Love Moves in Camera Ways (Pu...

By melainecholy

5.9K 268 48

Angel is always fond of the idea of love. Pangarap niya ang magkaroon ng bonggang love life. Muntik ng matupa... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Announcement

Chapter Three

355 29 0
By melainecholy


Wala sa sariling hinalo-halo ni Angel ang kape. Kasalukuyan silang nasa isang coffee shop ni Josyl. Nagpasama ito dahil kailangan daw nitong interview-hin ang may-ari ng shop para sa project. Hinayaan niya ang kaibigan na makapag-interview habang siya naman ay nakikipag-eye to eye sa glass wall. Hindi niya alam kung paano io-open up sa best friend ang tungkol sa crush niyang dito may gusto. Kailan kaya magkukwento itong si Josyl tungkol sa kanila ni Fafa Lowell? Hindi niya alam kung may pagsa-masokista siya, pero gusto niyang marinig 'yon dito. Gusto niyang malaman kung type din ba ni Josyl ang crush niya.

She sighed. Pinagpatuloy niya ang paghahalo ng mainit na kape.

"Wag kang kikibo."

That annoying familiar voice! Bakit ba sumusulpot itong si Steven kung saan siya naroon? Binalingan niya ito. He was handling his camera and was taking photos of her. "Ano na namang trip 'yan?"

"Wait! Sabi ng 'wag kumibo eh!" He took some shots again. Sinilip nito sa camera ang shots at nang ma-satisfy ay umupo ito sa tapat niya.

"Sana sinabi mong kukuhanan mo ako ng picture. Eh di sana nakapagpulbo man lang ako." Angel knew she was currently in her Haggardo Versoza look.

He was busy browsing pics on his camera. "Hindi mo naman kailangan pang magpulbo, anghel na walang pakpak."

"Dahil maganda pa rin ako kahit haggard?" biro niya. "Ganyan talaga 'pag pang-model ang beauty tulad ko."

He threw her an annoying look. "Nope." Pinakita nito sa kanya ang pics. "Hindi naman mukha mo ang kinuhanan ko. 'Yan lang kamay mong naghahalo ng kape."

Napangiwi siya. Akala pa man din niya ay trip nitong gawin siyang model. Nawasak na ilusyon lang pala. "Kahit na, kamay ko pa rin 'yan. Pang-model na kamay ko 'yan."

He just rolled his eyes. Ang arte talaga ng lalaking 'to. "Hindi ka ba busy?"

"Bakit? Gagawin mo akong mowwwdel?"

He rolled his eyes once again. "Isasako kita, remember?"

Painosenteng nginitian niya ito. "Pwedeng later na lang? You know, today I'm so tired and haggard from my eight hours painting sessions and I don't have the power to survive the moment you captivate me with your loving arms that will send me to heaven by a sack of rice," walang sense na sagot niya. "Uy, saan ka pupunta? May kinukwento pa ako!"

Bigla na lang itong tumayo at lumayo sa kanya. "You are insane! Nagugutom ako sa sinasabi mo." Dumiretso ito sa counter at um-order. Naiwan sa mesa ang camera nito.

Na-tempt si Angel na pakialaman ang DSLR nito. She admired Steven's talent in photography. High school pa lang sila ay magaling na itong kumuha ng mga pictures. "Ay paano ba 'to?" Na-overwhelmed siya nang makita ang kung anu-anong nakalagay sa screen ng camera nito.

Aminado si Angel na hindi siya techie person. Being someone who grew up in a not so financially blessed family, na-deprived siya sa mga gadget. Maswerte pa nga siyang nag-aaral siya ngayon sa kursong gustung-gusto niya at sa isang magandang school pa. Thanks to that scholarship she earned during painting competitions way back in her high school days.

Pinagpipindot niya ang mga buttons, trying to understand the functions of every key. Nagawa naman niyang ma-browse ang mga photos. Output of Steven's camera never failed her admiration to his craft. Bilang alagad ng sining, madali siyang humanga sa creativity ng kapwa niya pintor at visual artists. She continued browsing and saw set of photos having Mina, ang inakala niyang first love nito, as model. Maganda lahat ng shots ni Steven. For sure, makakakuha ito ng mataas na grade sa project.

