Operation: Make Sky Fall (Com...

By julieparin

40.7K 769 14

We are the story that never was. More

Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 32

685 15 0
By julieparin

Late

Mag-isa akong naglalakad-lakad ngayon dito sa mall dahil maaga kaming pinag-out since birthday naman daw ni boss

Ayoko palang kasing umuwi sa bahay dahil wala naman akong gagawin at saka wala naman si Stacy dahil hiniram na muna siya ni Sky

Eversince kasi na mamatay si Baxter, ay hindi na siya muling humawak ng aso dahil baka magselos daw ito. Pero simula naman nung bigyan akong muli ng aso ni Cloud, ay siya na rin ang palaging nag-aalaga dito na akala mo'y sa kaniya binigay

Nang mapagod na sa kakalakad ay naisipan kong pumasok muna sa isang coffee shop para makapagpahinga

Naghahanap palang ako ng upuan nang biglang may narinig akong tumawag sa aking pangalan

Nilingon ko naman iyon at napalunok nang makitang si Yana ito kasama ang isang buntis na babae

Sinisenyasan niya akong sa kanilang table na lamang din umupo

Anak ng tokwa naman oo

Pilit na ngiti agad ang aking ginawa bago lumapit sa kanila

Tumayo naman siya at sinalubong agad ako ng yakap

"It's so nice to see you again, Max" sabi niya bago humiwalay sa akin. "Ay by the way, si Cath nga pala, best friend ko"

Ngumiti naman ako kay Cath at ganun din siya sa akin

"Naku, teka, ako na ang oorder ng pagkain for you" sabi ni Yana at mabilis na tumayo

Pipigilan ko pa sana siya ngunit sinabihan ako ni Cath na hayaan na raw ang kaibigan niya

Pinagmasdan ko si Yana habang nasa counter at nakikita kong she's radiating happiness. Halatang-halata kung gaano siya kasaya ngayon dahil mas lalo pa siyang gumanda

Sana balang-araw makitaan din ako ng ibang tao ng kasiyahan sa mukha na katulad ng kaniya

"Matutunaw na sa 'yo ang kaibigan ko niyan"

Napahiya naman ako nang bigla akong punahin ni Cath

Hindi ko napansin na kanina pa pala siya nakatitig sa akin

Hindi naman din siya mukhang mataray pero ewan ko ba kung bakit nakakatakot siyang tumingin. Ngayon palang naman din kami nagkita at sigurado akong wala akong atraso sa kaniya

Bigla tuloy akong naconscious sa aking itsura dahil patuloy pa rin niya akong tinititigan kahit alam niyang nakatingin na ako sa kaniya. Ako nalang tuloy ulit ang nagbawi ng tingin dahil sa hiya

Bakit ba naman ang lalakas ng tama sa ulo nitong mga nakikilala ko?

"Alam mo maganda ka"

Biglaan niyang sabi kaya muli ko siyang tinignan

"Thank you po" nahihiya kong sagot

Akalain mo 'yun. Mukhang makakasundo ko 'tong isang 'to ah

"Open-minded ka ba?"

Muntik na akong maubo dahil sa sunod niyang itinanong

Ano kaya ang dapat kong isagot para matuwa siya? Huhuhu

"Joke lang, girl. Hindi naman 'to networking" natatawa niyang sabi kaya nakahinga ako nang maluwag. "Halata naman kasing hindi mo gustong makasama kami kaya medyo tinatakot lang kita. Effective ba?"

Hindi ko alam kung anong naging istura ko pero feeling ko mukha na naman akong tanga nito

Mabuti na lamang at dumating na rin kaagad si Yana na may dalang tray. Mabilis ko siyang tinulungan at baka tarayan na naman ako ng kaibigan niya

"Sorry, medyo natagalan ha? Nagkaroon daw kasi yata ng problem sa kitchen nila" pagpapaumanhin niya

"Ah hindi, okay lang"

"Kamusta ka na pala, Max? It's been years since we last saw each other" masayang wika ni Yana bago uminom sa kaniyang kape

"Okay lang naman" patango-tango kong sagot. "Ikaw, kamusta? At saka congrats nga rin pala sa kasal niyo ni Devil ha?"

"Ikaw naman, De Ville naman kasi 'yun" aniya habang humahagikhik

Napahiya naman akong nagkamot ng ulo. Kahit kailan ka talaga, Maxine

"Pero thank you ha? Aasahan ko ang pagpunta mo bukas"

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Bakit ba naman kasi ako pa talaga ang nagbukas ng usapang kasal na 'yan

"Hehe oo naman"

Sumulyap ako kay Cath at nakitang busy naman siya sa pagkain kaya hindi kami pinapansin

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magpapakasal na ako bukas"

Tumingin ako kay Yana at nakita kong mangiyak-ngiyak siya sa saya. Hinawakan siya ni Cath sa kamay bago ngitian. Ngayon, parehas na silang naluluha

Dapat din ba akong makihawak para hindi ako ma-OP?

Nagyakapan silang dalawa habang may mga binubulong sa isa't isa. Matapos naman noon ay nagtawanan sila saka naghiwalay

Gago 'tong mga 'to ah. Ako yata ang pinagtatawanan

Bigla namang tumingin sa akin si Yana kaya umarte akong kunwari ay nakikitawa rin

Hinawakan niya ang aking kamay na nakapatong sa table at marahan itong pinisil

"You know what, sometimes two people need to fall apart to realize how much they need to fall back together" nakangiti niyang sambit

Uhhhmmmm? Okay?

