My GF Is So Panget (Various F...

By PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... More

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 47: The Longest Word in the World
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 7: To Live with a Witch

35.9K 219 23
By PrinceofBanat

Chapter 7:

Dave

Nakakapanibago si Chloe—ang tono ng pananalita at ang kilos niya—parang may iba. Kanina pa siyang umaga wala sa sarili. Hindi lang ako ang nakapansin, kundi maging ang boyfriend niyang si Daniel na ibinulong sa akin ang kakaibang kilos niya kanina.

Hindi kaya eto ang dahilan kung bakit parang kanina pa siyang nag-iisip ng malalim? Maaaring nabulgar niya na ang tunay na pagkatao ni Maria.

Tahimik kaming nakikinig sa ibinubulong ni Chloe. Nanggaling daw sila sa sementeryo noong nakaraang lunes, at base sa tono niya, mukhang may hindi magandang bagay siyang natuklasan.

“Guys, confirmed!”

‘Yun na ‘yun! Sa salitang ‘confirmed’ pa lang, alam ko na agad! Tama ang hinala ko, naming lahat—mangkukulam nga si Maria.

“Maria is a witch…but wait, guys! U-uhm… She’s a good one. Actually, alam nyo ‘yun? I-I can’t explain it well, pero nag-confess na siya sa akin. Doon sa sementeryo—dun niya ginagawa ang rituals niya.”

Walang umiimik sa aming tatlo. Nagulat kami sa sinabi ni Chloe. Alam ko, hindi siya nagsisinungaling.

“Babe, anong nangyari nang pumunta kayo sa sementeryo?” tanong ni Daniel.

“Okay, um, this, niyaya ako ni Maria kung gusto ko raw malaman kung bakit siya may dalang kandila, at ‘yun—pumayag naman ako. Then, there—akala ko may may dadalawin lang siya, eh, but she told me everything.”

“Hindi ka natakot?” pagtataka ni Don-Don. “Hindi ka ba niya inano? Hala! Baka ginagayuma ka na rin niya gaya ni Dave?” dagdag pa niya.

“No. Not at all. Maayos niyang inamin sa akin ang lahat. Normal lang. Akala ko nga binibiro niya lang ako, pero pinakita niya ang mga gamit niya, at naniwala na ako. Sabi pa niya, wala siyang ginagawang mali; na she’s a good witch, and it runs on their blood. And wait! Anong sinasabi niyong gaya ni Dave? Ginagayuma ni Maria si Dave?”

“Ganito kasi ‘yun, Chloe, last time may ibinigay na inumin ‘tong si Maria kay Dave na nakita ng marami na dinadasalan pa nitong si Maria,” ani Don-Don.

“H-huh? Dave, totoo ba ‘yun?” tanong sa akin ni Chloe.

“Hindi naman siguro. Isa pa hindi sapat na proof ‘yung nakita ng iba na dasal-dasal na ‘yun ni Maria. At tsaka wala akong naramdamang kakaiba. Parang wala lang!”

“Oh, ayun naman pala, eh!”

“Chloe? Wala lang ‘yun sa’yo, eh, akala ko ba ikaw mismo ang nakapagpatunay na witch nga itong si Maria. Ang gulo mo, ha!” pagdududa ni Don-Don.

“Don-Don, oo, napatunayan ko na ‘yun, pero it doesn’t mean na kung witch nga siya, eh, lahat na lang ng ginagawa niya ay may halong, y’know, freaky witchcraft?! At isa pa, ‘di ba nga, si Dave na ang nagsabi na wala naman daw siyang kakaibang naramdaman.”

“Maaari. Pero tignan niyo si Dave. Ikaw 'tol, kung hindi mo nahahalata sa sarili mo, kami ni Daniel, kitang-kita namin! Inoobserbahan ka lang namin, ‘tol, hindi mo lang alam! Tingin ka nang tingin lagi kay Maria. Sa t’wing may mass at kakanta si Maria, buong atensyon mo nasa kanya na! Kilala ka namin, Dave. Hindi si Maria ang tipo mong babae. At anong ibig sabihin ng red rose, good morning, pasahan ng message sa notebook, with matching heart? Kung alam mo lang kung gaano kami natawa nang makita namin ‘yun ni Daniel.”

