Living With a Vampire | ✓

By JosevfTheGreat

1.2M 37.6K 13.8K

I was astonished because he's an untypical person you can interact with but the last thing I knew he's with m... More

CAST
Synopsis
LWAV 1
LWAV 2
LWAV 3
LWAV 4
LWAV 5
LWAV 6
LWAV 7
LWAV 9
LWAV 10
LWAV 11
LWAV 12
LWAV 13
LWAV 14
LWAV 15
LWAV 16
LWAV 17
LWAV 18
LWAV 19
LWAV 20
LWAV 21
LWAV 22
LWAV 23
LWAV 24
LWAV 25
LWAV 26
LWAV 27
LWAV 28
LWAV 29
LWAV 30
LWAV 31
LWAV 32
LWAV 33
LWAV 34
LWAV 35
LWAV 36
LWAV 37
LWAV 38
LWAV 39
LWAV 40
LWAV 41
LWAV 42
LWAV 43
LWAV 44
LWAV 45
LWAV 46
LWAV 47
LWAV 48
LWAV 49
LWAV 50
LWAV 51
Chapter 52 & 53
LWAV 54
LWAV 55
LWAV 56
LWAV 57
LWAV 58
LWAV 59
Epilogue
New Story!

LWAV 8

25.6K 931 205
By JosevfTheGreat


Chapter 8: Smile

Aubrey's POV

Nakatayo ako, nag-hihintay nanaman ako ng tricycle. As always, mag-isa at walang kasama, wala naman si Darryll eh, ayaw niya ata ako kasabay umuwi, or hindi naman siya uuwi sa'min.

Gabi na pero nakatayo parin ako rito, nag-hihintay sa tricycle. Wala naman kasing nadaan na tricycle rito, nakatulala lang ako sa malubak na daan habang sinasasabayan ng malamig na simoy ng hangin.

Mailap ang mga tala, na para bang nanadiya. Kung ano ang dilim ng kalangitan ay siya ring dilim ng aking kalooban.

Nakarinig ako ng kaluskos sa gilid ko, kaya napatingin ako ro'n. Pero hindi ko nalang pinansin, pero tumatayo ang balahibo ko sa batok, at umiihip ng malakas na hangin.

Tanging isang street light lang ang nakailaw at nakatutok ito sa'kin, luminga ako sa paligid, at wala akong makitang tricycle, lakad nalang ako kaysa mai-stuck ako rito at baka sobrang gabihin pa ako.

Sinimulan kong lakarin ang madilim na bahagi ng daan, kung saan mas lalong tumayo ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan, Hinagod ko ang buhok ko papunta malapit sa pisngi ko dahil ayaw ko makita paligid ko, natatakot ako.

Pinapakiramdaman ko ang paligid ko, bakit pakiramdam ko may sumusunod sa'kin, lilingon ba ako o hindi?

Sabi kasi nila kapag lumingon ka, mas nakakatakot 'yon eh, so hindi na ako lumingon at mas binilisan ko ang paglalakad ko.

"Why are you walking alone lady?" napatigil ako sa lalaking nagsalita sa likod ko.

Napalunok ako bago lumingon sa likuran ko, tatalon na sana ang puso ko sa takot at sa bilis nito tumibok nang nakita ko si Darryll na nakasando at naka shorts, his hair is messy and damn, he's so freakin' hot.

Napalunok ako bago sumagot sakaniya, "Uhmm, k-kasi walang tricycle?" sabi ko at kinakabahan parin.

"Why are you trembling, are you okay?" sabi niya.

Lumapit siya sa'kin atsaka kinuha ang bag ko, "Let me carry this." sabi niya at sinuot ang bag ko.

Inakbayan niya ako, "Let's go, alam ko namang natatakot ka." sabi niya at naglakad kami.

Naamoy ko siya bakit gano'n, ang bango niya. Tsaka namumula ako, bakit ba? Nakakatakot talaga si Darryll bigla nalang nagiging ganito ang actions towards sa'kin.

"Why are you so silent, hmm?" sabi niya.

"Wa-wala, nakakagulat ka kasi, tapos inaakbayan mo pa ako." sabi ko.

"Why is it wrong to put my hands on your shoulder simply because I care?" sabi niya at seryosong tumingin sa'kin.

Napatigil kami sa paglalakad, "No it is not wrong, pero please ayoko ng andiyan ka  lang dahil kailangan mo ako, sana andiyan ka kasi gusto mo." sabi ko at tumingin sa baba.

"Let's not talk about it, you know how much I hate dramas." sabi niya at hindi na ako inakbayan.

