Only Hope

By summerheartbreak143

3.5K 194 98

More

Only Hope
CHAPTER ONE: HOPELESS!!
CHAPTER TWO: DEAL!!!
CHAPTER THREE: Agaw Eksena sa MCDO!! xD
CHAPTER FOUR: Start of Pretending
CHAPTER FIVE: Sweet Revenge
CHAPTER SIX: AWKWARD??
CHAPTER SEVEN: Siguro nga... TAMA SYA!!
CHAPTER NINE: ANO?!?
CHAPTER TEN: TRUTH!!
CHAPTER ELEVEN: my only hope ang strength=TROY
CHAPTER TWELVE: i love you...sabay TAKBO
CHAPTER THIRTEEN: ANYAREH?!?
CHAPTER FOURTEEN: LONG LOST.... WHAT?!?!
CHAPTER FIFTEEN: New Circle of Friends
CHAPTER SIXTEEN: EX versus NEW
CHAPTER SEVENTEEN: The Beginning (ONLY HOPE)
CHAPTER EIGHTEEN: hawak kamay

CHAPTER EIGHT: ROVESCA

171 10 0
By summerheartbreak143

Ngayon lang nakapag update. Ngayon lang nagkatime ehh.. saka, wala kasing connection. .. haha.. love ko kasi ang mga readers ko.. kahit isa ka lang.. ayus na sakin yun. Masaya na ko dun.. so ayun po.. hehe.. pambawi ko nalang po itong chapter na to.. sana magustuhan,,, nextime ko na iupdate yung iba kong story. ito nalang muna. tatapusin ko.. ^_^

ENJOY READING GUYS..

Comment lang sa baba.. ok lang yan..

Wag na mahiya.

CHAPTER EIGHT: ROVESCA!!! ^_^

Ok. umaga nanaman.. :) Masaya ako na malungkot na ewan. Alam nyo naman. Mula nung makilala ko si troy naging bipolar na ko. >.< as usual, bumaba na ko para sana magluto na ng almusal para samin ni troy. Di ko parin naman nakakalimutan na boss ko sya. kahit pa sinabi nya sakin gusto nya ko...

^______^ bakit ba napapangiti ako pag naaalala ko yung sinabi nya na yun? kainis naman ehh.. >.< psh.. pero bakit ganun? Pilitin ko man na magpoker face, o mainis, hindi ko magawa. Napapangiti talaga ako ehh.. ANUBEYYY!!! Ganito ba talaga ang feeling ng malalandi? Pwes, naiintindihan ko na sila kahit papano. Masaya naman pala talaga.. kaya lang.... psh.. wala.. makababa na nga lang para makapaghanda na ko ng almusal. Kaya lang, pagpunta ko ng kusina, gaya ng dati, nandun na sya at nagluluto. Naramdaman nya ata na tinitignan ko sya kaya napatingin sya. nagsmile sya pero tinignan ko lang sya. sa totoo lang gusto ko din sya ngitian kaya lang, pinipilit kong huwag ipakita yung emosyon ko. kaya nagpoker face nalang ako. Kahit na deep inside, ngiting ngiti na ko.. nakangiti parin sya sakin kaya nilapitan ko na sya.

“ bakit ikaw nagawa nyan? Dapat ako nagawa nyan. Sinong bang katulong dito? Kailangan lumugar ka.. BOSS kita.. kaya dapat, ako gumagawa nyan. Hindi ikaw.” Bakit parang may kumirot ng konti sa puso ko, habang sinasabi ko yun? nakita ko naman na nagbago yung expression ng mukha nya. parang naging malungkot sya na ewan.

“ Masaya ako sa ginagawa ko. Masaya akong ipagluto ka ng pagkain. Masaya ako na nakakapagpahinga ka ng ayos. Masaya ako kapag hindi ka napapagod. Kaya ginagawa ko to. Siguro nga dapat lumugar ako. Pero, pilit ko naman linulugar yung sarili ko ehhh......... sa puso mo.” mahina lang yung pagkakasabi nya nun, pero, narinig ko. pakiramdam ko namumula nanaman ako kaya inagaw ko na sa kanya yung sandok at tumalikod sa kanya. Sakto namang pagtalikod ko, napangiti ako.. ang hirap pala magpigil noh?? Ngayon ko lang naman kasi to naramdaman kaya masyadong kakaiba sa akin..

