Only Human

By HopefulGirl168

151 0 0

Masaya ka kapag nakikita mo siya, pinapangiti ka niya, at gusto nya na maging bahagi sya ng buhay mo. Gusto r... More

Chapter 1
Chapter 3: Mr. Cupcake
Chapter 4: The Real Meet-up
Chapter 5:
Chapter 6:

Chapter 2: First Meet Up

25 0 0
By HopefulGirl168

Chapter 2: First Meet Up

 Jeric's POV

I stopped my car sa tapat ng Honey Cream Puff. Bibisitahin ko kasi si Ahia Jorel. Since we were kids, pag pumupunta kami sa bahay ng mga Tan, sa kanya kami pinababantayan nina mommy at daddy, well, di naman sa masyado kaming pasaway ni Jeron nung mga bata, pero syempre dahil nga bata kami, lagi kaming kung saan. Years had passed, and naging mas lalo kaming naging close ni Kuya Jorel, kapag may mga personal problems ako na di ko masabi, mapa basketball, lovelife, o kung anu-ano, sya ang ginagawa kong resbak. Pumasok ako sa loob ng shop, and as expected, dahil nga sa isa na rin akong celebrity, aside from being a PBA player, di naiwasan ang picture seesion with the fans, pero I refused them muna in a nice way para tanungin sa counter kung nasaan si Ahia.

"Hi, miss, nandyan ba si Jorel Tan?" I asked.

"Ah, nasa may garden sya eh, may kausap." The lady told me. "Wait lang ha, I'll just call him. Upo ka na lang muna sa isa sa mga chairs dyan."

"Ah, okay thanks..." I told her. "Pakisabi si Jeric Teng yung naghahanap sa kanya." dagdag ko pa, with a smile pa yan.

"Aine, si Jeric Teng, nandito sa shop..." sabi nung isa pang girl na nasa tabi nya "Ang guwapo nya girl, pwede na akong mamatay...."

"Tumigil ka nga dyan Apple..." natatawang sabi nung Aine dun sa Apple "Ikaw muna bahala dito sa counter." sabi nya pa.

"Oo na, ako na bahala dito...layas na!" sabi pa nung Apple. "And kuya, pwede po ba pa picture?" sabi naman niya sa akin.

"Sure..." sabi ko sa kanya.

"Ang landi talaga...bahala ka na nga dyan..." sabi nung Aine, tapos lumabas na sya papunta dun sa garden area. Habang naglalakad sya, nakatingin rin ako sa kanya. "She's simple, and nice..." mahinang sabi ko sa sarili ko.

Aine's POV

Naglalakad ako papunta sa garden. So, siya pala si Jeric Teng, malay ko ba naman, ang alam ko taga USTe yan, naglalaro na pala sya sa PBA, di naman kasi ako mahilig manuod ng basketball no, pero gwapo pala talaga...haixt! Aine, ano ba..."

"Nangiti ka dyan Aine, may problema?" tanong ni Jorel habang papalapit ako sa kanila.

"Ah, eh, Jorel, may naghahanap kasi sa'yo eh..." sabi ko.

"Sa akin? wala naman akong inaasahang bisita ah...and wait..." sabay tingin ni Jo sa glass door na kita ang loob ng shop, "Bakit nagkakagulo ang mga tao sa loob? may problema ba talaga?"

Lumapit muna ako sa kanya at ibinulong ko na lang sa kanya yung sasabihin ko "Hinahanap ka kasi ni Jeric Teng..." sabi ko

"Ano?!!!" sigaw ni Jorel, sinuway ko naman sya. "Hay naku naman...." sabi ni Jorel sa sarili nya.

"Bakit brad, sino daw ba yung naghahanap sa'yo?" tanong ni Rye.

"Tara, pumasok na tayo sa loob..." sabi ni Jorel, saka tumayo sa upuan nya at naglakad papunta sa loob ng shop. Sumunod naman kami ni Rye. Nung nasa loob na kami, tuloy pa rin ang picturan ng mga tao dun kay Jeric. "At anong kaguluhan nagaganap dito?" nakangiting tanong nya.

"Ahia!" sabi ni Jeric. Lalapit na sana sya kaya lang sinaway sya ni Jorel. "Tapusin mo muna yang photo session mo dyan..." natatawa pa ring sabi nito.

Nang matapos na ang photo session, hay salamat! lumapit na si Jeric sa amin, tapos nagsalita uli si Jorel "Kaya pala nagkakagulo dito sa loob, dumating ang basehan ng pagiging Mr. Pogi, nakng! sana nagtext ka o nagpasabi na maliligaw ka dito, para napaghandaan ko, di ka sana naabala nung mga customer dito..." sabi ni Jorel, natatawa pa rin, ibang klase talaga itong si walanjo!"

Jorel's POV

Pag magkikita talaga kami ni Jeric, asahan mo, may mga sabit na fans lagi sa likod, hay naku, kungsabagay, guwapo naman talaga sila ni Jeron, may pagkagwapo rin naman ako, pero mas sikat sila..ano konek? hulaan mo...hahahaha! "So, what makes you here Shoti Jeric?" tanong ko sa kanya.

"Wala, binibisita lang kita, di ka na kasi nadalaw sa bahay eh, mabuti pa si Aimee..." sabi ni Jeric.

