If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry

114K 1.9K 365
By shirlengtearjerky

Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry

This update's relatively long, I think. Thanks nga pala sa mga nagfollow sa bago kong Twitter acct. K, enough of that XD

All is well for this chapter. Comment and vote pag nagustuhan, okay? Well bahala na kayo don [:P]


--

Mali ng akala si Barbs.


Akala nya hindi seseryosohin ng readers/Wattpad people ang ending ng You're The One That I (Do Not) Want. She typed that last chapter for like 20 minutes. Ni hindi nya tinignan kung may typos ba or what. Cutthroat and raw emotion lang, obvious na may pinagdadaanan sya.

Nang mapublish nya ang update ay dun lang nya natandaan si nerdysavvy. Napamura sya ng malakas sa kwarto nya. Baka kung ano na naman ang isipin non.

Well.. that update's a blunt way for her to release her feelings. One last low blow for nerdysavvy. Barbs felt surprisingly great afterwards. Pero saglit lang yon.

Sinilip nya ang Wattpad account nya that weekend. Titignan nya sana kung may update si Mr/s Darcy (tinotopak kasi ang Wattpad App nya) nang magulat sya. Normally nasa 20+ messages lang ang laman ng Inbox nya since medyo masipag syang magreply. The last time she checked, nasa 23 messages ang di nya naopen. Kaso this time?

Around 78 messages.

She was astounded. Wow, anong klaseng messages naman 'to? Binuksan nya ang inbox and she was floored. Literally. Kasi 50+ hate messages/Why oh why pleas ang tumambad sa kanya.

Umalis agad sya sa page na yun at viniew ang profile nya. Mas malala pa pala. Bumaha ng posts sa message board nya. Usually hate messages. Then may readers na nag-aaway. Nagkaron sya ng antis. She couldn't believe it.


"Pucha problema nila?" di nya napigilan ang mainis. Frankly nabastos sya sa readers na nagpapansin pa sa MB at Inbox nya. If they hated the ending, fine. She doesn't care. Pero 'tong pagmemessage pa sa MB nya kung pano nya tinapos ang kwento nya? What the fcking hell lang ang masasabi nya.

I have the right to end my story the way I like it, yan ang paulit-ulit nyang sinasabi sa sarili nya. YTOTIW lang naman ang kaisa-isang story sa profile nya, the only piece she wrote. May ilan na humihingi ng Book 2, masyado raw bitin ang ending. Di nya napigilang magsend ng message sa fans nya.


Pwede bang irespeto na lang ang decision ko, guys? I want to end my story that way. Masyado kayong nasanay sa convention na dapat happy ending lahat ang mga kwento. But that's bullsh*t. Kung ayaw nyo, e di okay. Ayaw nyo. You don't have to berate me with your pleas or sh*ts. Kung makaasta kayo parang kilala nyo ako personally. Take note, kwento ko lang yan. That's not even half of my life so don't judge me right away. Ayaw nyo? Bahala kayo. Kayo author? What the fck. Nakakainis lang.


There. She sent that message. Masyado syang nainis sa readers. Hearts and flowers ain't her thing. Ayan kasi ang nakakainis pag nagbabasa ka ng fiction, minsan nagstistick sa convention na ganito ang dapat mangyari at ending. Nakakalimutan ang reality. Pag nagpasok ka ng isang reality concept, maaasar sila. Because you ruined their fantasies.

"Psh, fantasies your @ss," yan ang sinabi nya bago nya patayin ang laptop nya.


All's well.

--

Ayaw ny pumasok kinabukasan. Kasi sa kasamaang palad, duty sila ni Cyrus. Sya ang OD at assistant nya ito.

Di naman napapansin ni Rons at ng ibang officers na may something off sa kanilang dalawa. Wala naman kasing nakakaalam ng 'closeness' nilang dalawa months ago. Patago kasi silang mag-usap, kadalasan online pa. Pati kung lower batch ka o taga ibang school, di mo aakalaing nag-uusap ang dalawa (Maliban na nga lang dun sa 31 spiel ni Cyrus nung alumni game. Until now nagtataka pa rin ang ilan about that.)

Sobrang bigat ng loob ni Barbs nang magpaform sya ng duties. Kinokontrol nya ang inis na nararamdaman nya, buti na lang late si Cyrus. Dati inis na inis sya pag late ito (at one time nasabihan pa syang maganda. Blech!) pero ngayon, hinihiling nya na sana hindi na ito pumasok. Ever.


"Da raaaaaaap!" malakas nyang sigaw. Nakakatakot, as usual. "Tunton sa kaliwa, na! Tunton sa harap, na! Da raaaaap!"

Nagbigay lang sya ng ilang reminders sa duties, nagcheck ng white handkerchief at tickler, tapos pinag-CS ang mga ito. Tiniwalag din nya ang duties, wala na sya sa mood para magpaform pa. Pumunta sya ng CAT HQ para kunin ang gamit nya nang magulat sya sa nakita nya.

