Ira Casa (Novela)

By makiwander

1.7M 66.8K 7.1K

Collection of Short Love Stories ✅ 10-30 Chapters Each ✅ 3rd Person POV All rights reserved. Cover by Lhyiet... More

Helga x Pierre
Helga x Pierre 1
Helga x Pierre 2
Helga x Pierre 3
Helga x Pierre 4
Helga x Pierre 5
Helga x Pierre 6
Helga x Pierre 7
Helga x Pierre 8
Helga x Pierre 9
Helga x Pierre 10
Helga x Pierre 11
Helga x Pierre 12
Helga x Pierre 13
Helga x Pierre 14
Helga x Pierre 15
Helga x Pierre 16
Helga x Pierre 17
Kabanata 18
Helga x Pierre 19
Helga x Pierre 20
Helga x Pierre 21
Helga x Pierre 22
Helga x Pierre 23
Helga x Pierre 24
Helga x Pierre 25
Helga x Pierre 26
Helga x Pierre 27
Helga x Pierre 28
Kabanata 29
Huling Kabanata

Epilogue

89.7K 3K 465
By makiwander

HELGA.

Helga adjusted her life by pushing away all the negativities she had in the past. They were already planning her marriage with Pierre five months after giving birth. She never seen her family eversince, nakikibalita na lang siya sa dati nilang mayordoma. Adriana was doing fine, not great but have adjusted, she's more worried about Helena's whereabouts.

Elias on the other hand, supports her with her decisions, he have met Pierre's family. Helga's still going home with her father.

"Buntis! Tingnan mo ang gown na idinisenyo ko sayo." Stephanie was literally drifting on the carpeted floor of Almonte Construction. Yes, she's back to work, she's still part of the team that will build the mall that Pierre was planning. Pierre have settled his issues with Travis and the two were civil. Pwede na siguro yon. Imposibleng maging mag-bestfriends ang dalawa.

"Hindi natin alam kung ano ang kalalabasan ng katawan ko pagkapanganak ko, Steph. Don't get too excited."

"Kaya nga, eto nilagyan ko ng corset para may shape."

"I might not fit. Saka hindi importante ang gown." Napangiti siya, nangangarap na naman ng gising kung paano siya maglalakad sa altar kasama si Pierre. Stephanie deliberately rolled her eyes.

"Ang importante yung ikakasal. Fine. Sige, kailan kaya lalabas ang baby na yan? Hulaan ko, babae yan kasi napakablooming mo."

Wala sa sariling napahaplos si Helga sa kanyang mukha, pakiramdam niya ay mas gumaan ang kanyang loob nang mapalapit siyang muli kay Pierre. Hindi nito ipinaramdam sa kanya na hindi siya nito priority. Wala na nga ata siyang mahihiling pa.

Tiningnan niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang work table nang tumunog iyon. It was a message from Pierre, napakunot ang noo niya nang mabasa iyon.

'I am sorry, Helga. We can't get married.' Yun lang ang laman ng mensahe. Pinanlamigan siya ng sikmura. She immediately dialled Pierre's phone number. It was ringing but it was being cancelled. Nanginginig ang mga kamay niya. This can't be possible.

Agad siyang nagtipa ng mensahe pero wala siyang mabuo na pangungusap. 

"Huy, buntis! Bakit namumutla ka diyan?" Untag sa kanya ni Steph. Agad niyang tiningnan ang bag niya at kinuha iyon. Pupuntahan niya si Pierre, desidido siya, yun nga lang ay nakaramdam siya ng matinding pananakit ng tyan.

"Ah.."

"Helga?"

Hindi siya pupwedeng manganak ngayon! Magtutuos pa sila ni Pierre. Pero hindi na nga ata makapag-intay ang anak niya. Lalabas muna ata bago siya makipagtuos sa Daddy nito.

"Steph, manganganak na ata ako." Napangiwi siya. A flow of hot liquid leaked from her core to her legs. Napangiwi siya sa sobrang sakit non.

"Ha? Ngayon na?" Natatarantang lumabas si Steph. 

"A-ayoko pa nga sana, pwede kayang bukas pa? M-may kakausapin pa ako."

"Baliw! Sandali!" Tumalikod na si Steph at hindi na niya masyadong namalayan ang nangyayari sa paligid niya. Pain, she could only endure as much. Nang bumalik si Stephanie ay kasama na nito si Travis at ilang mga kaopisina nila. They carried her while she's silently crying in distress, hindi lang niya masabi kung sakit ba iyon ng tyan o ng dibdib.

