Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

114K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Announcement

Chapter 7

3K 187 7
By Artasia_Aquila

Chapter 7:School Girl

Kalaunan ay natuloy nga ang plinanong dinner sa bahay. Hindi ko nga inaasahan na mag mukha itong fiesta, ang sinasabi kasi ni mama simpleng salu-salo lang pero sobrang daming niyang inihanda. Nakarating naman sila Ninong, ilang mga kasamahan sa trabaho at si Inspektor Leonido. Hindi naman nakapunta ang bestfriend kong si Aliah dahil may kailangan daw itong tapusin na mga orders. Ang business niya kasi ay mga flowers. Maliit na flower shop lang ito pero marami itong nagpupuntahang customers.

Akala ko talaga kami-kami lang ayun pala parang party para raw kasi sa mabilis na recovery ni dad. Pinaalam na rin sa kapatid ko ang lahat nangyari. Nagalit siya pero okay naman na sa kanya, naiintindihan naman nito na gusto lamang nila itong protektahan. Masaya na siya na okay na ang kalagayan ni dad.

Buong gabi akong binungangaan ni mama. Wala daw akong kafashion- fashion sa katawan. Hindi naman kasi nila sinabi na maraming pa lang bisita dito sa bahay. Hindi na sana ako pumunta.

Nakasuot lang kasi ako ng white shirt at  ripped jeans with leather boots. Galit na galit talaga si mama kasi halos lahat ng babaeng nandito nakadress at ang mga kalalakihan naman ay nakasuot ng pormal na polo. Ako lang ata ang nag-iisang nakajeans dito, agaw pansin lang talaga. Pati yung mga kapwa ko kapulisan ay mga nakaporma. Lintek! Ako lang ata ang hindi nasabihan dito.

“Ano ka ba naman Alexis Ryzzy Valdemor!”sigaw nanaman ni mama. Ang sakit talaga sa tenga ng boses ni mama.

“Bakit ba kasi ma? Wala namang problema sa suot ko ha! Ang cool ko kaya naiiba sa lahat,”maangas ko pang saad na mas lalo atang nagpainit sa ulo nito.

Sa inis niya kinurot niya ako sa tagiliran habang hindi tumigil sa pagbubunganga. Inis niya namang tinakpan ang kanyang tenga upang hindi masyadong marinig ang sinasabi ni mama.

“Ipapahiya mo talaga ako noh. Isang kilalang fashion designer ang mama mo pero kung manamit ka parang hindi kita anak.”kinurot niya ako at ako naman iwas lang ng iwas.

“Sobra ka na ma ha! Ang OA mo na.” tumakbo na ako ng tuluyan.

Pero napaka persistent ni mama at  hinahabol pa rin ako, mas binilisan ko naman ang takbo. Wala akong balak magpahuli, kukurutin nanaman siya ng ina nang walang sawa. Ang OA OA pa akala mo naman ikalulugi niya ang suot ko. Nakita ko naman ang nakakabata kong kapatid na tawa nang tawa.

Aha! Tawa- tawa ka pa diyan ha. Parang may bumbilya namang nag pop out sa kanyang isipan.

Tumakbo ako sa gawi niya at halata naman sa kanya ang pagaka gulat. Agad naman akong nagtago sa kanyang likuran, siya tuloy ang nakurot ni mama. Sumama naman agad ang mukha nito kaya napatigil na si mama sa paghahabol. Parang bata talaga!

“Stop that nonsense mama!”

“But , Alexander Ryzon tignan mo ang suot ng kapatid mo hindi nababagay sa okasyon wala siyang taste sa damit. ”pagpapaliwanag naman ni mama

Ouch!

Pinaningkitan naman ako ng mata ni mama kaya napa shrugged na lang ako. Kung sana sinabi nilang party to edi sana hindi na talaga ko pumunta.

Tapos ako pa may kasalanan na ganito ang suot ko. Hayyy naku!

“Ano ho bang problema sa suot ni ate? Maganda naman at presentable. Simple but elegant,”wika nito.

Buti pa talaga tong kapatid ko.

“Kahit na iho.”

“What she is wearing right now is perfect. She looks perfect what ever she wear. Huwag kang OA mama wala ka naman sa fashion show ngayon para pagsuotin mo siya ng long gown,” wika niya.

“Ewan ko sa inyo nagkampihan pa talaga kayong magkapatid.”sabay walk out na si mama . Ayaw na lang kasing aminin na maganda ako kahit anong suot.