Si Cyrus, nasa desk ni Rons. Nagsusulat. Kapal pang gumamit ng iPod habang suot ang fatigue!

She completely ignored him. Ano nga bang dapat sabihin nya? The last time they talked.. gusto nyang tagain si Cyrus. Tadtarin into bite-size pieces at ibenta sa fan girls (yuck) nito. Kinuha na lang nya ang gamit nya kaso.. pakshet. Nahulog ang Math book nya.

That stirred Cyrus from his reverie. Pinapakinggan pa naman nya ang bagong album ng Sandwich nang marinig nya ang pagbagsak ng libro. He was surprised to see Barbs in front of him.

Kasi eto na siguro ang closest contact nila since Halloween Ball.

Hindi sila nag-usap. Kahit may meetings sila for Herald, tahimik lang si Barbs. Kay Klang nya binibigay ang assignments nito at articles na ieedit. He distanced himself, at yun din ang ginawa ni Barbs. Okay na yun.

But to see her like this, with eyes full of.. what? Masyadong enigmatic ang tingin sa kanya ni Barbs.

Gustong tusukin ni Barbs ang mga bata ni Cyrus. Tapos ipapatadtad at ihahalo sa bopis. Heck, lumalabas ang Michael Myers and Thomas Hewitt tendencies nya ngayon.

Tahimik na pinanood ni Cyrus si Barbs nang pinulot nito ang Math book. Palabas na sana si Barbs nang..


"Okay ka lang ba?"

She stopped moving. Bakit? Di rin nya alam. To save face, kunwaring nilagay nya ang libro sa bag nya.

"Barbs, okay ka lang ba?" ulit ni Cyrus. This time nakatayo na sya at papalapit na kay Barbs.

Huminga muna si Barbs bago nya harapin si Cyrus. "Di ba duty ka? Ba't ka nagtatago dito?"

"May pinapagawa kasi sakin si Rons. Tsaka nung dumating ako nagpaform ka na."

"6:15 ang official time pag duty, Casabueno. Nyeta naman officer ka dapat ikaw ang unang sumusunod!"

Ayun, sa inis ni Barbs ay napatitig sya kay Cyrus. Sumakit bigla ang ulo nya. Gusto nyang manapak.

"Sorry. May pinagawa lang sakin si Rons. Are you okay?"

Gustong tumawa ni Barbs kaso pinigilan nya ang sarili. "Oo naman. Bakit?"

"Why did you do that?"

"Ang alin?" she asked innocently.

"Bakit ganun yung ginawa mo? Are you nuts?"

"Well I am nuts to begin with. I shouldn't have written that story in the first place."

Cyrus clenched his teeth. Barbs' mocking him. "Nabasa mo ba yung rea--"

"They are my readers, not yours. Wow, excuse me. Why are you offended by this?"

"I am no--"

"Fck you are offended. Kasi wait sino nga ba si Denn Estrella dun? You!!" she snapped, pero binabaan nya agad ang boses nya. "Feel na feel mo naman masyado, Casabueno. Wag ka nga."

"Lahat ng sinusulat mo ay based sa mga nangyayari sayo. Sa last update mo.. mukhang di ka okay."

Dun na sya natawa. "P*tangina mukha raw di okay. Sa tingin mo okay lang ako? Oo, okay na okay na ako! Shet naman, di ka pa ba sanay sakin? Rage blackouts ring a bell? Bipolar ako. Mental patient ako."

"I'm sorry." Sincere na sincere si Cyrus sa pagkakasabi nya non.

"Sabi ni.. Vicky sakin dati.. pag paulit-ulit ang sorry, hindi raw sincere yon. Kasi pag paulit-ulit, wala na yung purpose ng pagsosorry. Kaya inuulit ng nagsosorry yon para mapatunayan sa sarili nya na okay na sila, na tapos na away. Fck that. You're just making yourself feel good."

"I am serious. I am really sorry."

"Pakyu. Hindi ko alam kung ano bang pinagsosorry mo dyan. Nagsorry ka sakin nung birthday ko kasi ano? Wala lang? Trip mo lang? Sorry kasi ano?"

"Sorry sa lahat, Barbs," tameme sya don. "I'm sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. I've been such a prick. I'm really sorry about the kiss. It was an accident."

Napa-oh na naman ang bibig ni Barbs. "Aahh.. yung kiss ba yon kaya ka nagsorry? Wow. Nice nice.."

"Ayoko lang na bigyan mo ng meaning yon. It was an accident. Tsaka kasalanan ko rin naman talaga kung bakit ka tumakbo. Kasalanan ko rin yung 31 cheer nung game. It's all my fault. I'm sorry."

"Yun lang? Wala ka nang sasabihin?" May gusto pa kasing marinig si Barbs.. pero ano yun? Di rin nya alam. Natandaan nya bigla ang letter. "Oh yeah right, nasabi mo na pala sa letter mo yun. Grabe, that was so very nice of you. Mala-Cyrano de Bergerac ang peg. Pucha. Letter ka pang nalalaman. G@go ka."