They brought her to the delivery room. Doon nagsimula ang kanyang kalbaryo. It is not as pretty as she thought it would be. A lot of screams, tears and she almost lost her voice. Labingsiyam na oras siyang nasa delivery room, in labor, tanging ang OB Gyn niya ang kasama niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa labas. No one informed her that Pierre was outside. 

"Sumigaw ka lang, Helga, if that eases the pain." Suhestiyon ng doktorang katabi niya.

"Pierre! I really hate you! I cannot forgive you. Oh God, Pierre! Huwag na sanang dumami ang lahi mo. Sana last mo na 'to!"

Tumawa ang mga nurse, tumili siya nang mapagtanto ang pinagsasabi niya.

All the more that she was shouting his name in anger. "Hindi ako nagbibiro!"

A beautiful cry ended her 19-hour misery. The first time she heard the voice, she has fallen in love over and over.

"It is a healthy baby boy!" Anunsiyo nang kanyang OB Gyn. Everyone in the delivery room clapped their hands, the nurses, doctors and if she could, she would, pero wala na talaga siyang lakas kahit isang patak.

Inilapit sa kanyang ang batang umiiyak, mariin ang pagkakapikit ng bata dahil sa pagkakunsumi at tila galit na galit pa. 

"Bakit ka nagagalit? Pinahirapan mo ako." She sniffed. "But you are beautiful."

The moment she saw him, she's smiling and in tears altogether. Everything about him was perfect. His nose, his lips, his cheeks, his complexion. He should be cute but he seems manly and super handsome for a baby. The most beautiful she has every seen. Or baka biased ang opinyon niya, siya kasi ang nanay.

"My Gideon Lennard." She whispered. "My love for you is equivalent for a mother and a father, we don't need anyone."

Everything else felt blurry after. Kahit ayaw niyang makatulog ay napapikit siya ng kusa.

Nagising siya sa apat na sulok ng kuwarto, puti ang lahat pati ang kanyang suot.

"She's awake! Oh my God!" Ang mukha ni Stephanie ang una niyang nakita. Nakaabang ito sa mukha niya na para bang may aparisyon doon. Inilibot niya ang kaniyang mga mata sa paligid, naroon ang kanyang ama na si Elias at si Travis.

"Ilang oras akong tulog? S-si Gilad?" Gilad, a monument of testimony in Hebrew. He's the living testimony of her hardships and everything that she could surpass. Naisipan niyang ito ang itawag sa anak.

"Gilad?" Sabay-sabay na tanong ng lahat ng kasama niya sa kuwarto.

"Oh, I see, Gilad ang pangalan ng guwapitong iyon?" Humagikgik si Stephanie, "Nawa'y makagawa ako ng baby girl para ipareha kay Gilad!"

Ngumiti lamang siya, kahit papaano ay nakabawi din siya ng lakas.

"Well, my dear, 24 hours kang tulog. Don't worry, meron namang donor ng breastmilk si Baby Gilad. But the nurses will bring him to you to taste your first milk. Andon naman si Pierre para asikasuhin ang pangangailangan niya."

"S-si Pierre?" Takang tanong niya.

"Yes, si Pierre. Gulat na gulat lang, Bes? Sige na, pupunta na ako sa nurse station para ipaalam na gising na si Sleeping Beauty."

Matapos siyang kumustahin ni Elias at ni Travis ay dumating na ang nurse na bitbit si Gilad. Kasunod nito si Pierre, iniiwas niya agad ang kanyang tingin dito.

"Iwanan muna natin ang pamilya?" Ani Elias kay Stephanie at Travis na agad sumang-ayon, lumabas sila ng kuwarto kahit gusto niyang magprotesta, she needs to act like a mature person now.

"Kumusta ka na?" Agad na umupo si Pierre sa tabi ng kanyang kama habang iniaabot sa kanya si Gilad. Pakiramdam talaga ni Pierre ay entitled ito at pinagpala sa lahat! Anong karapatan nitong umupo sa tabi niya na para bang balewala ang sinabi sa kanya nito. Napaanak pa siya ng di oras!

"Can you please go out? I will feed Gilad." Asik niya.

