My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 11: Flash Drive

32.7K 172 28
By PrinceofBanat

Chapter 11:

Maggie

Makikita ko uli mamaya si Dave. Ayieee!!! Excited lang? Haha. Practice muna ng kanta, baka mapagalitan ako.

“Maria” tinawag ako ni Leah.

“Hmm?” sagot ko.

“May pupuntahan ka ba mamaya pagkatapos ng mass?” tanong niya.

“Ah, sa Techno Stop, may bibilhin ako mamaya.” Nagulat ako sa tanong niya. First time na may ibang tao dito sa University ang may nagtanong sa akin ng ganyan. Wala naman kasi akong ibang kaibigan dito bukod kina Chloe at sa 3D.

“Gusto mo bang sumama sa amin ni Gwen? Gagala kami sa mall—dun ka na lang bumili ng bibilhin mo, may Techno Stop din doon.” Naisip ko bigla si Dave. Paano kung magkita kami mamaya at yayain niya akong lumabas? Tatanggihan ko na lang siguro sina Leah. Sayang naman, bagong kaibigan pa naman din sana sila, pero mas sayang ‘yung kay Dave—love life ko ang nakasalalay. May next time pa naman siguro para samahan sina Leah.

“Ah, Leah, hindi na lang siguro. Mabilis lang naman ako, eh. Uuwi ako agad pagkabili ko. Sorry, ha. Pwede bang next time na lang?”

“Naku, wala ‘yun, Maria. Sige, sa susunod na lang.”

Magsisimula na ang misa. Naghanda na kaming mga choir members. Hinahanap ko si Dave kung nakarating na siya, pero hindi ko siya makita. Marahil ay late lang siya—sana!

Natapos ang misa na walang ‘Dave’ na dumating. Kaunti lang naman ang mga um-attend ng misa kaya malalaman mo kung nariyan o wala ang hinahanap mo.

Nakakalungkot lang na wala ang inaasahan mong tao. Sakit naman. Gumising akong nakangiti (wala ng braces) dahil alam kong may magpapaganda ng araw ko, pero wala pala! Haay! Kainis ka, Dave! Sabi mo sisimba ka ngayon—paasa ka! Arrgghh!

Naisip ko na lang na sumama kina Leah at Gwen, para naman magkaroon ng bagong kaibigan.

“Leah, pwede bang sumama na lang sa inyo? Naisip ko, wala naman akong gagawin ngayon. Natapos ko na ang mga assignment ko at wala naman kaming quiz bukas, so gagala na lang ako. Pwede ba?”

“Maria—siyempre naman! Halika na! Lunch muna tayo.”

Masayang kasama sina Leah at Gwen. 4th year highschool na rin sila at mula pa sa Pope section, kung saan naroroon ang mga gifted students—mga genius kumbaga. Akala ko, eh, maiilang ako sa kanila dahil unang beses namin itong nagsama-sama, at isa pa, eh, mga sobrang matatalinong estudyante sila. Pero hindi, hindi nila pina-feel sa akin na OP ako, o wala akong kwentang kasama. Sobrang friendly nila—sana noon pa kami nagkakilala. Blessing na rin siguro ‘to na hindi kami nagkita ni Dave ngayon, dahil may nakilala akong bagong kaibigan. Nagtawanan at nagdaldalan lang kaming tatlo. Pakiramdam ko, matagal na kaming magkakaibigan.

Si Leah ay maganda, mahaba ang buhok na naka-pony tail, maputi, at payat. Si Gwen naman, chubby at morena na may suot na malaking antipara—pakiramdam ko mas matalino siya kay Leah. Ako naman? Ako, uhm, eto—feeling maganda. Kakapatanggal ko lang kasi ng braces ko kahapon. Mabuti at um-OK na sa dentist ko. Pakiramdam ko talaga nag-iba ako, kaya nga ngiti ako nang ngiti. Excited rin akong makita nina Dave at Chloe na ang ganda-ganda na ng ngipin ko. Hihihi.

“Maria, akala ko ba may bibilhin ka sa Techno Stop?” tanong ni Gwen.