Wala na namang emosyon ang mukha ni Cyrus. "A letter."

Nainis na si Barbs. "P*tanginang sulat yan! I want you safe but I don't want you back. You LOVE ME? P*TANGINA MAHAL KITA? TANGA KA BA? HOY CASABUENO. EXCUSE ME! Ang kapal ng mukha mo para don. Kung may nararamdaman man ako para sa'yo ngayon e ito, galit! Pakyu ka!!! Maka-letter pa 'to!!! Punyeta!!"

"Bakit ka nga ba galit sakin, Barbara?"

That struck her bad. Bakit.. bakit nga ba sya galit? Ilang araw na rin nyang iniisip kung bakit ba sya galit sa epal na 'to. "Dahil sa letter. Bullsh*t yon, Casabueno. Sobrang bullsh*t."

"Pero bago pa non galit ka na sakin. Yun ang di ko maintindihan."

Blangko saglit ang utak nya. "Wala ka nang pakialam don."

Natahimik ulit silang dalawa. Gustong hablutin ni Barbs ang rifle sa may pinto at ihampas ito kay Cyrus kaso.. may point si Cyrus eh. Bakit nga ba sya nagagalit? Anong point?

"I'm sorry about the letter. Hindi ko alam kung bakit ko yun sinulat."

"Pakyu ka. Yon na siguro ang pinakapanget na letter na nabasa ko. How dare you conclude that I.. fcking love you? Kapal mo please."

"Baka kasi.. bigyan mo ng meaning ang kiss.. and everything."

"Gets ko yung kiss, as you stated, it was an accident," may stress sa word na 'accident'. "Ang di ko magets ay yung everything. Bakit mo ba.. ginawa yon? Yung sa form? 31 fcking chant? Bakit?"

"I thought.. we're friends."

Her jaw almost dropped. "What the fck?"

"I'm sorry kung namisunderstood mo ang mga yon, Barbs. Like I told you before, you're one of the guys. A--"

"So ang pinaparating mo sakin.. way mo yun ng joke? Am I right? Trip lang? Biruan?"

"G@go kung g@go pero ganun na nga. Baka kasi isipin mo na.. pa-fall o kung anuman. As if you're gonna like me anyway." Napangiti sya sa sinabi nya.

Pati rin si Barbs, napasmirk sa sinabi ni Cyrus. Sobrang seryoso ng usapan nila pero napapangiti sya. "G@go ka talaga. Asa ka naman na magkakagusto ako sayong hayop ka."

"Kaya nga ako nagsosorry.. baka akala mo kasi ganon. And also for the letter, I'm such a @ss for writing that."

For the first time.. totoong nakahinga na nang maluwag si Barbs. That letter really ticked her big time. Maling akala lang pala. "Pakyu ka. Ang drama mo kasi."

"Di na ako magsosorry, naka-limit na ata ako sayo."

"Buti alam mo."

Nagring na ang school bell, signal na ng morning assembly.

"Ikaw na magpaform sa duties, ako na sa officers," balik sa seryoso si Barbs.

"Ma'am yes Ma'am!" sinuot ni Cyrus ang beret nya. "Barbs.."

"Ano?"

"Are we okay?"

"Ewan ko kung magiging okay pa tayo, Casabueno. Nag-usap tayo pero di ganon kadali. Pero okay na rin na nag-usap tayo, but that doesn't mean na ayos na tayo. Magkaiba kasi yon. Gets mo?"

Binuksan ni Cyrus ang pinto ng HQ. "Gets ko. Back to the square one?"

"Mas okay pa yun. Tutal.. okay ka naman ata. Okay ako. No big deal. Wag na lang natin pakialaman ang isa't-isa."

"Ma'am yes Ma'am." Lumakad na si Cyrus palayo kay Barbs.

"Hoy Casabueno!" pahabol nito, lumingon naman si Cyrus.

"Ano?"

"Correction: we were never friends. Ayos ba?"

Cyrus gave her a curt nod and turned around. Buti naman malinaw.

"No regrets, B. No regrets." She kept on chanting that mantra the whole day.


--

BREAK TIME


Kung medyo masigla na sina Rocky at Barbs, kabaligtaran naman si Janine.

Dinadamdam pa rin nya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Chester. Sure, she coveted the main part for the program, she's somehow happy. Kaso kulang. Kasi wala naman si Chester sa tabi nya para magcelebrate.

"Hoy Hapon, kung ayaw mo nyang siomai mo akin na lang!!!" balik si Barbs sa pagiging glutton nya. Nakaupo sila sa usual spot nila sa canteen, kumakain.

Binigay na lang ni 9 ang siomai nya kay Barbs. "Ayan na ah. Don't mind me."

"Barbs, sabihin mo nga sakin.." sumeryoso si Rocky. "Ikaw ba yung gumawa ng pasa ni Chester?"