“ siguro, simula ngayon, dapat maintindihan mo... na... deal lang ang lahat.. wala kang dapat seryosohin... we just need to act.. pretend that we love each other... pretend to be sweet in front of others.. do take it seriously... masasaktan ka lang...” habang sinasabi ko yan, nawawala yung ngiti sa mga labi ko.. yan naman ang gusto ko ehh.. gusto ko syang iwasan at ipakita sa kanya na wala lang sakin lahat ng sinabi nya. gusto kong iclear sa kanya na trabaho lang lahat ng ito.. para hindi na ko, tuluyan pang mahulog sa kanya.. kagabi ko pa to naiisip at tingin ko... eto ang makakabuti para saming dalawa...

“ alam ko.. alam kong deal lang ito. At alam kong ako ang nagpasimula ng lahat. Pero, kasalanan ko ba?? Kasalanan ko ba na magustuhan kita? Kasalanan ko ba na lahat ng pinapakita ko sayo, lahat yun, totoo? Na walang halong pagkukunwari?? Chesca.. nahihirapan din ako.. mali.. ako lang pala ang nahihirapan.. oo.. nahhihirapan ako chesca. Nahihirapan akong pigilan ang nararamdaman ko para sayo.. nahihirapan akong magpretend kasi ang gusto kong gawin ehh totohanin ang lahat.. chesca, pwede bang bumalik tayo sa dati? Wag mo naman akong iwasan.. oo sinabi kong gusto kita.. pero hindi naman ako humingi ng sagot sayo.. sinabi ko lang kasi nahihirapan na kong itago.. pero chesca.. hayaan mo lang akong maging ganito sayo...........hanggang sa magsawa ako.kasi...alam ko....hindi din to magtatagal....” ewan ko ba kung bakit? Bakit bawat salitang sinasabi nya, bawat linyang nilalabas ng bibig nya, tumatagos sakin.. bakit parang nasasaktan ako??? Diba ito gusto ko??? pero, bakit parang gusto ko syang pigilan na magsawa sakin? bakit parang gusto kong sabihin na.... wag mo na pigilan ang sarili mo kasi gusto na rin naman kita???? Pero, iba naman ang nasabi ko sa kanya..

“ hindi naman ako naiwas. Marunong akong lumugar.. wag ka magalala.. hindi ko papabayaan ang trabaho ko. sana lang.. mabilis kang magsawa sa nararamdaman mo...sana.. kasi nakakailang ehh.. tss..” nararamdaman kong may unting mga luha ang tumutulo sa pisngi ko.. pinipigilan ko yun.. hindi ko nga namalayan na nasusunog na pala yung bacon na niluluto ko.. pero, hindi ko parin sya inaahon.. niluluto ko parin sya..

“ sana nga chesca.. sana magsawa na ko sayo..” hindi ko na kaya.... nilakasan ko pa yung apoy hanggang sa Makita kong pati yung kawali, umiitim na.. wala akong pake... gusto ko ilabas lahat ng sama ng loob ko. lahat ng takot ko gusto kong mawala... dito nalang... dito nalang sa kawaling to.. at sa bacon na to... dito ko nalang ibubuhos lahat ng galit ko.. nakahawak ako sa may gilid sa hawakan ng kawali... tapos.. halo lang ako ng halo sa bacon... hindi naman ata ako napapansin ni troy kasi nakatalikod sya sakin.. naiinis ako.. sa sarili ko.. inis na inis ako sa sarili ko.. bakit ba kasi hindi pwede? Bakit ba kasi....

“ WHAT THE F*CK CHESCA.. BALAK MO BANG SUNUGIN ANG BAHAY KO?? ANO BANG PUMASOK SA ISIP MO AT GINAGAWA MO YAN??” hindi ko sya pinakinggan.. niluluto ko parin yung uling... este bacon na naging uling.. naiinis parin kasi ako sa ginagawa ko. sa sarili ko. inis na inis parin ako.. hindi ko na alam ang gagawin ko. nalilito na ko. nagtatalo na ang puso’t isipan ko... ANO NA BA????

“ SH*T CHESCA.. MAINIT YAN. BAKIT HAWAK HAWAK MO YANG KAWALI... NAPASO KA NA..” nakita ko namang pinatay nya yung gas para mamatay na rin yung apoy.. pero sige lang ako sa pagluluto ng uling na bacon.........teka.....napaso ako???? Napatigil ako sa paghahalo ko at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kawali...

“ AHHHHHHHHHHHHHHH” sh*T ang sakit.. tae... pero, mas masakit parin yung nararamdaman ko.. naramdaman kong hinawaka ni troy yung kamay ko.. masakit sya pero, ang Makita si troy, mas masakit pa ata..

