan ba ito o kasal na?” Tukso ni Edrian na ngayon lamang nagka chance magsalita.

“Kathy, sino ang lalafang ng lahat ng foodies?” Bulong niya kay Kathryn.

“Sinta, huwag mo nang problemahin yan. Ang isipin mo, next week, ikakasal na tayo…and remember, natural method.” Nakuha pang ibulong ni Kathryn bago umupo hila-hila ang natulalang si Elvin.

*****************************

The two of them were busy, so busy actually that they were not able to eat lunch on time. Bakit sila busy? Dahil nga dalawang araw na lang at ikakasal na sila sa Huwes, at marami pa kasing kaartehang alam si Kathryn. Katulad ngayon, naghahanap sila ng white dress, at naiinis siya sa babaeng supladitang hindi kagandahan na nag aassist sa kanila.

“Antibiotic na babae! Hindi na siya nahiya, ang chaka niya kumpara sa iyo!” Naiinis kasi si Elvin sa nag-aassist sa kanila, sinabi nitong wala talagang magkasya sa size ni Kathryn, huwag raw magpumilit.

“Hayaan mo na nga, maghanap na lamang tayo ng iba.” Ayaw ni Kathryn ng bad vibes.

“Wiz niya ba knows na nakakabokot ang fez niya! Mas lalo siyang naging makyonget!”

“Sinta, kalma lang, huwag ganun, napagahahalatang ipinagtatanggol mo na ako.” Kinikilig na sabi niya.

“Ay tsek! Alangan namang nakatunganga lamang ako ha, Kathryn? Habang ang mga babaeng iyan na hindi yata nakapag seminar kung paano asikasuhin ang customer ay hayaan na kang pagsupladahan nila!”

“Bakit ba kasi apektado ka ng babaeng yun? Humanap na lamang tayo ng ibang white dress. O kaya kumain na muna ha.”

“Because I like that white dress for you. I could just imagine you wearing that on our wedding.” Seryosong sabi ng binata.

“Ayieee! Kinikilig ako, Sinta! Halika, balikan natin ang girlaloo na yun!” Sabay marcha pabalik, mabuti at nahila ni Elvin.

“Heh! MAghanap na tayo ng iba, I’m sure mas maraming maganda kesa dun.”

*********************

“Dress, tsek! Shoes, check! Make -up artist, check!” Tinitignan nilang dalawa ni Elvin ang check list nila, nasa unit sila ng binata, dito nila balak tumira.

“Yung susuotin ko, okay na rin kaya huwag mo nang isali jan.” Tumitingin si Elvin ng pictures sa internet. Aayusin niya raw ang condo dahil dalawa na sila ni Kathryn.

“Sinta, bawas-bawasan mo ang mga beki words ha, mas lalo kasi akong naiin-love sa iyo.”

Nangingisay na umalis si Elvin sa harap ng computer, lumipat sa sofa sa harap niya. “Stop me! Tigilan mo ako! How many times did I tell you that sudems akembang magkakagusto sa iyo!”

“And how many times did I tell you that I am a very optimistic person. Soon Sinta, soon you will wake up loving me already.”

“No!” Lumapit si Kathryn sa kanya. Lumayo naman si Elvin.

“Yes!” Napaatras pang lalo si Bakla.

“No!” Na corner na siya sa dulo ng sofa.

Napalunok si Elvin. Few inches away na lamang kasi ang agwat nila. Titig na titig si Kathryn sa mukha niya, particularly sa lips niya.

“Sinta, why don’t we try kissing now? Praktis para sa wedding natin.”

Continue Reading

You'll Also Like

115K 7.4K 31
"What's your ideal man?" Common question that a Sabina Celestine Fauntagio would simply answer in three words, "Tall, dark and handsome". But she did...
1.3M 71.9K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...
24.4K 1.1K 11
Would you let your lips be harassed by a girl with a twisted mind? - credits to the owner of the photo that I used as my book cover for this story.
11.8M 283K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...