She was enjoying the browse when a photo got her attention. It was a stolen shot. Medyo malayo pero familiar sa kanya. Hinanap niya ang zoom button. And that confirmed her speculations. The picture was her, when she was having a painting session alone in a certain park at Quezon City. Bakit ako may stolen shot sa camera niya? Klaro sa memory niya na noong nag-painting session siya sa La Mesa Ecopark, hindi niya nakita roon si Steven. Pinagpatuloy niya ang pagba-browse at nakumpirmang hindi lang 'yon ang mga stolen shots niya sa camera nito. Marami. As in. And in fairness to him, kahit stolen shots ang mga 'yon, wala pa ring panapon. Pawang may story sa mga stolen shots na 'yon kung titingnan. Kung bakit ito ginawa ni Steven, wala siyang idea. Kinukulam ba niya ako? Bakit ang dami kong pics dito? Suddenly she felt some thrilling sensation run her system. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya may kilig siyang naramdaman knowing na kinukuhanan pala siya nito ng pictures nang palihim. Napangiti siya.

"Anong ginagawa mo sa camera ko?"

"Ay kabayo!" Sa gulat niya ay may aksidente siyang napindot. Natakot siya nang makita niya kung ano 'yon. Delete All function key. The screen indicated that the delete all function was already processing. "Halaaaaaa!" Nataranta siya. Gusto sana niyang alamin kung alin ang button na pipindutin pero ayaw niyang lumala ang sitwasyon. Sa pagkataranta niya, wala siyang napindot at natapos na ang delete all process.

Patay kang bata ka!

Alanganing ngiti ang pinaskil niya sa kanyang mga labi nang balingan niya ito. Iniabot niya ang camera. "Steven, saan tulay mo ako isasabit pagkatapos mo akong isako?"

He didn't show any reaction on his face. Seryosong nakatitig lang ito sa kanya. "Anong ginawa mo sa camera ko?!" He is not actually shouting but the way he delivered the line, he sounded too scary.

Waaah! Lupa, pakilamon na me! Please textback asap! Napapikit siya nang mariin. "Na-delete all 'yung files mo. Sorry..."

"Ano?!!"

Naghintay siyang may sabihin ito maliban sa 'ano' pero wala itong sinabi. Malamang sa pinag-iisipan pa nito kung bubuhayin pa siya o hindi.

Patay! Ano kaya ang gagawin niya sa akin? A, ihahagis palabas ng coffee shop. B, isasako na ako ,now na. C, aalipinin niya ako ng bonggang-bongga or D, all of the above.

"Anong problema?" narinig niyang sabat ni Josyl.

"Nothing," sagot ni Steven.

Bakit ang tipid ng reactions niya. Napamulat tuloy siya. Napakunot-noo siya nang ang nakita na lamang niya ay si Josyl. Wala na si Steven. "Saan nagpunta 'yon?"

"Lumabas na. Ano ba'ng nangyari?" tanong ni Josyl.

"Naku, lagot ako. Na-delete ko ang files niya sa camera. Andon ang mga shots ng project niya. Magagalit na naman 'yon sa akin. Anong gagawin ko?" problemadong hirit niya.

"Hmmm, mukha naman siyang di problemado. Nakangiti pa nga siya habang pinapanood ka kanina," sagot ni Josyl.

"Huh?" An image of Steven grinning devilishly while watching her in her 'afraid ako' moment popped her mind. Ang engkantong 'yon! Napagtripan na naman ako! Napasimangot siya.

Tinawanan lang siya ng kaibigan. "Ang cute n'yo talaga ni Fafa Steven. I'm so jealous! Crush na crush ko pa naman siya."

Magre-react pa sana nang mag-ring ang cellphone nito. Sinagot nito ang tawag. "Ha? Hmm, titingnan ko. Text na lang kita mamaya. Okay. Babay." Tila guilty na binalingan siya ni Josyl.

"Oh, bakit?" tanong niya.

"'Yung crush mo, niyayaya akong lumabas. Okay lang ba?"

Ngumiti siya kahit medyo ouch. "Sus ka naman. Eh alam ko namang di ako crush ng crush ko. Ikaw ang crush ni Lowell. Kaya go na 'yan!" hirit niya.

"Meganon? Crush ako ni Lowell? Ayeee! Bonggayy!"

Ouch. Confirmed. May crush din si Josyl kay Lowell. Eh, di kayo na! Nakita pa niya ngingiti-ngiti pa si Josyl habang nagte-text ng reply kay Lowell. Bitter pa? More ampalaya for you, Angel Lou! Huhubels!

"THIS IS NOT GOOD..." Steven sighed. Hindi na niya magawang i-recover ang mga photos na aksidenteng nabura ni Angel sa kanyang DSLR. Bakit kasi di ko agad na-save ang mga 'yon sa laptop ko? He sighed again. Now he needs to repeat everything. Ang babaeng 'yon talaga! Sakit ng ulo! He remembered how she acted yesterday when she confessed that she accidentally deleted everything in his camera. Malapit na siyang mag-explode sa galit noon kundi lang niya nakita ang reaction nito. Angel was so cute that time. Kaya nga kahit na nasa 'afraid ako' moment ito na tila takot na takot sa kanya ay nagawa pa rin niyang ngumiti at picture-ran ito habang nakapikit ito. Nakita niya kaya ang mga stolen pics niya? Hindi niya alam kung bakit pero favorite niyang subject si Angel sa kabila ng pagiging aso't pusa nila.

