Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 16

6.9K 308 105
By peachxvision

Pagbalik sa school, naghanap ako kaagad ng tortang talong—literal na talong—dahil hindi kami nakapaghanda ng agahan. Hindi ko alam kung bakit iyon 'yong hinanap ko sa labas ng karinderya ng school namin. Basta, bigla na lang ako nag-crave.

"Uy!"

Nagulat ako nang bigla akong tinawag ng crush kong human-sized tortang talong, ang paborito kong kainin kahit di ko pa natitikman. Chos. Siyempre, pinigilan kong itago 'yong kilig ko.

"Bibili ka?" tanong ko.

"Natanaw lang kita mula doon," sabi niya.

"Naks, natanaw talaga?" sabi ko. Pero ang gusto ko talaga sabihin ay kinilig ako dahil nakita niya ako agad.

Hay, ang sarap niya tikman—este tingnan. Bakit kasi ang nahulog ako kaagad sa patukso-tukso sa 'min? Bakit kasi imbis na pigilan, ginagatungan pa niya? Tapos dahil wala pang na-li-link sa 'kin noon pa, biglang na-trigger tuloy ang natutulog kong damdamin.

At ako naman, si asa at umaasa.

Hindi ko naman masabing paasa siya. Malay mo . . . umaasa rin pala. HAHAHA! Kumukulo at umaariba ang mantika, ano? Nabigla ako sa confidence ko bigla. Saan ko hinugot 'yon?

Sabay kaming pumasok sa gate. Nagulat kami na paglapag naming dalawa ng mga bag namin sa bleachers, biglang may naghagis ng mga bougainvillea sa 'ming dalawa. Itong mga kaklase ko, supportive sa love team namin eh 'no?

"Anong pakulo 'to?" tanong ko na nakangiti, pinipigilan na ipahalatang gusto ko ng isa pang pasabog.

"Bridal shower," sabi ni Allen. "Echosera."

"Tagal naman kasi magkaaminan," biglang sabi ni Eli. Pinalo ko lang siya sa braso.

"Ano bang aaminin?" biglang tanong ni Theo. "Hindi pa ba sapat ang gawa?"

Juskeleeeeerd! Nagtuksuhan lahat ng kaklase ko at nagsabog pa ng mas maraming bougainvillea na hindi ko alam kung saan lupalop nila kinuha eh wala naming bougainvillea sa school. Ano to, pinagplanuhan nila?

"Wow, makaganyan ka, Theo," sabi ni Baste. "Paano na si Paul?"

"Ano, dinamay mo na naman ako na walang kamalay-malay," sagot ni Paul. Kinindatan niya ako na napangiti naman ako.

"Tigilan niyo nga kami!" sabi ko. "Ikaw naman kasi, ikaw tortang talong ka, gatong ka nang gatong sa mga tukso nila."

"Bakit hindi? Eh napapangiti ka kapag tinutukso tayo."

FOOT SPA. Hindi ba niya naiintindihan na sumasabog na lahat ng dopamine, oxytocin, damdamin ko? Pwedeng dahan-dahan lang? Pwedeng isa-isa lang? Ang bata ko pa para mamatay sa heart attack—o siguro, sa nag-iinarte kong puso, heart attach.

"Yan, yaaan," sabi ni Eli. "Problema sa 'yo, Theo, puro ka pasabog pero wala kang torotot. Napapa-happy New Year na lang 'tong si Tasha sa 'yo eh."

"Hoy," depensa ko, "sinong may sabi sa 'yo?"

"Ayaw mo n'on?" Tumingin si Theo sa 'kin. "Araw-araw bagong taon . . . tapos magkasama tayo?"

Napahiyaw 'yong mga kaklase ko. Ang sarap nilang hambalusin kasi hindi nakakatulong sa fragile feelings ko 'yang mga paghiyaw nila.

Biglang nag-bell kaya kailangan na rin naming pumila para sa flag ceremony. Nga lang, na-special mention ang section namin dahil sa kalat na bougainvillea. Nahuli tuloy kami sa pagpasok sa room.

Dumaan ang buong araw. Okay naman kasi puro klase lang. Parehong tuksuhan, parehong emosyon. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na sinabi sa sarili ko na ang sarap ng ganitong nararamdaman. Tipong tingin mo, gusto niyo ang isa't isa. Tingin mo, merong namamagitan sa inyo. Ang problema, tingin mo lang.

Hanggang kailan ko pwedeng maramdaman 'to?

"Lalim ng buntonghininga natin ah," sabi ni Theo na nakahuli sa 'kin habang pumipili ako ng imemeryenda pauwi. Yes, uwian na, at lilipas na naman ang isang araw na hanggang landian lang kami. Hindi naman niya alam na siya ang dahilan ng malalim na buntong hininga na 'yon.

