Dedicated to Mari and Claire from Team Sawi! @ TheHoodedNovelist ❤
Chapter 10: What Happen
Aubrey's POV
Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko si Darryll na nakatitig sa'kin. "Aubrey? Okay ka lang?" sabi niya at hinawakan ang pisngi ko.
Anong nangyari, bakit ako napadpad dito sa bahay na 'to? Asang bahay ako, bakit lumambot ang higaan ko? Hindi naman ganito kalambot ang kama ko.
"I'm sorry iniwanan kita, damn, muntik ka pa nilang makuha." sabi niya at nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"I'm really sorry." sabi niya malapit sa tainga ko.
"Teka, ano bang nangyari?" sabi ko at kumunot ang noo pagkakalas ko sa yakap niya, umupo ako.
"It's a long story, but they're not bad like evil but they're somehow bad if you look on the other side of it." sabi niya.
"Sino 'yong mga taong naka hoodie, bakit nila ako kinidnap, atsaka paano mo ako nakuha? Eh diba iniwanan mo ko, dahil si Lannie ay nasa panganib." sabi ko at umirap.
Like, what the heck, vampire rin po si Lannie for your information, I guess she can protect herself not like me na tao lang, tapos ako pa itong iniwanan niya! How rude.
Hinawakan niya ang balikat ko, "It's a long story Aubrey, I'll tell you soon." sabi niya at ngumiti.
"Oh, gising kana pala Aubrey?" sabi ni Lannie.
"Hindi, tulog pa talaga ako, sleeptalk lang ako teh." sarkastiko kong sabi ko at umirap.
"Kain na, may ihinanda akong pagkain para sa'ting tatlo." sabi niya at ngumiti.
"Sorry hindi ako kumakain ng vampire foods, uuwi na ako dahil hindi ko ito bahay, ayokong nakikipunta or nakikituloy ako sa bahay ng iba." sabi ko at tumayo na.
"No, please don't leave." sabi ni Darryll at hinawakan ang kamay ko.
"This doesn't make sense okay, bakit ako napunta rito? Magic? Wow magic." sabi ko at umirap sakaniya atsaka tinabig ang kamay na nakahawal sa kamay ko.
"Atsaka wow huh, bakit bigla ka nalang bumait sa'kin? Hindi ba heartless ka at wala kang nararamdaman, ni-ayaw mo nga akong pag-katiwalaan dahil tao ako, may kailangan kaba, diyan ka naman kasi magaling, ang mang-gamit then after iiwanan mo rin ako pagkatapos mo makuha 'yong gusto mo." sabi ko at sumigaw na.
"Goddamn, do you think I'll do that?" sabi niya at napakunot ang noo.
"Yes, why not, you're an asshole." sabi ko habang nakatingin sakaniyanh mga mata.
"Wala akong kailangan sa'yo Aubrey, nag-advice sa'kin si Lannie na dapat maging mabait naman ako sa'yo, I want to be like that, dahil narealize ko na ang buti buti mo sa'kin tapos 'yon lang ang tingin ko sa'yo." sabi niya at umiwas ng tingin.
"Darryll is trying to be nice here, bakit mo ba siya ginaganyan Aubrey?" sabi ni Lannie.
"I heard what you've said Darryll bago mo ako iwanan sa school, you said, Lannie is in danger, iiwanan ko muna si Aubrey dahil mas mahalaga si Lannie, now tell me, are you lying?" sabi ko.
Napalunok siya, "Wala akong kailangan sa'yo, okay promise, maniwala ka naman oh! Maniwala ka, please." sabi niya at mukhang naiinis na.
Wow huh, siya pa itong may ganang magalit pagkatapos ng sinabi niya kanina sa school na mas mahalaga si Lannie, ayoko na talaga mag-expect kay Darryll, bakit ko ba kasi siya nagugustuhan damn.
"Cut if off god damn." sabi ko at umalis sa bahay na iyon.
Umuwi na ako at sinarado ko lahat ng pwedeng makapasok si Darryll, ngunit wala pang isang minuto ay nasa tabi ko na siya at humihingi nanaman ng tawad.
"Please hmm, huwag kana magalit, I want to change my attitude, can't you see it?" sabi niya at ngumiti.
"May gusto kaba sa'kin?" sabi ko diretsahan sakaniya.