Hanggang sa makarating kami sa bahay, at matutuwa na sana ako dahil sinamahan ako ni Darryll pero naghihintay pala ro'n si Lannie sakaniya.

Sabi ko na nga ba, bakit ba ako umasa, wala ng pag-asang maging mabait sa'kin si Darryll, everything is a hoax.

"Hello Aubrey." sabi ni Lannie. 

"Hi."

"So, hinatid ka pala si Darryll." sabi ni Lannie.

"No, he didn't." sabi ko.

"What? Binalikan kita ro'n tapos hindi kita sinundo?" sabi niya at may halong inis.

"Darryll insert an effort on it, sana na-appreciate mo." sabi niya.

"Yeah, he indeed insert an effort, but do you think I will going to believe on that?" sabi ko.

Natahimik si Lannie at tumingin kay Darryll, "Darryll is a vampire, ikaw rin diba? Parehas kayo, kaya magsama na kayo, iwanan nyo na ako tutal sanay na akong mag-isa mamuhay." sabi ko.

"He won't leave." sabi ni Lannie.

"Whatever—" napatigil ako nang bigla akong hinila ni Darryll at kitang kita ko sa mata niya galit.

"Ikaw na nga itong ginawan ng maganda, ikaw pa itong ganiyan kung maka-asta?" sabi niya at tumaas ang kilay na medyo nakakunot.

"I would very much appreciate it, if it's from your heart. " sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawal sa'kin.

He cursed at dumiretso ako sa cr para mag-bihis, nakaupo muna ako sa sahig, dahil ayoko munang lumabas ng cr. Nakakainis kasi, si Darryll puro nalang siya kaplastikan.

"Dammit, naiinis ako." sabi ni Darryll.

Ngumisi nalang ako ng peke, hindi ko siya maintindihan kung bakit siya gano'n pero naiinis na ako.

Lumabas na ako ng cr at humiga sa kama, Wala na si Lannie at Darryll paglabas ko, matutulog nalang ako kaysa isipin ang mga bagay na hindi naman dapat isipin.

_

Pag-gising ko, hindi ko na pinansin kung andiyan ba si Darryll o wala, bahala siya sa buhay niya, basta ako, gusto ko munang maging masaya kahit papa'no, titigilan ko na si Darryll! isa pa, hindi naman kami nakapag build ng relationship.

Pero kasalanan ko ba kung mabilis akong magbigay ng value sa isang tao, lalo na kung naramdaman ko kay Darryll ang hindi pagiging mag-isa.

Kasalanan ko bang na-appreciate ko siya? Is it wrong to appreciate him? Hindi naman eh, so it's not my fault, it's his fault.

"You give value to me?" napatalon ako sa sobrang gulat nang narinig ko si Darryll na nakahiga sa sofa.

"Ano kaba! Bakit hindi ka nagsasalita nakakainis ka!" sabi ko at hinawakan ang dibdib ko.

Ay wala pala akong nahawakan kasi wala akong dibdib.

"Hindi na ako aalis, ayaw kitang iwanan, hindi ko kaya." sabi niya at umupo.

"Bakit hindi, mas maganda kung mag-kasama kayo ni Lannie dahil parehas kayong bampira." sabi ko at umupo sa sahig.

"No, I won't leave you here. Alone." sabi niya at nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi kaba naboboring sa buhay ko, wala akong magawa sa buhay ko kaya nadadamay ko, kesa kay Lannie na mayaman, mabibilhan kapa ng mga masarap na dugo." sabi ko.

"Are you pushing me away?" sabi niya at kumunot ang noo.

"No, Alam ko namang ayaw mo ko kasama kaya wag kana magpanggap." sabi ko.

"Totoo ang sinasabi ko Aubrey, Hindi kita iiwanan, And I won't fuckin' dare, you know why? Because you value me, and that's the thing I wanted to feel." sabi niya.

"To be valued.....I really don't the damn feeling, at first, akala ko may gusto ka sa'kin, dahil lahat ng tao na babae nagkakagusto sa'kin, parehas lang pala tayo, gusto natin pahalagahan tayo, I'm sorry dahil ang sama sama ko sa'yo, don't worry, I'll try my best to be nice and to be a gentleman for you." sabi niya at unti-unting ngumiti.

Damn, he smiled.

___

Continue Reading

You'll Also Like

30K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
5.5K 375 69
PEARL OF THE ORIENT #2 Most people believe that a dream is the opposite of reality. For instance, you dream of falling dollars like it's raining pitc...
24.4K 768 4
She was bound to die, but she denied her fate. In exchange, she was bestowed the power to take life with just one touch. She is Morana Magdalene and...
2.5M 55.9K 55
[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya ang puso niya? O malugmok ka na...