I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 28: Goodnight

6K 138 4
By AnnoyingKimchi

Natapos ang pag-aalmusal na panay ang di maipaliwanag na pagtingin ni Callie sa akin. Sa tuwing susubukan ko namang hulihin ang tingin nito ay mabilis nya iyon nababawi.

Kasalukyan kaming nasa garden ngayon. Nangako syang magsasalita at eto na ang pagkakataon na iyon. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay hintayin hanggang sa magawa nyang magbukas ng mga bagay na dinaramdam nya sa akin.

"Venia?"

Napaangat ako ng tingin. Tinawag nya ako sa pangalan ko, hindi sa endearment nyang 'babe' o 'baby'.

"Hhmm?"

"Do you still hate me?"

Tumingin ito sa akin habang naghihintay ng isasagot ko. Bigla akong pinapawisan ng mga kamay.

"Huh?"

"For doing this to you, for taking you here."

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Please, be honest with me."

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong.. Nakasanayan ko na."

 Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"Noon, oo. Galit na galit ako sa'yo. Pakiramdam ko, tinanggalan mo ako ng karapatan sa napakaraming bagay. Ninakawan mo ako ng buhay at pilit na ipinagsiksikan sa akin ang iyo."

Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang mukha nya. Malungkot syang nakatingin sa kawalan at para bang nasasaktan.

"Pero matapos ang lahat. Pilit kong inunawa ka hanggang sa nagawa ko at nananatili akong nandito."

"What does that mean?"

Bumaling ito sa akin at nakita ko ang nangingislap at nagtatanong nitong mga mata.

"I learned to understand you and your feelings for me. Binibigay mo sa akin ang lahat ng kaya mo, inaalagaan mo ako at prinotektahan. You'd become my stalker but now, you're becoming different to me. Ikaw na si Callie, kilala na kita hindi tulad noon."

Nagulat ako sa bigla pagkabig nito sa akin para yakapin ako.

"You're a dream come true, Venia. Thank you."

Unti unting pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko iyon namalayan. Iyon lang ang sinabi nya pero sobrang sumisikip ang dibdib ko.

I am a dream come true.

Bakit ko ito nararamdaman? Natatakot ako. Saan iyon nanggagaling.

You're a dream come true.

Napahigpit ang yakap ko kay Callie. Bahagya syang lumayo para punasan ang mga luha ko.

"I hate myself for making you cry."

Patuloy ito sa pagpunas ng mga luha ko.

"I'm sorry for everything. You don't know how sorry am I for doing this to you. You can't even imagine."

Dinapuan ako ng matinding kaba. Sinisimulan pa lamang nya ay sobra sobra na ang kabog ng puso ko

Yumakap syang muli sa akin at isinandal ako sa dibdib nya. Napapikit ako matapos kong maramdaman ang paghalik nito sa ulo ko. Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa ganoong posisyon. Hinayaan ko na lamang ito. Mabigat ang paghinga nya na bakas ng matinding emosyon na kinikimkim.

"I'll marry you Venia. Someday, I'll marry you."

Narinig ko ang mahina at basag na boses nito. Pinilit kong inaangat ang paningin ko sa kanya pero mabilis nya iyon pinigilan.

"Stay. Just…just listen to me."

Tumango ako at pumikit. Ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ni Callie. Tulad ng akin ay mabilis din iyon.

"I want to take you to many places you want. I'll marry you to every churches we will see. I'll love you in every second of every minute of every day. Dati wala akong pinagsisisihan sa buhay ko, pero simula ng dumating ka.. Lahat pinagsisihan ko. Na sana ginagawa ko ang ibang bagay na nararapat para hindi ako humantong sa ganito. Para nagkalakas ako ng loob noon na makilala ka."

Naramdaman ko ang basang bagay na pumapatak sa braso ko. Umiiyak si Callie.

"Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang binabalewala ka. Nasasaktan ako sa mga bagay na ginagawa ko na nagiging dahilan ng pag-iyak mo. Kung pwede sana ako nalang ang umiyak at masaktan kaso hindi. Kahit di mo sabihin, I know, you're hurting."

Tumulo na kasabay ng kanya ang mga luha ko. Napakapit ako ng mahigpit sa dibdib nya. Bawat salita nya ay tumatagos sa puso ko.

"All I want is to protect you but I forgot that you also have a life. I rob you off you own life. I took you because I wanted to but I also took you freedom."

