Jasper POV
"May pamilya na pala si Ayesha no?" Sabi ni Zander pagkapasok namin sa kwarto
"Oo nga eh,pero hindi naman nya kahawig yung anak nya. Kahawig nong bata yung daddy na" sabi ni Nixon at humiga sa kama
Napag disyunan kasi namin na sa iisang kwarto na lang matulog
"Oo nga,ang taray pa!" Sabi ni Zander habang umiiling
"Kayong dalawa! Tumahimik nga kayo!" Sigaw sakanila ni Avaina
"Nung umalis sya parang kahit isang letra lang ng pangalan nya ayaw nyo madinig pero nung makita nyo sya kasama ang asawa at anak nya eh pinag uusapan nyo agad!" Sigaw ni Lexi sakanila natahimik sina Nixon at Zander
"Lexi,Avaina,hayaan nyo na. Okay lang ako" sabi ko sakanila at ngumiti
"Jasper wag ka ngang ngumiti,alam namin na peke yan. Wala namang masama kung sasabihin mo saamin na nasasaktan ka" sabi ni Zylee
"Okay lang talaga ako" sabi ko sakanila at ngumiti
"Tara maligo na tayo" sabi ko sakanila tumango naman sila at yung mga girls ay nag bihis nag sout sila ng swimsuit kaya ayun naiinis mga jowa nila
Paglabas namin ay nakita namin ang kasama nila Ayesha. Yung iba naghahabulan ang iba naman naglalaro at nag picture
"Zach! Lagot katalaga saakin pag ako nahulog dito!" Sigaw ni Ayesha nakapatong kasi sya dun sa lalaki
"Abby sasaluin ka naman ni Zach eh" Sabi nung babae na curly ang buhok
"Sige abby picturan ko na kayo" sabi nung lalaki
{A/N: Kung may tanong kayo kung asan ko yan nakuha yang picture na yan eh sa instagram post ni Dom. Mwehehehe😂}
Pagkatapos nila mag picture ay nagtukbuhan sila habang hinahabol sila ni Ayesha na naka swimsuit rin
"Tara dun tayo sa kabila" sabi ni Zylee at naglakad sa ibang daan alam kung iniiwasan nya si Ayesha
Habang naglalakad kami ay tumingin ulit sa pwesto nina Ayesha nakita ko rin sya na naka tingin saamin o di kaya saakin? Iniwas ko na ang pagtingin sakanila at maglalakad na sana makita ko yung anak nina Ayesha na nadapa malapit sa pwesto sakin kaya lumapit kaagad ako sakanya at tinayo sya. Nagulat na lang ako ng umiyak ito nang malakas
"Shh baby tahan na" sabi ko sakanya pero mas umiyak tiningnan ko kung may sugat ba sya pero meron nga nasa tuhod nya
"Mommy,huhuhuhu wahh!! Mommy!!!" Sigaw nya kaya napatakip ako sa tenga
"Baby tahan na,shhhh" patahan ko sakanya at inalis yung mga dumi na nasa tuhod nya at nakampante ako ng medyo tumahan na sya kaya binuhat ko sya
"Sino ba mommy baby?" Tanong ko sakanya at nagsimula maglakad
"Mommy abby" sabi nya at tumingin saakin kaya natigilan ako dahil sa sinabi nya. Abby? Sya yung anak ni Ayesha?
"Okay,dadalhin kita sa mommy mo kaya tumahan ka na okay?" Sabi ko sakanya at pinahid ko yung luha nya at tumango naman sya yinakap ako
Naglakad na ako papunta sa pwesto nina Ayesha ng may tumawag saakin
"Jasper! Saan ka pupunta?" tanong ni Blaze saakin
"Ihahatid ko lang to kay Ayesha. Anak pala to ni Ayesha,nadapa kasi kaya ihahatid ko muna" sabi ko sakanya at tumango na lang sya kaya nagsimula ulit ako maglakad
Nung papalapit na ako ay nakita ko na napatingin saakin si Ayesha at napa tingin rin sa anak nya at nanlaki ang mata nya kaya tumkabo sya papalapit saakin
"Ano nangyari kay Alyna?" tanong nya saakin pagkalapit nya at nakita ko sa mukha nya na nag alala talaga sya
"Habang naglalakad ako ay nakita ko sya na nadapa kaya lumapit kaagad ako sakanya at binuhat sya pero bigla syang umiyak at sumigaw ng mommy so i assume na ikaw yun kasi yun naman ang sabi nya kanina sa lobby" sabi ko sakanya at nakita ko na nagulat sya pero nawala naman at tumango saakin saka kinuha yung anak nya
"Abby? Ano nangyari kay Alyna?" tanong nung lalaki
"Ahh sabi kasi ni Jasper na nadapa daw si Alyna,gamutin mo muna Zach" sabi ni Ayesha at binigay yung anak nya
"Ahh sige salamat tol, Zach nga pala" sabi nya ngumiti
"Tristan Jasper" sabi ko sakanya at ngumiti tumango naman sya saka tumalikod saamin ni Ayesha. Maglalakad na sana sya ng magsalita ako
"Yesha,kamusta ka na?" Tanong ko sakanya di ko kasi mapigilan na makipag usap sakanya. Napatingin naman sya saakin
"Okay lang naman,ikaw?" tanong nya saakin at ngumiti
"Okay lang din naman ako. May sarili ka na palang pamilya,di mo man lang kami inimbita sa kasal mo" sabi ko sakanya at ngumiti saka yumuko
"Jasper,mali kayo ng iniisip nyo. Alyna is not my daughter and Zach is not my husband,Alyna is Zach little sister and Zach is my friend" sabi nya kaya napatingin ako sakanya
"Ahh so wala ka pang pamilya?" tanong ko sakanya
"Tama" sabi nya at ngumiti pero di ko alam kung bakit dahil sa sinabi nya ay gumaan ang pakiramdam ko
"Matagal ka na rin naman namin na hindi naka sama so hindi pa naman huli na mag bonding ulit tayong lahat diba?" Sabi ko sakanya
"Oo naman saka na mimiss ko na rin kayo" sabi nya
"Halika ka na" sabi ko sakanya at nagsimula na kaming maglakad kinuha ko ang kamay nya at saka naglakad kami ng magkahawak kamay
"Teka,Jasper. Yung kamay ko" sabi nya pero di ko sya pinansin
"Hinawakan ko lang kamay para di ka na makawala saakin" sabi ko sakanya at nakita ko na rin sina Nixon na naka tingin saakin na parang nagtatanong kung bakit ko kasama si Ayesha
"Ano sabi mo?!" tanong ni Ayesha pero di ko sya pinansin at mas hinigpitan ang paghawak sa kamay nya
~~~
Vote and Comment
Hope you enjoy this update mwehehehe😂
winternessa <3