“ ano bang nangyayari sayo chesca???” ano nga bang nangyayari sakin? bakit ba ganito ako makareact? Ano ba? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. naiinis na ako sa sarili ko.. tinabig ko yung kamay nya na nakahawak sakin at tumakbo ako papunta sa labas.. wala namang pasok ngayon ehh.. tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa may mabangga ako...

“ chesca???” napatingin ako sa nagsalita...si ... sino ba to?

“ sino ka?” tanong ko sa kanya.. hindi ko kasi sya kilala ehh. kaya lang parang na-amaze pa sya kaya in-snob ko nalang sya at tumakbo na paalis. Wala akong balak makipagusap sa kung sino sa ngayon.. tumakbo nalang ako hanggang sa makarating ako ng playground. May mga batang naglalaro doon.. nakatingin lang ako sa kanila.. pinagmamasdan ko sila habang naglalaro sila.. parang ang saya saya nila. Wala silang problema.. medyo matagal din ako dun hanggang sa sinundo na yung tatlong batang naglalaro doon sa may duyan ng mommy nila. Namiss ko naman bigla si mommy.. nasan na kaya sya ngayon? Saan kaya sya nagpunta? Bakit hindi nya ko sinama nung umalis sya? kung magkasama kami, edi sana hindi ko nakilala si troy.. maya maya pa. May isang bata nalang ang natira doon na naglalaro sa may see-saw bay un?? Kaya lang, hindi sya makataas.. wala kasi  syang kalaro kaya lumapit ako sa kanya..

“ hi..” tumingin naman sya sakin.. nakangiti sya.. ang cute nya..

“ hello po.. may nangaway po ba sayong bad na bata?”-cute baby.

“ ha? Wala naman little girl..” tapos nagsmile ako sa kanya

“ ganun po ba? Ehh bakit po naiyak ka po?” napahawak naman ako sa pisngi ko.. oo nga noh.. naiyak parin ako..

“ haha.. hindi. Napuwing lang ako..” sagot ko sa kanya tapos nagsmile lang ako..

“ ganon po ba? Para po pala kayyong baliw noh? Natawa tapos naiyak? Takas po ba kayo sa mental??” aba.. baliw tong batang to ahhh.. >.<

“ haha.. ikaw talaga.. bakit nandito ka pa? Hindi ka pa ba uuwi sa inyo? Wala ka nang kalaro ohh..” sabi ko sa kanya.. naaaliw din naman ako kahit papano..

“ ayy. Wala pa po kasi yung........... DADDY!!!!” napatayo naman sya at tumakbo sa daddy nya.. nakita kong binuhat sya nung daddy nya.. inikot ikot pa sya tapos kiniss sya nung dad nya.. merong kahit konting kirot sa puso ko ang naramdaman ko... at merong isang bagay akong narealize.. naiinggit ako dun sa bata.. naiinggit ako sa kanya kasi may daddy sya at kitang kita kong mahal na mahal sya ng daddy nya.. at isa pa... narealize ko na hindi lahat ng tatay, katulad ng dad ko.. hindi ko dapat kinainisan ang lahat ng lalaki. Kasi gaya ng nakikita ko, meron paring mga tatay na nagmamahal sa mga anak nila.. Masaya ako para doon sa bata kasi hindi nya mararanasan ang tulad nung naranasan ko. nakita kong umalis na yung bata kasama yung daddy nya.. naiwan akong magisa.. umupo nalang ako doon sa may duyan. Iginala ko yung paningin ko hanggang sa may Makita akong isang batang babae na mga 10 years old na ang nagtatago sa isang malaking puno.. umiiyak sya kaya nilapitan ko sya...

“ bakit ka naiyak??” tanong ko sa kanya.. umupo nalang sya sa may ugat nung puno kaya umupo din ako sa tabi nya..

“ wala kang pakelam. Hindi tayo magkakilala..” naaalala ko tuloy dati. Nung bata pa ko. ganyan din ako.. siguro may pinagdadaanan to..

“ you know what.. hindi maganda kapag kinukubli ang nararamdaman.. nakakabaliw yun at minsan, nakakamatay dahil sa sobrang stress..” nagbago naman yung expression nya at napatingin sakin... hinawakan ko yung cheeks nya at pinunasan yung mga luha sa mukha nya na patuloy parin sa pagagos.. nagsmile ako sa kanya.. “ sabihin mo lang.. you can treat me as your big sister.. ate??” sabi ko sa kanya.. nakita kong nagsmile sya tapos hinug nya ko.. hinug ko din sya tapos nung nagbitiw na kami sa pagkakayakap, nagsalita na sya..