Hindi ko maintindihan kung bakit nya sinasabi sa akin ang mga bagay na ito ngayon pero masakit, masakit marinig sa kanya ang lahat ng totoo sa ginawa nya. Nasasaktan ako sa paraan ng pag-amin nya sa lahat ng naging kasalanan nya. Naguguluhan ako. Pakiramdam ko ay may mali.

"Mahal na mahal kita. I thought loving you is all about this until I realized that it comes with many things. I love, Venia. Always remember that."

Lumayo sya ng bahagya. Hinawakan nya ang baba ko para maiangat ng tingin sa kanya. Bakas ang luha sa mukha ni Callie. Nakakapanghina na makita syang ganito. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan din sya. Pinahid nya ang mga luha sa pisngi ko gamit ang mga daliri nya.

Sobra ang pagmamahal ni Callie. Alam ko iyon dahil hindi nya magagawang masaktan ng ganito kung hindi dahil sa akin.

"Mahal kita."

Tumango ako.

"Alam ko. Alam ko iyon."

Mahinang bulong ko.

Hindi tanong ang 'Mahal kita' o 'I love you' para sagutin ko. Paglalahad iyon ng nararamdaman. Ang mga salita hindi pinipilit at kusang hinihintay na manggaling sa puso.

Para kay Callie, gusto kong hintayin ang mga salitang iyon. Gusto kong manggaling mismo yun sa puso ko. Na kusa kong iyong masasabi na walang halong pag-aalinlangan at pagdadalawang isip.


Nasa kusina kami para sa paghahanda ni Callie ng hapunan. Matapos ang nangyari kanina ay nanatili lang akong yakap ni Callie sa loob ng mahabang oras. Nakaidlip pa ako at ng magising ay yakap nya pa rin ako at humahaplos sa buhok ko ang magaan nyang kamay.

Pinagmasdan ko syang maghanda at kitang kita ko kung gaano sya kahusay sa pagluluto. Hindi na nya ako pinatulong at pinaupo lang habang hinihintay syang matapos. Hindi ito ang unang beses na napanuod ko sya pero sa palagi akong namamangha.

"Saan ka natutong magluto?"

Tanong ko.

"I'm living on my own, baby. I have all the reasons to cook."

Tumango ako. Hindi sya lumingon pa sa akin at nagpatuloy lang sa paghahanda.

Nakatitig langa ko sa likuran ni Callie habang pinanunuod syang magluto. Hindi sya nakasuot ng apron. Naisip ko kung gaano kaswerte ang mapapangasawa nya. Maalaga at isang asawa na magaling magluto at buo kung magmahal.

Nabalot ng mabangong amoy mula sa niluluto ni Callie ang buong kusina.

"Cheesy Chicken Caserole."

Hayag nya nang mailapag sa harapan ko ang plato ng niluto nya. Ngumiti at kinuha ang inabot nyang tinidor. Mabango iyon at nakakatakam.

Nakakailang subo na ako pero nanatiling nakatingin lang sa akin ang mga mata ni Callie.

"Hindi ka kakain?"

Tanong ko. Umiling sya at hindi natinag sa pagtitig sa akin. Nag-init ang pisngi ko at marahan kong ibinaba ang tinidor na hawak.

"Kumain ka, ikukuha kita."

Bago pa ako makatayo ay hinawakan nito ang kamay ko para pigilan.

"No need. Ako na."

Umalis sya at nang bumalik ay tinidor lang ang hawak. Napataas ako ng kilay nang makita kong sa plato ko rin syang kumain. Natigil sya sa pagsubo nang makita akong nakatitig sa kanya.

"Now you're staring. Come on, let's eat."

Umling na lamang ako at nagpatuloy na rin sa pagkain.

"Say ahh.."

Iniwas ko ang mga labi ko sa kanya pero sinundan iyon ng tinidor na hawak nya. Umirap ako dahil wala na akong magawa pa. Tumawa naman sya saka nagpatuloy sa pagkain.

Habang kumakain ay natigilan ako sa biglaan paghawak nya ng isang kamay ko. Pinaglaruan nya iyon habang kumakain kami. Kaswal lang iyon sa kanya at hindi man lang sya tumitingin sa akin. Nararamdaman ko na naman ang kakaibang pagkilos nya. May kakaiba, mula sa pagtatapat nya kanina hanggang sa mga ikinikilos nya. Wala yatang segundo sa araw na iyon na hindi kami magkasama at magkayakap.

Natigilan ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pagsalikop nya ng mga daliri namin habang kumakain. Nanatili kaming ganoon hanggang sa matapos ang pagkain.

Naupo kami sa sala para makapagpahinga. Magkatabi kami habang nasa kabila ko si Gabby at hinihimas ang balahibo nya.

