Love Moves in Camera Ways (Pu...

By melainecholy

5.9K 268 48

Angel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupa... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Announcement

Chapter Five

377 19 0
By melainecholy


Kung makakareklamo ang steak, malamang na nakareklamo na 'yon kay Steven. He was slicing the steak in his most drastic way. Bakit ba siya pumayag na sumabay kumain sa dalawa? Mukha siyang ewan sa mesa na 'yon. May konting lambingang nagaganap. Lowell was as usual making Angel feel special. He managed to slice the steak for Angel. He even did some sweet gestures towards her. At ang anghel na walang pakpak, ayon tuwang-tuwa. And Steven knew this would be highly misinterpreted by Angel. Kung mamalasin baka isipin pa nitong may chance pa itong magustuhan ni Lowell kahit na nakita naman nito kung gaano rin ka-sweet si Josyl at Lowell ilang linggo na ang nakakalipas. Gusto niyang saksakin ng steak knife ang best friend niya nang tapunan niya ito ng tingin. How can you be so stupid, Lowell? Tiningnan din niya si Angel. At ikaw naman... ba't ka nagpapaloko sa kanya?

"Lots of stupid person..." He whispered.

Nilingon siya ng dalawa. "Ano 'yon?" tanong ng dalawa.

Umiling lang siya. "Wag mong masyadong i-baby ang anghel na walang pakpak na 'yan. Kaya niyang kumain mag-isa," he said sabay subo ng steak.

"Wag kang kontrabida, engkanto. Kung gusto mo mamaya ikaw naman ang ipapag-slice ng steak ni Lowell," sabat ni Angel.

He threw her a doubt look. "You should be aware of the consequence of what you are doing."

"Whatever, chever!" Nakangiti at enjoy na enjoy nitong isinubo ang steak habang nakatingin sa kanya. Angel was like showing him that she was very happy on what was happening. "Kumain ka na lang ng ayos dyan. Baka di ka pa matunawan."

"Concern?"

"Yeah, sa steak. Kawawa kasi ang masarap na steak kung di siya matutunaw sa'yo."

"Well, the steak must be so thankful for your concern."

Dumampot ng tissue si Angel. "Nakaka-nosebleed ka."

"Hey, ganyan pa rin ba kayo mag-asaran 'pag kayong dalawa lang?" tanong ni Lowell. "Or maybe you're too sweet whenever you're alone together huh."

Napasimangot lang si Steven. Ako? Magiging sweet sa babaeng 'yan? No way!

"Walang violent reaction ah. Ang weird n'yo," hirit pa ni Lowell.

Biglang tumayo si Angel. "Sa restroom lang ako." In just a snap, naiwan silang dalawa ni Lowell.

Nagkaroon si Steven ng pagkakataon para kausapin ang kaibigan. "So anong plano mo? Pagsabayin at pag-awayin ang mag-best friends?"

Tiningnan siya ni Lowell ng masama. "What the hell are you talking about?"

"You know exactly what I'm talking about. Stop playing with women's feelings. Stop playing with the two. 'Wag mong sirain ang friendship nina Josyl at Angel."

"Wala naman akong ginagawang masama. I'm just dating them," kampanteng tugon nito.

Nakuyom niya ang palad. Napikon na siya. "Why are you so stupid?" Tumayo siya sinuntok ito.

Gumanti ito. "Ano bang problema mo?" He was pissed off, too. Sinuntok siya nito. Hanggang sa magpang-rambol na sila. Saglit na nakalimutan nilang nasa loob sila ng isang restaurant. May mga gustong umawat sa kanila pero wala ni isa sa kanila ang nagpaawat.

"Pare ang labo mo. Tinanong kita dati kung gusto mo siya. Madali naman akong kausap. Ang sa'yo ay sa'yo. Damn! If you like her then go and take her away from me."

"It has nothing to do with me, Lowell!"Sinuntok niya ulit ito. "May gusto sa'yo si Angel. For real." Bigla itong natigilan at hindi na naituloy ang balak na suntukin siya. "Continue this game and I'm sure that you will be killing a good friendship that they had since kindergarden. Iyan ba ang gusto mo?"

"You mean, Angel like me for real?"di makapaniwalang tanong uli nito.