Natandaan na naman ni Barbs yung pagkasuntok nya kay Chester last time. Hindi ang bestfriend nya ang sinuntok nya non, ibang tao yon. "Pakyu kasi yon. Sarap tagain." Napatingin sa kanya si Janine. "Eh totoo naman diba? Ang landi lang ng leche! Pakain ko sya sa elepante eh."

"Barbs.." saway ni Vivien.

"Eh pucha!" medyo napasuntok si Barbs sa table. "Papatol sa first year? Ano sya, pedo? No offense lang Hapon ah, feel ko idol nyang lecheng yan si TJ pakyu na yon. Sarap durugin!"

"Barbs!!!" Rocky gasped. "Hindi naman ganon si Che--"

"Hindi yan si Chester Sison. Namatay na sya nung aksidente," she glumly said. Bakas sa tono ni Barbs na miss na nya si Chester kaso mas umiiral ang galit.

"Wag ka namang ganyan, B. May pinagdadaanan si Chester," halos pabulong na sabi ni Janine.

"Psh. Lahat tayo may pinagdadaanan! Kung mabigat na yung kanya, wag syang paimportante. Support group? T@ngina bogus lang yan!!! May support group ba na ilalayo ang mga kaibigan sayo? Pakyu lang." Kumain na lang ulit si Barbs at tumahimik na ang table.

Maya-maya pa..


"Sh*t Ja, don't look," bulong ni Rocky. Kaso rinig nina Barbs yon at napatingin sila sa direksyon na iniwasan ni Rocky.

Ay. Kakapasok lang nina Jenica at Chester sa canteen.


"P*ta pigilan nyo ako makakasapak ulit ako," banta ni Barbs. Buti na lang si Vivien ang katabi nya.

Pansin kay Jenica ngayon ang bago nyang aura. Nawala na ang inosenteng vibe nito dati, bago pa sya makapasok sa PAC. Stereotyped na sa Charleston ang pagiging maarte/malandi pag member ka ng PAC. Mas malala pa nga si Janine dati kesa kay Jenica. Nanghihinayang tuloy si Janine sa batang yon.

"Oh wait may vacant don!" they heard her shout. As in shout. Kina Chester. Magkakatabi lang naman sila pero may pagsigaw na nagaganap. Sumunod naman si Chester sa mga first year na kasama.

"Mukhang g@go lang si Chester," di na napigilan ni Rocky ang sarili nya. "Eh look, halatang ginagamit lang sya ng mga batang yan!"

"Bayaan mo sya, dyan sya masaya eh." Nilabas na lang nya ang iTouch nya at naglaro ng Coin Dozer.

"Nagkausap na ba kayo?" tanong ni Vivien. Tumango si Janine. "I see.. give him time and sp--"

"And air resistance and force! P*ta!" nawalan na ng gana si Barbs. "Janine, maghanap ka na lang ng iba. Wag na yang epaloids na yan."

Napatigil tuloy sa paglalaro si Janine at tumayo. "Wait lang, bili lang ako ng softdrinks."

Pinandilatan naman ni Rocky ang matabil na kaibigan. "Barbs naman! Don't be so hard to her. Nahihirapan din naman yung tao."

"She deserves more. That's all."

Matumal naman ang paglalakad ni Janine papunta sa bilihan ng softdrinks. Ni hindi nito napansin na nandun ang pinag-uusapan nilang babae.


"Psst Jen.. si Ate 9," bulong ni Tam sa kaibigan.

Automatic na tumaas ang kilay ni Jenica nang makita si Janine. "Ate," mataray nyang sabi sa tindera. "Pepsi nga po."

Natunugan na ni Janine ang boses na yun. Sumama agad ang loob nya, pero di na lang nya pinansin yon. "Ate, Mountain Dew po."

Ramdam ng ilan sa mga bumibili ang tension sa pagitan ng dalawa. Eh sa nakakainis talaga ang pagmumukha ni Jenica non, feeling masyado.

Nang makuha na ni Jenica ang Pepsi nya, binalingan nya si Janine. "Hi Ate 9!" todo fake smile pa ito.

"Hi," mahinang tugon ni Janine. Mas naunang nabigyan si Jenica ng sukli habang hinihintay nya ang kanya.

"See you around, ate."

Kaso.. pagdaan ni Jenica sa gilid ni Janine, sinasadya nitong tinapon ang dalang softdrinks sa babae.

"What the!??" gulat na gulat si Janine nang maramdaman ang malamig na softdrinks sa damit nya.

"Ohmigosh ate I'm so sorry!!!" kunwaring nag-aalala sya.

Napatayo sina Barbs sa nakita nila at dali-daling lumapit kay Janine.

"Hoy ano bang sapak mo ha?!?" galit na sigaw ni Barbs sa first year. Nakalimutan nya na duty sya nung araw na yun.

"P-po?!" umacting agad si Jenica na inosente. "Di ko naman po sinasadya eh!!"

"Excuse me lang teh," inis na rin si Rocky. "Kapal mo ah. Kung makaacting ka! Feeler!!!"

Inalalayan naman ni Vivien si 9. "Are you okay?"