Nilingon naman ako ng kapatid ko at nagthumbs up lang ako sa kaniya. Nginitian ko na lang siya para makabawi. Ngumiti rin naman siya ng nakakaloko. Ngiting may kailangan, alam kong may kailangan siya kaya niya ako tinulungan kay mama.

“ Libre mo ko ng pizza ha. By the way you look cool on your outfit.”

Ang  kapatid ko talaga ang kakampi ko pagdating sa pagsusulat  kay mama. Lagi nga niyang sinasabi na gusto niya mag magpulis kagaya ko, pero hindi naman pumapayag si mama. Isa siyang malaking pader. Dati nga muntikan niya na kong pagmadrehin huwag lang akong magpulis. Buti na lang may mga backup ako si lolo at dad, kaya ayun wala na nagawa pa si mama.

Ilang sandali lang ay napagpasiyahan na nila ang kumain. Kasama namin sa mesa sina Chief Acosta at Inspector Leonido ang iba naman ay nasa kabilang mesa.

Maraming pagkain ang nakahain kaya kumalam nanaman nang bonggang-bongga ang aking tiyan. Aba! Ngayon lang ata ulit ako makakakain ng matino. Puro na lang processed foods ang kanyang kinakain, hindi kasi siya marunong pagdating sa kusina.

Gutom na nga ako kaya naglagay ako ng maraming pagkain sa akingplato. Tinignan naman ako ni mama na nakakunot ang mga mata. Hindi ko na lang ito pinansin at tinitigan ang mga pagkain sa aking pinggan.

Pasubo pa lang ako ng umarangkada nanaman ang bibig ni mama. Tapos lahat ng sinasabi niya ay puro LAIT. Nakakainis>.< Nawawalan ako ng gana kumain.

“Bakit andami mong kakainin, Alexis?”

“Siyempre ma handaan to,”sabay subo nang pagkain.

Grabe ang sarap!

“Hindi ka ba nahihiya?Kababaeng tao mo ang takaw takaw mo daig mo pa ang kapatid mo kaya walang nagkakagusto sayo eh.” wika nito. Lahat tuloy ng kasalo namin ay napatigil sa pagkain at nakinig sa pagtatalo namin ni mama.

“Eto nanaman tayo.”naibulalas ko, napufustrate na talaga ako sa bunganga ni mama, sobrang lakas.

Hanggang sa hapag kainan panay ang paninita ni mama sa aking mga galaw. Talagang napahiya na ako ng bongga sa mga kasama namin sa mesa.

“Ano ba yan Alexis magdahan-dahan ka nga sa pagkain. Ginugutom ka na ba ?Bakit kasi nag pulis ka pa!Wa---”

“Ma!” pagsingit ko sa pagsasalita niya at baka may masabi pa itong hindi maganda. Nakakahiya naman kay Chief at Inspector.

Si mama talaga walang preno ang bibig.

Tumahimik naman tuloy lahat ng nasa hapagkainan. Napatingin ako kay dad para humingi na ng tulong. Iniwasan niya lang ako ng tingin. Tumingin naman ako kay Ryzon, nakikita ko naman na nanghihingi siya ulit ng kabayaran para tulungan ako. Sasagot pa sana ako kaya lang mas hahaba lang ang pagtatalo namin. Napabuntong hininga na lang ako at hindina lang ako kumibo, kumain na lang ako nang kumain ng tahimik.

Nakakainis na kasi talaga si mama hindi na nahiya sa mga kasama namin, hindi man lang naisip na kapwa ko ito pulis. Ano na lang ang sasabihin ng mga to minamaliit sila ng asawa at anak na isang pulis.

Pagkatapos ng dinner ay napagdesisyunan ko na din na umuwi. Simula bukas kasi ay start na ng pagpasok ko sa Legaspi Academy naisip kasi ni Chief na madali kong mababantayan ang Tyronne Legaspi na yun kung magiging classmate kami. At take note, classmates din kami ni Caleb Santiago.

Actually ako talaga ang magbebenefit dito. Mas magiging madali sakin ang pagbabantay sa kanilang dalawa.(Insert evil laugh) Ang isang malaking disadvantage lang ay mag-aaral ulit ako.

K I N A B U K A S A N

Kringggggg. Kringggggg. Kringggggg.Kringgggggg.

