Chapter 15: Battle
Aubrey's POV
Nang napansin ko mas padiin nang padiin ang titig nila sa isa't isa, Nagsalita na ako para matigil na itong dalawang.
"Tara na Darryll, Saan ba matutulog si Darryll." sabi ko kay Wade kaya napatingin silang dalawa sa'kin.
"Sa 2nd floor siya, ikaw sa tabi ko." sabi niya.
"Šta si rekao?" sabi ni Darryll. What did you say?
"Uulitin ko?" sabi ni Wade at bumaling ulit sa'kin.
Hinila ko na si Darryll para matigil na silang dalawa, mag-aaway nanaman sila dahil sa'kin, bakit ba nila ako pinag-aawayan, Oo nga pala may gusto pala sila sa'kin.
"Huwag nga kayong nag-aaway Darryll, sige parehas ko kayong hindi papansinin." sabi ko at inirapan siya.
"Tell me, Do'n ka sa kwarto niya matutulog?" sabi niya.
"Di naman kami tabi, bakit ako tatabi sakaniya?" sabi ko.
"Then sa kwarto ko kita matulog." sabi niya.
"Ewan ko sainyo." sabi ko at binuksan na ang kwarto niya, pumasok na kami ro'n.
"Darryll, Huwag kang maghahanap ng dugo rito, baka malaman ni Wade." sabi ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pag-titig sa'kin, "Dito ka matulog Aubrey, Hindi ako makakatulog kakaisip sa'yo." sabi niya.
"No." napatingin kami nang pumasok si Wade ro'n sa kwarto.
"She's my maid, so she will going to do what will I going to say atsaka ano naman kung hindi siya rito matulog?" sabi niya at ngumisi.
"Ayoko ipagkatiwala sa'yo si Aubrey, Mapagsamantala ka kasi." sabi ni Darryll.
"Da li mislite da ću to učiniti mojoj princezi?" sabi ni Wade kaya nagulat nanaman ako kasi naging alien nanaman sila. Do you think I'll do that to my princess?
"Let's go Aubrey, Kakain pa tayo." sabi ni Wade atsaka ako hinila ro'n.
"Wade, huwag na kayo mag-aaway ni Darryll, atsaka huwag na kayong nagsasalita no'ng hindi ko maintindihan na salita." sabi ko.
"Sure my princess, Let's eat first." sabi niya at binigyan ako nang isang matamis na ngiti.
Ansama ng titig sa'kin lahat ng maids habang nakaupo ako sa dining table at sila ay nakatayo at pinagsisilbihan si Wade.
Napansin ni Wade na nakatingin ako sakanila, kaya agad niya itong tiningnan. "Gusto niyong dukutin ko mata niyo?" sabi ni Wade.
Hindi kalaunan ay bumaba na si Darryll upang makisalo na sa agahan, "Kain na." sabi ko at pinaupo siya sa harap ko.
Mukhang badtrip siya, sabagay mabilis naman talaga siya magalit. Nang matapos na kaming mag-agahan ay nagkwentuhan kami ni Wade habang naglalakad sa garden.
"So where's your parents?" sabi ni Wade.
"Patay na sila." sabi ko at mapait na ngumiti.
"Oh, I'm sorry." sabi niya at ngumiti sa'kin.
"My mother was the only person that I really felt the real love I've wanted to feel, palagi niya akong pinapasaya, pero sa kasamaang palad nag-kasakit siya sa breast, nagka-cancer siya at iyon ang ikinamatay niya. Sobrang nagunaw ang mundo ko nang namatay si Mama, si Papa naman ay pinapalo ako pero nagsosorry rin agad dahil minsan daw napapangunahan daw siya ng galit niya, Hindi ko nga alam kung Mommy's girl ba ako o Daddy's girl kasi parehas akong spoiled sakanila, At sa kasamaang palad nanaman, nagkaron si Papa ng lung cancer, at do'n siya unti-unting pumayat hanggang sa namatay na siya." umupo kami sa swing.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa'king pisngi at mapait na ngumiti, Namiss ko tuloy sila Mama at Papa, nasaktan ako ng sobra at wala akong makapitan.
"Nang mamatay sila, namuhay akong mag-isa, nakitira ako sa mga tiyahin ko pero minaltrato nila ako kaya umalis na lang ako at nag-aral mabuti, nakitira ako sa kaibigan ko hanggang sa high school na ako, Nagtatrabaho na ako at naisipan ko nalang bumukod kasi nakakahiya naman sa kaibigan kong iyon, Kaso I found out na hindi ko pala talaga siya kaibigan, ginagamit niya lang ang talino ko, maaga akong namulat sa realidad na mahirap ang buhay, kailangan mong magtrabaho para sa sarili mo dahil saan ka nalang pupulutin kung hindi ka mag-sisikap para sa sarili mo?" sabi ko at ngumiti.
Nagulat ako nang hilaan niya ako sa damuhan at niyakap niya ako, pinaglock niya ang kamay namin at hinayaan niyang humiga ako sa dibdib niya.
