Love Moves in Camera Ways (Pu...

By melainecholy

5.9K 268 48

Angel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupa... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Announcement

Chapter Six

342 20 0
By melainecholy

"I actually mean it," sabi ni Steven. Ininom nito ang natitirang one inch sa bote ng SanMig Apple na iniinom nito.

"Alin? Iyong na-miss mo ako?" tanong ni Angel. Pulutan ang tinira niya. Nakakatatlong bote na si Steven pero siya, hindi pa nangangalahati sa isa.

"Lol. Di 'yon. Iyong sinabi ko na masakit lang sa una na makita mo silang magkasama pero 'pag nagtagal, masasanay ka na at di na masasaktan. Trust me."

"May personal basis." She drank her beer.

He nodded. "Same person."

"Talaga?"

"Naging si Lowell at Mina three years ago. Pareho kasi sila ng school na pinasukan. You know how much I like her before. Pero wala, kay Lowell napunta."

"Still hurt?"tanong niya.

"Nope. I'm waiting for my high school love." He smiled and picked a piece of pork chicharon.

Siniko niya ito. "In love ka talaga do'n ano? So paano na 'yan? Ibig sabihin 'pag nakita mo na 'yon, pwede na akong mag-love life?" She grinned at him.

"Kung hindi si Lowell, pwede." He laughed.

"Adiktus ka. Hindi na natin pwedeng isali si Lowell. Iyong high school love ko, siya na 'yon talaga. Malapit na rin kasi kaming magkita."

"Sino ba 'yang high school love mo? Kilala ko ba 'yan? To make sure that you will not cry, you should let me know him."

"Di mo 'yon kilala." Ngumiti lang si Angel. Kung ako nga di ko siya kilala, e. "Pero ilang taon kaming naghintayan. Siguro naman hindi na simpleng crush ang nararamdaman ko sa kanya." She took her beer. "Ikaw, kilala ko ba first love mo?"

"Hindi siguro. At saka... magaling na'ng hindi mo siya kilala para walang undelivered letters or message na maganap." He laughed. He was talking about the letter that she wasn't able to give him and became the reason why Steven got busted by Mina.

"Hindi ko sinasadya 'yon!" depensa niya. Hindi naman niya pwedeng aminin na may crush siya dati dito at sinadya niyang wag ibigay 'yon dahil ayaw niyang maging sila ni Mina.

He moved closer to her face. Angel felt her heart skipped. Kahit medyo amoy alak na ito, hindi nawala sa mata niya ang pogi image ni Steven. Wait, nagkaka-crush na ba ako sa'yo uli? Her question in mind was answered when she felt her heart jumped again as he slowly curved his lips while gazing at her.

"Sigurado ka ba, Angel? Iba kasi ang nabalitaan ko noon."

Umiwas siya ng tingin. Pabirong hinampas niya ito sa balikat at ang beer niya ang pinagtuunan niya. "At ano naman?" patay malisyang tanong niya.

"Na may crush ka raw sa akin kaya hindi mo 'yon binigay."

Waaaah..... Play deadma lang na nginuya niya muna ang chicharon bago ito binalingan. "Ako? May crush sa'yo? Mas gusto ko pang lagyan ng white paint 'yan mukha mo at gawing canvass. Impossible na magka-crush ako sa'yo." Weh, di nga? Itinuro niya ang nananahimik na camera nito sa mesa. "Baka sa pogi mong camera pa, pwede."

He laughed. Napansin ni Angel na panay ang tawa nito. It is not the usual Steven na kilala niya. Nabalingan niya ang empty bottles sa tabi nito. Pito na 'yon. Nakakadalawa pa lang siya.

Kinuha nito ang camera at saka tiningnan siyang muli. "Mukhang crush ka nga ng camera ko."

Napangiwi siya at alanganing ngumiti. Steven is talking non-sense. May tama na nga ata ito. "At bakit?"patol niya.