Gusto kong matawa sa kahihiyan sa heart-heart na sinasabi ni Don-Don, pero nangingibabaw sa akin ang kaba dahil sa natuklasan ni Chloe tungkol kay Maria. Haist!!! Kung alam lang ng mga kaibigan ko na ang lahat ng ‘yun ay puro pagpapanggap lang—tss!

Tahimik lang ako na parang walang naririnig sa kanila. Hindi ko na sinubukang ipagtanggol ang sarili ko dahil ayaw kong malaman nila ang maling ginagawa ko. Pero dahil ngayong alam ko na, na totoong mangkukulam itong si Maria, dapat na akong umatras. Hindi ko alam kung ano pang kayang gawin ni Maria, at sa totoo lang, natatakot ako. Kung sakali mang totoo ngang sinubukan akong gayumahin ni Maria, at hindi siya nagtagumpay sa simula, sisiguraduhin kong hindi niya na iyon mauulit pa.

Napansin siguro ng mga kaibigan ko ang katahimikan ko, at sa tuwing tahimik ako at halatang may malalim na iniisip ay pinababayaan na nila ako. Hindi nila ako dinidistorbo dahil alam nilang hindi nila maaagaw ang atensyon ko sa oras na nagmumuni-muni na ako. Isa ‘yun sa mga pinasasalamatan ko sa kanila—ang pagiging marespeto nila; kaya inilihis na lang ni Daniel ang atensyon nila mula sa'kin at pinayuhan ang girlfriend niyang iwasan na si Maria.

“No, babe! Hanggang walang ginagawa si Maria na hindi maganda, hindi natin siya lalayuan. Kapag lumayo tayo, mahahalata niyang alam niyo na. Isa pa, kung malapit tayo sa kanya, there’s a chance na hindi niya tayo gagawan ng masama, kasi nga kaibigan niya na tayo. Now, babe, and you Don-Don at Dave—walang ibang pwedeng makaalam nito. Even si Maria, dapat hindi niya malaman na alam niyo na. Nangako ako sa kanya at kapag nalaman niyang sinabi ko sa inyo, baka ikagalit niya. So, do we have a deal?”

Nagkatinginan lang kaming tatlo at walang ibang nasabi maliban sa pagtango.

“Good,” ani Chloe.

***

Magkatabi kaming magkaupo ni Maria sa isang puting bench, nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagkukulitan, nagkikilitian, habang pinapanuod namin si Lani na nalulunod sa selos—at bigla na lang akong nagising. Muli ko na namang napanaginipan si Maria, and this time, kasama si Lani. Sweet dream iyon para sa akin. Hindi ko alam kung bakit—marahil ay dahil natuwa akong makitang nagseselos si Lani, pero maaari ring dahil totoong masaya akong kasama si Maria.

Ang gulo-gulo ng pakiramdam ko. Paano kung totoong ginagayuma ako ni Maria? Paano kung dahan-dahan niya lang palang ginagawa iyon, at magising na lang ako na isang umaga, bulag at bingi na ako sa lahat ng sinasabi nilang hindi maganda tungkol kay Maria, dahil nga nasa ilalim na ako ng gayuma niya?.

***

Bumalik ako sa normal, hindi na ako nagpapaka-sweet kay Maria—civil lang, pero hindi ako nakikipag-close. Maging sina Daniel at Don-Don ay ganun din ang trato kay Maria, maliban kay Chloe na lalong nagiging close sa kanya. Nakakapagtaka na siya na nga mismo itong nakaalam ng katotohanan sa pagkatao ni Maria, pero siya pa itong walang kaba sa pakikipagkaibigan sa kanya.

Ilang araw na din kaming ganito, awkward lagi sa t’wing nariyan si Maria. Ayaw naman naming lumayo kina Chloe at Maria, dahil binabantayan namin si Chloe. Sa t’wing magkakasama kami, tanging ang dalawa lang ang nag-uusap at nagtatawanan—parang sila lang ang magkasama. Sinusubukan kaming pansinin ni Maria ngunit malamig kami sa kanya.

Isang araw ay nagdala si Maria ng brownies, isa sa mga pagkaing hindi ko kayang tanggihan.

“Dave, oh! Ako ang nag-bake niyan.” Inabot niya sa akin ang isang box na naglalaman ng siyam na brownies.

Gusto kong tumanggi, ngunit paborito ko ito. “A-ah, thanks, Maria, but no thanks!”