“ nakita ko kasi yung bata kanina.. nainggit lang po ako.. namiss ko lang po yung daddy ko.. wala po kasi sya samin. Iniwan nya po kasi kami.. may iba nap o syang pamilya..” nalungkot ako bigla.. napatingin ako sa kanya at nakita kong nagsisimula nanaman syang umiyak.. this time, hindi lang sya ang umiiyak. Umiiyak na din ako..

“ galit ka bas a kanya?” tanong ko sa kanya..

“ hmmm.. opo.. galit ako sa kanya.. nung una.. pero, narealize kop o na hindi ako dapat magalit sa kanya. Mas magiging kumplikado lang naman po kasi ang lahat kapag nagstay pa sya samin. Siguro po hindi lang po talaga sya samin sasaya. Siguro po, meron pang iba na makakapagpasaya sa kanya.. pero, sa iba naman po yun,, nagalit po ako sa kanya, pero, mas matimbang parin po siguro yung dugong nananalantay sakin.. hindi ko pop ala kayang magalit sa kanya kasi po, kahit papano, tatay ko parin po sya” lalo naman akong naiyak dahil sa sinabi nya.. bakit ganon? Bakit parang unti unti, nababawasan yung galit k okay daddy? Bakit parang, tama sya.. dad ko parin sya. at iisa ang dugong nananalantay samin? Tingin ko, kung hindi din naghiwalay sila mom and dad, mas magiging worst pa ang buhay ko kasi alam kong hindi na sila Masaya sa isat isa. Mahihirapan lang lalo si mommy kung nagkataon.. napangiti naman na ko.. hinug ko lang ulit yung bata tapos..

“ thanks.. hindi ko alam na isang bata lang ang magpapaintindi sakin ng lahat..” tapos nag smile ako.

“ po?” nagtataka sya pero, hindi ko na sya pinansin.. pinat ko nalamng yung ulo nya tapos nagsmile sa kanya.

“ naiintindihan kita.. alam kong masakit mawalan ng daddy pero hayaan mo.. may mommy ka naman diba?” napasimangot naman sya sa sinabi ko..

“ wala nga po ehh. nasa ibang bansa po sya para magtrabaho. Mula po nung naghiwalay sila, lagi nap o syang wala sa bahay namin. Katulong lang po ang lagi kong kasama.. tapos po, wala pa kong kapatid.” Nalungkot naman ako.. kasi si mommy, kahit papano, lagi parin syang nagsstay dito sa Philippines. Kapag kailangan lang talaga, saka sya naalis.

“ ganon ba? Oh sige.. mula ngayon, ako na ate mo.. oh kung gusto mo, ako magiging second mom mo? gusto mo ba yun??” tanong ko sa kanya. Ewan ko ba. Parang gusto kong iparamdam sa kanya yung sarap ng may mommy..

“ talaga po??” nagsmile naman sya tapos naghug.. “ teka lang po.. ano po palang pangalan nyo?” tanong nya sakin..

“ call me mommy chesca.. ok??” hehe.. parang feel na feel ko naman... kaya lang, parang kanina pa ko nasasaktan na something.. napatingin ako sa kamay ko.. oo nga pala. Napaso ako.. hindi naman masyado kasi nga may pot holder parin naman akong kanina.. kaya lang sa panggigigil ko kanina, medyo natama sya sa braso ko kaya ayun puro paso..

“ ahh. Ako naman po pala si Rovesca.. ecca po tawag nila sakin..” nagsmile naman sya sakin. ang cute nya.. “ mommy chesca..bakit nga po pala kayo naka paa?” napatingin ako bigla sa paa ko.. gosh. Nakapaa nga ako..

“ saan bahay nyo? Hated na kita sa inyo..” tumayo na kami.. kainis. Nakapaa lang ako.. ansakit na din pala ng paa ko. naglakad nalang kami papunta sa bahay nila ecca. Pansin ko lang, yun din yung papunta sa amin.. kaya lang, nagulat ako nung nag stop sya tatlong bahay bago yung bahay ni troy..

“ dyan ka nakatira?” tanong ko sa kanya.

“ opo. Ayaw ko pa nga po sana umuwi ehh.. gusto mo po ba munang pumasok? Bigyan po kita ng tsinelas.. mainit po kasi yung kalsada.. baka po napapaso ka na.” -.- oo nga.. kanina pa ko napapaso.. tsss.. kanina pa ko napapaso.. sa tingin ko lang..