"Kasi tuwing nakikita ka niya, gusto niya palaging...," iniangat nito ang camera and took a photo of her, "...kumuha ng alaala mula sa'yo."

Dumoble ang pagkabog ng puso niya. She felt some strange thrilling sensation ran over her system just because of what she heard. At lalo siyang kinilig nang maalala niyang may mga stolen shots siya sa camera nito noon. Ah wala, may tama ka na rin Angel! "Lasing ka na ata, Steven."

"No, I know what I'm doing... and saying."

"Wuu, pustahan, ide-deny mo 'yan bukas at aawayin mo lang ako. Kasi lasing ka na."

"No, I'm not!"

"Sige nga, gawin mo 'to." Pinagtripan niya ito. She raised her hand at shoulder level. Pinagdikit niya ang kanyang hintuturo horizontally.

"Sus 'yan lang?"Ginaya siya nito.

Okay pala 'pag may tama ng alak si Steven. Nauuto ko. Hindi ito nang-aaway. Walang violent reaction at nagpapaniwala ito sa kalokohan niya. "Gawin mo 'to above head level parang ganito. Bawal tumingin sa mga kamay ha." Without looking at her hands, she raised her hands both above her head and do the same thing. Madaling ipaglapat ang hintuturo niya dahil hindi naman siya hilo.

Ginaya siya nito. Pero hindi nito mapaglapat ang mga hintuturo. "The hell. Bakit di ko magawa?" He kept himself busy trying.

Tumawa si Angel. Sinamantala niya ang pagkahaling nito sa kalokohan niya. Kinuha niya ang camera nito. She took shots of him and laughed. "Kasi nga may tama ka na."

Inagaw nito ang camera at inilagay sa isang tripod. Pagkatapos ay pumwesto uli ito sa tabi niya. "Gawin nga natin." Pinaglapat nila ang left pointing finger niya at right pointing finger nito creating a horizontal line na nasa shoulder level nila. Then they looked at the camera in wacky pose.

Then they do the same thing above their heads hanggang sa huminto ang 10 continuous shots. Para silang nag-fusion technique, lakas maka-Dragonball Z lang ang peg. He grabbed the camera and looked at the shots and laughed out loud. And Angel was enjoying what she was witnessing. Hindi niya alam na darating din pala sila ni Steven sa ganong sitwasyon. Alak lang pala ang katapat nito para maging mabait sa kanya.

"Steven..."

"What?"Binalingan siya nito.

"Thank you for changing your decision about letting this friendship end. Okay lang na bukas 'pag wala ka ng influence ng alak ay magsungit ka na naman sa akin. At least ngayon, alam ko naman na importante din ako sa'yo."

"Just don't be too stupid with guys and I'll try to be good. Try. But I won't promise." Tumayo ito at may kinuha sa isang drawer. Isang frame iyon na naka-gift wrapped at isang kahon na halos kasing laki din ng frame. Ibinigay nito iyon sa kanya. "I have something for you. Open it."

"Bakit mo ako binibigyan ng gift? Hindi ko pa birthday."

"Open the frame and you'll know it. It's a thank you gift."

Inalis niya ang wrap ng frame. It was a blow up copy of the photo taken for his project. Iyon 'yung photo niya habang nagpipinta.

"It won an international contest and I owe you a lot for being such a good muse."

"Wow! Congrats! Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng gift. Kasalanan ko di ba kaya ka umulit ng project."

"Oo nga, pero kung di nangyari 'yon, wala akong panalo. Open the box."

Binuksan na nga niya ang kahon. It was a dress. Mukhang mamahalin. "Steven..."

"My mom chose that for you. Isuot mo 'yan 'pag nakipagkita ka sa high school love mo para magmukha kang tao at hindi bruha, okay?" He laughed.

