One Sided Love ✔️

De Everjoy_Condes

528K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... Mai multe

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 10
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 12
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 23
OSL Kabanata: 24
OSL Kabanata: 25
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 14

8.1K 330 25
De Everjoy_Condes

Updated 😊

Haven't proofread this Chappy, yet. Kaya paki-intindi po ng mga errors.

Wag din po natin kalimutang mag-vote, dahil sa pamamagitan ng mga boto niyo ay napapakita niyo na rin sa akin ang inyong suporta't pagkagusto niyo sa aking istorya.

Iyon lamang at Happy Reading na lang. 💋💋💋



*****



Habang naglalakad sa hallway ng FTHS ay biglang napahinto si Nicole sa kanyang paghakbang, dahil napansin niya na papasalubong sa kanyang direksyon ang binatang si Josh.

Hindi naman siya magkaintindihan kung anong dapat gawin, matapos kasi siyang dampian nito ng halik sa labi at isama mo pa ang aksidenteng maipadala ang mensahe tungkol sa pagkakagusto niya sa biglaang paghalik nito, ay tumodo na ang kanyang kahihiyan sa binata.

Mabilis umatras si Nicole para hindi niya ito makasalubong. Ngunit nang akmang tatalikod na siya'y biglang nabangga ang dalaga sa isang poste este matipunong dibdib pala.

"Watch out, hun." nakangising saad nito nang bumangga ang dalaga sa kanyang dibdib.

Mabilis namang napahawak si Nicole sa kanyang noo bago tiningala ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon, "Ikaw na naman!" kunot noong bulyaw niya rito.

"H-hey... How are you Ms. Letsugas?" nakangising usal ni Dennis bago hinaplos ang kaliwang pisngi ng dalaga.

Dagli namang sinuway ni Nicole ang kamay nito sabay sabing, "Kung minamalas ka nga naman ohh." napapailing niyang anas dito.

"Hey, that's not nice to hear ahh. Hindi ako malas, ako kaya ang lucky charm ng black panthers." maangas na wika ni Dennis bago siya inakbayan, na ipinagmalaki pa ang kanyang basketball team.

"Letsu..." sasagot na sana si Nicole nang biglang marinig niya ang baritonong boses ni Josh sa kanyang likuran.

"Nicnic!" seryosong turan nito kaya't napapikit na lang ng mariin ang dalaga, dahil sa pagkakahuli ng taong matagal niyang iniwasan.

Dahan-dahan niyang nilingon ito bago nginitian ng alanganin, "J-josh! Hehe..." aniya rito saka ito pinakitaan ng pekeng ngiti.

Sa loob ng tatlong linggo ay nasilayan niyang muli ang gwapong mukha ng binata, ngunit sa pagkikitang iyon ay seryoso na itong nakatingin sa kanya. Partikular sa taong nakaakbay sa kanya.

Mabilis namang inialis ni Nicole ang braso ni Dennis sa kanyang balikat sabay sabing, "J-josh... Musta?" alanganin niyang saad dito.

Sa halip na sagutin ang kanyang katanungan ay sinagot lang siya nito nang, "Pauwi ka na ba?" seryosong usal ni Josh habang matamang nakatingin sa kanya.

Hindi naman alam ni Nicole kung anong isasagot rito, bukod kasi sa iniiwasan na niya ang binata ay naiilang siya sa namumuong tensyon sa pagitan nina Josh at Dennis, na ngayo'y matalim na nakatingin sa isa't isa.

Mabuti na lang at nasilayan niya ang presensya ni Aaron sa di kalayuan, kaya't mabilis niyang tinawag ito, "Aaron!" aniya bago iniwan ang dalawang binata.

"Oh Bff, bakit lapot ang beauty mo ngayon?" natatawang saad ni Aaron nang makitang pawisan na ang mukha ng dalaga.

"Gravity! Bff, hindi ko kinaya ang tensyon no'ng dalawa ro'n." ani Nicole saka inginuso ang gawi nina Josh at Dennis na nakatingin lang sa direksyon nila.

"Good heavens! Nasa langit na ba ako, bakit naglabasan ang mga gwapong anghel ngayon?" malanding turan ni Aaron habang nakakagat labi pa kakasilay sa mga ito.

"Hoy bakla, seryoso ako noh! Tulungan mo ang beauty kong maka-exit sa kaganapan na ito." nagsusumamong anas ng dalaga sa kanyang kaibigan.

