Eyes On Me

By myfinalfantasy

255K 6.9K 1.4K

The Lionheart Brothers #1 "You are always looking at her. Just this time, please, look at me. Eyes on me." More

Eyes On Me
The Beginning
[1] Eyes on Me
[2] Lionhearts
[3] Raziel
[4] Ten-minute Break
[5] Take Advantage
[6] The Only One
[7] Stay Beside You
[8] Lost In Your Eyes
[9] Sadist
[10] Fallen Angel
[11] Vashti Iynaia
[12] Need, Want, Love
[13] House of the Lionhearts
[14] 3 Things
[15] Do Not Touch
[16] Request
[17] I Promise
[18] Of Course
[19] Fiancee
[20] Go Back
[21] Bet
[22] Doesn't Matter
[23] With Your Help
[24] Move On
[25] What Am I To You
[26] Can I
[27] Selfish Vivi
[28] Lane
[29] Of Screams and Cries
[30] Rebound
[31] Later
[32] Really, Really, Really
[33] Smile More For Me, Please
[34] Decision & Realization
[35] 8.2 Seconds
[36] After a Month
[37] Going in Circles Again And Again
[38] Bad Angel
[39] I Want You. You Want Me
[40] Revealing Feelings
[41] Love
[42] Best Choice
[43] Let Me Kiss You
[44] Welcome Back
[45] Braver But Still A Little Scared
[46] Of Favors, Personalities, and Pasts
[47] A Series of Sullen and Unpleasant Events
[48] Proposal
[49] I Think I'm
[51] Free To Go
[52] Could It Be Any Harder?
[53] Lionel
[54] Scar
[55] Changes
[56] Brainwashing
[57] A Threat
[58] Final Decision
[59] Hear Me Out
[60] At My Worst & At My Best
The Finale

[50] Be Selfish Once Again

2.9K 87 38
By myfinalfantasy

[50] Be Selfish Once Again


Ramdam ko ang pangangawit ng leeg ko habang tinitingala ang malaki at matayog na itim na gate. Nasa loob pa ako ng sasakyan at hindi pa lumalabas pero ang puso ko, sobra na ang pagkabog. Hindi ko alam kung bakit ganito siya kumabog ngayon.

Dahil ba sa kaba? Takot? Excitement? Tuwa? Hindi ko alam.

"Dito na lang kayo. Ako na lang ang papasok sa loob," mahinahon kong sabi kina Levi at Vaan.

Kapwa sila hindi mapakali. Halatang galit sa nangyari sa akin ngunit hindi na lang nagsasalita. Pinili na lang manahimik. And I'm thankful because of that kasi hindi ko ata kakayanin kung pati sila ay maraming itatanong sa akin. Kasi kung ako ngang sarili ko, hindi ko masagot ang mga tanong na naglalaro sa aking isip ngayon. Iyong mga tanong pa kaya nila?

I just want a peace of mind right now. And a little bit of Raziel.

"Sasama kami, Ate. Sobrang delikado sa mansion na iyan!"

Nilingon ko si Vaan sa backseat. "Ilang beses na akong nakapunta sa loob niyan. Buhay pa naman ako hanggang ngayon. At saka, kilala ako ng mga nakatira diyan. Wala silang gagawing masama sa akin."

"Kahit na! Paano kapag nadulas ka? Madapa? Buntis ka! Kailangan may mag-aalalay sa'yo!"

"You're overreacting!" I said, horrified. "Ako na lang!"

"Kuya, oh!" Tumingin si Vaan kay Levi na nasa front seat para humingi ng tulong.

Levi was just silently staring at me. Lumunok ako. Para akong unti-unting kinakain ng titig niya.

I know he's angry. Naalala ko iyong mukha niya nang sabihin ko sa kanyang buntis ako at si Raz ang ama. The color drained from his face. His jaw was clenched. And a pair of pitch black eyes. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya naniniwala. Kaya ang ginawa nila ni Vaan, pinacheck up pa ako sa tatlong personal doctors ng Kaiser family.

I'm three weeks pregnant, the doctors said.

Nang malaman niyang totoo ang sinasabi ko, he became silent. Hindi niya ako kinakausap. Panay lang ang titig niya sa akin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya. Pero paniguradong galit at nasasaktan siya.