Pero di niya pinatulan ang sinabi nito. Bagkus ay niyakap niya ito na kinagulat nito. "Thank you." Kahit may inom ka na bakit parang ang bango mo pa din? She felt different again. Kaya pasimpleng kumalas siya at nginitian niya ito. Umiwas siya ng tingin at ang dress na lang ang binalingan niya.

Nagulat siya nang bigla itong humalik sa pisngi niya. "You're welcome!"

Waaaaahhh! Hinalikan niya ako! Natigilan siya at tila na statue mode. Nagkatinginan sila. Dinig na dinig niya ang pagkabog ng puso niya sa kilig habang nakatitig ang expressive nitong mga mata sa kanya.

On cue, biglang may nag-doorbell at umalis agad ito para pagbuksan ang dumating. Saka lang nakahinga ng maluwag si Angel. Saved by the bell. Door bell.

"Pa-join ako sa inuman session n'yo." Lowell? Lumingon siya at nakumpirma ang hinala.

Umupo si Lowell sa kaliwa niya at bumalik si Steven sa kanan niya. May dala pa itong additional drinks at pulutan. "May celebration?"

Umiling si Lowell at nagsimulang uminom ng beer. "Binasted ako ni Josyl."

"Ano?!" gulat na reaction nila ni Steven.

SA WAKAS NAG-RING na rin ang bell. Puro lectures ang maghapong klase ni Angel. Malapit na kasi ang Prelim kaya lahat ng subjects niya ay halos reviews ng past lessons na ang tina-tackle. Ilang buwan na lang ga-graduate na sila. Pero hindi naman sa lectures naubos ang energy ni Angel kundi sa pakikipag-conference niya sa sarili habang nakatulaley sa professor nila. She was torn between having crush with Steven again and her confused feelings for her unknown high school love. After ng kanilang inuman session ni Steven, tila may nabago kay Angel. That kilig, kaba, at excitement na di niya maipaliwanag kung bakit nage-exist tuwing tinititigan siya ni Steven o tuwing napapalapit siya dito... sa palagay niya ay ang salitang crush ang may kasalanan. But he has his high school love and I also have mine... Kung may mas confusing pa sa salitang confused... iyon na siguro ang nararamdaman niya. Bakit kasi kailangang maging complicated ang love life ko?!

She sighed. Mababaliw siya kung maya't maya niyang tatanungin ang bagay na yon sa isip niyang hindi din naman alam ang sagot. Na-dismissed na ang klase. Papalabas na siya ng classroom nang mag-ring ang cell phone niya. Si Lowell ang tumatawag. Hindi sila magkaklase sa huling subject niya sa araw na 'yon.

"O napatawag ka?"casual na tanong niya. Mula nga nang makita niya itong nag-propose kay Josyl, na-realized niyang wala na pala talaga siyang crush dito. Mas okay itong maging kaibigan. At tila bumaligtad ang mundo, kay Steven na ata siya may tama.

"I need some help in my painting exhibit display. Pwede ka bang sumaglit dito sa may lobby ng school library building?" Lowell said.

"Sure. Kakalabas ko lang. Wait mo ako dyan."

"Thanks, Angel. You're such a sweet angel of mine."

"Awat na! Hindi na effective 'yan sa akin, Lowell."Isinakbat niya sa balikat ang bag at binitbit ang gamit niya habang ang isang kamay ay may hawak ng cell phone. Then she went out of the room.

"Hindi mo na ako crush?" hirit nito na parang nalulungkot.

"Hindi na. May Josyl ka na. You should be loyal."

"Kailangan bang ipaalala mo pa 'yan? I'm still hurt, you know."

"Sus. Kung mahal mo talaga ang best friend ko, fight lang!"

"Next topic please."

Napatawa siya. "O siya sige na, malapit na ako sa library." She ended the call. Tumawid siya ng parking lot at naglakad sa sidewalk hanggang sa makarating siya sa library. Agad niyang nakita si Lowell kasama ng mga kaklase nito na nag-aayos ng exhibit display. Agad niya itong nilapitan.