Natigilan si Steven sa naisip. Why are you like that? Nagiging unfaithful ka sa high school first love mo. Dapat hindi ka dapat naku-cute-an sa ibang babae.Speaking of his first love, malapit na silang magkita. Ilang buwan na lang ang hihintayin niya at makakasama na niya ang first love. This time, he's so damn ready to be with her. But he's not certain if his first love felt the same. May malaki kasi siyang kasalanan dito.

Kinuha niya ang isang frame na nakapatong sa table niya. Isa lang 'yon sa napakaraming love letters mula sa first love niya. Pina-frame niya ang ilan sa mga favorite niya at ang iba naman ay pinaplano niyang ilagay lahat sa isang wall frame sa kwarto niya. Call it weird or even mushy, but that's how he valued his first love. Napapangiti siya habang hinahaplos ang sulat sa frame. Ang corny na ng ginagawa mo, Steven. Binitawan na niya ang frame at binalik sa dati nitong pwesto.

Umiling siya. Saka na lang niya iisipin uli ang first love 'pag tapos na ang problema niya. Kasamang nabura sa camera niya ang project niya na malapit na ang submission. He dialed Mina's number. Two days na lang ang meron siya para makahabol sa deadline ng project. "Yes, Mina. Sorry for the short notice but can we re-take the shoot? Nagkaproblema kasi ako, nabura lahat ng shots na ginawa natin. I have to do it again. Pwede ka ba today? Kailangan ko na kasi."

"Naku kahit gustuhin ko mang tulungan ka, hindi ako pwede ngayon e. May bulutong tubig ako."

"Oh..." Patay ako nito."I see. Magpahinga ng mabuti ha."

"Sorry, Steven."

"It's okay. Take care and rest well." He ended the call.

He blew a deep sigh. Masamang tingin ang pinukol niya sa DSLR. "Bakit ka kasi nagpabura sa kanya?" He grabbed his camera and browsed the few photos left. Napahinto ang browsing niya nang mag-appear sa screen ang picture ni Angel habang nakapikit. An idea popped his mind. He dialed Angel's number.

"Steven, tanggap ko ang kaparusahan. Alipinin mo ako kung kinakailangan," eksaheradang hirit nito nang sagutin nito ang call niya. "Isabit mo na ako sa puno ng langka o sa skyway overpass, 'wag mo lang ilalayo sa akin si Fafa Lowell."

Napakunot ang noo niya. "What the hell are you talking about?"

"Wala lang nag-iinarte lang. So anong itinawag natin, kamahalang engkanto?"

Napailing na lang siya. "Pumunta ka sa bahay ko. I'll be expecting you here in thirty minutes. I will not take any no's for answer. You owe me big time and you have to repay me now." He ended the call and grinned.

NABIBINGI NA ANG tenga ni Angel sa pagalit na instructions na binibigay ni Steven. Ginawa siya nitong instant model. Hindi raw available si Mina para mag-retake ng photoshoot. At dahil kasalanan niya kung bakit naghahapit itong makatapos ng project, wala siyang nagawa.

Okay lang naman sana. Keri ng beauty niya 'yon. Ang problema lang, masyadong hot itong si Steven... as in hot na hot ang temper. Hindi kasi niya maintindihan ang ibang instruction nito kaya nagtatagal ang shoot.

"Hindi ganyan!" sita nito.

"Okay... okay. Pasensya. Ngayon lang naman ako nag-pictorial, e. Hindi mo naman kailangang sumigaw." She rolled her eyes. Hindi siya tumuloy sa isang painting session para sa sasalihang exhibit. Malaking kawalan sa oras niya sana 'yon. The least thing sana, maging mabait naman itong si Steven sa kanya. Pero kasalanan mo naman 'yan kaya magdusa ka.

He sighed. Nilapitan siya nito. He moved closer to her. Nahigit niya ang hininga nang mapalapit ito sa kanya. Hohemji, why are we this close? She felt her heart trembled when he held her left wrist and placed it firmly on the wall. "Ito, dito 'yan." Then he set her right hand near her right ear. "At ito dito 'yan. Hawakan mo ang buhok mo."