"Huwag kang mag-alala, hindi kita iiwanan, aalagaan kita mabuti, ayaw ko na tuloy kitang gawing maid, hindi sa naawa ako sa'yo but parang sobrang hirap na ang naranasan mo para maghirap ulit." sabi niya at hinaplos ang buhok ko.
Napangiti nalang ako at hindi ko namalayan na nakatulog na ako ro'n sa pagkakayakap sakaniya.
_
Pag-gising ko, nasa malambot ako na kama at kulay gray ang kisame ng silid na ito at puti naman ang pader, Nakatulog pala ako ro'n sa garden habang yakap ni Wade.
Tatayo na sana ako nang pumasok si Wade kaya nagtulogtulogan ako, naramdaman kong lumapit siya sa'kin.
Hinaplos niya ang mukha mo, "Ang ganda mo talaga, gusto kitang halikan kaso ayokong mabastusan ka sa'kin, kaya yakap nalang atleast." sabi niya at mahinang natawa.
Hinalikan niya ang noo ko atsaka siya lumabas ulit, dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Napakagat labi ako dahil sa sinabi niya, he's so sweet and gentleman.
Napatingin ako sa digital alarm clock ni Wade sa small table sa gilid ng kama, It's already 4:45pm, bumangon na ako.
Paglabas ko ng kwarto, bumaba na ako para tingnan ang nangyayari ro'n. Narinig kong nag-uusap ang mga maids.
"Mamayang hating gabi, papatayin natin si Aubrey, at papalabasin natin na nagpakamatay siya, sobra na siya." sabi ni Madam.
"Sige Madam, lagot iyan sa'kin." sabi ni El.
"Saan ba siya matutulog?" sabi ni Em.
"Sa kwarto raw ni sir Wade, narinig kong nag-uusap sila kanina." sabi ni Madam.
Bakit nila ako papatayin? Ang kapal ng naman ng mukha nila, sila na nga itong nag maltrato sa'kin tapos sila pa may ganang magalit, eh sila naman may kasalanan kung bakit sila na parusahan.
"Sige subukan niyo ituloy ang binabalak niyo, ako ang papatay sainyong lahat gamit lang ang isa kong kamay." napasilip ako sa kusina nang nakita ko si Wade na kanina pa pala nakatayo sa gilid ng entrance ng kusina.
"Uunahin kita Joey, I have no mercy, kahit babae pinapatulan ko. Try to touch my princess and all of you will going to die, UNDERSTAND?" sabi niya at aakyat na sana pero nakita niya ako kaya napangiti siya.
Bilis mag-bago ng mood niya ah, kanina lang ay galit siya sa mga maids na iyon.
"Nakatulog ka kanina eh." sabi niya at ngumiti.
"May dala pala akong chocolate para saiyo." sabi niya at binigay ang isang paheart na lalagyan na ferrero rocher.
"Favorite ko ito, salamat ah." sabi ko at ngumiti.
Nagulat ako nang sumulpot si Darryll sa likod ko at binigyan ako ng flowers. Kaso, sira sira na at mukhang pinitas lang sa garden ni Wade.
"Well that's my tulips." sabi ni Wade at tumaas ang kilay.
"Ano kaba Darryll, huwag kang makulit! Nakakahiya naman kay Wade, namitas kapa ng tulips niya." sabi ko.
"Tara na nga Wade." sabi ko at hinila si Wade sa sofa.
Umupo kami ro'n at nagulat ako nang bigyan niya ako ng isang kahon at nakabalot pa ito.
"Ano ito?" sabi ko.
"Open it." sabi niya at ngumiti.
iPhone 7s, Gosh! Pinaka dream kong cellphone binibigay na sa'kin. Napayakap ako sakaniya kaya tumawa siya.
"Thank you, dream cellphone ko ito Wade! Thank you talaga." sabi ko at ngumiti.
"Basta ikaw." sabi niya at ngumiti.
Hinayaan niya muna akong gamitin ang cellphone na binigay niya dahil may aasikasuhin pa raw siya sa company niya. Bata palang siya may company na siya ka'gad, parehas kasi kaming namatay na ang parents kaya ayon siya na daw nagpapatakbo ng negosyo nila.
Napatingin ako nang umupo si Darryll sa tabi ko, binigyan niya ako ng isang papel at may ribbon ito.
Napakunot ang noo ko, "Ano ito?" sabi ko.
"Regalo." sabi niya.
Binuksan ko ang papel at nakita kong nakalagay dito ay "Me."
"Anong Me?" sabi ko.
"Sarili ko, wala kasi akong maibigay sa'yo katulad ni Wade, atsaka baka sakaling yakapin mo rin ako sa tuwa dahil sa binigay ko sa'yo." sabi niya kaya napa-awang ang bibig ko.
"I can give myself to you Aubrey, Just to make you happy." sabi niya at tumitig sa mga mata ko.
___