“Ay, oo nga. Bibili ako ng Flash Drive.”

“Ah, gan’to na lang, kumuha ka muna ng priority number, then saka tayo gumala. For sure, maraming tao ngayon dun, Sunday kasi, kaya matatagalan kung maghihintay ka,” advice ni Leah.

“Uhm, pwede rin. Sige, tara,” sabi ko.

Nagulat ako sa dami ng tao sa Techno Stop. Kumuha ako ng priority number—#116 ang nakuha ko, at #84 na ang pinagsisilbihan nila. So sa ngayon, ika-33 pa ako. “Ah, Ley, Gwen, gumala na lang muna kayo. Hihintayin ko na lang, baka masingitan ako ng iba”.

“Ah, sige. Balikan ka na lang namin. O kaya i-text mo kami, ha.”

“OK, thanks!”

Tagal naman. Siguro kung sumama muna ako saglit kina Leah at Gwen, hindi ako nabo-bore ngayon. Isang maliit na Flash Drive lang naman ang bibilhin ko, eh. Ilang minuto pa ang hinintay ko... At sa wakas—ako na!

“Miss, USB, ‘yung 8GB po,” sabi ko.

“Girls, andiyan si Sir. Dali! Prepare!”

Prepare? Bakit? May seremonya ba sila kapag dumadating ang may-ari?

“Naka-pink na polo shirt! Alert!” sabi ng isa pang sales lady.

“Ah, miss ‘yung USB?”

“Sandali lang po, ma’am!” Umalis bigla at iniwan ako? Aba, customer ako, ah?! Kanina pa ako dito! Kainis naman.

Bumalik na ang sales lady na natoka sa akin. “Ma’am, ano po ‘yun?”

Nainis ako nang sobra pero hindi ko pa rin makuhang magalit. Palaban ako, oo, pero hindi iskandalosa, kaya mahinahon kong sinabi ang hinanaing ko sa sales lady.

“Miss, kanina pa po ako dito naghihintay. Iniwan mo na lang ako bigla para lang mag-retouch? Bakit? Dahil dumating ang boss niyo? ‘Di ba, dapat i-prioritize niyo muna ang customer niyo bago kayo gumawa ng kaartehan? Hindi naman masama na mag-retouch ka, pero dapat ginawa mo ‘yun nung free time mo, o kaya sana man lang in-endorse mo ako sa iba, para ma-cater ako—hindi ‘yung pinaghintay mo ako.”

“Ma’am, sorry na po,” bulong niya.

Bakit niya ako binubulungan? Oh, ngayon nahihiya siya?

“Ah, ma’am, I am very sorry for the inconvenience. Let me handle your concern, I am the General Manager of Techno Stop,” boses ng lalaki. Ay, boses pa lang, gwapo na. Napalingon ako. Lalaking maputi, matangkad, naka-shades at naka-polo shirt na pink. Hinubad niya ang shades niya. My GOSH!!! Si Dave! Nagpagupit siya at lalong gumwapo! Hindi lang basta gwapo—ang hot niya! Maggie, breathe! Breathe! Hihimatyin na ata ako. Ngayon ko lang nakitang mag-civilian si Dave, at mukha talaga siyang artista. Kaya naman pala ang lalandi ng mga sales lady kanina nang marinig nilang nandiyan na ang boss nila, kasi ganito siya kagwapo!

“D-Dave?!”

“Maria!”

“Ahh…ahhh…” Ano nga bang sasabihin ko?

“Wala ka ng brace?”

Luh! ‘Yun agad ang napansin niya? Daddy Lordie, help! Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang malaking-malaki!

“Ah-ah, obvious ba? Hehe.”

Dave

Wala na siyang brace—I admit, naging cute siya—pero konti lang. Wala pa rin siya sa standards ko ng babaeng maganda.

“Hindi ka nagsimba?!” ani Maria.

“Nagsimba ako, pero hindi sa University Chapel, dun ako kanina sa Village namin nagsimba—maaga pa. Kasi nga naka-schedule ako para lumibot sa branches namin. Teka, I heard may bibilhin ka?”