Nagising naman ako sa pagring ng phone ko. Kinuha ko agad ang phone ko sa table ng hindi pa rin idinidilat ang mata.

“Hello”antok na antok ko pang turan.

“Ryzzy Sta. Ana bumangon ka na. Ngayon ang start ng klase mo. Huwag ka malelate papangit ang records mo para sa isang scholar,”narinig ko naman ang mga pinagsasabi ng kausap ko sa kabilang linya pero antok na antok pa talaga aketch.

At sino naman yung tumatawag niyang Ryzzy Sta. Ana . Nawrong call lang ata yun e. Binaba ko na ang tawag at bumalik ulit sa pagtulog.

Makakaidlip na sana ako ng bigla na lang ulit magring yung phone ko. Nakapikit ko pang sinagot muli ang tawag.

“Oh? Ano nanaman? Alam mo inaantok pa ko. Stop me! Hindi Ryzzy Sta.Ana ang name ko , My name is Alexis Ryzzy Valdemor, Baka  iba yung tatawagan mo--” napatigil ako ng makita kung sino ang kausap ko. Agad kong tinignan ang registered number na nakapangalan kay Hepe.

Tay tayo diyan!

Agad naman ako napabalikwas ng bangon.Shet! Ang tanga ko talaga yari nanaman ako nito.

“VALDEMOR!”malakas na sigaw ni Chief sa kabilang linya.

“Good morning. Pasensiya ka na talaga Chief, sige na bye!, ”  binaba ko ng ang linya bago pa ko mabungangaan.

Agad kong inayos ang mga gagamitin ko sa school. Pinadala na din ni Chief kahapon lahat mapa-notebook ,ballpen at iba pang magagamit ko. Hindi lang ito basta-bastang school supplies pwede tong gamiting armas. Ginawa to para sa mga agent na katulad namin.

Yung ballpen o pen gun ay pwedeng maging electric pen at a small gun. Customize lang siya para sa mga officer or agent na nasa secret mission.  Sa bag din ay may hidden camera para madali naming maidentify ang mga taong makakasalamuha kong kahinahinala. Para na din madaling mabackground check ni Inspector. Sobrang liit lang ng camera kung kaya't hindi ito agaw pansin.

Naligo lang ako at hindi na nagbreakfast pa. Malelate na kasi ako first day ko pa naman.

Pinatakbo ko ng mabilis ang baby boomers ko papunta sa school. Mga 5 minutes lang nakarating na din ako sa parking lot. Bongga ang mga sasakyan na nakaparada nahiya naman ang baby ko. Pero hindi naman mura ang bili dito sa baby ko, isa kaya ito sa pinakamahal at pinakamagandang kalidad ng motorbike.

Nagpark na lang ako katabi ng isang sports car na kulay itim. Ang alam ko limited edition lang yung ganung sasakyan kaya siguradong mayaman talaga ang may-ari. Dahil wala naman talaga akong paki umalis na lang ako sa parking lot.

Nakarating na ko sa tapat ng gate. Papasok na sana ako ng harangin ako ng guard.

“Ma'am I.D niyo po?” inilahad ko naman ang I.D ko na ang nakapangalan ay Ryzzy Sta. Ana. Sinasanay ko na talaga ang sarili ko na gamitin

Pinapasok naman agad ako ni manong guard. Bongga talaga ang school na ito pang mayaman. Bawat hakbang ko may maraming napapalingon sa aking gawi. Ano ako artista? Parang mga tanga tingin nang tingin. Ngayon lang ata sila nakakita ng maganda . Hindi ko na lang sila tinignan, hindi ko naman yun ikayayaman. Lakad lang ako nang lakad. Lingon dito lingon doon. Inoobserbahan ko bawat lugar kung saan pwedeng magtago ang kalaban.

Hindi ko napansin may makakasalubong ako kaya nagkabanggaan kami. Tumba ang lola niyo medyo malaki kasi ang katawan nitong makabanggaan. Medyo familiar sakin yung amoy niya.

Ouch ha! Ang sakit ng wetpu ko.

Napakagat labi na lang ako dapat mas maging maingat ako sa paggalaw ko dito para hindi nila mapansin ang intensyon ko.

“Are you okay?” wika ng lalaking familiar ang boses.

Inangat ko naman agad ang paningin ko at tumambad sakin ang gwapong mukha ni Caleb. Kung suswretihin ka nga naman ang mga isda pa ang lumalapit sa pating.

“Caleb?” kunwari ay nagugulat na saad ko.