We're getting married, for God's sake! Tapos ay ibabalita ko sa kanyang nabuntis ako ng ibang lalaki?

"Nasa loob ng mansion na iyan ang tatay ng dinadala niyang anak, Vaan. Hindi na natin siya kailangang samahan. Hindi siya pababayaan doon. Hindi ka niya kailangan at mas lalong hindi na niya ako kailangan."

"Levi..." Nag-init ang mga mata ko sa nagbabadyang luha.

Gusto kong maiyak sa tono ng boses niya. It was low, sad, and cracked voice.

I really hurt him so bad!

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "Go to him, Vashti. We'll just wait here."

He called me Vashti, not Vivi. And it stung.

Ilang segundo ko muna siyang tiningnan. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakatulala lang siya sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela.

Padabog na sumandal si Vaan. Maingay din siyang bumuntong-hininga.

Bago pa ako makalabas ng sasakyan, bumukas na ang maliit na pinto sa gilid ng malaki at matayog na itim na gate. Lumabas doon si Raz at kahit tinted ang salamin ng sasakyan, agad nagtagpo ang mga mata namin na para bang alam niya agad kung nasaan ako nakapwesto.

Bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Siya ang kailangan mo ngayon. Hindi kami. Kaya pumunta ka na sa kanya at sabihin mong siya ang ama ng dinadala mo," sabi ni Levi sa mababang boses.

Mariin akong pumikit. Bumuga ako ng hangin. Pinunasan ko ang mga luha ko bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko na tiningnan sina Vaan at Levi sa loob dahil agad akong tumakbo papunta kay Raziel. He was shocked when I snaked my arms around his waist. He was flabbergasted when he heard me crying on his chest.

"Raziel..." I called his name, crying my lungs out.

What should I do? I'm getting married with Levi while having your baby!

Narinig ko ang pag start ng makina ng sasakyan ni Levi. Nang sulyapan ko ito ay paalis na.

"Why are you here?" he asked me with a startled voice.

Tiningala ko siya. "I have something to say to you. Can we talk?"

Kumunot ang noo niya. Marahan niyang kinalas ang mga braso kong nakapulupot sa baywang niya. Kumirot ang puso ko sa ginawa niya.

"Pagkatapos ng ilang araw nating hindi pagkikita, ayan ang ibubungad mo sa akin? Anong sasabihin mo? Na tuloy ang kasal niyo ni Levi Kaiser at iiwan mo ako? Iyon ba?" He clicked his tongue and turned his back to me.

Tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Sinundan ko siya papasok sa kanilang mansion.

"Raz, sandali."

Hindi niya ako pinansin. Mas bumilis ang lakad niya. Nasa likod lang niya ako at sinusundan ko siyang maglakad.

"Raziel, please. Mahalaga itong sasabihin ko..." nagmamakaawa kong sabi.

He didn't mind my pleading voice and it hurts.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hinawakan ko gamit ang isang kamay ang aking tiyan. Natulala ako sa likod ni Raz.

Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Levi bago ko maisipang pumunta rito at ipaalam kay Raziel na buntis ako. His words made me realize something. He made me come up with a decision I wouldn't regret forever.

"What am I going to do, Levi? I'm getting married to you. But I'm pregnant with Raziel's child. I'm really sorry." Bumuhos ang mga luha ko. Nakayuko ako, hindi ko siya matingnan sa mga mata dahil sa guilt na nararamdaman ko. Iyong guilt na iyon ay unti-unti akong pinapatay sa sakit. Alam ko kasing dahil sa akin, may mga tao akong nasasaktan. May mga taong nahihirapan. "Alam kong galit ka at nasasaktan. Hindi lang ikaw kung 'di pati sina Auntie Red, magagalit sa akin. I can't even imagine kung anong pwede niyang gawin sa akin kapag nalaman niyang nabuntis ako ng ibang lalaki."

"Do you still want to get married to me while having his child?" he asked.

Mabilis akong napatingala upang tingnan siya. Nakabagsak ang mga balikat, nakaigting ang panga, at malulungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"W-What? Of course, I still want to marry you." Nanginig ang boses ko.