"Masyado na tayong matanda para maging in denial sa feelings natin, Max. Isa pa, you're a nice a person, you deserve all the happiness the world could offer"

Umiwas ako ng tingin dahil kahit hindi niya sabihin, pakiramdam ko ay alam ko na kung ano ang kaniyang ipinupunto

"All you have to do is to accept the feelings that you have for him. It's never too late, Max"

Posible pala 'yun 'no? Minsan hindi mo matanggap 'yung nararamdaman mo kaya pinapaniwala mo 'yung sarili mo na hindi mo 'yun nararamdaman. Kahit na 'yung totoo, 'yung mga pakiramdam na 'yun 'yung matagal nang gustong kumawala sa puso mo

Ang gulo. Ang gulo ko pala magmahal

"Mahal ko si Xander"

Matamis na ngumiti sa akin si Yana dahil sa aking pagbulong

"Mahal ko si Xander!" masaya kong sigaw kaya pinagtinginan kami ng mga tao

Napapahiya akong nagtakip ng bibig at sabay kaming dalawang humagikhik

"Nagsayang kayo ng ilang taon para diyan sa kaartehan niyo 'no?" biglang sabat ni Cath bago sumubo sa kaniyang cake

Sinenyasan naman ako ni Yana na 'wag nang pansinin ang epal niyang kaibigan

Mabuti nalang talaga at buntis siya dahil kung hindi, baka kanina ko pa ipinukpok sa ulo niya 'tong mga baso namin kahit may laman pa

Matapos ang pagkain namin ay napagpasyahan naman naming pumunta sa department store para maghanap ng mga cute na damit para sa magiging baby nina Cath. Lalaki raw pala ang magiging anak nito kaya siguro mainitin ang ulo. Wala pa namang scientific explanation na nagpapakita ng connection nun, pero bakit ba? Theory ko 'yun

Nang mga bandang alas sais ay nagpaalam na sila dahil kailangan na raw magbeauty rest ni Yana para sa kasal niya bukas. Tinawagan din nito ang mapapang-asawa para utusang ipagpaalam sa aking boss na aabsent ako bukas. Hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin 'yun eh pwede namang ako nalang ang magpaalam dahil joke lang naman 'yung sinabi ko kay Sky na inuutusan kaming mag-OT

Pinapasabay na rin nila ako sa kanila dahil sinundo sila ng asawa ni Cath pero tumanggi na ako dahil magkaiba naman kami ng daan pauwi

Kaya ngayon mag-isa na naman akong naglalakad papunta sa sakayan ng jeep

"Maxine?"

Agad akong lumingon sa likuran at nakita ang isang babaeng ngiting-ngiti sa akin

"My God, ikaw nga" aniya bago ako yapusin. "Akala ko namamalikmata lang ako. Naaalala mo pa ba ako? It's me, Kim"

Nagpilit naman ako ng ngiti sa aking kaharap

Ano bang meron ngayong araw? Bakit ang dami naman yatang nakakakita sa akin from the past?

"Kamusta ka na? Anong trabaho mo?" masigasig niyang tanong habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. "Pupunta ka ba sa kasal nina Yana? Pupunta kasi kami eh"

Hindi naman ako makasingit ng pagsasalita dahil kung ano-ano na ulit ang itinatanong niya at ikinikwento

Nakaangkla pa siya sa aking braso na akala mo'y close na close talaga kami

Puro "oo nga" at pilit na mga tawa lang ang isinasagot ko sa kaniya. Ano ba? Hindi ba niya mahalatang ayoko siya kausap?

Hihirit na naman siya ng isa nang biglang may pulang kotse na tumigil sa aming harapan

Mula doon ay lumabas ang isang batang babae na nakasuot ng pink dress

"Baby" bati nitong aking kasama bago lumuhod at salubungin ang tinawag niyang baby

Kamukhang-kamukha niya ang bata kaya sa tingin ko ay anak niya ito

"Oh where's daddy?" pagkatanong na pagkatanong naman noon ni Kim ay biglang bumukas ang pintuan sa driver's seat

Natigilan ako nang makitang ang lumabas mula doon ay walang iba kundi si Xander

Mukha rin naman siyang nabigla sa pagkakita sa akin pero mabilis siyang nakabawi at patuloy na naglakad papunta sa amin

"Long time no see, Maxine" malamig niyang sabi matapos halikan sa sentido si Kim

Ilang lunok ang aking ginawa dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan

"Paano Max, mauuna na kami ha?"

Wala sa sarili akong tumango nang magpaalam sa akin si Kim. Inalalayan ito ni Xander hanggang sa makasakay sa kotse at doon pinasakay ang anak nilang babae sa back seat

Sumakay si Xander nang hindi man lang ako nililingon at mabilis na pinaharurot ang sasakyan

Hindi ko na nagawang sundan pa ng tingin ang kanilang kotse dahil pakiramdam ko ay tinapakan ng ilang elepante ang aking dibdib sa sobrang sakit

Naniwala ako sa sinabi ni Yana kanina na it's never too late

Pero dahil dito sa nakita ko, parang isinampal sa akin ng tadhana na huli na ang lahat, huling-huli na ako

Continue Reading

You'll Also Like

279K 15.2K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
5.6K 3.9K 52
Francine Mei Zaldua is known as one of the top students at university of Asturias in Cebu province. She is a talented and a smart woman who dreamt to...
2.5M 41.4K 75
{Substitute Series #2} Kenneth Montemayor and Mandy Vilannueva.
7.7K 153 16
Ang storyang ito ay may halong katotohanan at hindi katotohanang pangyayari sa author nito.