Oo, siraulo! Steven nodded. "Yes. She likes you for real."

NATIGILAN SI ANGEL. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat maging reaction. Nagpunta lang siya saglit sa CR para maghugas ng kamay pagkatapos nilang kumain. Nang lumabas siya sa CR ay nagkakagulo na ang dalawa. Kung anuman ang pinag-aawayan ng dalawa, wala siyang idea. Naabutan niyang may waiter ng restaurant na umaawat sa dalawa. Then she heard what Steven said.

A hurt feeling crushed her heart. Sa ginawa ni Steven, napahiya na siya kay Lowell. Hindi niya inakalang magagawa nitong ipahiya siya sa harap pa mismo ng crush niya. Nag-away ang mag-best friends. Siya ba ang dahilan? Things were really getting too complicated. Dahil torn between napapahiya kay Lowell at nabubwisit sa pagiging pakialamero ni Steven, walang imik na lumapit siya sa mesa, tiningnan ng masama si Steven sabay kuha ng gamit niya saka lumabas ng restaurant at naglakad palayo. Less talk, less complication. Hindi rin naman siya handa kung tanungin siya ni Lowell at hindi niya alam kung mapipigilan niya ang sariling hindi dagdagan ang pasa sa mukha ni Steven kapag humirit pa ito. Kaya para walang violence, walkout na lang ang ginawa niya.

"Angel, wait!"

Anak ng DSLR camera! Kailan mo ba ako titigilan, Steven? Hindi niya ito pinansin.

Pero ang lolo mo, sunod lang ng sunod. "I said, wait."

It sounded like nag-uutos and not nanunuyo. "Wala tayong dapat pag-usapan. Malinaw ang narinig ko." Bumuntong-hininga siya nang huminto siya sa paglalakad. Binalingan niya ito. "Alam mo, sumobra na ang pagiging pakialamero mo sa buhay ko. Hindi na maganda ang nagagawa noon sa akin. Napahiya mo na ako sa crush ko na best friend mo. So ngayon, masaya ka na?"

"I did it for you," he said in his serious tone.

Lalo siyang na-bad trip dito. Madali naman niya itong mapapatawad kung mag-sorry ito. But knowing him, malabong mag-sorry ito kaya hindi na siya umasa. "I didn't ask you to do that! Hindi mo ba alam, sinasaktan mo na ako? Alam ko meron tayong weird na friendship. Mas madalas tayong di nagkakasundo sa mga bagay-bagay. People thought we're fighting but we both know that it was just our way of keeping this weird friendship alive. Pero sobra ka na! Hindi mo na dapat sinabi 'yon sa kanya. Hindi ko na siya makakausap pa ngayon dahil sa ginawa mo. Masaya ka na?" Then she turned away.

"Fine! Kung sa tingin mo ay mali ako, wala akong magagawa. Bahala kang magalit sa akin. I just don't want to see you cry. I just don't want you to get hurt. If giving you concern is not right, then we should end this friendship."

End this friendhip? Natigilan siya sa paglalakad. Tinatapos na nito ang pagkakaibigan nila dahil lang ayaw nitong amining mali ito. "Fine! Bahala ka na sa buhay mo, bahala na ako sa buhay ko!" Pinagpatuloy niya ang paglalakad palayo dito. Akala mong engkanto ka. Malulungkot ka rin 'pag nawala ako sa buhay mo!

Dala-dala niya sa pag-uwi sa inuupahang apartment ang asar kay Steven. Naabutan niya si Josyl sa sala na nagre-review.

"Uy, anong problema?" tanong agad ni Josyl sa kanya nang mapansin siya nito.

Umupo siya sa tabi nito sa sofa. "Hindi na kami friends ni Steven."

"Naging friends ba kayo?"kunot-noong tanong nito. Tiningnan niya ito ng masama. Nag-peace sign ito. "Anong nangyari at nag-break na kayo?"

"Josyl naman!" Sinimangutan niya ito.

Tumawa ito. "Binibiro ka lang. Ikaw naman. Sige na go, kwento na!"