"Helga?" Tila nagtatakang tanong nito.

"Just go out, Pierre. 'Wag mo akong inisin ngayon. Don't worry, hindi ko ipagdadamot sayo ang anak natin. Lumabas ka muna."

Hindi na niya tiningnan si Pierre nang lumabas ito ng kuwarto, hindi din naman kasi ito nagprotesta. Pinagtuunan niya ang anak niya na ngayon ay nakabukas na ang mata. He has hazel eyes. Gaya ng una niyang kita dito ay napakaperpekto pa din ng tingin niya dito.

Nagkibit balikat siya, kaya niyang buhayin si Gilad. Kahit talikuran din ni Pierre ang responsibilidad nito sa kanilang anak ay kakayanin niya ang lahat.

Hindi halos makalapit sa kanya si Pierre nang mga sumunod na araw kahit araw-araw naman itong nasa ospital para asikasuhin si Gilad at alamin ang pangangailangan nila.

He may be a bad partner but a good father, after all. O pakitang tao lang ito dahil nahihiya sa Papa niya? Sabagay, he's rich, kaya niyang sagutin ang lahat ng gastusin. Maybe he felt the responsibility to do it because of his pride. Siya lang naman ang hindi papakasalan, hindi naman sinabing hindi ito magiging ama sa anak nila.

Hanggang sa makauwi sila ng bahay ni Gilad ay hindi na niya kinausap pa si Pierre. Hindi din naman ito nagpumilit na kausapin siya. Araw araw pa din itong dumadalaw kay Gilad, at tuwing nasa tahanan nila si Pierre ay hindi niya ito hinaharap.

"Ma'am, flowers po." Napatingin siya sa nurse na nag-aalaga sa kanila ni Gilad na si Juliet. Kinuha ito ng kanyang ama para may makatuwang siya sa pag-aalaga at makakuha ng pa din ng tulog para makabawi ng lakas mula sa pangnganak.

"Kanino iyan galing?"

"Dun po sa Daddy ni Gilad." Inosenteng sagot nito.

Napasimangot siya, what's with the flowers? Hindi naman siya kailangang bigyan ng ganito.

"Pakisaoli sa kanya, pakisabi, hindi ko iyan kailangan."

"P-po?"

"Pakisaoli, hindi ko kailangan." Ulit niya.

"N-naku, Ma'am. Kawawa naman po si Sir. Araw araw pong nagbabakasakali yon na lalabasin niyo siya."

"Juliet, you don't know our story. Hindi ko alam kung bakit niya pa yan ginagawa, hindi naman matutuloy ang kasal namin. Ayaw ko siyang pakasalan, ano!" Litanya niya. Sabay silang napalingon sa pinto ng kaniyang kuwarto, doon niya nakita si Pierre na nakatingin sa kanya at ilang beses napalunok sa look ng sampung segundo. Lahat ng emosyon nito ay naipon sa mata, ang mga matang minana ng kanyang anak. Kumuyom ang kamao nito at namamaos na nagsalita.

"Yun lang naman ang kailangang sabihin mo sa akin, Helga. Kung ayaw mo—"

"Aba't talagang ayaw ko naman talaga!" Paninindigan niya. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa kama para tuluyang harapin si Pierre, his tall and lean physique was towering her. Tumingala siya para salubungin ang pagsimangot nito at saka tumaas ang kanyang kilay.

"Hindi ka pa magpasalamat na hindi kita pinagbabawalan na lumapit lapit kay Gilad, hindi mo naman kailangang magpakitang tao pa sa lahat ng tao sa bahay sa pagpapabulaklak mo!"

Umigting ang panga ni Pierre at kumuyom ang kamao. "Hindi mo din naman ako kailangang pakitaan ng hindi maganda, pupwede mo din naman sabihin na ayaw mo na akong pakasalan."

"Ay, excuse po mga Ma'am at Sir. Lalabas lang muna kami ni Gilad." Nakatungong lumabas sa kuwarto ang nurse bitbit ang kaniyang anak pagkatapos ay sinarhan ang pinto sa likod nila.

"Ako pa? Ako pa ang ayaw magpakasal? Ikaw ang nagtext sa akin na hindi mo ako pupwedeng pakasalan. So classic! Para kang fckboy! Makikipaghiwalay na lang ay sa text pa! Kung ayaw mo, ayaw ko din. Ayaw ko din naman talaga! Kaya ko namang mag-isa at mas lalo kong napapatunayan yon sa mga lumilipas na araw. I did not even invite you to be part of our lives, Pierre. I am happier to be alone. Happier!" Pagdidiin niya.