“Ah, oo. USB sana.”

Lumapit ako sa sales lady at tumitig sa I.D. niya para malaman ang pangalan niya. “Denise, ah, bigyan mo siya ng flash drive—ah, Maria, anong size?”

“8gig, Dave.”

“Pakibigyan siya, at i-charge mo sa akin, ok?”

“Ay, hala! Hindi na, Dave! Babayaran ko—nakakahiya naman.”

“No. I insist. Isa pa...” Lumapit ako kay Maria at ibinulong sa kanya ang kasunod kong sasabihin na, “Nakaramdam ka ng inconvenience kanina at siyempre—friend kita!” Komportable na ako ngayon na sabihin kay Maria na magkaibigan na nga kami. Siyempre, ilang beses niya nang pinapagaan ang loob ko, kaya magaan na rin ang loob ko sa kanya. Ni hindi ko na nga iniisip na may lahi siyang mangkukulam. Kung sa bagay, sabi ni Chloe, isa siyang mabuting witch. Ewan? Maniwala man ako o hindi—hindi na big deal sa akin.

Hinintay ko muna na makuha ni Maria ang flash drive, at nang makuha niya na ang kailangan niya ay nagpaalam na ako dahil may dalawang branches pa akong pupuntahan. “Maria, mauuna na ako. May dalawang branches pa akong pupuntahan!”

“Dave, thank you talaga ng marami, ha! Iingatan ko ‘tong USB na ‘to, promise!” Ngumiti lang ako bilang reply at nagpaalam na thru gesture.

Matapos akong makalibot sa apat na branches ng Techno Stop namin ay tinawagan ko si Daniel—may pinuntahan pala sila ni Chloe. “Iba talaga pag may love life, nakakalimutan na ang mga kaibigan,” biro ko kay Daniel.

Matapos ko siyang tawagan ay isinunod ko si Don-Don, un-attended ang phone ng luko! Dalawa lang ang ibig sabihn niyan kapag un-attended ang phone ng baliw na si ‘yon, either nawalan na naman siya ng mobile or naka-off dahil may ka-sex siya at the moment. Hinayaan ko na lang siya kaya nag-decide ako na umuwi na lang.

Nadatnan ko sa bahay si Christine, kaibigan ni Lani.

“Hi, Dave!” bati ni Christine.

“Ah, Christine. Ano ‘yun? Ba’t ka nandito?”

“May sasabihin ako sa’yo, Dave.”

“Tungkol saan?”

“Kanino, Dave—uhm, tungkol kay Lani.”

“Ah, Christine, pasensya ka na, ha. Pero hindi na ako interesado.”

“Pero kailangan mo pa rin malaman ang totoo, Dave. Makinig ka muna, please.”

“Kung may kailangan akong malaman, dapat dun ko mismo marinig sa taong involve.”

“Dave, minsan ang mga taong nasa paligid ng taong involve—dapat makialam, lalo na kung parehong tanga ang mga taong involve.”

“So you mean, kaming dalawa ni Lani—tanga?”

“Yes. Sorry if I sound mean. Gusto ko lang makatulong—”

“Kasi pakiramdam mo ikaw ang matalino, tama?”

“Trying to be, Dave, at least. Pwede ba? H’wag na tayong mag-argue. Makinig ka na lang, please!”

Ayoko sanang makinig kay Christine dahil ang inaasahan ko lang naman na maririnig sa kanya ay ang i-defend ang kaibigan niyang si Lani—and actually, wala na talaga akong pakialam sa kanya. Pero there’s something inside me na biglang naging interesado kaya pinagbigyan ko na si Christine.

“Fine, pero make it fast!” kondisyon ko sa kanya.