His lips arched into a sad and bitter smile. "Really?" may pagdududa niyang tanong. "Kasi kung ako ang tatanungin, okay lang sa aking pakasalan ka habang dinadala mo ang anak ng ibang lalaki. Call me a martyr, masochist, or what, I don't care. Ang mahalaga sa akin ay kasama kita. Napapasaya kita. Minamahal kita habang nasa tabi kita."

Another batch of tears flowed on my cheeks. Why are you like this, Levi? I don't even deserve you!

Umiyak lang ako nang umiyak sa harap niya. Wala akong masabing pwedeng ipantapat sa mga sinabi niya. He sounded so sincere I wanted to punch myself for hurting and betraying him like this.

"I'm really sorry, Levi. I'm sorry. I'm so sorry. I mean it! I want to marry you... pero hindi ko kayang makasama mo ang isang katulad ko. I betrayed you. I... I can't bear being with you like this. Papatayin ako ng konsensya ko. Pero paano si Auntie? Kapag nalaman niya ito... kapag hindi ako nagpakasal sa'yo..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong ginapangan ng takot.

"What do you really want to do, Vivi?!" he shouted and I was flabbergasted. "Magkaroon ka naman ng sarili mong desisyon! Dammit, you have to decide for yourself! Wake up! Be selfish once again!"

Kumurap-kurap ako. Umawang ang aking bibig. Kinuha niya ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. Malulungkot ang mga mata, sinabi niya sa akin ang mga katagang ito:

"You don't have to marry me. Please, huwag kang mag-alala sa akin, kay Vaan, sa Auntie mo, o kahit sino. Iyong sarili mo muna ngayon. Iyong kaligayahan mo muna," pabulong niyang sabi.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. How could say that while looking at me with those sad eyes? While gripping my hand so tight like you really don't want to let me go?

"Now, tell me. What do you really want to do?" nang-aalu niyang tanong.

Napapikit ako. Mga panibagong luha na naman ang bumuhos. Hinawakan ko pabalik ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"I-I w-want to be with R-Raziel, Levi..."

He drew a sharp breath. "Then, be with him, Vashti!"

Napahinto ako sa pagbabalik-tanaw nang mapansing nasa labas halos lahat ng mga kapatid ni Raz. Nakatayo at nakakalat sila sa harap ng main door. Isang babae ang nangingibabaw sa kanila—ang mama ni Raziel.

"It's not so nice to see you tonight," sabi sa akin ng nanay ni Raz na kinagulat ko. Tunog galit siya. "I requested a favor to your, right? Bakit hindi mo ginawa?"

"What favor? Ano na naman ba iyon, Mommy?" singit ni Raziel.

Tiningnan ko ang mga kapatid ni Raz. Hindi ko makitaan ng kahit anong ekspresyon ang mga mukha nila. Hindi ko mabasa ang mga iniisip nila. Lumapit sa akin si Jagger at sumunod sa kanya si Pain.

"I just told her to help me convince you to accept the President position in your father's company," napapabuntong-hiningang sabi ng mama niya.

"Huwag mo siyang idamay sa mga plano mo, Mom. Please. Not. Her." Mariin niyang tiningnan ang kanyang mama.

"Nag-aaway na sila bago ka dumating. Pinapaalis ni Raz ang Mommy niya. Lahat kami pumigil sa ginagawa niya kasi baka kung hindi kami makisali, masaktan niya ang sarili niyang ina," bulong sa akin ni Jagger.

"Kaya niyang saktan ang sarili niyang ina?" pabalik kong bulong, nanlalaki ang mga mata.

Tumango si Jagger. "Kapag galit ang isang tao, nabablangko ang isip niya. Hindi niya na alam ang tama sa mali. Hindi na niya nakikilala ang mga nasa paligid niya."

Nilingon ko si Raz. Ngayong sinabi nga iyon ni Jagger, halatang kagagaling lang niya sa matinding galit. Nagdidilim ang kanyang mukha. Kunot na kunot ang kanyang noo.

"Bakit bigla siyang nagalit?"

"It's because of you," Pain answered instead. "Ilang beses kang hinahanap ng Mommy niya. Iyon naman pala may pabor siyang hinihingi sa'yo. Ilang linggo kang hindi nagpakita sa amin. Nababaliw na ang Kuya ko sa'yo. Alam mo ba iyon? We know that he proposed to you pero hindi ka pa raw nagbibigay ng sagot sa kanya. That's why he's going crazy."

