Chapter 19: Sweetness
Aubrey's POV
Andito kami ni Darryll sa school, nakaupo kami sa waiting area. Nakatingin lang siya sa'kin at gano'n din ako.
Kinuha ko ang cellphone ko, at tinext siya dahil trip kong huwag siyang kausapin bakit ba.
Kung ice cream ako kanina pa ako natunaw sa titi mo!
Tumingin siya sa cellphone niya at nagulat at napadouble tingin pa, OA naman nito mag react.
Napatingin ako sa cellphone ko nang nagreply na siya.
Titi ko? What the fck.
Napalaki ako ng mata at tiningnan ang sinend ko sakaniya, gosh! Mahal ako ni typo! Agad naman akong nag type.
Titig kasi iyon! Kainis.
He laughed atsaka tumingin sa'kin, "Damn, you're so cute." sabi niya sa'kin.
Natahimik ako ng ilang minuto mga 69 seconds, oo kalkulado ko na 69 seconds, angal?
"Hello guys!" sabi bigla ni Lannie at umupo sa tabi ni Darryll.
Oh well, panira itong babaeng ito, simula palang epal na talaga siya, bakit ba andaming pa-epal sa mundo mga bes?
"Bakit ka andito?" sabi ko sa gigil ko or na thinking out loud lang.
"Hah?" sabi niya at mukhang nagulat.
"Bakit ka raw andito, Di mo ba nakita na kami lang dalawa ang nandito?" sabi ni Darryll.
"And so? Bakit kayo ba?" sabi niya at ngumuso.
"Bakit kailangan bang maging kami muna bago kami makapag-usap nang kaming dalawa lang?" sabi ko.
"Para kasing inaangkin mo si Darryll." sabi ni Lannie.
Tinaasan ko siya ng kilay, gosh, I can be maldita when it comes to Darryll. "He's mine, Lannie, Wala akong paki-alam kung bampira ka, touch him, I'll kill you." sabi ko at tumayo at hinila sa Darryll.
Antahimik ni Darryll habang naglalakad kami, Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil madaldal si Darryll pero natahimik siya ngayon.
"So I am yours?" bigla niyang salita kaya napatingin ako sakaniya.
"You like me right?" sabi ko.
"Yes."
"Then I like you too." sabi ko at kinagat ang labi para hindi tumili gosh ang hirap magpigil ng feels.
"Y-y-you l-li-ke me too?" sabi niya at parang hindi makapaniwala.
Nagulat ako nang hilain niya ako sa science laboratory at nilock iyon, agad niya akong hinalikan.
Nagulat ako sa pangyayari, gosh ang biglaan niya. Bakit niya ako hinahalikan sa school baka mamaya may maka kita!
"Darryll ano ba?" sabi ko.
"I just want to kiss and hug you." sabi niya at niyakap ako.
"Well you're my first kiss." sabi ko.
"I know." sabi niya.
"How?"
"I can feel it." sabi niya at bahagyang pinisil ang pisngi ko.
Lumabas na kami ng lab at dumiretso sa room, ando'n na si Lannie at she look so pissed!
Her eyes is red and looking at me intensely, Napansin iyon ni Darryll kaya unti-unting nawala ang pagkapula ng mata ni Lannie.
Nagsimula na ang klase at nagulat ako nang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.
Hold my hand babe.
Napatingin ako kay Darryll na nakikinig lang, unti-unti kong nilapit ang kamay ko atsaka hinawakan ang nakabuka niyang kamay.
Nakita kong ngumiti siya atsaka nakinig ulit, nakatago sa ilalim ng desk ang kamay namin. Gosh, ano ba itong ginagawa namin, feeling ko parang baliw lang kami rito.
Nang sumapit ang break time, pinauna ko na si Darryll sa canteen ako'y susunod nalang dahil may ipapasa pa ako kay Mrs. Tulips II.
Napatingin ako kay Victorina nang humarap siya sa'kin, "You said you'll gonna leave Darryll alone? Bakit kayo magkasama?" sabi niya.
"Bakit?" sabi ko at tumayo.
"Remember? He's mine!" sabi niya.
"Then get him." sabi ko at nilagpasan siya.
Pagkatapos ko itong ipasa kay Mrs. Tulips II dumiretso na ako sa canteen at nagulat ako nang nakikipag away si Darryll kay Wade kasama ang mga kaibigan nito, agad akong tumakbo papalapit do'n.
"Tigil!" sabi ko perp hindi parin sila naawat.
Susuntok na si Wade kay Darryll nang humarang ako, Kaya ako ang nasuntok sa braso, halos mamilipit ako sa sakit ng ginawa ni Wade.
Nagulat si Wade kaya napalapit siya sa'kin, "Aubrey! Bakit ka humarang?" sabi niya.
Hinawakan ko agad ang kamay ni Darryll dahil naririnig ko na ang malakas niyang pag hinga, Magagalit na siya malamang.
Napigilan ko si Darryll sa pag hawak ko ng kamay niya, kaya hindi niya na itinuloy ang pagsapak kay Wade.
"Tara kumain na tayo." sabi ni Darryll at itinulak si Wade.
"Mamaya ka sa'kin." sabi ni Darryll.
Umupo kami sa dulo ni Darryll, at sinamaan ko siya ng titig.
"Bakit ka nanaman nakipag-away?" sabi ko.
"Inaangasan ako n'ong mga kaibigan niya eh." sabi niya.
"Para kang bata!" sabi ko.
"Hindi naman ako magagalit kung hindi ako nairita diba?" sabi niya.
"Eh ayoko ngang nakikipag-away ka!" sabi ko.
"Eh mabilis nga ako magalit damn!" sigaw niya sa'kin kaya napatahimik ako.
"Sorry." sabi niya.
Nang matapos na ang break time, pabalik na kami sa room nang magsalita si Darryll. "Cr muna ako, una kana." sabi niya at tumakbo papuntang cr.
Tumango ako at napatigil ako nang nakarinig ako ng boses sa janitor's room.
"Kuhang kuha na natin ang loob niya, kaya pakisamahan mo nalang." sabi no'ng lalaki.
"Nakakainis eh, baka mapatulan ko." sabi n'ong babae.
"Huwag, nahihirapan nga rin kami ni Morgan, pero makakaya naman namin 'to." sabi no'ng lalaki.
"Well, konti nalang naman na panahon eh." sabi no'ng babae at mahinang tumawa.
Napa-atras ako nang bumukas ang janitor's room, at gulat na gulat sila nang nakita nila akong nakatayo.
"Au-aubrey."
Now I know.
__