“ wag na. dyan nalang naman yung bahay namin ehh..” sagot ko sa kanyya

“ talaga po?? *__*” nagniningning pa yung mata nya.. problema neto??

“ oo.. bakit? Pasok ka na.. mainit na ehh..” sabi ko sa kanya. Kasi nga mainit na talaga.. masakit na sa balat yung sikat ng araw at saka.... gusto ko na umuwi....

“ ehhh.. malapit naman pop ala yung bahay nyo.. punta po muna ako sa inyo.. please....” tapos nag pout pa sya.. naku.. parang ako talaga. Kaya sinama ko na sya. nagpaalam naman sya dun sa yaya nya na dun lang sya. tinuro ko naman yung bahay ni troy. Pagdating namin dun.. nakita ko si troy na nasa labas ng bahay..tumakbo sya palapit sakin tapos niyakap ako.. hinawakan nya yung braso ko tapos chineck nya.. mukhang alalang alala sya.. tapos pa nun, nakita nya yung paa ko..

“ ano ba? Saan ka ba nanggaling? Saan ka ba nagsuot? Bakit ba tumakbo ka palayo??? Hindi mo baa lam na nagalala ako sayo..” nagulat naman ako sa kanya.. gusto ko na ngumiti pero, pinipigilan ko. di parin nagbabago yung isip ko.. meron parin akong isang bagay na nararamdaman..

“ saka, tignan mo. andami mong paso.. halika. Gamutin natin yan.” Bakit ba ang oa nya? hindi naman na masakit ehh.. tsss.. saka, di naman ako nagiinarte..

“ mommy chesca.. sino po sya?” nagulat naman si troy..

“ sino yung nagsalita??” tapos napatingin sya kay ecca.. “ anak mo? may anak ka na?” tanong nya sakin.. binatukan ko nga.

“ tss.. nakita ko sya sa playground. Explain ko sayo mamaya. Dito muna sya.. ok?” sabi ko sa kanya. Tapos pumasok na kami ni ecca.. pumunta kami sa kwarto ko tapos nagsabi ako sa kanya na maliligo lang ako.. ayun nga. Naligo lang ako. Pagkatapos ko dun, lumabas lang ako. Nakita ko naman si ecca na natutulog. Napangiti naman ako.. ganito ba ang feeling ng may anak?? Nilapitan ko sya tapos pinat ko yung ulo nya.. nagising naman sya.. sensitive tong batang to..

“ mommy tapos ka na pala..” nagsmile sya sakin.. ako din naman ganun sa kanya..

“ kain tayo? Tara..” tapos hinila ko na sya.. maliit na bata lang to.. pero, halata mong mga 10 na sya. maganda din sya. mahaba ang buhok nya at straight na straight. Black na black din.. singkit ang mata nya tapos mahaba ang pilik mata. Mukha syang living doll. :))

Pagkababa namin, kinalabit ako ni chesca at nagtago sa likod ko.. napatingin naman ako sa kanya. At nakita kong may tinitignan sya. kaya napatingin din ako.. si troy pala.. takot sya kay troy?? Haha.. natawa naman ako dun. Pero di ko pinahalata..

“ ecca. Wag ka matakot sa kanya. Mabait sya.. sya nga pala si troy..” sabi ko sa kanya... lumapit naman si troy at lumuhod.. nakapoker face lang sya.. psh.. kaya natatakot sa kanya yung bata ehh. mukha syang masungit na ewan..

“ asawa nyo po ba sya??” napatingin ako kay troy bigla at ngumiti sya..

“ hi---“ di ko natapos yung sasabihin ko kasi sumingit sya..

“ hindi pa baby.. pero malapit na. ikakasal na kami.. ikaw flower girl ha..” nagbago naman yung expression nya tapos nag smile..

“ talaga po? Sige po. Edi kayo na po pala ang daddy ko..” nagulat ako sa sinabi ni ecca.

“ ecca----“ naputol nanaman ang sasabihin ko kasi nagsalita nanaman to..

“ oo.. ako na daddy mo.. nasan ba ang bahay mo? bakit kasama ka nya?” nagtanong naman tong si troy.. tss.. feeling close..

“ dyan lang po. Wala po kasi ang mommy ko. kaya po si mommy chesca nalang po muna ang mommy ko. sya nalang po muna ang second mom ko.. ansaya naman po. Meron pa kong second daddy.” Teary eyes na si chesca.. nagulat naman ako kay troy kasi binuhat nya si chesca.. para silang mag ama.