"So, anong maitutulong ko?"tanong niya dito.

"Kanina pa kasi kaming nagpalit-palit ng pwesto ng mga paintings pero parang hindi pa rin maganda sa paningin," kamot-ulong sagot nito.

"Hmmm..." Isa-isa niyang tiningnan ang pitong paintings na nasa harapan niya. Ilang beses na siyang nag-exhibit. Gamay na gamay na niya ang tamang pwesto ng paintings para sa magandang presentation. Itinuro niya ang isa-isa ang paintings. "Ito, ilagay n'yo doon." Awtomatikong kumilos sina Lowell at ang tatlo nitong mga kasama. "Then itong tatlo,doon." Gumitna siya sa exhibit area.

"Eh itong mga ito?"tanong ni Lowell. Itinuro nito ang mga paintings sa likod nito.

"Leave them there." Napangiti siya nang makita niya ang end result.

Tumabi sa kanya sina Lowell at ang mga kaklase nito. "At last! Mukha na siyang exhibit,"hirit ni Lowell. Binalingan siya nito. "Thanks, my sweet angel of mine."

"No probs for a friend." She winked.

"Ayos! Ang galing mo talaga, Angel,"sabat ng mga kaklase nito.

"Kilala n'yo ako?" gulat na tanong niya sa mga ito.

"Oo naman, idol! Sikat ka kaya sa campus," sabi pa ng isa.

Napangiti lang siya. Hindi naman niya alam na sikat pala siya.

"So guys, see you tomorrow. This idol of ours deserves some treat,"Lowell interrupted. Binalingan siya nito. "Let's have some dinner. Bilang pa-thank you ko sa tulong mo."

Alanganing ngumiti siya. "Naku, wag na lang ngayon. May meeting kasi kami ni Steven about dun sa graduation exhibit namin."

"Ah ganoon ba? Okay, next time ha." She nodded. "Hatid na lang kita sa meeting place n'yo."

Pumayag siya pero bago pa sila makalabas ng lobby ay nakita nila sina Steven at Josyl na magkayakap sa labas ng pintuan ng library.

"Thank you, thank you so much, Fafa Steven. Hulog ka talaga ng langit! I love you na talaga!"hirit pa ni Josyl habang yakap-yakap si Steven. Kumalas ito sa pagkakayakap kay Steven at pinisil pa ang pisngi nito.

At si Steven, ayon... tuwang-tuwa. Napanganga na lang sina Angel at Lowell sa nakitang eksena. Anong kaganapan itey? Paki-explain! Nagkatinginan sila ni Lowell at sabay na bumalik sa dalawa ang atensyon.

On cue, napalingon sa kanilang dalawa sina Steven at Josyl. Nagkatinginan sina Lowell at Josyl at tinapunan naman siya ng knotted forehead serious look ni Steven. All in awkward situation. Biglang naglayo ang dalawa.

"Ay Angel!"Nilapitan siya ni Josyl. "Pumayag na si Fafa Steven. Kami na."

"Ha?!!!" eksaheradang reaction niya.

"Choz lang! Maka-react naman!" Hinampas siya sa balikat ng kaibigan. "Pumayag na siyang makasama sa casting ng music video project ko kung saan ikaw ay kakanta kasama ng isa pang male singer na kaklase ko."

"Ha?!!!" gulat na reaction niya uli.

Tumawa si Josyl. "Ikaw naman, puro ha na lang ang reaction mo. Sinabi ko 'yon sa'yo kagabi."

"Kagabi?" Napakunot ang noo niya. Wala siyang maalalang napag-usapan nila yon nang mag-usap sila kagabi. Hindi pa nga sila nagka-heart to heart talk dahil hindi ito umuwi sa apartment nitong nakaraan. Umuuwi ito sa isa pang kamag-anak for some family matters. "Wala akong maalala."