"Kanina ko pa napapansin, malakas ka yatang mantsansing ngayon."

Puna ko ng maramdaman ko na naman ang paghawak nya sa isang kamay ko.

"Masama bang mamiss kita. At isa pa, ang lambot ng kamay mo. They said nakakagaspang ng kamay ang pagtatrabaho and base on your work sa coffee shop no offense meant pero mahirap at di nakakapagpahinga ang kamay mo. But look at your hand, ang puti at ang lambot."

"Syempre. Anong akala mo sa akin? Inaalagaan ko talaga yan para manatili ang lambot."

"And I love you for doing that. I really enjoy holding your hand, to feel it against mine."

Nag-was ako dito ng tingin at bumaling kay Gabby. Pakiramdam ko kasi ay pinamumulahan na ako ng pisngi.

"Babe?"

"Hmm?"

"Do you love your work?"

"Oo naman."

Sagot ko habang patuloy lang sa paghawak kay Gabby,

"Do you love your friends?"

"Syempre."

"Do you love me?"

Magsasalita na ako nang matigilan ako sa tanong nya. Bumaling ako ng tingin sa kanya para makita ang nakakalokong ngiti sa mga labi nya.

"Kidding. Akala ko makakalusot."

Tawa nya.

"Ewan ko sa'yo, sasabunutan kita eh."

Napahikab ako nang makaramdam ako ng pagbigat ng mga mata.

"Venia?"

"Hmm?"

Hindi ko mapigilan ang mapapikit.

"Sleep with me."

Napabalikwas ako ng upo habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa kanya.


Umiling ito at tumawa ng mahina.

"It's not what you're thinking."

Di ako natinag at nanatili ang matalim na tingin sa kanya.

"Gusto kong katabi ka matulog ngayon."

"B..bakit kailangan pa na magkatabi?"

Nauutal kong tanong.

"Just for this night. I promise not to do anything that you wouldn't want me to do."

Naningkit ang mga mata ko.

"Wag ka na mag-isip ng masama. Tara!"

Labag man sa kalooban ko ay nagawa nya akong dalhin sa kwarto nya. Pero hindi ako nakaramdam ng kung ano. Siguro dahil tiwala naman ako sa sinasabi nya? Lumabas sya pagkapasok namin ng kwarto. Naupo ako sa kama habang nakatitig doon. Sa kama kung saan ilang sandali lang ay hihigaan ko , para matulog. Bumukas ang pinto at pumasok si Callie. Medyo pansin ko na natagalan sya. Nakita ko naman sa kamay nito ang hawak na baso ng gatas. Natitigan ko si Callie nang isara nya ang pinto. Tulala sya habang nakaharap sa akin hawak hawak ang baso. Parang wala sya sa sarili.

"Callie?"

Gumalaw ang mga mata nya na parang natauhan at tipid na ngumiti sa akin.

"I prepared you milk…p..para makatulog ka ng maayos."

Pansin ko ang pagkabalisa nya. Pero agad din iyong nawala nang lumapit sya sa akin para iabot ang baso. Ngumiti ako at kinuha iyon.

"Salamat."

Napatingin ako sa baso at naamoy ang nakakatakam na amoy ng gatas. Ininom ko iyon at nagpunas ng labi gamit ang kamay ko pagkatapos. Nang bumaling ako kay Callie ay nakita kong nakatitig ito sa akin. Nag-iwas sya ng tingin at lumapit na sa kama. Nagkibit balikat ako at inilagay ang baso sa katabing mesa.

May kalakihan ang kama ni Callie. Humiga na sya at ako naman sa kabila.

"Don't worry. Hands off, promise."

Sabi nya nang makita nya ang mabagal at nagdadalawang isip kong kilos. Tumango ako at nahiga na sa kama.

Bukas ang lampshade na nagsisilbing liwanag sa buong kwarto. Nakatalikod ako sa kanya kaya't hindi ko alam kung tulog na ba ito o gising. Hindi na sya gumagalaw kaya malamang ay nakatulog na. Napahikab ako. Unti unti ko nang nararamdaman ang antok.

Dahan dahan akong gumalaw paharap dito. Halos mapasinghap ako nang makita ko itong mulat na mulat na nakatingin sa akin.

"Ano ka ba?! Matulog ka na nga!"

Singhal ko dito at nagtalukbong ng kumot. Para akong tanga, ako na nga itong gumalaw ako pa itong may ganang magalit.

