My Knight in Shining Fangs [F...

By Thyriza

3.7M 100K 5.8K

[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own versi... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Epilogue
NOTE!!
SPECIAL CHAPTER (1)

Chapter Three

89.5K 2.4K 303
By Thyriza

Chapter 3

Para akong nagbuhat ng dalawang sako ng bigas. Ang bigat ni Sir. At hanirapan akong iakyat siya papunta sa kwarto niya. Pano ko nalaman nkung saan kwarto niya? Sarili ko na lang ‘yon na diskarte.

Tumawag na kaya akong doctor? Tapos sunod no’n pulis para maireport ko ang nangyari kay Sir?

“Ano bang gagawin ko sayo? Kasi naman Sir eh!” natataranta na ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan talaga.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang ideya na h’wag tatawag ng doctor o pulis. Ewan, my instincts tell me na it’s a bad idea. Bumaba ako sandali papunta sa kusina para kumuha ng maliit na palanggana at bimpo. Kumukaha din ako ng first aid kit sa CR para magamot ko ang mga bruises ni Sir.

Piniga ko ang bimpo sa maligamgam na tubig saka ko ipinunas kay Sir. Walag malisyang hinubad ko ang pantaas niya. Kahit napapalunok na lang ako sa abs niya. Naakit tuloy akong hawakan ‘to. kaso baka magising, mahirap na.

Habang nagpupunas sa malaadonis na katawan ni Sir, doon ko lang napansin na may dumi ng lupa ang braso ni Sir. Baka magpagulong gulong si Sir sa lupa? Feel niya kayang mag-isip bata muna?

“Ughhh…”

“Sorry po.” Nasabi ko ng mapamali ako ng paggamot sa sugat niya. Nilagyan ko ng benda ang ehem—abs niya. Kasi mukhang doon nanggaling yung sakit.

Matapos kong ma-sponge bath si Sir, pinalitan ko na din ang pambaba niya. H’wag ng magtanong kung paano. May talent ata ako na ngayon ko lang nalaman.

Pinatay ko na din ang aircon at ang lamig pala ng balat ni Sir. Nilalamig siya.

Paalis na sana ako para ibalik ang first aid kit sa CR ng maradaman kong may humigit sa kamay ko. Paglingon ko, si Sir. Nakapikit habang hawak ang kamay ko. May kung ano akong hindi maintindihan sa sarili ko.

“Please don’t leave me.” he said while eyes close.

Para namang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Ano ka ba, Theyn. H’wag mong lagyan ng ibang meaning ang sinabi ng Sir mo! Hindi naman eh. Nagulat lang.

“I won’t.” tanging sagot ko. Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Inilapag ko naman ulit ang kit saka ako umupo sa gilid ng kama ni Sir. Hinawakan ko noo niya at malamig pa din. Parang nagyeyelo sa sobrang lamig.

“Nilalamig po ba kayo, Sir?” nakita kong may ngiting sumilay sa labi niya. OMG! Ngumiti nga siya.

“I’m ok now.” He opened his eyes. “Thanks to you.” He added.

“W-wala po ‘yon. Trabaho ko ang pagsilbihan kayo.” Sincere kong sabi. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ni Sir. First time ko siyang makitang ngumiti at kinkilig ako.

“Pwede ka ng umalis, Ms. Torres. Salamat sa pag-aalaga.” Naupo siya sa kama. Bumalik na din sa dati ang mukha niya. Para bang natauhan siya sa lahat.

“Gusto niyo po bang ipagluto ko kayo? Nagugutom po ba kayo?” pag-iiba ko sa usapan. Para kasing ayaw ko pang umalis eh. Gusto ko pa siyang alagaan.

“Is your blood available?” sabi niya na ikinakunot noo ko. Ano naman kinalaman ng dugo ko? Tinatanong ko siya kung gutom siya—OMG! Hindi kaya balak ni Sir na gawing dinuguan ang dugo ko?

“Just leave, ok?” tumalikod siya sa akin.

“Pero Sir—“

“Just leave and please don’t tell anyone what happened. And I appreciate you not calling for doctor or police.” He said.

“Eh? Pero hindi pa po kayo magaling. Mag-aalala lang ako kapag iniwan ko kayo dito.” Natahimik naman siya. “Basta Sir, dito lang ako.”

“kung gano’n ihanda mo ang suit ko.” Utos niya.

“Bakit po, Sir?”

“Just do what I say!” bulyaw niya.