Kinuwento niya ang nangyari sa kaibigan. Wala siyang in-edit. Pati ang pagkakasabi ni Steven kay Lowell na crush niya ito ay kinuwento niya rito. She sighed and looked at the ceiling. "Tapos hinabol niya ako at sinabing ginawa raw niya 'yon para sa akin. Tapos sinabi pa niyang, 'I just don't want to see you cry. I just don't want you to get hurt. If giving you concern is not right, then we should end this friendship.' The end."

Nagulat siya nang bigla na lang nagtitili si Josyl. "Waaah, Angel! Kinikilig ako!"

Pabirong binatukan niya ito. "Luka-luka! Anong kinikilig ka dyan?"

"Ano ka ba? Ang sweet kaya ni Fafa Steven! Di mo ba gets 'yung ginawa niya?"

"Pinangunahan niya ako. Gets na gets ko 'yon."

Pabirong sinabunutan naman siya nito. "Sira! Concern siya sa'yo, bruha. Ayaw niyang makita kang umiiyak, ayaw ka niyang masaktan. Meaning type ka ni Steven! Sabi na nga ba. Mabubuhay din ang love team n'yo sa kakakulam ko! Hay naku, kahit crush na crush ko si Fafa Steven, 'pag niligawan ka no'n, papayag ako!" biro nito.

Naiiling na tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa. "Mag-move on ka na sa love team na 'yan. Hindi na nga kami friends di ba?"

"Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Ngapala, paano si Lowell?"

Si Lowell, may gusto siya sa'yo pero dine-date niya rin ako. "Mas type ka noon. Friendzoned ako." Aray ko!

Napa-roll eyes lang ito. "Sows."

"Bakit di mo ba siya type, Josyl?"

Binuklat lang nito ang binabasang libro about broadcasting. "May long exam ako bukas. Magre-review na ako."

"Umiwas ba? O siya, babu na." Iniwan na niya nito at pumasok na siya sa sariling kwarto. Muli niyang naalala ang nangyari kanina. She felt her heart hurt. Pero hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Ang reality na hindi na niya malalapitan pa si Lowell dahil sa hiya o ang pag-end ng friendship nila ni Steven?

"YOU WILL BE WORKING for this photography and painting exhibit with one of the best senior student of College of Fine Arts." Ibinigay ng Dean kay Steven ang isang inivitation letter. "The exhibit will be on your graduation month." Ngumiti ang Dean. "The owner of the school is very much thankful for the two of you for bringing the name of the school to the top list for school of arts by winning several contests. Kaunting tulong daw 'yan sa inyo ni Angel Lou para makapagsimula kayo ng magandang career in the next few months. Ga-graduate na kayo. The school owner wants the best career for the two of you after graduation. Mag-invite ang school ng mga collectors and visual arts enthusiasts para bumisita sa exhibit. Chance n'yo na ito to showcase your talent and earn more."

Parang may kung anong kumurot sa puso niya nang marinig ang pangalan ni Angel. It's been two weeks and they never talked again ever. Ngayon, mapipilitan ako. He smiled to the dean. "Thank you so much, Sir."

"Nakausap ko na si Angel tungkol dyan. We'll be giving you freedom on the theme you wanted to work out on the exhibit. No matter what it is, I know it will be all exemplary."

Sinabi pa ng dean na lahat ng materials at expenses na kakailanganin nila ay sasagutin ng school. Lumabas siya ng office na 'yon na excited sa project at kabado sa pakikipag-usap kay Angel. How can he be able to talk to her after what he'd done to her? He felt bad when she blamed him for ruining her life when all he thought about was her welfare. At siya ang nagsabing tapos na ang friendship nila. He was a type of person who would not hold back on things he said or done. Hinding-hindi niya babawiin 'yon.

Then how can you work on this project? He sighed. May limang buwan pa sila para sa project. Hindi naman siguro niya kailangang kausapin ito agad. His phone rang. Lowell was calling. After the incident in a certain restaurant, hindi naman sila nagkaaway ni Lowell. Minsan, kailangan lang niya talagang sapakin ito para magising sa mga kalokohang ginagawa nito sa buhay.

"What now, dude?"tanong niya nang sagutin niya ang call.

"Bro, alam kong shy type ang talent mo sa music pero pwede bang samahan mo naman ako sa kalbaryo ko? Kailangan ko ng gitarista."