Hindi ako makatulog sa ilalim ng kumot. Iniisip ko ang susunod na gagawin ni Callie kung gising pa man ito o baka tagalang nakatulog na. Kailan pa naging berde ang isip ko? Sinabi nyang matulog kaya matutulog lang kami. Ano ba itong mga pinag-iisip ko! Hindi naman sa ito ang unang kong may makatabing lalaki pero ito ang una kung saan kaming dalawa lang sa kama.

Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng paghila nito sa akin dahilan para madikit ako sa katawan nya. Alam ko ang ginagawa nya. Napakagat ako ng labi para maiwasang hindi tumili. Tinanggal nya ang kumot sa mukha ko at ipinulupot ang mga kamay nya sa tyan ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya para singhalan sya pero nakita kong nakasara ito.

Nagtutulog tulugan ang loko. Ano ito? Napagkamalan nya kong unan kaya niyakap habang nananaginip sya?

"You're overthinking. I don't know what's running into your mind but that will just stress you up so sleep."

Sino bang hindi maiistress, pinapatulog nya ako habang nakayakap sa akin.

"Matutulog ako, bitiwan mo muna ako."

Bulong ko.

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

"Nah, I'm having the night of my life. Matulog ka lang."

"Baka pag natulog ako, gawan mo ako ng masama."

"I told you before, I won't do anything stupid to you. Just rest babe, and let me take care of this."

Hindi na ako gumalaw. Ramdam ko ang mabagal na paghinga ni Callie malapit sa tenga ko.

Dahan dahan ay napapikit ako ng mata.

"Babe?"

"Hmm"

Paos ang boses nya at malalim.

"I love you."

Napamulat ako ng mata.

"I love you so much."

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya. Isa pa ano ang sasabihin ko? Wala ako sa posisyon para magsalita, iyong ang alam ko.

"Whatever happens, always remember how much I love you."

Nababasag na ang boses nya at lumalalim ang paghinga. Ramdam ko ang sakit sa bawat sinasabi nya. Dinapuan ako ng matinding kaba. Bakit ko nararamdaman to? Ayokong mag-isp ng iba pero sa mga sinasabi nya ay hindi ko mapigilan.

"C..callie? Bakit mo sinasabi to?"

"So you won't forget. That everything I've done, it's all because how much I'm in love with you."

"Bakit pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa akin?"

Hindi ko na mapigilan ang magtanong. Gusto kong malaman ang sagot.

"I don't have to tell you things that doesn't matter to you. All I want is for you to know and remember how much I love you."

Hindi ako mapalagay sa isinagot nya pero alam kong hindi ko sya mapipilit. Humawak sya sa kamay ko at pinaglaruan iyon.

"I love your hands, always make them soft and smooth okay?"

Bulong nya. Habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam ko sa di malamang dahilan.

Gumalaw ako para tingnan sya. Naabutan ko syang nakatitig sa akin.

"C..callie?"

"Shh"

Gamit ang daliri ay pigilan nya ang mga labi ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kanya hanggang sa maramdaman ko na lamang ang mga labi nitong gumagalaw sa akin. Nakahawak ang kamay nya sa pisngi ko para mapanatili ang halikan namin. Napaungol ako ng maramdaman ko ang dila nya sa loob ng bibig ko. Mabagal ang pag-angkin nya sa mga labi ko na para bang ninanamnam at kinakabisa ang bawat sulok nito. Hindi ko alam pero nagugustuhan ko ang pakiramdam. Ilang sandali pa ay humiwalay na ito sa akin. Hawak nya parin ang pisngi ko at napamulat ako. Nakita ko ang mga tingin nito sa akin. Ang mapagmahal at mapupungay na mga mata ni Callie. Ang mga mata nyang bilog at maitim na parang may magnet.

Lumapit ang labi nya sa noo ko at hinalikan ako roon. Napahawak ako sa kamay nyang humahawak sa pisngi ko at napapikit. Ramdam ko na ang pagbigat ng mga mata ko.

"I love you my baby. My one and only Venia. Goodnight."

Iyon ang huli kong narinig bago ako tuluyan makatulog.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 85 10
She's the ultimate bitch He's the most gentleman They're friends more like Bestfriends natitiis nila ang ugali ng isa't isa Jake spoils Alice so much...
3.6K 138 62
Shaniya Montez, 26, isang dalagang may trauma na sa mga lalaki kaya naman takot makipagrelasyon. Isang breadwinner at nanggaling sa mapang-abusong pa...
420K 6.1K 24
Dice and Madisson
6.6K 139 56
She is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang n...