"Di ko kasi alam 'yong imemeryenda ko. Parang gusto ko ng hotdog at calamares at . . . fish ball. Feeling ko gusto ko rin ng siomai. Pero feeling ko ang sarap din ng kikiam . . . at ng kwek-kwek.

"Eh di bilhin mo lahat," sagot niya.

"Sapat lang budget ko para sa tatlong piraso eh." Pinakita ko sa kanya 'yong sampung piso.

"Libre kita."

"I'm a strong independent woman."

"Alam ko naman. Porke ba 'strong independent woman' ka, hindi na kita malilibre?"

Ngumiti ako.

"Lahat?"

"Lahat nga."

Ang ending, meron akong tatlong maliliit na hotdog, tatlong kikiam, tatlong fishball, at dalawang kwek-kwek na nasa isang cup na may matamis na sawsawan. Meron din akong siomai na nasa plastic na puno ng toyomansi habang naglalakad kami pareho pauwi.

"Alam mo—"

"Oo na, oo na," inunahan ko siya. "Matakaw na ako sa street food. Bakit ba? Gutom ako eh. Nag crave ako eh. Food is life."

"Ang defensive mo eh 'no? Hindi naman 'yon 'yong sasabihin ko."

"Eh ano ba?"

"Type ko mga babaeng mahilig kumain."

Ito na, mga kapamilya, kapuso, kapatid, mga kasama sa pananampalataya, mga ka-mantika! Ito na ba? Aamin na ba siya? Haha! Bakit ganyan siya magpakilig? Weh, sinong lelang ang niloloko niya?

"Woo . . . mahilig daw sa babaeng mahilig kumain," tukso ko.

"Totoo naman."

"Sabihin mo, sa 'kin ka mahilig."

HAHA! Confidence level lagpas Toguro na. To all fairness, natural pala natutunan 'to ano? Bale, kung binato ka niya ng banat, batuhin mo rin ng banat na banat.

"Sarap niyong gawing merengue, alam niyo 'yon?" biglang sulpot ni Sean na nag-bi-bike nang dahan-dahan. "Wag niyo na kasi pa-ikutin ang isa't isa."

Kunwaring hinabol ni Theo si Sean kaya nagpedal siya nang mabilis. Natawa lang ako habang inuubos ko 'yong pagkain ko.

"Loko 'yon ah," sabi ni Theo sa 'kin. "Alam naman niyang si Paul eh."

"Si Paul nga ba?" Ngumiti ako.

"Ha? Huy! Ano?"

"Wala. Sabi ko bakit ka sumipol."

"Anong sumipol? Sinong sumipol?"

"Sarap mong itusok sa barbeque stick, ano?" sabi ko sa kanya na may kunwaring pagtangka na tusukin siya ng barbeque stick na hawak ko. Ayoko na ulitin 'yong mga nasabi ko na. Ang bingi, nakakainis.

"Patikim nga ng siomai," sabi niya. "Parang ang sarap eh."

Pinatikim ko sa kanya 'yong siomai nang biglang dumaan 'yong dati kong school service. Biglang nakarinig kami ng isang malakas na "Yiiiii!" mula sa kanila. Natawa na lang ako.

"Gusto ng buong mundo na magkatuluyan tayo, 'no?" sabi niya.

"Ikaw, gusto mo ba?" tanong ko. Confidence level Janina San Miguel.

"Ikaw, marunong ka na bumanat ano? Galing kong mentor."

Hindi ko nagustuhan 'yong sagot niya. Una, dahil hindi niya nasagot 'yong tanong ko na parang iniiwasan pa. Pangalawa, ano, bumabanat lang siya sa 'kin para "turuan ako bumanat"?

Hindi ko pinahalata 'yong totoong nararamdaman ko. Dinaan ko na lang sa huling siomai na natira.

"Buti na lang, may siomai," komento ko. "Siomai saves the day."

"Di kaya masarap," reklamo naman niya.

"Huh? Eh sa akin, siksik lang 'yong siomai okay na eh."

"Mapili ako sa pagkain. Kaya nga pinili kita eh."

"Wow. Una, pagkain ba ako? Pangalawa . . . pinili mo nga ba ako?"

Tumawa siya. "Shet. Top 1 ka na sa banat."

"Correction. Walang tatalo sa 'yo sa mga banat. Pero humahabol ako sa top sa hugot."

"Gusto mo sumampol?"

"Anong sample?"

"Ikaw lang ata 'yong unang tikim na nagustuhan ko. Ano kayang posisyon ng magulang mo nung ginagawa ka no? Perfect product ka eh."

"Luma na yan, pwet mo."

Natawa siya nang malakas. "Perpektong sagot para sa banat."

"Wazzap, bars!" sabi ko sa kanya na may pandidila. Naiinis ako sa kanya na kinikilig na ewan. Ang hirap pala na hindi mo alam kung ano 'yong mas nangingibabaw na emosyon. "Tigilan mo na nga ako sa mga banat mo. Bato na ako. Di na e-epek sa 'kin 'yan. Kumain na lang tayo."