"Teka CR lang ako," umalis agad si Janine sa scene na yun.

Ang dami palang nanonood sa drama na yun, at napansin lang nya yon nung palabas na sya ng canteen. Binilisan lang nya ang paglalakad, ayaw nyang tumakbo kasi magmumukha syang kawawa. Agad syang pumunta ng locker area nang makasalubong nya si Chester.

"Sht.. of all people," she muttered under her breath.

Nagulat naman si Chester nang makita ang blouse ni Janine, pero wala syang ginawa. Tahimik lang naglocker si Janine, kaso wala syang nakitang extra shirt sa locker ni Rocky. Paalis na sana sya nang..


may nag-abot sa kanya ng tshirt. When she looked up..


"Pampalit mo."

Naghesitate sya kung tatanggapin ba nya ang tshirt na yun. Regalo nya kasi ito nung birthday ni Chester.

"That's yours."

"Dali, para malabhan pa yan nina Ate Lyn."

"Your friend did this to me." Walang sagot si Chester. No choice sya, kinuha na lang nya ang tshirt na yun.

"Okay ka lang?" sinubukan ni Chester na walang emosyon kaso di nya napigilan.

"Yeah, okay lang ako. Pepsi lang 'to. Nabuhusan naman ako dati ng kape," medyo natawa pa sya nang matandaan nya yun nung 3rd year sila. "Thanks for the shirt."

"Dalian mo, magpalit ka na."

Hindi sila magkatinginan nang matino sa isa't isa. One minute siguro silang ganon nang..

"I have to go," malumanay na sabi ni Chester. Pero parang ayaw naman nya na umalis.

Medyo nakakalayo na si Chester nang biglang matawa si Janine, kaya napalingon sya. "What?"

"Ang ironic lang kasi Chester. You care for me, you always save me but you don't want to be with me. How fcked up is that, right?" she smiled. "Kung dyan ka masaya, fine. We don't need each other from now on. Goodluck sa'yo at sa recovery ni Tito Dan. Bye." At bumalik ito sa paglolocker.

--

LEAN'S POV


Madalas na akong tumambay sa library. Wala lang, naghahanap ako dito ng story na pwedeng gamitin pang-critique sa Honors. Nakakatuwa lang kasi 'tong collection ng libro sa library, eto mga tipo ko. I settled for One Hundred Years of Solitude nang mapadaan ako sa Young Adults Section ng lib.

And I saw her.

Naiilang pa rin ako sa kanya, at ganun din sya sakin. Kasalanan ko naman talaga kung bakit ganito ang pakitungo nya sakin. I'm so stupid. 

Nandun sya sa sulok na yun, kung san nya tinago dati yung The Catcher In The Rye. May binabasa syang libro.. ni hindi ko makita kung anong title ng binabasa nya. Sa totoo lang namiss ko sya, lalo yung ngiti nya. Nakokonsensya ako, kasalanan ko kasi.

I gathered all my courage and walked towards her. Bahala na, I have to explain my side.


"Naks naman, nagtatago ka na naman dito?"


Nagulat sya. She instantly shut the book and hid it beside her. Umupo ako sa may tabi nya, at lumayo sya sakin.


"Hi Sir," bulong nya.

"Ano yang binabasa mo?"

"Kipling, sir."

"Aahhh.. Nice nice nice." Ang awkward. Wala akong masabi. "Ba't ka nandito? Kumain ka na ng lunch?"

"Yup."

"Ba't ang tipid mong sumagot?"

"Wala lang po."

"Kamusta acads?" Nakwento kasi sakin ni Clariz ang grade nya nung Physics exam nila. Kasalanan ko yun.

"Okay naman po."

"I saw your exam, Vivien. Okay ka lang ba?"

Napayuko sya. Dun ko lang napansin na naka-eyeglasses sya ulit. "Ba't di mo suot ang contacts mo?"

"It irritates me, Sir."

"Vivien.."

"What?!" she snapped. Nagulat ako dun, buti na lang walang tao sa paligid. "Sorry po."

"Dapat kasi ako magsorry sayo. I'm very sorry, Vivien. You shouldn't have seen that."

Tumahimik sya.

"Kahit hindi mo sabihin, I owe you an explanation. Ayoko talagang pinag-uusapan ang love life ko pero.. para maintindihan mo.. sasabihin ko na rin." Di sya umimik kaya nagsalita ako. "Yung.. babaeng kasama ko.."

"Girlfriend, sir?"

"Ex-girlfriend." Pati ako natahimik sa sinabi ko.

"You got back together?"

"Hindi. She's trying to reconnect with me since August. Ewan ko ba dun kung ano pang gusto nya sakin. After all.. she left me. For another girl. Can you believe that?"