“O-opo!” agad akong pumunta sa closet ni Sir. Napanganga lang ako ng makita ko ang loob ng closet niya. Black and white lang ang makikita mo. Halos hindi ko na kailangang pumili kasi pareparehas din naman.

Lumabas ako dala ang Suit ni Sir saka ko nilapag sa kama niya. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa CR kaya malamang nasa CR siya naliligo.

Lumabas akong kwarto niya at dumeretso sa living room. Walang gaanong gamit sa bahay ni Sir. Isang portrait lang ng isang dalaga at binata. Baka sila ang pamangkin ni Sir. Magkapatid kaya sila?

“They’re my Niece and Nephew.” Untag sa akin ni Sir. May nakalagay nga sa portrait na pangalan. Lorelei and Hunter. Mga pamangkin niya ‘to? Malalaki na pala? Bakit kaya wala pang pamilya si Sir? Dapat sa edad niya may anak na siya eh.

“Gano’n po ba?” napatingin ako kay Sir at halos mapanganga ako sa hitsura ni Sir. Bakit ang hot niyang tignan kahit may mga sugat siya sa pisngi? Ay jusko po Theyn! Naglalandi ka nanaman! Hayaan na, sa isip lang naman. Hahahah

“Let’s go?” aya ni Sir.

“Sa office po?”

“Yup. Come on. May meetings pa ako, right?”

“’I cancelled all your appointments for today, Sir. But if you like pwede ko pong i-resume para naman hindi masayang ang pagpunta natin sa office.” Tumango lang si Sir.

So habang nagda-drive siya, ako naman nagsesend na ng emails sa phone na tuloy ang cancelled meetings.

Pag-pasok naming building, nagbigay pugay sila sa Sir namin. Ako naman nakikinig lang sa mga sinasabi ni Sir.

“Tell the accounting officer na papuntahin ang auditor sa office ko for report. At mag-lagay ka ng memo sa mga hindi mag-oover time mamaya.”

“Yes Sir.”

“The Crawfords will be here tomorrow so ayaw kong mapahiya. Double work tayo ngayon.”

“Yes Sir.” I said as I jot down notes.

“And one more thing.”

“Yes Sir?”

“Wear something… pleasing.” He said tapos naglakad na ng mabilis. Naiwan akong nakatunganga. Ibig sabihin hindi ako pleasing manamit? Ok naman ‘tong corporate attire ko eh. Hindi nga siya branded kagaya ng suot nila pero para sa akin, ok na ‘tong suot ko.

Imbes na umakyat sa 21st floor, natagpuan ko na lang ang sarili ko na papunta sa department ni Cindy.

“Oh? Bakit ang haba ng nguso mo? Napagalitan ka nanaman ba?” seryoso niyang sabi.

“Ok ba suot ko?” tanong ko. Tinignan naman niya ako baba taas.

“For a secretary, ok naman siya. Pero kung gusto mong akitin ang boss mo, well—No. Hindi ka ba marunong mag-skirt? Lagi ka na lang naka black pants eh. Para kang old maid.”

“Gano’n?”

“Bakit ba bigla kang naging conscious sa suot mo?” taka niyang tanong.

“Sabi kasi ni Sir, wear pleasing daw para bukas.”

“Siguro hindi na matiis ni Mr. Manjon ang pagiging old maid mo. Hahaha”

“Cindy naman eh.”

“Mag-shopping ka kaya!”

“Eh mag-oovertime nga tayong lahat! Required kaya po!”

“Ano?!”

“Ay Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa lahat. Ikaw na bahala magdeciminate sa department mo ha?”

Agad akong umalis saka naglibot. Nagbigay ako ng mga memo na kailangan mag OT. Hindi naman sila makaangal kasi may pirma ng CEO.

Bumalik na ako sa office. Alas kwatro na at nasa loob pa si Sir may kausap.

Kung mag-oovertime ako, hindi na ako makakabili ng damit. Tss. Abnormal si Sir eh. Asar ah!

“Ms. Torres.”

“Po?” agad akong pumasok sa office niya. Nakatalikod siya at nakadungaw sa overlooking glass window niya.

“You can go.”

“Ho?” gustong kong tumambling sa harap ni Sir. He’s indeed crazy! Tinawag niya ako tapos sasabihing  ‘You can go’? Aba naman Sir! Iba na ‘yan!

“I told you to wear something pleasing, right?”

“Yes, Sir.”

“Then I am giving you your free time buy clothes.” Casual niyang sabi.