"Pumunta siya sa mansion niyo sa kabilang bayan pero wala ka na roon. Chrome help him to find you. He knows where you at pero hindi ka na niya mapuntahan. He concluded that your answer to his proposal was a no." Maliit na ngumiti sa akin si Jagger.

Nagkatinginan kami ni Raziel. He rolled his eyes at me. Sumikip ang dibdib ko. Wala akong alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya.

"You think you're brave already?" masungit niyang tanong sa akin. Bumagsak ang mga balikat ko. Kahit ang sungit ng pagkakatanong niya sa akin, napasaya ako noon kahit papaano. Pero hindi ko pa rin maalis ang paninikip ng dibdib ko. "Ang lakas ng loob mong magsabi kay Ellone na kung mahal mo, ipaglaban mo! Pero ikaw mismo, hindi mo magawa sa akin kasi takot ka sa Auntie mo!"

I flinched when he shouted at me. Agad nag-init ang mga mata ko.

"Come on, bro. Calm down!" pigil ni Jagger at nilapitan si Raz dahil nagsisimula na itong magalit nang husto.

"Magsama kayo ni Ellone! Parehas kayong pumili ng ibang lalaki para pakasalan! Parehas kayong nang-iiwan!"

"Raz, no, hindi na kita iiwan! Please! Let's talk properly! Don't shout at me!" Lumapit ako sa kanya at balak sanang hawakan siya sa braso pero tinulak niya ako.

Muntik na akong mapaupo sa sahig. Buti ay naramdaman ko ang mga kamay ni Pain sa mga balikat ko para maalalayan ako. Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Raz. I couldn't believe he did that to me—to hurt me physically.

Nanginig ang mga kalamnan ko. Nanghina ang mga tuhod ko. This is the first time he pushed me like this...

Nang matauhan si Raz ay unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. Napakurap siya.

"Vivi... I..." Nagtangka siyang lumapit sa akin pero natigil din nang malakas na tumunog ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

Kumuyom ang mga kamao ko. "Are you alright?" Pain asked me while still holding me on my shoulders.

Napahawak ako sa aking tiyan nang makaramdam ng kaunting pananakit doon.

"What, Juno?" Raziel's voice was sharp.

Napatingin ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin. He mouthed an apology to me. Matagal nakalagay ang cellphone niya sa kanyang tenga. Mukhang may sinasabi sa kanya si Juno. After a couple of seconds, the color drained from his face. Unti-unting umawang ang bibig niya. Nabitawan niya ang kanyang cellphone at nakagawa iyon nang malakas na tunog nang bumagsak sa sahig. Ang mga mata niyang nakatingin sa akin, nawalan ng buhay.

"Raziel?" tawag ko sa kanya, nakaramdam ng pangamba ang puso ko.

Tahimik lang ang mga kapatid niya habang pinapanood kami pero ang damdamin ko ay nagsusumigaw na may mali. Na may nangyaring hindi maganda.

Tinanggal ko ang mga kamay ni Pain sa mga braso ko upang malapitan si Raz pero nawala na siya sa sarili niya. Umiling-iling siya.

"No... Ellone can't be dead..." natutuliro niyang wika sa hangin bago ako nilagpasan upang pumasok sa kanyang sasakyan at paandarin ito palabas ng mansion.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 3.2K 33
(Casa Klara Series #1) Losing a family is hard. You need to go through the pain and longing in order to live once again, but how can you live and bre...
Falling Badly By A.R.T.

General Fiction

402K 6.3K 44
π™΅πšŠπš•πš•πš’πš—πš πš‚πšŽπš›πš’πšŽπšœ #𝟷 π™π™π™š π˜Ώπ™€π™˜π™©π™€π™§ Agatha Kalisha Gomez is not your typical teenage girl. With her overprotective parents and her o...
22.7K 700 40
Katarina Bales is scarred by her parents' separation. Lalo na nang lumipat sila sa iisang bahay kasama ang bagong asawa ng papa niya. It is painful...
19.7K 467 48
[COMPLETED] Louissa Agravante, the coldest and most feared of all the Agravantes, is very irritated with Monica Salazar, the daughter of her mother's...