"Text, what text?" 

"You texted me that you can't marry me!"

"What? I did not!"

"You did! Gagawin mo pa akong sinungaling!" Nagmamadali niyang kinuha ang cellphone niya at ipinakita ang text message mula kay Pierre.

Kumunot ang noo ng kaharap, mamaya maya ay tila natatawa ito nang hindi makapaniwala.

"Helena went to my office that day, Helga. You can check the CCTVs. I did not send you that message, maybe she did. Hindi ko siya hinarap nang araw na iyan dahil meron akong meeting with the board at the conference room, pumasok siya sa opisina ko. Maya, my secretary let her in because no one knows what's happening in my life these past few months, Maya thought we were still okay. Pagbalik ko sa opisina ay wala na siya."

Muli itong natawa na halatang nadidismaya, "All you need to do was to ask me. Or maybe, you don't really want to marry me after all." Bumalatay ang sakit sa mukha nito. "Akala ko nagpo-postpartum ka lang, that is why I am giving you space, Helga. Masakit marinig mula sa iyo na mas masaya ka kung wala ako." Tumalikod na si Pierre at naiwan naman siyang natulala.

Ang lahat ng galit at pagkamuhi na inipon niya para dito ay napalitan ng pagkalito. He must be lying, matalino si Pierre, siguro ay gusto lang nitong sa kanya manggaling ang mga salitang iyon. So he can tell everyone the sob story, that she broke up with him.

A part of her tells otherwise. Teka, hindi siya masaya nung wala ito sa tabi niya.

---

PIERRE.

"Please send her the CCTV copy." Utos ni Pierre sa kanilang messenger. Naka-seal ang CCTV footage ng kanyang opisina at hindi niya alam kung bakit pa niya iyon ginagawa.

He knows he doesn't need to prove anything when he's telling the truth. Dapat ay maniwala na lang si Helga kung totoong mahal siya nito.

Pero hindi, ipinamukha sa kanya nito na mas masaya ito kung wala siya. Sino ba siya para humadlang dito? Ngayon, nagtatrabaho siya para sa kanyang anak na si Gilad. No, hindi siya magpapakalasing sa alak dahil sa frustration, he's a father now. Sa kabila ng lungkot at pait, meron pa rin siyang dahilan para ngumiti tuwing umaga.

It excites him to see Gilad everyday. Bago siya pumasok at pagkagaling niya sa trabaho ay nakikita niya ang anak. Gusto na nga niyang hilahin ang oras para makasama muli ito hanggang sa makatulog. He's a month old now, ngumingiti na ito tuwing nakikita siya, mas lalong gumagaan ang pakiramdam niya. He's really inspired and surprisingly not that miserable.

Pagkatapos ng trabaho ay nagmadali siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Paulit ulit niyang sinisilip ang laruang ibinili niya para sa anak nung lunchtime, nakalimutan niyang kumain dahil nagtagal siya sa baby store. He bought him a new music pad. Pupwedeng gumapang doon si Gilad at tuwing maapakan ang isang parte ay tutugtog ng nursery rhyme.

Pinapasok siya ng guwardiya sa mansyon ni Elias Costa. Nang marating ang main door ay inaasahan niyang makita si Juliet na karga si Gilad para ibigay sa kanya ngunit si Helga ang may bitbit sa kanyang anak. She's wearing a plain baby blue dress. Motherhood suits her, she's literally glowing. Ngayon lang ulit niya ito nakita matapos ang dalawang linggo.

"W-wala si Juliet, dinala sa ospital ang Tatay niya k-kaya nagpaalam." Agad na inaabot nito sa kanya si Gilad.

"Wait, I will need to change clothes. Mabilis lang."

Agad niyang niluwagan ang suot niyang tie at inisa isa ang butones, Helga was dumbfounded, looking at him. Kinuha niya mula sa paperbag ang kanyang wipes at sanitizer, ipinahid niya iyon sa katawan niya bago nagpalit ng t-shirt. Inalis niya din ang suot niyang slacks, sa loob naman non ay shorts, pinunasan din niya ng wipes at sanitizer ang kanyang mga binti pagkatapos ay nagsuot ng malinis na khaki shorts.