Napaangat ang ulo ni Vivien dahil sa sinabi ko. "She's a--"

"Hindi ko alam. Kelan ba naging kami.. 3rd year college pa ata ako nun, parehas kami. Pero mas nauna akong grumaduate since Architecture ang course nya. Basta, nagulat na lang ako nang nakipagbreak sya sakin, 8 months na ata kami nun? Binigyan nya ako ng chocolate sabay nakipagbreak. Weird talaga sya." Di ko mapigilang matawa. Eh kasi nakakatawa naman talaga.


"Ba-bakit sya nandito nung Halloween Ball?"

"I.. I really don't know. Kukunin ko lang sana yung camera ko sa sasakyan tapos poof, she's there, sitting on my hood. Hindi naman sya deranged or what, ganun lang talaga. Hilig nyang umupo dun dati pa. Gusto lang nya raw ako makausap saglit at.. you know what happened next."

She fell silent again. Di ko ma-gauge kung anong reaction nya.

"Vivien.. I'm sorry for that. Ako na siguro ang pinakafeeling na tao pero.. kasalanan ko siguro kung bakit ka nagkaganyan. Gosh I'm so stupid. I--"

"Sir.. hindi nyo naman po kasalanan yon. It's all my fault. Kung anuman ang nangyari at nararamdaman ko, it's all my responsibility. Sorry po kung napapaisip kayo ng ganyan. Ako po talaga ang may problema."

"Kahit na. I feel responsible for this. Kasi.. nawala yung spark ng mga mata mo. Sht ano ba 'tong sinasabi ko?"

Humarap sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko. "Don't be. Ako po talaga ang may kasalanan. I wish I could blame you for this.. kaso ako talaga 'to eh."

"Ha? What do you mean?"

"The truth is.. I had a crush on you, Sir," she chuckled.

Had. Past tense. "W-weh?"

"Yeah, I had. You.. remind me of someone I used to know."

Teka akala ko sya ang magugulat sa amin dalawa pero mali pala. Ako pala ang magugulat ngayon. Nakangiti na sya sakin ngayon katulad ng dati. God I missed this.

"Sorry for acting so childish. Ilang beses ko kayong tinarayan. Nahawa na ata ako kay Barbs." Tameme ako. "Sir naman! Wala na yun! Last na yun, nung pinasa ko yung essay ko."

"Sht bakit ba may nagkakacrush sakin?" napakamot tuloy ako ng ulo. "I feel like a dork."

"Kayo lang nag-iisip nyan sir. Hindi kayo dork or what. Okay na okay ho kayo. Kaya siguro ginulo kayo ng ex n--"

"Anya's her name. I feel uncomfortable pag tinatawag ko syang ex."

"--Anya. Sir.. sana po hindi kayo mailang sakin. Alam nyo naman mga teenager ngayon, maraming crush. Napagdaanan nyo rin siguro yan."

"Anong akala mo sakin, bato? Psh. Gets ko naman. Tsaka bakit ako maiilang, diba? I take that as a compliment. Kahit para akong engot, may nagkacrush sakin."

Natawa kaming dalawa. Ang light lang ng usapan, just like the old times.

"Sorry talaga Vivien. I know that disturbed you."

"Quite frankly it did. Nung nasa Italy kami, kayo ni Anya ang natatandaan ko pag may nakikita akong naghahalikan sa tabi. Seryoso po ako dun." I frowned. "Pero wala na nga Sir! Buti nakausap ko kayo ng ganito. Feel ko nakalabas ako sa bubble ko."

"Wag mo na isipin si Anya ha? Nastress ka pa tuloy."

"Last one sir.. What happened after that?"

"We talked for awhile. Tapos na. I never saw her again."

Vivien nodded. "I see. Sana wag na nya kayong guluhin pa, Sir. Para chill na lang kayo. Okay na?" inextend nya ang kamay nya sakin. I shook it. "Forgiven.."

"But not forgotten. Don't let that get you, okay?"

At least okay na rin ang lahat, nakahinga na ako ng maluwag.

-

ROCKY'S POV

Grabe nakakagigil yang Jenica na yaaaaaan!!!! Ang sarap nyang ibaon sa lupa! Pasalamat sya napigilan namin si Barbs kanina kundi mata lang nya ang walang latay. Psh. Sana pala hindi ko na pinigilan! Ang sarap nyang bangasan!!

We were surprised nang bumalik si Janine na suot ang tshirt na niregalo nya kay Chester dati. Omeged, malapit na pala ang birthday ko! November 27!! Yiiikes! It's a Tuesday. 

K, bakit bigla naman ata akong nalungkot? So what kung Tuesday? Fave day ko na yun! Hindi na Thursday! Kasi pinag-arian na ng eps na yun ang favorite day ko!! (OwO)

May quiz kami ngayon sa English. So far mas trip kong katabi si Cyrus kesa kay Wes. Nakakainis kasi minsan yung latter, puro pambuburaot lang ang nakukuha ko sa kanya. Kay Cyrus, marami! I was surprised na medyo parehas kami ng inclination sa music! Masaya syang kakwentuhan pala 

"Psst Rachel Anne."