"Isipin mo no. Kapag totoong mantika ka."

"Ano? Anong totoong mantika ako?"

"Ma-i-intake kita. Tapos magiging parte na kita habambuhay."

"Ha. Ha. Ha. Pag kinain mo ko, i-tatae mo lang ako."

"Pero sigurado naman akong may nutrients ka. Ma-a-absorb ka rin ng katawan ko."

"Tapos? Gagamitin mo 'yong nutrients na 'yon para maging okay kang tao? Tapos makakalimutan mong kinain mo ako kasi nagamit mo na 'yong kailangan mo sa 'kin?"

"Woah, shit. Hebigat ng hugot natin ah. Parang sa ilalim pa ng dagat mo kinuha eh."

Inirapan ko lang siya. "Ano ba, Theo, may girlfriend ka na ba?"

"Meron," sabi niya na ikinalaki ng mata ko. "Pero di niya alam na girlfriend ko siya."

"Gusto mo bang i-ensalada kita? 'Yong totoo kasi! Pagod na ako sa mga banat mong puro ere lang laman."

"Woah." Bigla siyang tumigil. Naramdaman na niya ata 'yong pagkairita ko. "Mukha ba akong may girlfriend?"

"Wala. Kasi malandi at maharot ka."

"Iyon naman pala eh. Hindi ba pwedeng cute lang ako?"

Ay linta 'to ah. Aminado lang? naisip ko. "Cute mo paa mo," barat ko.

"Tsaka kung magkakagirlfriend ako, gusto ko, maliit . . . cute ang ilong . . . normal—"

"Normal? Anong normal?"

"Ewan ko. Siguro . . . 'yong katulad ko lang."

"Lang? Grabe ka naman sa sarili mo."

"Bakit? Hindi ba ako 'lang'?"

"Siguro, 'yan lang ang pakiramdam mo ngayon. Pero darating ang araw na hindi ka lang lang. Magiging lahat ka para sa isang tao."

"Eh para sa 'yo . . . ano ako?"

Kumulo ang mantika sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. Ano na, mga kapatid? Sasagutin ko na ba kahit wala pang tanong? Bakit kasi ganyan? Bakit kasi ganyan siya!

"Bakit ba ang hilig mong bumanat?" tanong ko. "Rubberband ka ba?"

"Eh bakit kasi ang tigas mo? Nagpapakabato kahit papel ka naman."

"Ano? Anong papel?"

"Sabi ko, bakit kasi di mo pa-pel-itin na maipasok ako sa buhay mo?"

Pinalo ko siya sa braso. "Kasi, Theo, ano ba? Ang gulo-gulo mo naman kasi. Eh ikaw . . . ano ba ako sa 'yo?"

"Mantika kita."

"Wow . . . maka mantika kita. Sa 'yo ako? Sa 'yo a—"

"Ano ba, naglinis ka ba ng tainga?"

"Ha?"

"Mali kasi rinig mo."

"Eh ano ba dapat?"

"Sabi ko, mahal rin kita."

Tumigil ang mundo ko saglit. Napatingin ako sa kanya, hawak-hawak lang 'yong barbeque stick na kakatusok lang sa nag-iisang hotdog doon sa maliit na plastic cup na hawak ko.

Barbeque stick, please, magsalita ka, naisip ko. ANO NA? Anong sasabihin ko sa kanya? Nakakatawa na noong hindi ko naman hinihintay, gusto kong sabihin niya. Pero etong may sinabi na siya, natameme na lang ako sa sasabihin.

"Rin?" tanong ko sabay subo. "So tingin mo, mahal kita?"

Pagkalabas na pagkalabas ko ng mga salitang 'yon, nanghinayang ako sa pagkakataon.

"Hindi," sagot niya sabay akbay. "Tortang talong mo ako."

Tapos ginulo niya 'yong buhok. Sumagot lang ako ng "Epal ka talaga" at sumagot din siya ng tawa. Hindi ko alam kung nasanay na lang kaming dalawa na pareho kaming artista sa sarili naming gawa-gawang telenobela na pwede naman gawing reyalidad.

Alam ko, alam ko . . . na mali na naman ang sagot ko.

Pagkatapos noon, parang limot na lang ng hangin 'yong usapan na 'yon. Hinatid niya ako sa bahay, nagpaalam ako, at nag-usap tungkol sa mga assignment at naglaro.

Siguro . . . panahon na para bigyan ang sarili ko ng deadline—deadline sa pagkukunwaring kaya ko na hindi ko alam kung ano ba talaga kami. 

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 219K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance
31.5K 2.3K 10
Assess the risk. Eyes on the goal. Hold him tight. Then go for it.
23K 865 88
✨ Part of WattpadFilipino's "quick reads to satisfy your cravings" reading list - Michelle Zanea Cortez is a first year college student, studying Mar...
124K 9.8K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...