Napatitig na lang si Angel sa maamong mukha ni Steven. Habang abala ito sa pagbibigay ng instructions at pag-aayos ng angulo ng katawan niya ay abala naman siyang titigan ito. He really had the gwapo face. Mas gwapo ka pala 'pag ganito ka-close. Tila nawala na naman siya sa sarili. Being that close with Steven made her feel crazy at all. Hindi niya alam kung bakit pero parang gustung-gusto niya ang ganoong closeness. Teka lang, Angel. Si Lowell ang crush mo di ba? Hindi si Steven. So anong drama itey? Paki-explain. Tenkyu.

"Sumandal ka pa ng konti sa wall." He was still there, super close to her.

Naamoy niya ang pabango nito at hindi na tumatakbo ng ayos ang utak niya. Waaahh! Naaaning na talaga ako! Why are you so bango and so gwapo in my eyes today?

"Tapos..." He touched her chin.

Parang biglang nag-iba ang ambience sa palagid. She felt her heart skipped again when he set his eyes on her. Natigilan din ito. He spent few seconds gazing at her eyes and her face.

"T-tapos?" Wag mo munang tapusin ang eksenang ito! Pang-romance movie.

Bigla itong tila napasong binitawan siya. Nge! Anyare? Umiwas ito ng tingin at bumalik sa pwesto ng camera nito. "Ah, itaas mo ang right foot mo, itapak mo sa wall."

Sinunod niya ito. "Okay na?"

"Ahm, yeah." Sumilip ito sa lens ng camera nito. "L-look at me... ahm, in the camera I mean." He took few shots.

Natataranta ba siya? Parang ganon ang nakikita niya. It seemed like, Steven suddenly lost his composure. Dahil sa titigan blues namin? Hohemji... Ang ganda ko!

"You look at your left hand." She did. "That's good. Now, look at the ceiling." Sinunod niya ito. "That's perfect. Ibang concept naman."

Iniikot nito ang paningin sa loob ng bahay nito. On the spot itong nag-iisip ng concept. Dahil kulang na sa oras, lahat ng shoot ay ginanap lang sa bahay at bakuran nito. But knowing Steven, Angel was sure that outcome would be exemplary.

"Anong next?"

He set back his eyes on her. Kumabog na naman ang puso niya. "Do you have your painting paraphernalia with you?" She nodded. Parang nagliwanag ang paligid nang ngumiti ito. "Great. We'll take photos while you're doing your painting sessions."

And after almost three hours of shoot, sa wakas natapos din. Nilapitan niya ito. "Sorry uli ha. Dahil sa akin, naiba tuloy ang concept ng project mo."

"It's okay. Nakabawi ka na at saka, maganda naman ang kinalabasan," seryosong sambit nito habang sine-save ang photos sa laptop nito. Nadala na ata ito kaya nag-back up files agad.

"Syempre, ang ganda kaya ng model mo."

"Magaling lang talaga akong photographer."

"At maganda ako," pilit niya.

"Sige manalig ka." Then he laughed.

Binelatan lang niya ito. Ayaw talagang sabihing maganda ako? She blew a deep sigh as a sign of relief. At least, di na siya nakokonsensya ngayon dahil sa nangyari. Umupo siya sa sofa para makapagpahinga bago siya umuwi.

"Alam mo bang magka-date lately si Lowell, your crush at si Josyl, your bff?" nang-aasar na tanong nito.

Sinimangutan niya ito. "Oo alam ko!" may halong bitterness na tugon niya.

Tumawa ito. Tawanan ba ang bitterness ko? "Paano ba 'yan, na-friendzoned ka?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Alam ko, hindi mo na kailangang ihampas sa fez ko 'yan. Wala naman akong magagawa. Mas maganda si Josyl. At mas bagay sila."

"Ang bitter ah. Sabi ko sa'yo kasi, 'wag kang magpapaniwala kay Lowell." Hinawakan nito ang kamay niya. An unknown thrilling sensation run over her system. "Better of, kumain na lang tayo. Ililibre kita." He grinned.

Tiningnan niya uli ito ng masama. Wala siyang tiwala sa mga ngiting ganon ni Steven. "Anong food naman?"

"Ginisang ampalaya!"

"Ang sama mo!" Binawi niya ang kamay niya dito.

"Joke lang naman, di ka na mabiro."

They went out of his house. Dinalasiya nito sa isang restaurant. In fairness, kahit minsan sinasaniban ito ngpagkahalimaw at pagka-ungentleman, mabait pa rin naman si Steven at the end.     

Continue Reading

You'll Also Like

31.4K 972 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3
88.2K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
96.5K 3.4K 13
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #1
17.4K 961 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...