"Nakow, tampolotiks na naman etong si Jeric, alam mo namang busy ako sa pagtuturo sa school, tapos etong coffee shop pa." paliwanag ko.

"Di naman ako nagtatampo, ikaw naman..." sagot uli ni Jeric. "Na miss lang kita, alam mo namang ikaw lang ang ka-close ko pag di ko trip si Jeron."

"Ayan tayo Jeric eh, sabihin mo kasi kay Tita Susan at Tito Alvin na ampunin na ako, para may Teng na rin sa apelido ko." natatawang sabi ko.

"Baka naman ipalit naman ako sa'yo. Ako naman ang maging Tan..." sabi ni Jeric.

Ganito kami ni Jeric, asaran, kulitan, since mga bata hanggang ngayon...ay teka! nakalimutan ko sina Rye at Aine "Nga pala pare, sina Rye at Aine, mga kaibigan ko. Guys, meet Jeric Teng, family friend namin and...ahem...player ng Rain or Shine.

"Nice to meet you Jeric..." sabi ni Rye sa kanya.

"Same din to you." sabi naman ni Jeric.

"Hi Jeric..." sabi ni Aine

"Hi Aine..." sagot ni Jeric sabay shake hands kay Aine, which is di nya ginawa kay Rye...teka, dumadamoves ba itong si Teng? hmmm....

"Jorel, punta muna kami ni Aine sa counter." sabi ni Rye.

"Ah, okay..." sagot ko at niyaya na nga niya si Aine papuntang counter. Habang naglalakad sila palayo, napansin ko namang naging malungkot bigla si Jeric. "Uy shots, may problema?"

"Ha? ah...eh...wala..." sabi ni Jeric. "Teka, kanina pa tayo dito pero wala ka pang pa kape sa akin, sabi ni Ate Alysh, masarap daw yung Caramel Machiatto dito."

" Ay, oo." sabi ko, tapos tinawag ko si Apple para dalhan si Jeric nung sinasabi niyang drink. After a minute or three, sinerve na sa kanya yung Coffee nya. "So Jeric, what's with the sad face kanina?" tanong ko.

"Sad face? wala yun kuya..." sagot ni Jeric.

"Hoy, kilala kita...tell me, naka-crushan mo si Aine no?" nakangiting tanong ko kay Jeric.

"Uy kuya, wag ka ngang ganyan..." si Jeric. "Pero kung ma-crushan ko man siya, hanggang dun na lang, may boyfriend na eh, yung si Rye."

"Bogaloidz!!! di nya boyfriend yun." sagot ko sa kanya.

"Talaga?" masiglang tanong ni Jeric sa akin.

"Anak ng! yan tayo Jeric eh!" sabi ko sa kanya.

"So, pwede ko siyang ligawan?" tanong ni Jeric sa akin

"Ano?! ligaw agad? sapak gusto mo?" biro kong sabi kay Jeric.

"Ahia naman eh..." suway ni Jeric sa akin. Hay naku etong batang ito, kakakilla pa lang ligaw na kaagad ang iniintindi.

Aine's POV

Pinagmamasdan ko siya mula dito sa counter. Lokong Jeric yun, nakipagshakehands lang ako, para akong kinuryente, ano ba siya, poste?! anyways, ewan, pero iba pakiramdam ko sa kanya, parang...ah, basta, ayoko sabihing inlove agad na serious na inlove talaga, sa sobrang sikat nya, di kami bagay...aish! Aine, kainis ka talaga...

"Mas guwapo ako dyan!" maktol ni Rye mula sa likod ko. Isa pa pala ito.

"Di ko siya tinitingan no?" sabi ko sa kanya.

"Di daw, pwede ba wag mo akong lokohin Madelaine..." patampong sabi ni Rye sa akin

Humarap ako sa kanya at kinurot ko ang pisngi nya, "Sus, nagseselos ka no?" sabi ko.

"Eh kasi naman Aine...natipuhan mo sya agad, first meet pa lang, samantalang ako, tagal ko nang nagpapapansin, waley lang sa'yo."

"Ano ka ba, I know he's cute...pero wala pa sa utak ko ang magkaroon ng boyfriend sa ngayon. Kailangan ko munang pumasa sa LET at makapagturo bago ako mapunta dyan..." paliwanag ko kay Rye.

Rye:

Ewan ko, pero simula nang makita ko si Jeric Teng in person, naiinis na ako. Kasi naman, pormahan ba agad si Aine, yung totoo? ngayon ko lang siya nakita sa personal although naririnig ko na name nya dati kasi naglalalaro sya for UST sa UAAP. King Tiger, Gunslinger, Chinito, ang daming tawag sa kanya pero I don't care, wag nya lang pupormahan si Aine ko dahil pag nagkataon, naku...ewan ko na lang! Napapansin ko ang pasulyap sulyap niya dito sa may counter, minsan nga nagkakapang-abot pa sila ng tingin ni Aine pero si Aine na yung umiiwas.

"Sigurado ka?" tanong ko kay Aine matapos yung paliwanag niya sa akin.

"Oo naman...alam mo yan Rye..." sagot ni Aine

"Mabuti naman...kasi maghihintay talaga ako sa'yo." sagot ko. Di biro yun, maghihintay talaga ako, well, kung liligawan sya ni Jeric Teng at yun din ang isasagot nya, may the best man win na lang!

Continue Reading