“OK. Here. Uhm , paano ba ako mags-start? Ah, Dave. You and Lani, as I’ve said, are both idiots! Pinagseselos ka ni Lani. Pinagseselos mo rin siya! Tapos ano kayo ngayong dalawa—NGANGA! Hindi boyfriend ni Lani si Christopher na classmate namin. Yes, Toph has a crush on Lani, and that’s the reason why he accepted Lani’s offer to pretend that they are lovers—para nga kasi pagselosin ka! Ikaw naman, nakikipag-sweet-sweet-an ka dun sa witch na si Maria, and I know naman, Dave, na hindi mo type si Maria. You’re just using her para magselos si Lani, right? —just like what Lani is doing with Toph.”

You’re a shit, Lani, just like me! Tama si Christine. Kakapaselos namin sa isa’t-isa, ayan, pareho kaming nasasaktan.

Naghihintay si Christine ng response ko pero wala akong isinagot kaya nagpatuloy siya.

“And, Dave, hindi buntis si Lani. Sabi ko nga, nagpanggap lang sila ni Toph bilang magsyota.”

Bull shit! Get ko na ‘yan nang sabihin niya kaninang hindi totoong boyfriend ni Lani ‘yung sinasabi niyang si Toph—hindi naman ako tanga, ‘no?! Pero masakit—lalo na nang diretsahan niya pa iyong sinabi.

Nagagalit na naman ako. Muli akong nagpakumbaba kay Lani the last time I called her, pero ano? —ipinairal niya lang ang pride niya, kaya wala na akong ibang nararamdaman kundi galit sa kanya.

“Tapos ka na ba, Christine?”

“Dave, anong masasabi mo?”

“Don’t you get it? WALA!”

“Balikan mo siya! She still loves you, and I know you still feel the same way for her, right?!”

“Wrong! Nagsayang ka lang ng effort, Christine. Now, kung wala ka ng ibang sasabihin, makakaalis ka na.”

“Dave, pinairal ni Lani ang pride niya, h’wag mo na siyang tularan.”

“Hindi ko siya tinutularan, Christine! Pagod na ako.”

“So, take a rest. Kapag nakapagpahinga ka na, balikan mo siya—she’s depressed, Dave.”

And she deserves that… Ito ang gusto kong sabihin sa kanya. You deserve to be lonely, Lani! And I deserve to be happy.

“Christine, I won’t—never! Please, umalis ka na.”

Nag-shake lang ng head si Christine, kinuha ang bag niya at umalis. Ako naman ay dumeretso sa kwarto ko. Fuck you, Lani. Fuck you, too, Christine, for bringing up again all the pain! Na-imagine ko uli ang time na nasa eskinita ako, naiinitan, galit na galit, at malungkot na malungkot. Nagpapakumbaba ako that time, pero ginanon lang ako ni Lani. And it was so easy for her na tiisin at dramahan ako—mabuti ‘yan sa kanya—ngumanganga siya ngayon, habambuhay!

Tumunog ang mobile ko. Hindi ko pinansin, at natulog na lang ako. Nang magising ako ay nabasa ko ang text ni Maria.

“Dave, hello! Sobrang thank you talaga sa USB, ha! Ite-treasure ko talaga ‘to. ^^”.

Naisip ko bigla ang dating plano ko na ligawan si Maria. Obvious naman na gusto niya ako. Isa pa, sabi niya sa driver ng taxi, ‘ex-boyfriend’, so wala nang sagabal. Magagamit ko pa siya para lalong galitin si Lani. And because this time, mas komportable na ako kay Maria, kaya hindi na ako natatakot kung witch man siya o hindi. Ni-reply-an ko si Maria ng:

“Ingatan mo ang USB na ‘yan gaya ng pag-ingat sa <3 ko.”

Continue Reading

You'll Also Like

45.7K 612 46
Meet Angelo, isang photographer na nagta-trabaho para sa isang Magazine Company. One day, during sa isang event sa La Mesa Eco Park. Nakita niya ang...
267K 8.7K 56
(WARNING: written during 2016-2017, cliché and cringey af) Dalawang magbestfriend. They promised each other that they won't fall inlove with each oth...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
47K 641 33
Naniniwala ka ba sa UNCONDITIONAL LOVE? How about sa FOREVER? Paano kung ang akala mong man of your dreams ang magbibigay sayo ng inaasam mong happi...