"Akin na." Aniya matapos ang lahat ng ginagawa. Tinitigan siya ni Helga bago alanganing ibinigay sa kanya si Gilad.

"If you were going to ask if I am removing all my clothes in front of Nurse Juliet, I don't. You have seen me naked kaya merong Gilad."

"Stop." Umirap ito sa kanya na parang naiinis pa. What's wrong with her? Si Helga naman talaga ang may atraso sa kanya. 

Nagkibit balikat siya nang kunin niya si Gilad mula dito.

"Titingnan ko lang ang iniluluto ko. Isinama ni Papa pabalik ng Bantayan ang mga kasambahay. Dapat kami lang ni Juliet ang naririto pero pati siya ay may emergency din." Anito bago nawala sa kanyang harapan.

He kissed Gilad on the forehead. Ngumiti ito sa kanya. Nawala ang lahat ng pagod niya. He always wish he could go home to this, well, he is going home to this but he will still go home to another house when Gilad sleeps. Sana ay makita niya din ito tuwing magigising siya sa umaga, pero kailangan niya pa itong puntahan. Not that he's complaining, he's totally fine with it. 

Kung mahal lang kasi siya ni Helga eh di hindi na sana siya naghihirap pa.

"Kakain na.." Sumilip si Helga mula sa dining room ng mansyon. He maintained a straight-face, hindi siya dapat magmukhang excited kahit namimiss na niya ang luto nito.

"Hindi na, sa bahay na lang ako kakain." But deep inside, hinihiling niya na sana ay pilitin siya nito.

"Sabayan mo na ako kumain." Giit nito. Ipinakita sa kanya ang stroller ni Gilad. "Pupwede nating ilagay dito si Gilad habang kumakain tayo."

Ganoon nga ang ginawa nila. Tahimik nilang pinagsaluhan ang iniluto ni Helga, he missed her cooking so much but he will not tell her, he doesn't want her to feel uncomfortable and he doesn't want her to think that she makes him happy at this point. Focus lang kay Gilad. 

"Salamat sa hapunan."

Helga nodded. Iniligpit nito ang pinagkainan pero tinulungan niya ito. Itinulak nila si Gilad patungo sa kitchen at pinagtulungan nila ang hugasan ng tahimik. After that, dinala niya si Gilad sa nursery, alam na alam niya ang gagawin dito. Siya ang nagpapatulog. He was swaying him to sleep after he turned on the mellow nursery rhyme music in his room. The glow in the dark pieces of stars and the moon bathe them with soft light. Napangiti muli siya nang humikab ang kanyang anak, napahikab din tuloy siya, he hope he could sleep beside him, too. But that is too much to ask.

"Okay lang ba kung dito ka matulog? Wala kasi kaming kasama.." Alanganing tanong ni Helga sa kanyang likuran.

"Are you inviting me to sleep here?" Hindi siya halos makapaniwala.

"Ayun ang kama ko, yung kay Nurse Juliet, naroon naman sa isang sulok." Turo ni Helga na para bang hindi niya iyon alam. He memorized his son's room and have dreamed of sleeping in it every night, too. "P-puwede ka sa floor."

"You want me to sleep on the floor?" Excited niyang tanong. Kahit nakaupo ay papayag siya, basta magigising siyang kasama ang anak.

"I-I mean, m-malaki naman ang kama ko, kung okay lang sayo. Sa akin okay lang naman. Walang malisya." Sa kabila ng dilim ay alam niyang namumula ang mukha ni Helga at di niya maiwasan ang mapangiti. "W-wala namang makakakita eh."

"Of course," he grinned. "I will sleep here."

Nang makatulog si Gilad ay humiga na si Helga sa kama nito. Alam niyang hindi magiging kumportable si Helga sa kanyang presensya kaya siya na ang nanguna para puwesto sa carpeted na sahig, kinuha na lamang niya ang isang unan para sa kanya.

"D-diyan ka matutulog?" Sinilip siya ni Helga.

"Yes." Tipid niyang sagot.

Ganon nga ang nangyari, ang isang gabing pagtulog niya sa mansyon ni Elias Costa ay naging isang linggo. Hindi pa bumabalik si Nurse Juliet, ganoon din ang mga kasambahay. It was a dream come true for Pierre. Hiling niya na sana ay hindi na iyon matapos pero hindi naman pupwede iyon. Dumating din ang mga kasambahay at si Nurse Juliet pagkalipas ng sampung araw.