Ngunit bago pa makasagot si Aaron ay naramdaman na lang ni Nicole, na may humalik sa kanyang kanang pisngi kaya't mabilis niyang binalingan ito.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan ang nakangising mukha ni Dennis sa kanyang harapan ngayon, "Bye hun..." pamamaalam nito bago siya kinindatan, nagsimula na itong maglakad at nakangising tiningnan lang si Josh na animo'y nakakaloko.

Napahawak na lang si Nicole sa kanyang pisngi at hindi na nakapag-protesta pa dahil sa pagkabigla. Tinanaw na lang niya si Dennis na ngayon ay papalayo na sa kanilang kinatatayuan, na may malaking ngiti sa labi.

"Oh em gee, bff!" pabulong na sambit ni Aaron dahil sa kanyang nasaksihan.

Nalalaki ang mga matang napabaling naman siya rito at bago pa makasagot ay naramdaman na lang ni Nicole na may humablot sa kanyang kanang pulsuhan.

"J-josh!" namimilog na matang sambit niya rito nang makitang tangan-tangan na siya ng binata ngayon. Nilingon na lang niya si Aaron, na ngayon ay nagtatanong ang mga matang nakatingin sa kanya.

Nakalabas na ng hallway ang dalawa, ngunit hindi pa rin binibitawan ni Josh ang pulsuhan ng dalaga. Maraming kababaihan ang kanilang nadaanan, ngunit walang pakialam ang binata sa mga ito't dire-diretso lang na naglakad patungo kung saan man.

"Josh... Nasasaktan ako." ani Nicole rito, dahil sa mahigpit na pagkakahawak ng binata sa kanyang pulsuhan. Hindi siya inimikan nito at nagpatuloy lang silang naglakad papunta sa field. Tapos na ang break time kaya't wala nang masyadong estudyante roon.

Nang marating nila ang malaking puno roon, ay mabilis naman siyang binitawan nito.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nila, hindi naman makuhang magtanong ni Nicole dahil nakikita niya ang nagbabagang awra sa mukha ngayon ng kanyang kaibigan.

Nang akmang hahakbang paatras si Nicole, para iwasan ito ay mabilis siya tinapunan nito ng masamang tingin sabay sabing, "Why are you avoiding me?" dagling anas ni Josh kaya't napadiretso ng tayo ang dalaga.

"Uhmmm... J-josh, kasi..." hindi makuha ni Nicole ang tamang salita na dapat niyang sabihin dito. Para kasing nalunok na niya ang kanyang dila, dala ng sobrang pagkalito dahil sa inaakto nito at kaba dahil sa dating ng pagtitig ni Josh ngayon sa kanya.

Susko po! Kung kailan naman ako hindi handa saka nangyayari ang mga bagay na ito. ani Nicole sa kanyang sarili habang hindi makatingin ng diretso sa binata.

"Well?" pabulyaw na usal nito.

"Ay well!" gulat na sambit ni Nicole bago natuptop ang kanyang bibig dahil sa kanyang panggagaya sa sinabi nito.

Hindi naman nagreact si Josh sa kanyang kabiglaan at nakita na lang ni Nicole na hinalukipkip ng binata ang mga braso, na parang naghihintay sa kanyang eksplenasyon.

"J-josh... N-nahihiya kasi ako eh." nauutal niyang sambit dito bago yumuko.

"And why is that?" tanging usal nito at hindi naman nakita ng dalaga ang ngiting sumilay sa labi ni Josh dahil sa kanyang pagkakayuko.

Nagpanting naman ang tenga ni Nicole sa tono ng pagtatanong nito, kaya't mabilis niyang tiningnan ang binata sabay sabing,

"Teka nga! Bakit ba kailangan ko pang mag-explain sayo, Dela Vega? The last time I check ay hindi naman kita boyfriend, para maging obligado akong sagutin ang mga katanungan mo?" pagtataray ni Nicole rito at ginaya pa ang pagkakahalukikip ng braso ng binata.

Hindi naman napigilang matawa ni Josh sa itsura ngayon ng dalaga, mabilis niyang niyakap ito sabay sabing, "Ang cute mo talaga, Nicnic!" nakangiting wika nito habang nakayapos aa dalaga.

Hindi naman magkandamayaw ngayon ang buong sistema ni Nicole dahil sa biglaang pagyakap sa kanya ng binata.

Nasa ganoon silang posisyon nang biglang marinig niyang nagsalita itong muli, "Namiss kita." malambing na turan ni Josh.

Sa mga katagang binitawan na iyon ng binata'y parang biglang nakaramdam si Nicole ng saya sa isang bahagi ng kanyang puso. Gusto niyang maniwala na totoong namiss nga siya nito, ngunit may parte rin sa kanyang kalooban, na sinasabing dala lang ito ng hindi nila pag-uusap ni Raine kaya't bigla itong naisambit ng binata.