Buy. Wow! As if naman madami akong pera para dyan. Imbes na ibili ko ng damit, pantutuition ko na lang sa promi ng kapatid ko. Mga mayayaman talaga. Hindi sila marunong mag-value ng money. At hindi rin nila naiisip na kaming mga mahihirap ay kailangang tipirin ang pera kasi may umaasa sa amin.

“Here!” humarap siya sa akin at itinapon sa akin ang isang manipis na wallet at pasalamat akong mabilis ang reflex ko.

“A-ano po ‘to, Sir?”

“Open it.” Sunod-sunuran na binuksan ko ang wallet.

Isang card lang ang laman. Color gold siya na pwede mong isangla sa tingkad ng kulay.

“Aanhin ko po ‘to Sir?”

“I want you to stare at it the whole night.” Hindi ko alam kung seryoso si Sir o pinipilosopo niya ako. Pero isa lang ang alam ko, at ayaw kong mag-assume. “Stupid!” bulong niya. Bulong na malakas. Kaasar naman. Pakatapos ko siyang alagaan kanina ganyan siya sa akin?

“Bumili ka ng damit mo bukas. You can use that.” He’s referring to the Credit card.

“Iaawas niyo po ba sa sahod ko ‘to, Sir?” kasi kung Oo, dibale na lang kahit h’wag na akong bumili ng damit. Gagamitin ko na lang sarili kong pera kesa naman sa babawasan ang sweldo kong sapat lang sa amin.

“No. Consider that as my payment for your hospitality and for taking care of me.”

“Eh hindi naman po ako humihingi ng kapalit dahil do’n.”

“Is that so? Ok. then I’ll just deduct it to your salary—“

“Ay hindi po, Sir. May bayad po pala ‘yon. Sige po salamat dito.” Sabi ko saka dali-daling lumabas ng office niya.

Magulo si Sir. Napaka unpredictable. One second he’s nice then in just one snap everything will have a twist.

Umalis ako sa building at lahat nagtataka kung bakit ako lang ang umalis. Pati kasi Janitor required mag OT para maglinis ng maiigi. Mga kawawa naman. Pero mas nakakaawa naman ako kasi sila isang beses lang nila ‘to nararanasan. Ako halos araw-araw. Ngayon lang ata ako sinwerte eh.

Papunta na sana ako sa tyange kung saan may mga murang damit ng maalala kong hindi sila tumatanggap ng credit card. Saan lang ba nagwowork ang mga credit card? Eh di sa mga pang mayaman na boutiques.

Bago pa ako pumasok sa isang mall, nakarecieve ako ng text galing kay Sir.

‘Go to Chic House, look for Anne. She’ll accompany you.’

“Chic House? Eh pangmayaman ang boutique na ‘yon eh.” Sabi ko sa sarili ko.

Wala akong nagawa kundi do’n pumunta. Do I have a choice? Wala kasi si Sir ang nag-utos. Hindi pwedeng suwayin kasi magagalit siya.

So pumunta nga ako sa Chic House. Hindi nila ako pinansin no’ng pumasok ako pero no’ng hanapin ko ang pangalan na Anne ay agad nila akong nakilala.

“You must me Theyn. Don’t worry, ako na ang bahala sayo. Mr. Manjon wants a VIP treatment for you.” Giniya niya ako papasok sa isang spacious room.May isang fitting room at isang couch kung saan pwede kang maupo.

Umalis sandali yung babaeng nag-ngangalang Anne at pagbalik madami na siyang damit na dala.

Ok? ang dami ata.

“Try all these. Ok?” she beamed. Saka ako sumunod.

Nakadami akong palit ng damit. Magaganda silang lahat. Kung pwede nga lang na bilhin ko lahat eh. Kaso syempre isa lang naman ang dapat.

“Nagustuhan mo ba lahat?” she asked me.

“Oo. Hindi nga ako makapili ng isa eh.” Sabi ko habang nag-iisip kung alin sa mga sinukat ko ang pipiliin ko.

“Oh you don’t have to choose which one. Kasi lahat ng sinukat mo ay para sayo na.” halos manlaki ang mga mata ko.

“Hala? Magkano na ba ‘to? baka magalit sa akin si—“

“Nothing to worry about, Theyn. ‘Yon ang utos ni Mr. Manjon. Sa shoes naman, tara?”

“May sapatos pa?” hindi ko makapaniwalang sabi.

Halos hindi ako magka-ugaga ng dumating ako sa bahay. Akala pa ng dalawa kong kapatid may mga pasalubong ako.