"P-pierre." Nilingon niya si Helga nang magpaalam siya ng gabing iyon para umuwi. "Uuwi ka na?"

He nodded, "Meron naman na kayong kasama. Hindi mo na ako kailangan." He smiled. "Goodnight."

--

HELGA.

"Tulaley.." Tinapik siya ni Stephanie sa braso habang nagpapalipas sila ng oras sa veranda isang hapon, "Next week babalik ka na sa trabaho, tapos na ang maternity leave mo, Helga. Dapat adjusted ka na eh parang nasa space ka pa din."

Sumimangot siya, "Hindi kaya madali ang maging single mother."

"Hindi naman kasi talaga, pero kasalanan mo naman kasi, merong nag-aalok ng kasal, inaway mo."

"Hindi ko siya inaway ha! Siya ang kusang umalis."

"Pero di mo sinuyo."

"Bakit ako? Hindi ba dapat siya?"

"Bakit siya? Eh ikaw itong hindi naniniwala sa kanya? Di ba dapat ikaw ang magsorry?"

Alam naman niya iyon pero matigas ang ulo niya, lalo na noong mga nakaraang araw. She initiated but Pierre kept his distance, he offered him a space beside her, ayaw. Kapag dumarating ito sa gabi, madalas ay nakakain na din at aalis sa umaga para mag-almusal sa labas. Saan siya lulugar doon?

"Nagpapakipot lang yon." Pagpapanatag sa kanya ng kaibigan.

Sana nga, pero mukhang hindi. Dahil nang magsimula na siyang bumalik sa trabaho, bumalik na naman ang masungit na si Pierre na hindi gusto ang mga drawings niya. Nakasanayan na niya, when it comes to work, Pierre give his all, walang sinasanto ito kaya alam niyang hindi siya nito pinag-iinitan. Although, nasasaktan siya kapag masungit ang pakikitungo sa kanya ng binata.

"Cobonpue, Vito Selma? Hindi ba napag-usapan na nating ima-manufacture ang lahat ng furniture ng Elias Costa?" Ibinagsak ni Pierre sa lamesa ang kanyang written report.

"Pierre, I don't want you to think that I will be giving Elias Costa pieces to you because that is my father's. Conflict of interest iyon." Paliwanag niya habang nasa opisina ni Pierre. Seryoso ito at mukhang mainit ang ulo kagaya nang mga nakaraang araw.

"Helga, you know that I personally went to Cebu to check your father's pieces. Can't you make an arrangement for bulk orders of the furniture?"

"I did my research, may ilang pieces na mas mura ang Cobonpue at Vito Selma kaysa Elias Costa. And because this will be a local designer's hub, naisip ko na bawat corner ay merong showcase ng designs ng mga local furniture designers para mas maappreciate ng mall goers. Magpapasok din ako ng local fashion designers monthly para idisplay ang kanilang mga gawa."

"I did not agree to that. I want Elias Costa from ground floor to seventh floor. Kung ayaw mo ay ako mismo ang kakausap kay Elias Costa."

Napayuko siya at napanguso, "Y-you don't have to do that."

"I do. Ayaw mong sumunod sa instructions ko. I am paying Almonte Construction and Designs to listen to me. You will only suggest but your job is to execute my vision or approved visuals for that matter."

Tumunog ang cellphone nito at agad nitong sinagot iyon nang mahinahon. "Hello, Candice." Napahilot si Pierre ng sentido, nanatili siyang nakatayo sa harap ng lamesa nito at kinukuha ang kanyang mga disenyo.

"7PM? Okay. I'll ask Maya to make a reservation."

Nakaramdam siya ng pagkainis, paano si Gilad? Pierre will make Gilad wait just because he has a dinner date? How cruel. Laging kasabay ni Pierre ang Candice na iyon tuwing lunch time. Ngayon ay pati ba naman sa dinner?

Huminga siya ng malalim nang ibaba ni Pierre ang telepono at buong tapang na hinarap ang binata. "Can we discuss this later?" 

"How later?" Tanong nito nang hindi tumitingin sa kanya.

"6PM." Aniya. "I will make revisions and I will show it to you."

"Okay, make sure that we will be done by 6:30."

"I am not sure. Pupwedeng tumagal pa."