Naubo siya bigla na parang nasamid sa laway niya, "H-h-huh! Wala." sabi niya at umiwas ng tingin.
"Okay atleast malinaw sa'kin na, kaibigan lang tayo." sabi ko.
Hindi siya sumagot, sa halip ay hinila niya ako papunta sa dibdib niya at niyakap pahiga.
"Damn aubrey, you're so soft." sabi niya at bahagyang inamoy ang tainga ko.
Kaya bahagyang napatupi ang leeg ko dahil sa ginawa niya, nakakakiliti kaya, that's my weakest part.
"Ang bango bango mo pa." sabi niya malapit sa tainga ko.
"Goodnight Aubrey." sabi niya at hinalikan ang noo ko.
Napayakap nalang ako sakaniya bago ko ipinikit ang mata ko, The next thing I knew, nakatulog na ako.
_
Pagkagising ko, napatingin ako kay Darryll sa tulog pa, he's sleeping na parang naglulucid dream siya sa lalim ng tulog niya dahil nagawa ko pang hawakan ang pisnge niya.
He's so damn cute while he is sleeping. Napangiti nalang ako bago dahan dahang bumangon para mag-handa ng almusal namin ni Darryll, napatingin ako sa cellphone na nasa lamesa, bakit ako nagkaro'n ng iPhone, wala nga akong perang kayang makabili ng iPhone, atsaka paano magkakaroon si Darryll ng cellphone?
Si-nwipe ko ito at pumunta sa photos, napatawa ako nang nakita ko si Darryll na nakatingin ng seryoso sa cellphone at hindi man lang alam kung anong nangyayari, He captured hisself without even knowing it. Baka ibinigay ni Lannie ang cellphone niya, mayaman naman iyon kagaya nga ng sinabi ko.
Naligo na ako pagkatapos kong kumain, kaso nakalimutan ko 'yong cellphone ko sa table kaya nagtapis muna ako at lumabas. Paglabas ko nagulat ako nang and'on si Darryll sa harap ng pintuan at dahan-dahang napatingin pababa.
"Ow." sabi niya at ngumisi.
"Bastos!" sabi ko at pumasok nalang ulit, rinig na rinig ko ang malakas niyang pag-tawa, kainis, mapang-asar rin itong bampirang ito ah.
Nag-bihis na ako sa cr atsaka lumabas, nadatnan ko si Darryll na hinuhubad ang pang itaas na damit. Kaya napaiwas ako ng tingin, "Kunwari pa siya, kunwari ayaw ako makitang nakahubad." sabi niya at tumawa.
Oh my gosh, wala akong alam na may ganito palang ugali ang isang bampirang ito na nababaliw na kakatawa dahil pinagtitripan niya ako, sarap sampalin ng left and right.
Nang matapos na siya sa lahat, umalis na kami sa bahay. Mabuti naman ay hindi kami na-late dahil maaga siya natapos sa lahat ng kaartehan niya sa buhay niya.
Nakaupo kami ni Darryll sa isang table, medyo magkahiwalay kami. Nagulat ako nang umupo si Wade sa harap ko, isa sa campus hearthrob, kaya naman nagulat ako ng bongga.
"Hi Aubrey." sabi niya at ngumiti.
"Hello, bakit po?" sabi ko.
"Wala gusto ko lang mag-hello, atsaka ibigay ito sa'yong bracelet, you're ignoring me for the past years, nahihiya kasi akong kausapin ka dahil antahimik mo." sabi niya at ngumiti.
So.....siya pala ang nagbibigay ng mga regalong iyon sa locker ko? Wait, si Wade Hector Tyron Huanidaz, nagreregalo sa isang katulad kong potato?
"Sure kabang ako iyon, maraming Aubrey dito." sabi ko.
"Ikaw 'yon wala ng iba, ikaw lang naman 'yong maganda dito para sa'kin." sabi niya at titig na titig sa'kin.
Napatingin ako kay Darryll nang bigla niyang hinampas ang lamesa, "Yes, she's beautiful, but she's mine, so back off, or baka naman gusto mong sapakin ko iyang mukha mo." sabi ni Darryll na may pagbanta.
Napakunot ng noo si Wade, "Didn't you heard it?"
"I said, she's mine!" sabi niya.
_