Nagluto lang ako saka kami naghapunan. Sobrang higit ko din ang hininga ko na baka tumawag si Sir ng wala sa oras. Pero hanggang sa makatulog ako, walang tawag ang Sir ko. Naghihimala ba ang diyos? Sana laging ganito.

-=-

Maaga akong pumasok ngayong araw, kailangan eh. Dadating ang mga investors kaya busy ang lahat ngayon.

Suot ko na din yung pinamili ko kahapon. Tinulungan pa ako ng dalawa kong kapatid para ipag-match ang pwedeng bumagay.

“My my my! Is that you, Ms. Torres?” rinig kong sabi ng familiar na boses habang naghihintay ako sa elevator.

“S-sir Migo, kayo po pala.”

“Ganda natin ngayon ah.” tinignan n’ya akong baba taas. Naramdaman ko ang init sa aking pisngi. Hindi ako sanay sa ganito.

“Salamat sa compliment, Sir.” Timing naman na bumukas ang elevator kaya sabay kaming pumasok.

“Dapat ganyan lagi ayos mo para mapansin ka lagi ni Kent.” Nakangisi niyang sabi.

Kung mapapansin ako ni Sir in a way na lagi akong papagalitan ay h’wag na lang. mas gusto ko pang maging hangin ako sa paningin niya.

Napayuko lang ako sa sinabi ni Sir Migo na ikinatawa niya ng malakas. Mabuti na lang at konti lang kami sa loob ng elevator. Nahihiya kasi ako kapag kinakausap ako ng mga C-Suit namin.

“Sabay tayo mag-lunch ah? ipagpapaalam kita sa boss mo.” He said before leaving the elevator. That left my mouth hanging. Hindi ako nakaprotesta. For sure naman kasi hindi ako makakapaglunch mamaya kasi busy ako. Marami nanamang errands ang ipapagawa sa akin.

Pag-apak ko ng 21st floor, agad sa aking tumambad ang mala-adonis na katawan ni Sir Kent. Bakit ba ang gwapo ng nilalang na ‘to?

Seryoso lang siyang nakatingin saka ako tinalikuran. Aba! Hindi pinansin ang new look ko? Manhid talaga!

“Follow me!” he commanded.

Pinauna ko siyang pumasok sa opisina. Saka namana ko dahan-dahang pumasok sa office niya. Sumilip muna ako saka tuluyang pumasok.

“The Crawfords were already in the board room. You can give them all these.” Ibinigay niya sa akin ang isang pile ng folders.

“Yes, Sir.” Sabi ko saka tumalikod habang dala ang mabigat na papeles. Pinagsuot niya ako ng maganda para magbuhat ng folders. How nice!

Bago pa ako makalabas ng opisina niya narinig ko siyang tumikhim.

“You look… nice.” Mahina niyang sabi.

Nagpanggap na lang akong hindi ko narinig ang dumeretso palabas ng opisina saka pumunta sa 10th floor kung saan ang board room.

Hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Err, kinikilig ako nakakainis. Isang improvement na ‘yon para sa akin ang makakuha ng isang ‘nice’ rating mula kay Sir.

“I look nice.” Paalala ko sa sarili ko. At parang baliw na napangiti nanaman.

Haaay! Umayos ka nga dyan Theyn Torress! Ang aga-aga naglalandi ka!

xxx

I know mabagal ang pacing ng story. Sinadya ko po 'yon. Ah basta ganyan 'yan. Hahaha

So bakit sinabi ni Kent na pamangkin niya si Hunter? Kasi binata na si Hunter sa time na 'yan. Mabubunyag ang secreto niya if ever.

Hindi ba sila nagtataka sa physical features ni Kent? Aabot tayo dyan.

How old is he? Kent died at the age of 47. So his age remains like that. Pero dahil sa sa meztizo siya, akala lang ng iba baby face siya. Chos!

Just don't mind the age. He's a vampire, ok? Ok. :)

I hope everything is clear.

-Thyriza

Continue Reading

You'll Also Like

151K 4.4K 62
EMPIRE SERIES 2 Cana Annalis Smith- isang achelogist student at mahilig magbasa ng kasaysayan ng kanilang bansa at ng dati nitong emperyo. Nahumaling...
14.3M 620K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...
1.3M 71.9K 45
Bloodstone Legacy #3 Laurelia Therese is a girl who strive hard on her study, hoping that it will help her to have a better life. Isang tipikal na es...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you.at she has *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na k...