"Ano na naman ba ang naiisipan mong gawin, dude?"

"Haharanahin ko si Josyl."

Napakunot ang noo niya. Since for the past two weeks ay hindi na ito pinapansin ni Angel at todo-iwas na si Angel dito, na-focus na nga itong si Lowell sa isa...kay Josyl. "At bakit? Hindi naman niya birthday."

"I'm going to tell her that I love her and I want to court her."

"Siraulo ka. Anong iisipin ni Angel kapag nakita niyang ando'n ako at tinutulungan kang mag-propose sa best friend niya? Mabuti ka, walang nasira sa inyo ni Angel. Eh kami? Meron, dude."

"Sus, hindi problema 'yon, dude. Eh di mag-propose ka na rin kay Angel."

"Bakit ako magpo-propose sa tao nang walang romantic na dahilan?" Napalakas ang boses niya dahilan para marinig siya ng mga nakakasalubong sa hallway na 'yon. He toned down his voice. "Ayokong maging gitarista mo."

"Hay, sige na nga. Plan B na lang. Hindi na ako kakanta. Pupunta ka ha. Ngayon na dude sa ground floor hallway sa College of Communication Arts Building." Lowell ended the call.

Naiiling na pumunta siya sa sinabi nitong venue ng proposal nito. He wanted to be there not to support Lowell but to make sure that Angel would just be okay in case she was there, too. Damn! I thought friendship is over between me and Angel, huh. Hindi niya alam ang dahilan pero hindi niya mapigilan ang sariling alalahanin ito. Ayaw niyang isipin na baka tama si Lowell; may feelings siya kay Angel. But he must not entertain that. Less than a month na lang at magkikita na sila ng high school love niya. Na-set na niya sa sarili na lahat ng aspect ng love, kay high school love niya ibibigay. So anong ibig sabihin ng mga ginagawa ko kay Angel? Friendship. Genuine weird friendship... Na tinapos mo no'ng isang araw. He sighed. Having conversation with yourself sometimes was not good at all. Nagugulo ang sarili mong utak at mababaliw ka sa sarili mong ideas.

He stopped thinking about reasons. He took his step towards College of Communication Arts Building.

NAG-SHORT CUT si Angel mula sa College of Fine Arts Building papunta sa College of Communication Arts. Mas malapit kasi sa canteen ang building na 'yon. Tinatamad siyang bumaba mula sa fourth floor at umikot ng building kaya tumawid na lang siya sa connecting ramp. Two weeks na. Hindi man lang talaga siya kinausap ni Steven. Affected siya. Hindi siya sanay na walang Steven na laging may violent reaction sa kanya. May nang-aasar sa kanya at may nagsasabi sa kanya ng mga harsh realities. Ngayon, hindi na ito nagpapakita sa kanya tulad ng pag-iwas din niya kay Lowell.

May commotion siyang naabutan sa ground floor malapit sa classroom nina Josyl. Nakiusyoso siya and was surprised of what she saw.

Lowell was handling a bouquet of flowers. Josyl was in the middle of the hallway. Hindi na kailangang manghula ni Angel kung anong meron. Obviously, it was a proposal scene.

"Josyl, alam ko na in the past few months I looked at different women out there. But lately, it was only you that I wanted to see..." Lowell looked like so damn serious now. Malayu-layo sa alam niyang pagka-chickboy image nito.

Kinapa ni Angel ang kanya puso. Wala siyang maramdamang sakit di tulad noong una niyang malaman na ang type ni Lowell ay ang best friend niya. Then all of a sudden, she remembered Steven. Ang taong sa simula pa lang ay kumontra na nang kumontra sa pagkaka-crush niya kay Lowell. Steven is so clever. Alam ni Steven na darating ang eksenang ito. She must be thankful na inihanda siya ni Steven. Ngayon, wala na siyang maramdamang sakit. Ready na siyang tanggapin ang possibilities na maging mag-boyfriend ang kanyang crush at ang kanyang best friend. At lahat ng 'yon ay utang na loob niya kay Steven...who just said goodbye to your weird friendship two weeks ago. She felt her heart crushed and eventually felt tears falling from on her cheeks.