=_= Badtrip. Sya na naman? Nakasimangot na naman sakin si Wes, sya ang nagdidistribute ng quiz booklet namin. "Ba't ka nakatulala dyan?"

"Masama ba?" inagaw ko na sa kanya ang booklet ko, mapano pa to.

"Kaya ka nagkakawrinkles nyan oh. Di ka pa nga nag-17 mukha ka nang 25."

Kinuha ko agad ang salamin ko to check kung may wrinkles nako. Hindi naman sa super vain ako ah, but wrinkles really alarm me. "Saan? Wala naman ah!"

"Naniwala ka naman?" he smirked. "Sabi na nga ba vain ka."

"I am not vain. Hoy, you're stalling. Hinihintay ng iba ang booklets nila."

Binelatan pa nya ako bago sya umalis sa may pwesto namin. Saktong nahuli ko si Ms. de Vera na nakangiti sa may table nya. Sht, she saw that! I flushed. Nakakahiya (>,<)

Ewan. I'm still not convinced that Wes likes me. That would be so impossible. Alam ko yung iba nagsisimula sa asaran or chorva.. pero iba kasi si Wes eh. As in. May something sa kanya na hindi ko talaga ma-place.

Hindi pa nga kami pinapanganak feel ko kilala ko na sya, considering na friends ang parents namin. Ang dami naming alam tungkol sa isa't isa, aso't pusa kami.. tapos.. WTF he likes me?

Nasa alter universe na ba ako?

Psh. Enough of that Rachel. Wag mo kasing masyadong isipin si Wes!!!

*

Kaso kahit hindi isipin, susulpot at susulpot pa rin sya.

Magkatabi pa rin kaming dalawa sa Honors. Unfortunately for me, fortunately for him.


"Haaayyy.. favorite class ko talaga ang Honors," nagpaparinig pa ata ang loko. Don't mind him, Rocky. Ignore ignore ignore.

"Hoy, natameme ka ata dyan?" Ignore ignore ignore.

"Naiilang ka noh?"

Bigla tuloy akong napaharap sa kanya. "What? Psh. I am not. May iniisip lang ako."

"Sino? Ako?"

=o= "Kapal mo please. Not you. Iniisip ko yung grade natin sa OD last week."

Sumandal sya sa seat nya. "Papasa tayo nyan. Okay ka lang ba?"

"Nastress ako kanina, dun sa dalawang J. Buti na lang napigilan namin si Barbs."

"Wag kang magsusumbong kay Barbs ha? Baka suntukin din ako nun."

Medyo naamuse ako don. "Wait a minute.. takot ka kay Barbs?"

"Psh. Sino bang di matatakot don? Daming alam non eh. Katakot awayin."

"Alam na ano?"

"Secret!" binelatan na naman nya ako. "Don't worry too much. Monday pa lang ngayon."

"So?"

"At 2 weeks from now birthday mo na. Tuesday, right?"

"Oo, Tuesday. Ba't mo alam?"

"Malamang tinignan ko. Sayang di umabot ng Thursday!"

"Baguhin mo calendar. Ba't ba Thursday?"

An amused smiled formed on his lips. "Sabi na nga ba eh."

"Ano na naman?"

"Wag kang mag-aalala, Chel. Thursdays ko lang ipapaalala sayo na may gusto ako sayo, para hindi ka mairita sakin. Alam kong ayaw mo ng paulit-ulit."

"Buti alam mo. Busalan kita dyan eh."

"Don't worry, di lang effective yon pag Thursday. Araw-araw naman akong may gusto sayo." And he winked at me. I felt myself involuntarily blush. Pucha lang.

"Shut up."

Tumawa na lang sya. Grabe, bakit kaya nyang magpakilig in a spur of the moment? Dammit. 

--

Fruitful naman ang Honors Class nila that day. Bumalik na kasi sa dating sigla si Lean dahil ayos na sila ni Vivien. Tahimik pa rin sina Cyrus at Barbs na magkatabi pa rin pero di nagpapansinan, just like before. Sina Rocky ayun asaran. Si Chester, tahimik pa rin.

Magkakahiwalay na umuwi ang SASSA (minus Janine na may practice) after ng klase. Huling umalis ng school si Barbs na may dinaanan pa sa CAT HQ. Papunta sya sana ng Pop's nang makita nya si Wes na palabas dito.

"Hoy Panget!" tawag ni Barbs sa kaibigan. Agad namang bumanat ng asar si Wes.

"Hoy tibs! Ngayon ka palang uuwi?"

"Purol mo na ata. Malamang! May tao sa loob?"

"Medyo marami. Nagtake out na nga lang ako," inangat nya ang paperbag na dala nya. "Onion rings. Gusto mo?"

Walang pasabi na inagaw ni Barbs ang paperbag mula kay Wes. "Di mo kasabay si Rocky?"

"Pumunta ng Town eh, kasama si Vivien. May bibilhin ata para sa TLE. Ba't ka pa andito?"

"Andami mong tanong!" busy si Barbs sa pagkain. Tumambay sila don sa may tindahan.