Tumaas ang kilay nito. "Paano si Gilad? Huwag kang nagpapagabi sa trabaho."

"Bakit ikaw? You will have a dinner by 7. Hindi mo ba naiiisip na iniintay ka ng anak mo?"

"Whoah, ako pa ang issue? I don't know you are really concerned. Well, FYI, pumupunta ako sa inyo hangga't kaya ko. Hangga't kaya iaccommodate ng schedule ko."

"Wow, pati ang anak mo kailangang isingit sa schedule mo? Well, what should I expect? Pakitang tao lang naman ang ginagawa mo. I should have known."

"Why are you even putting words on my mouth, Helga? You are so heartless. Tinatanggap ko ang lahat nang ibinibintang mo sa akin dahil ayokong makipagtalo sayo pero sumusobra ka na." Kalmado ngunit may diin na wika ni Pierre.

Pagkasabi non ay tinalikuran siya ng binata at lumabas ng opisina nito. She felt miserable the moment that he left. Hindi niya maintindihan ang gusto niya. Hindi niya masabi ang gusto niya. Pinapangunahan siya ng takot na baka mas gusto nga ni Pierre na ganito na lang sila, workmates.

Pero yun ba ang gusto niya?

"Just tell him what you want and move on. At least nasabi mo, kaysa forever live in silence ang peg mo." Suhestyon sa kanya ni Steph habang pinapanood siyang i-marathon ang designs na ipinapabago ni Pierre.

"He's dating someone now."

"Dating pa lang naman. Hindi ka naman manggugulo. Ang hina ng loob mo! Just get this over and done, Helga. Palagay mo nagkamali ka, say sorry, palagay mo mahal mo pa, say you love him. Hindi umiikot ang mundo sa pakikipagparamdaman. Oo, action speaks louder than words but you should know that never assume unless it was otherwise stated. May legal basis ang panghuling quotable quote so mas valid iyon."

Napatayo siya mula sa upuan. Napaangat ng tingin si Stephanie.

"Oh, ano ang gagawin mo?"

"Tama ka, I should get this over and done. Sandali lang, babalik ako."

"S-saan ka pupunta?"

"Basta." Nagmamadali siyang tumakbo papalabas ng Laya Air kung saan sila binigyan ni Pierre ng space para sa kanilang mga trabaho sa Almonte Construction. Tumawag siya kaagad ng taxi at nagpahatid sa isang mall. Sa isang jewelry store siya pumunta.

"Anong size, Ma'am?" Tanong sa kanya ng sales attendant.

Napatapik siya ng noo, hindi niya alam ang sukat ni Pierre. She wanted to buy him a ring. Pakapalan na ito ng mukha but she will say sorry today and she will make a move. Yun nga lang ay hindi niya alam ang sukat ng daliri ni Pierre. Itinuro na lang niya ang isang leather bracelet. It is an infinity bracelet with a simple princess cut diamond at the center of a white gold infinity symbol.

Nang mabili na niya iyon ay dali dali siyang bumalik sa opisina. Yun nga lang ay mukhang hindi nakiayon ang tadhana sa kanya, natraffic siya. Panay ang tunog ng cellphone niya sa mga mensahe ni Stephanie. Hinahanap siya nito dahil nag-iintay na si Pierre. 

It is 6:15, naiimagine na niya ang galit na anyo ng binata. Kung ipagpaliban na lang kaya niya ang kanyang plano? Napailing siya. It is now or never. Just get this over and done, tama si Steph.

Tumatakbo na siya papasok ng Laya Air, it is 6:30PM, dapat ay tapos na ang kanilang meeting. Nakita niya ang sasakyan ni Pierre papalabas ng gate ng Laya Air. Itinaas niya ang kamay niya para kunin ang atensyon nito.

"Ma'am Helga, umalis po kayo diyan, mukhang nagmamadali si Sir." Sambit ng guwardiya pero hindi siya nakinig.

She knows he can't wait to have dinner with Candice but she needs to do it now. Huminto sa kanyang harapan si Pierre at bumaba sa sasakyan nang magkasalubong ang kilay. She couldn't help but to exalt his glorious masculinity. Habang tumatagal ay kamukha na ito ni Gilad, and she's not sorry that his son harvest the good genes. 

"Helga, saan ka nanggaling?"