"Josyl, I'm falling in love with you. Will you let me court you, officially?"

The crowd shouted. On cue bigla niyang nakita si Steven sa kabilang dulo ng hallway. Napatingin ito kina Lowell at Josyl at tumingin sa kanya. She didn't turn away. She grabbed the opportunity to see him again. A trace of worry was in his eyes as he continued to stare at her from afar.

Paano ko maaayos ang friendship natin, Steven? Kapag lumapit ba ako sa'yo, hindi ka lalayo? She tried. Alam niyang ma-ego si Steven, hindi ito magso-sorry. Siya na ang lalapit. She was about to take her steps towards him when suddenly turned away and took his steps going out of the building. Natigilan si Angel. Hanggang kelan mo ako matitiis? Ako lang ba ang nagba-value ng friendship natin? Tears fell once again. Yumuko na lang siya, nag-about face at nagsimulang maglakad palayo sa lugar na 'yon.

It seemed that clock stopped to click when familiar arms suddenly embraced her. "Sabi ko sa'yo, masasaktan ka lang. Ang tigas ng ulo mo." Steven lovingly held her head and leaned it on his shoulder. "You'll going to be okay. I'll make sure of it."

Nagulat siya sa ginawa ni Steven. He never thought he could be this sweet. Ang taong kaaway at kaasaran niya lagi. Ang taong masarap isako madalas pero worth it maging kaibigan. Ang lalaking unang nagbigay sa kanya ng concern. Ang lalaking sinabing tapos na ang friendship nila pero heto pa rin at nasa tabi niya... para i-rescue siya. Hindi pala ito lumayo o umiwas. Umikot pala ito ng building para sagipin siya.

She felt another batch of tears flowing. Hindi na 'yon dahil sa nasasaktan siya kundi dahil natutuwa siya...teka lang. Natutuwa akong yakap ako ni Steven? Bigla siyang natauhan. Pasimpleng umalis siya sa pagkakayakap nito. Mukhang na-gets din nito kaya lumayo din ito ng konti sa kanya. Pinawi niya ang luha.

"Ahm...A-are you okay?" tanong nito.

Ngayong andito ka, yes. "Okay lang."

They heard the crowd cheered again from the building. "Sa simula lang mahirap makitang magkasama sila pero eventually masasanay ka rin at di na masasaktan."

"Yeah," tipid na tugon niya. Hinayaan niya itong akalain na sina Lowell at Josyl ang dahilan kung bakit siya umiyak. "Akala ko ba di na tayo friends?"tanong niya rito.

"Tao lang ako, nagbabago rin ng isip minsan," seryosong sagot nito. "I actually don't want to play hero for you. Sadyang minamalas lang talaga akong makita ka in desperate situation. Eh wala naman ibang gustong sumalo sa'yo kaya napipilitan ako."

"Wuu, nami-miss mo lang—" binalingan niya ito, "...ako." Caught in the act na nakatitig pala ito sa kanya. Bigla tuloy siyang umiwas ng tingin nang maramdaman niyang parang kinakabahan na naman siya.

"Ang kaingayan mo, yes."

Kaingayan ko lang talaga? Hindi man lang ang ganda ko? "Na-miss din kita." She started to walk and smiled. Sadyang inunahan niya ito. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob pero natutuwa siyang nasabi niya 'yon because she really missed him.

"You miss me?" He sounded amused. Sinabayan siya nito.

Binalingan niya ito. "Iyong pagiging kontrabida meme mo, yes."

"Oh." Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya. "At dahil bati na tayo and na-miss mo ako, we have to do something."

"Anetchiwa gagawin mo sa akin?" Pakiramdam niya ay isa siyang babae sa romance movie na tinatangay ng prince charming.

He looked back and grinned. "Iuuwi kita."

"Ha?!" Itatanan mo ako? 

Continue Reading

You'll Also Like

539K 13.9K 19
Genre: School Life, Romance // "If I were rain, that joins sky and earth that otherwise never touch, could I join two hearts as well?" -- Original qu...
9.2M 242K 51
[COMPLETED] Book 2 of Destined with the Bad Boy. Book 2 is available in book stores nationwide, Shopee, and Lazada!
628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
39K 1.9K 28
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24