“Huh? Ayaw mo?” malungkot na sinabi ni Maria—para siyang batang nawalan ng piso sa reaksyon niya.

Nakita ko sa malayo sina Lani kasama ang bagong boyfriend niya. Nakatingin siya sa amin, kaya agad kong kinuha ang brownies na binigay ni Maria, para inisin siya.

“A-akala ko ayaw mo?” pagtataka ni Maria.

“Anong ayaw? Favorite kaya ni Dave ang brownies,” sabat ni Chloe. 

“Talaga, Chloe? Ah, Dave, totoo ba ‘yun? Favorite ko rin kasi ang brownies. Tikman mo ‘yan! Masarap ‘yan!”

Gusto ko na sanang tikman, ngunit naalala ko na baka may gayuma na naman ang pagkaing ito, kaya naisip kong i-share ito sa barkada ko.

“Ay, teka!” pagpigil ni Maria sa barkada ko.

Bakit niya sila pinipigilan? Dahil ba ang gayuma ay para sa akin lang? Nagtaka kaming apat sa kanya at agad niyang binuksan ang bag niya at kinuha ang isa pang box ng brownies.

“Paborito mo ‘yan, Dave, ‘di ba? Sa’yo na ‘yang buong box na ‘yan, eto na lang isa ang para sa inyo.”

“So may special box para kay Dave? Sa amin iba. Bakit? Iba ba ang pagkakaluto ng isang box sa isa?” pagdududa ni Don-Don.

“Hindi naman,” ani Maria.

Sinipa ko si Don-Don sa ilalim ng lamesa para tumigil dahil baka may masabi pa siyang hindi maganda.

“Ganito na lang, iuuwi ko na lang ‘tong isang box na ‘to, Maria.” Itinago ko ang unang box ng brownies, at kinuha ang huling box para pagsalu-saluhan namin. Ito marahil ang safe box—ang walang gayuma. “Ito namang isa, ito na lang ang paghati-hatian natin, ok ba ‘yun?” sabi ko sa kanya.

“Ikaw ang bahala. Sana magustuhan niyo.”

Sabay-sabay naming tinikman ang brownies na niluto ni Maria, at sa unang kagat pa lang ay isang malinamnam na “Mmmmmm…” lang ang naging reaksyon namin.

“My God, Maria. Ang saaarap! Ikaw ba talaga ang nag-bake nito? Turuan mo’ko!”

“Sure, Chloe. Thank you. D-Dave, mm…masarap ba?”

Hindi ko napigilan ang ngumiti nang pagkalaki-laki kay Maria nang tanungin niya ako kung masarap ang brownies niya. Ang brownies niya na siguro ang isa sa mga pinakamasarap na brownies na natikman ko. Ilang araw ang nakalipas at ngayon lang ako muling ngumiti kay Maria.

Maria

Muli ko na namang nasilayan ang napakagandang ngiti ni Dave. Diyos ko po! Matutunaw na ako sa sobrang gwapo niya. Maggie, tumigil ka! Masyado ka nang mahahalata niyan!

Ilang araw din kasing nagpa-cute sa akin ang gwapong ito, eh, na iniwasan ko naman. Hello? Talagang nakuha ko pang mag-inarte kay Dave, ha—ampiling ko talaga masyado. Choosy ang peg, mukha namang pig! Anyway, ikinalungkot ko talaga nang sobra nang iwasan niya na ako nitong makailang araw; kaya nga naisipan kong gumawa ng brownies sa pag-asang magugustuhan niya—at nagtagumpay naman ako!

Iniwasan ko lang naman kasi si Dave dahil kay Julian, pero simula nang aminin ko ang lahat tungkol kay Chloe at ipaalala niya sa akin ang huling sinabi ni Julian bago niya ako iwan, eh, dun ko na na-realize na kailangan kong magsimula muli. Sabi nga ni Julian, “Maggie, magmahal ka uli ng iba, ha. Mahalin mo siya ng higit pa sa akin.”

Continue Reading

You'll Also Like

88K 2.1K 31
Naranasan mo na ba mahalhin ang bestfriend mo? Nasaktan ka na ba dahil sa kanya? Handa ka bang isuko lahat kahit ang pag mamahal mo sa kanya para lan...
16.4K 417 63
When everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
58.4K 905 11
This is a story of a girl who falls in love with a gay man. Starring Vice Ganda and Karylle Padilla. NOTE: This is only a fan-made story.