"Tulog ka na noong nasabi ko. Nag-hang ka na sa phone e. Hindi mo naman ako tatanggihan di ba?" Ano pa nga bang choice niya? Tumango siya. "Yehey. Isang guy na cast na lang ang kailangan ko."

Siniko ni Angel si Lowell. Umiling ito. Umangkla siya sa braso ni Lowell. "Si Lowell na lang."

Lowell whispered to her ears. "Angel, awkward. Baka di gusto ni Josyl."

"Ako ang bahala sa'yo. Chance mo na magpa-cute," she whispered back. She was about to set back her attention to Josyl when she noticed Steven. Tahimik lang ito at masamang nakatingin sa kamay niyang nakayakap sa braso ni Lowell. May sanib na naman ng masamang espiritu itong bakulaw na 'to. She ignored him and looked at her best friend. "Okay lang naman, sa'yo, di ba?"

Tumingin muna si Josyl kay Lowell bago nagsalita. "Yeah. Ikaw na lang Lowell. Okay lang ba sa'yo?"alanganing tanong nito.

"Ah, sure."

"Yes! So kelan ang shoot?—ay!"

Nagulat na siya nang bigla na lang hawakan ni Steven ang free hand niya at kinaladkad siya palayo. "Excuse us, guys!"

The next thing she knew, nakalabas na sila sa library building at papunta na sa open field. Literal na took away by prince ang peg niya. Teka lang, nakakailang ganitong eksena ka na, Steven! "Uy engkanto! Ano na namang problema ng tirik mong buhok?" Hindi siya nito sinagot bagkus ay binilisan pa nito ang lakad at halos patakbo na ang lakad niya. "Uy, Steven!"

Huminto ito nang makarating sila sa study area sa may open field. Binitawan nito ang kamay niya sa wakas at galit na binalingan siya. "Anong drama 'yon?!"

"Ang alin?"tanong niya.

"Kayo ni Lowell? Ang kulit mo talaga, ano? Kay Josyl nga siya may gusto. Kahit nabasted siya ni Josyl, narinig mo naman mismo sa kanya during inuman session natin na talagang may tama siya sa best friend mo."

"Oh, e ano ngayon?"

"Why the hell are you flirting with him like that a while ago?" iritadong tanong nito.

"What?" Flirting? Bakit ko siya ipe-flirt e ikaw na nga ang crush ko? "Oy, kung makabintang ka akala mo hindi ko alam na tuwang-tuwa ka sa pagyakap ni Josyl sa'yo lalo na't alam mong mula first year college eh may crush na siya sa'yo."

"It's not the issue here. It's you being such a flirt! Let me remind you that I won't allow you to get a boyfriend named Lowell okay?!"

Na-bad trip na siya nang tuluyan. "Grabe ka naman kung makahusga, Steven. Isinama ko lang siya sa project ni Josyl, nilalandi ko na agad? Napadikit lang ako sa kanya, lumalandi na ako? Nagte-take advantage? Flirt ako? Malandi? Di ba pwedeng kaibigan lang ako na gustong tulungang makadiskarte sa best friend ko ang kaibigan ko? Ganyan kababa ang tingin mo sa beauty ko?"

"It's not what I mean!" He shouted.

"Iyon ang dating noon sa akin!" She shouted back.

"Okay fine! Isipin mo na ang gusto mong isipin. Ang labo mo, Angel!" Then he walked out.

"Ano 'yan? Wo-walkout ka na lang?" Sheshouted at his back. "Mas malabo kang kausap kaya, engkantong Steven! I hateyou na!" Naasar siya lalo nang hindi man lang siya nilingon ni Steven.Dire-diretso ito sa walkout drama nito.     

Continue Reading

You'll Also Like

102K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
285K 17.6K 65
At the age of 16, Marco is destined to die. His fate is his greatest impediment to staying on track, keep going, and moving forward along with the wa...
25.8M 70.4K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
630K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...