"Nag-uusap na kayo ni Rocky ah," malumanay na sabi ni Barbs. Nang di sumagot si Wes.. "Hoy a--"

"Don't hit me." Tinakpan pala ng mokong ang mukha nito.

"HAHAHAHAHAH T@NGINA DI KITA SASAPAKIN!!! SI CHESTER LANG ANG SASAPAKIN KO KASI DESERVE NYA YON!!!!"

Binaba na ni Wes ang kamay nya. "T-talaga? Hindi mo ako sasapakin?"

"Tumigil ka baka magbago isip ko. Ano, nasabi mo na?"

"Oo. Natakot ako eh, baka mawala pa."

Nilukot ni Barbs ang paperbag at tinapon sa basurahan. "O diba? Madali lang? Kailangan pa palang may hahalik sa kanya bago ka matauhan eh! Upakan kaya kita dyan!"

"Kaso friends lang daw."

"Hoy di bagay sayo ang emo!!" pinagsusuntok nya ang biceps ni Wes. "Parang g@go to. At least nasabi mo na! Wala nang eps!!"

"Malay mo meron."

"Sige isipin mo yan, talagang magkakaron. Tawagin ko si Po--"

"Barbs naman! Kinuha mo na nga onion rings ko kung anu-ano pa sinasabi mo dyan!!!"

"Eto naman chill lang dre! At least okay kayo. Gawin mo lahat para maramdaman nya yang sincerity mo. Kung di ka ba naman g@go't kalahati eh."

"Okay ka na ba?" biglang naging concerned si Wes.

"Naman. Okay lang ako! Bakit?"

"Wala lang. Natakot ako sayo eh, dun sa essay mo. Ang lalim masyado. Baka may problema ka."

"Suuuus.. wala yon! Nadala lang ako ng emoness! Walang pinaghuhugutan yon!!!" may tawa effect pa si Barbs.

"Sure ka? Mukhang meron eh."

No choice si Barbs. "Meron ngang basis, pero okay na. Ayos na. Tignan mo, ang saya ko nga ngayon diba? Nakakapanibago ba?"

"Sure ka?"

"Oo naman sure na sure ako! Pero thanks for asking, Wes."

"Psh. Okay lang yon. That's the least thing I can do for you. Madalas ka ngang nasa tabi namin Barbs, nahihiya ako minsan na nakakalimutan ka namin tanungin kung okay ka. Masyado ka kasing matapang eh. Akala namin palagi kang okay."

Barbs chuckled. "Sanay nako. Pero salamat dre at nagtanong ka. Nakakatuwa lang talaga."

"Basta Barbs ha, kahit anong mangyari magsabi ka lang ha? Deal?" at nagfistbump ang dalawa.

--

Pagkauwi ni Barbs sa kanila, nagcheck ulit sya ng Wattpad, baka kasi may update na ng Those Three Words. Dapat itatype lang nya sa address bar ang WP profile ni Mr/s Darcy kaso natempt syang tumingin ng profile nya.

Nagulat na naman sya nang dumami pa ang messages sa MB nya. Kung anu-ano na ang nakapost since dineactivate nya ang FB acct ni notanotherfairytale.

Maraming readers ang disappointed sa ginawa nya sa ending ng YTOTIW. Gets nya yun. Ang di nya matanggap ay yung readers na kung makamura o makapintas sa kanya as a person. Tempted syang i-mention lahat ng nagpost ng masasama sa kanya nang may lumabas na notif sa Meebo.


Mr/s Darcy sent you a message.


Bigla sya nanlamig. Sht, she forgot na reader pala nya si Mr/s Darcy. Natakot syang bigla. Baka madisappoint nya ang idol nya. Pikit-mata nyang kinlick ang link na yon.

At eto ang tumambad sa kanya:


Hi!

I don't know what to call you, masyado ka kasing enigmatic sa WP. Ano bang pwedeng itawag sayo?

Anyway.. chill ka lang ha. I've read your last update and as a reader, medyo nadisappoint ako sa ending. Pero as a writer, alam kong may reason ka kung ba't tinapos mo ang YTOTIW that way.

Don't let them bother you. Karamihan sa readers dito sa WP ay blinded sa notions ng romance and blahs. Wala na ang reality concept sa kanila. And I must say isa ka sa ilan na nagbigay ng reality concept sa WP through your stories.

I am a fan of yours, notanotherfairytale. I know hindi tayo close pero kung may mang-aaway sayo, I'll be here to defend you. Smile lang, okay? Kaya yan!

- MRSD


**

WEEE! Mahaba ba? Mukhang hindi! HAHAHAH! May update ulit ako sa Thursday.. and may announcement na kasama yon. Special ang update sa Thursday kasi...

FLASHBACK YON! Abangaaan XD

Continue Reading

You'll Also Like

11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
3M 55.4K 26
(COMPLETED) I don't believe in DESTINY... I really don't... but along came this girl.
1.3M 67.2K 56
Cupid Gone Wrong Book 2 Light only
584K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...