"I know that you are in a hurry to have your dinner with your date. But.." Hinagilap niya sa bag niya ang gusto niyang ibigay sa binata. Tumaas ang kilay nito.

"I just wanted to tell you that I am so sorry for everything. Sorry for making things hard for you." She was smiling but she felt tears pooling in her eyes. "Gilad was so blessed to be your son. I know you are working hard for him."

"Are you okay?"

"Yes, yes, I am okay.."

Marahas na napabuntong hininga ang kaharap.

"Helga, you are crying. What the heck? You are scaring the sht out of me, tell me what's wrong?"

Lumanghap siya ng sariwang hangin bago ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"I know that you may like somebody else right now but I rather tell you this than regret that I didn't. Sometimes, outright rejection is better than assumption. Mas madaling makamove on kapag ni-reject. Kaysa umasa ako habang buhay dahil tanga akong nag-assume." With that being said, she knelt down in front of Pierre. Napaatras ito dahil sa ginawa niya.

"Helga! Stand up!"

"I really love you, Pierre. That's the truth. I am so sorry for being stubborn and all. Sorry for not believing in you. Sorry for being jealous. It was the first time that I felt jealous. I never felt jealous when there was Helena but now, I am. I didn't have the right, I know. But, shocks, what am I saying?" Naiiyak at nangingig na sabi niya habang iniaangat ang bracelet na binili niya.

Napatingin siya doon, "Ooops, it still has a pricetag in it." Sinubukan niyang alisin iyon pero hindi niya magawa dahil nanginginig ang mga kamay niya. "Will you still marry me, Pierre. Please?" Napakagat labi siya habang inaalis ang pricetag. "Shocks, I shouldn't have said please, right? But for the argument sake, that is how I wanted to marry you. I wanted to plead but you can still turn me down, no pressure.. It is okay." Napakagat labi siya.

Hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin nang iangat siya ni Pierre mula sa pagkakaluhod at pinagtagpo ang kanilang mga labi. He felt the warmth of his lips gently biting her lower lip, her body moved automatically like a slave of Pierre's rhythm. Their body communicated in way that only both of them knows. Nakarinig sila ng palakpakan sa paligid pero hindi nila iyon alintana.

"Yes, Baby. Of course I will marry you. Ano pa ang gusto mo?" Bulong nito sa pagitan ng mga halik.

"I don't want you to have dinner with Candice because I am really jealous." She gave Pierre a long passionate kiss and he did not complain.

"Candice, well Candice is a 58-year old nice lady, happily married with three kids and she's the event coordinator that I hired for a surprise wedding two-months from now. Hindi ba't ang usapan natin ay magpapakasal tayo kapag nakalimang buwan na ang anak natin?"

Pinanlakihan siya ng mata, "You are planning a wedding without me knowing?"

"I just plan to send you an invitation to my wedding, though."

Mahina siyang natawa, "How dare you!"

"Wala na akong pakialam kung tatanggi ka pa, we need to get married, Helga. I can't wait to wake up next to you every morning and to eat all of your home-cooked meals. I have your father's blessing and your friends'."

"Talagang sila pa ang nangunguna ha!"

"They are selling you to me. And I bought it. Hindi ko matanggihan, masyadong tempting ang offer."

"Hoy! Baka masundan agad si Gilad!" Natatawang sabi ni Stephanie na nakatayo sa di kalayuan, sa likod nito ay ang ilang empleyado na mukhang papauwi na.

Hindi niya maiwasang mapayakap kay Pierre. She's happy. Lahat ng kaba niya ay nauwi sa isang kasiyahan na hindi niya maipaliwanag.

Sometimes, honesty is the only bridge to your happiness. If you are not willing to step your foot in to the honesty bridge, you will never be happy. Madalas kasi ay naghihintay lang sayo ang kasiyahan mo para iyong kunin.

Destiny has its own magic to bring you to the best moments of your life. Whether it is something you planned, you wished or something you have no idea about.

Para kay Helga, si Pierre ang hiniling niya na sana ay sa kanya na lang pero hindi siya naniwala na mangyayari nga ito. For her it was a silly childhood dream, now, she's building a family with the man of his dreams.

The End.


♁☆♁☆♁☆♁☆


Maki Say's: Finally! Haha Another one down. Huhu. I will never be afraid of writing endings ever again. Thank you sa pagsubaybay!

Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
67.3K 3.2K 24
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...