Pwede na ko maging best actress nito. Bigyan ng award yan.

“It's you. The pakialamera and matakaw girl.” nakangiti niya saad .

“bwiset na to nilait pa ko”sabi ko sa isip ko.

Ngumiti na lang ako ng pilit. Napansin ko din na marami ang mga estudyanteng napapatigil at napatingin sa gawi namin. Nang lingunin ko sila maraming mga babaeng ang sama kung makatingin yung iba namang lalaki mukhang mga manyak.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga taong nakapalibot  sa amin. Wala namang kahinahinala kaya binalik ko na ang paningin sa kaharap.

“Hahahaha ako nga .Hehehe”naiilang kong saad.

“What's your name? Nakalimutan ko kasing itanong.” napakamot na lang siya sa kaniyang noo. Ang cute niyang tignan .

“Al--- Ryzzy Sta. Ana.”muntikan ko namang masabi ang totoo kong pangalan. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko na tawagin sa second name.

“Nice to meet you, Ryzzy.” wika nito at inilahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko naman ang kamay nito at nakipagshake hands.

“Nice to meet you too, Caleb Santiago.”

Ayan nanaman yung mga gumagalaw sa tiyan ko. Natatakot na talaga ako, baka may sakit na pala ako hindi ko pa alam.

Matagal ding nakahawak ang mga kamay namin at nagbitaw lang kami ng tuksuhin kami ng mga kaibigan niya.

“Ayieee pare naka move on ka na.”-turan nung lalaking may kulay itim na buhok.

Sinuri ko ito at mukha namang walang balak na masama. Tinignan ko din ang iba pa at mukha naman itong mga harmless pero mga weirdo.

“Maganda din siya pare. Nice choice.”komento naman nung lalaking pinakamatangkad sa kanila.

“Mas maganda pa rin si Demonnese.”sabi naman nung lalaking may pulang buhok.

Alam niya bang ? WALA AKONG PAKE SA DEMONNESE NA YON!

Inirapan ko na lang ito. Tinignan ko naman ang naging reaction nitong kaharap ko. At bengga halata sa mga mata niya ang lungkot.

Naging tahimik kaming lahat dahil sa bigat ng atmosphere sa pagitan naming lahat. Hindi na rin nagbitaw ng biro pa ang mga kaibigan ni Caleb, mukhang nakaramdam na.

“Oo nga pala Ryzzy, mga kaibigan ko nga pala sina Alexander Mendez, turo niya sa lalaking itim ang buhok at pinaka maliit. Ito naman si Red Martinez, at halata naman siguro sa pangalan diba siya yung may pulang buhok. Ito naman si Rio Allon turo niya naman dun sa pinaka matangkad.” nakipag hand shake naman sila at ganun din ako sakanila.

“And guys, this is Ryzzy Sta. Ana.”pagpapakilala niya naman sa akin.

“Hello, Ryzzy.”bati sakin nung pinaka matangkad sa kanila.

“Hi, Rio.”

“Let's go to our first class,” ani naman nung may pulang buhok. Ang sungit niya din ha, kanina pa masama ang tingin niya. Akala mo naman kung sinong gwapo. Che!

Bumaling naman ang paningin ko kay Caleb.

“Anong section mo?”tinignan niya ang hawak kong schedule.

Napangiti pa siya ng tignan ang schedule ko na kaparehas ng sakanila. Sus! Arte pa Alexis kunwari walang alam.

“Classmate pala tayo.”wika niya at ibinalik na yung papel sa kamay ko kung saan nakasulat yung schedule.

“Ha?talaga ba?”pagkukunwari ko.

Sana naman hindi ako mahalata. Sana epektib ang drama ko. Kailangan kong mag-ingat dito sa may pulang buhok. Mukhang nahahalata na niya na nagsisinungaling lang ako.

Pumunta na kami sa room kung saan kami nakaassigned.







--------

First day niya bilang business management student. Wala munang action baka maumay na kayo.

Don't forget to vote and comment. Please, magcomment kayo good man yan o bad. LABLAB KO KAYO.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1M 34.6K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
24K 486 32
Revised Version Tiffany Solenn Dela Paz is an unwanted child of her family. She's also a victim of bullying because of her family. Her family is alwa...
343K 8.1K 37
Mary Julienne has been spending a lot of her time sleeping. And even without the certainty of waking up.. Doctor Joseff fell with her ethereal beaut...