Mabilis naman siyang humiwalay dito sabay sabing, "Sus! Gumaganyan ka pa, alam ko namang si Beshie ang namimiss mo." mapaklang saad niya rito ngunit hindi niya ipinahalata ang lungkot, sa halip ay nginitian lang niya ito ng pilit.

"Let's not talk about her." pag-iiwas nito bago hinablot ang kamay ng dalaga.

"Oy oy! Teka, saan mo na naman ako kakaladkarin?!" iritableng anas ni Nicole rito.

"Let's grab a bite, my treat." nakangiting saad ni Josh nang balingan ang dalaga.

"Eh bakit papasok na naman tayo sa hallway?" kunot noong tanong ni Nicole rito.

"May kukunin lang ako sa locker ko." kibit balikat na wika ng binata bago hinawakang muli ang kamay ni Nicole.

Mabilis namang binawi ng dalaga ang kanyang kamay dito sabay sabing, "Dito na lang ako maghihintay sa bench, matapos mo ko kaladkarin papunta rito sa field ngayon naman babalik tayo sa loob?! Tinatamad na ako." nakangusong saad ni Nicole saka hinalukipkip ang mga braso.

"Hahaha!" halakhak ng binata. "Okay, just stay here. I will get my things first tapos kain na tayo kung saan mo gusto." nakangiting sambit ni Josh saka kinindatan ang dalaga.

"Kindat pa 'to! Matagal ka nang cute kaya 'wag ka nang nagpapacute." bubulong-bulong na wika ni Nicole rito.

"Say that again?" nakangising saad naman ni Josh bago dumukwang para magtama ang kanilang mukha ng dalaga.

"Ahh ehh... Wala ang sabi ko baka mahipan ka ng masamang hangin, maging mannerism mo na 'yang pagkindat ng walang dahilan." natatawang saad ni Nicole kaya't dumiretso na nang tayo ang binata.

"Okay," kibit balikat na usal nito bago tumalikod. "I thought, you said that I'm cute." nakangising saad nito bago nagsimulang maglakad papalayo.

Namilog naman ang mga mata ni Nicole sa kanyang narinig at inihatid na lang ng kanyang paningin ang binatang papalayo na sa kanyang kinauupuan.

"Shutabells, Nicnic! Ang lantod talaga ng bibig mo!" inis niyang sambit sa sarili bago tinampal-tampal pa ang kanyang bibig para sa pagiging taklesa.

Kalahating oras nang naghihintay si Nicole, ngunit hindi pa rin bumabalik si Josh. Marami na siyang nakabatian na estudyanteng kakilala niya sa eskwelahan, ngunit wala pa ring Josh na dumadating.

"Nasaan na ba 'yung mokong na 'yon?" aniya bago pasinsay-sinsay sa pagbabaka sakaling masilayan ang binata sa paligid.

Sinubukan pa niyang tawagan at padalahan ito ng mensahe ngunit hindi sumasagot ang binata. Inabot na ng alas sais si Nicole, kakahintay sa field ngunit walang Josh na dumating.

"Ano ba yan, nilalamok na ako rito." aniya habang kinikiskis ang kanyang mga braso't hita gawa ng mga lamok.

"Argh! Nakakainis ka Dela Vega! Pinag-iinit mo ang ulo ko, indyanero ng taon!" bulyaw niya sa hangin bago napagpasyahang umuwi na, dahil kanina pa text ng text ang kanyang Mama Janet.



*****

Hello Lovies! ❤️

Kamusta naman kayo? Halos dalawang linggo rin akong hindi nakapag-update rito sa OSL. Namiss ko kayo! 😁

Ginawan ko talaga kayo ng update para naman hindi niyo ako masyado ma-miss. Charot! 😂😂😂

Until now busy pa rin si Ate Author, dahil ang Book 1 ng "Naive Series" na
(You and Me, Together Forever) ay magiging libro na po soon. 😍

Oh siya! See you next Chapter na lang mga labs! ❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continuă lectura

O să-ți placă și

701K 11.9K 59
"You're the pull that has made me fall over and over again. Damn! You really made me fall. Hard. So damn hard."
90.4K 1.6K 27
I was inspired by Sherry Argov while writing this story, hope you like it guys! :)
48.9K 2.7K 46
Si Diwata, may pagkaisip-bata at nag-aasam ng mala-fairy-tale na love story. Akala niya ay matatagpuan niya iyon kay Lee Amielles, sa kaniyang kababa...
614K 11.9K 50
WATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She i...