“ anong pangalan ng baby namin?” parang namumula na ata ako.. BABY NAMIN!?! Pag nagkaanak kami, ganito din ba sya sa magiging anak namin? WHAT?!? Anong anak anak?? Psh.. brrr...

“ rovesca po ang name ko.. ecca nalang po itawag nyo sakin..” kitang kita mo sa mata ni ecca na ang saya nya.. siguro ganun din ako kung nagkaroon ako ng second dad na katulad ni troy.. napangiti nalang tuloy ako habang tinitignan sila. Napansin ko naman na nakatingin si troy sakin.. kaya nagiwas ako ng tingin..

“ ang ganda naman ng name mo.. ROV..ESCA.. parang Robert and chesca lang..” O__O Robert??? As in troy Robert salcedo? SH*T.. namula naman ako.. nagpunta na sila sa kusina. Tinawag ako ni ecca kaya sabay sabay na kami kumain., medyo nakakalimutan ko na din yung rovesca thingy.. nageenjoy kasi ako sa kanila ehh.. ang cute nilang tignan. Para silang magtatay. At  para kaming isang pamilya. ^_^ naglaro lang kaming 3 buong maghapon hanggang sa kelangan nang umuwi ni ecca. Hinatid namin sya sa kanila. Nagbbye lang sya tapos hug and kiss sa cheeks samin. Ang cute talaga. Parang.. gusto ko tuloy magkababy..

“ ang cute nya. Masaya palang maging tatay. Ngayon ko lang narealize na dapat hindi ako nagiging masungit sa mga girls. Kasi, kung wala sila, hindi kami magkakaanak.” Sabi nya..

“ at kung wala ang mga lalaki, hindi rin kami magkakaroon ng anak.. ganon din.. siguro, ako din.. hindi na din ako dapat maging masungit sa mga boys..” napatigil sya kaya ako din napatigil..

“ chesca.. siguro nga.. kailangan ko na maging close sa mga girls.. para makalimutan ko agad yung feelings ko para sayo..” nagulat naman ako sa sinabi nya.. ayoko nun.. ayoko.. ngayon ko lang narealize ang lahat ehh.. hindi pwedeng ganito.. nagsimula na ulit syang maglakad.. sinundan ko lang sya.. tapos na din kami mag dinner kaya dere-derecho sya sa kwarto nya.. kaya lang... hindi ko na ata kaya pa ito.. tinawag ko sya..

“ TROY..” kinakabahan kasi ako ehh. napasigaw tuloy ako. Hindi sya lumingon.. pero, mas ok na siguro yun.. para mabawasan ang kaba ko..

“ troy wag mo ko layuan... wag mo ko iwasan... wag ka na maging close sa ibang girls... please... ako lang.. ako lang ang gustuhin mo.. ako nalang...  please. Wag mo kalimutan yung feelings ko para sayo...” napalingon sya sa sinabi ko... halatang gulat yung expression nya..

“ b-bakit mo sinasabi yan? Chesca...” nalilito yung expression nya.. hayyyy.. GO CHESCA!!! Kaya mo yan!!! WUHHHH.. sige lang chesca.. icheer mo ang sarili mo..

“ k-kasi...” tumakbo ako papasok sa kwarto ko at sinara ko yung pinto.. sumandal ako sa pintuan ko. at narinig ko napasandal din si troy sa labas ...saka ako nagsalita...

“ GUSTO DIN KITA TROY AT GUSTO KO.. AKIN KA LANG.. KAYA WAG KANG HAHANAP NG IBANG BABAE!!!” yun lang pero napangiti ako.. naglakad ako papunta ng kama.. pero narinig kong bumukas ang pintuan ko at nakita ko ang isang gwapong lalaki na nakangit ng malapad na lumalapit sakin at sinabing...

“ i don’t like you chesca....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

HANUDAW????????

Haha..sorry po sa matagal na update.. busy po kasi ako sa school.. madami po akong ginawa.. andami ko pong quiz.. kaya madami akong dapat aralin.. may report din po ako na dapat ayusin.. pero dahil sa medyo nakabawi na ako, eto na ang update ko.. sana naenjoy nyo. Kahit papano.. mwahaha.. nabitin ba? Sorry po.. ^_^ anyways...

SALAMAT SA MGA NAGBABASA..

BUKAS ULIT!!!

I LOVE YOU ALL..

~~summerheartbreak143

Continue Reading