Rental Girlfriend

By pennidhenny

42.4K 584 15

Book 1 (Trilogy) ******************************************* Isang ordinaryong babae na nagtatrabaho sa Girlf... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Special Chapter
Announcement!!!

Epilogue

1.7K 23 8
By pennidhenny

2 years later…

Kathie's POV.

Busy ako ngayon sa kuwarto ko, ginagawa ko kasi ang ibang paper works ng Girlfriend Company since tinutulungan ko na si Mom na mag-sign ng ibang papers. Nag-resign na rin ako bilang Rental Girlfriend at pumayag naman si Mrs. Buenavista.

Habang binabasa ko ang isang paper ay biglang pumasok si Mom sa kuwarto ko.

“Sweetie? May nagpadala sa‘yo nito,” nakangiting sabi niya habang hawak ang isang malaking puting kahon at naglakad palapit sa akin.

Inilapag niya ang kahon sa ibabaw ng kama ko at nagtataka ko naman iyong tinignan, “Kanino po galing?”

“Walang pangalan kung kanino galing e,” kibit-balikat na tugon niya.

“Baka po hindi sa akin ‘yan,”

“Sa‘yo raw, may full name mo pa nga oh.” tinignan ko ang card na nakadikit at nakita nga roon ang pangalan ko. “Maiwan na kita,”

Tumango ako bilang tugon, “Salamat po.” nginitian niya na lang din ako bago lumabas ng kuwarto ko.

Hindi ko pinansin ang box at nagpatuloy lang sa ginagawa ko. Ngunit hindi ko maiwasang ma-distract dahil kanina pa ko patingin-tingin doon, nacu-curious ako kung ano ba ang laman no’n.

Hindi rin nagtagal at hindi ko natiis na hawakan at titigan ang box pagkatapos ay muli kong binasa ang pangalan ko bago iyon tuluyang binuksan. Doon ay nakita ko ang isang short wedding gown. Humarap ako sa salamin at saka iyon itinapat sa akin, simple lang pero maganda.

(A/N; The gown was shown above.)

”Wow,” bulalas ko sa sarili matapos na isukat ang gown. Parang akong sinukatan dahil kasyang-kasya ‘yon mismo sa akin.

Ilang saglit pa ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

“Sweetie?” dinig kong tawag sa akin ni Mom mula sa labas.

“Yes, Mom?”

“I just want to ask if nasukat mo na ‘yong gown?” tanong niya kaya nagdesisyon akong lumapit at binuksan ang pinto.

Nakangiti akong bumungad sa kaniya at mangha naman siyang napatingin sa akin. “Bagay na bagay sa’yo, anak!” wika niya na bahagya kong ikinatawa.

“Thank you, Mom.”

“Ahh, later isuot mo ‘yan at may susundo sa’yo rito mamayang 7 PM.”

Nanlaki ang mga mata ko, “Don’t tell me, ipinagkasundo niyo ko, Mom?!”

Natawa siya, “Ano ka ba? I will never do that,” napanguso ako. “Basta isuot mo ‘yan, may pupuntahan ka raw na event.”

“What about you, Mom?”

“What?”

“You’re not coming with me?”

“Ohh, that. Aalis kasi ako mamaya, tumawag yung kumare ko gusto niya na kumain kami sa labas.”

“Why so sudden?” nakangusong tugon ko.

Nagkibit-balikat siya at marahang tumawa, “Gusto niya ko makita e,”

“Fine. Take care, then.”

She cupped my left cheek, “I’m sorry, sweetie. I promise, hindi ka mao-out of place sa event na ‘yon. Basta simulan mo nang mag-ayos para ready ka na kapag sinundo ka na at exactly 7, okay?”

Tumango ako, “Okay, Mom.”

“Good, mag-aayos na rin ako. Baka mainip ‘yon e,” muli na lang akong tumango bilang tugon bago siya pumunta sa kuwarto niya. Isinara ko naman ang pinto at iniligpit na ang ginagawa ko.

Hinubad ko na muna ang gown dahil kailangan ko munang maligo. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ako ng buhok at mukha nang maisuot ko na ‘yon after kong maligo.

Habang nagsusuot ng sapatos ay bigla akong nakarinig ng busina ng sasakyan kaya binilisan ko na ang pagsusuot nito bago kinuha ang clutch purse ko at pagkatapos ay bumaba na.

“Manong, ikaw na ba ‘yong susundo raw sa‘kin?” tanong ko sa isang driver pagkalabas ko ng bahay.

“Opo, Ma'am.” sagot niya at pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse. Nagpasalamat muna ko bago pumasok sa loob at nag-drive na siya patungo sa venue matapos niyang umupo sa driver’s seat.

Pagkarating namin sa venue ay pinagbuksan niya ko ulit bago ako lumabas sa kotse, tulad kanina ay nagpasalamat muna ko bago tuluyang bumaba. Pagkatapos ay naglakad na ko papasok sa venue, napansin ko ang dami ng tao at ang mga kulay ng suot nila.

Nagtaka ako dahil parang ako lang ang nakaputi sa venue na ‘to. Bigla naman akong kinabahan at nag-alangan na baka mali ang venue na napuntahan ko. Huminto ako sa paglakad at talagang tinitigan ang mga suot nila, nakumpirma kong nag-iisa nga lang akong nakaputi.

Hahakbang na sana ako palabas ngunit biglang may sumalubong sa akin na staff.

“Good evening, Ma'am. Hatid ko na po kayo sa table niyo. This way po,” tumango na lang ako at hindi na nakatanggi dahil nahihiya ako. Itinuro niya naman sa’kin ang daan papunta sa table.

“Thank you,” wika ko at nginitian siya.

Ngumiti rin siya sa akin pero makahulugan, “Good luck po.” ang sabi niya bago siya umalis sa harap ko. Hindi na ko nakapagsalita at pagkunot na lang ng noo ang natugon ko mula sa narinig.

Good luck? Para saan?

Nang makakita ako ng waiter na nagse-serve ng red wine ay kumuha ako ng isa.

“Okay, everyone. ARE. YOU. READY...?!” bahagya akong nagulat nang makarinig ng nagsalita sa mic. Hindi ko kasi expected na may paganoon agad.

“YEAH!!!” sigaw naman ng mga tao maliban sa akin.

“Okay! Let's start!” pagkasabi no’n ng kung sino mang nagsasalita ay namatay lahat ng ilaw at biglang nanahimik ang buong paligid.

Ilang saglit pa ay bigla akong nakarinig ng tunog ng instruments.

If you're not the one
Then why does my soul feel glad today?
If you're not the one
Then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine
Then why does your heart return my call
If you are not mine
Would I have the strength to stand at all.

Pamilyar ang boses ng kumakanta kaya hinanap ko ngunit wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.

Maya-maya lang ay may biglang tumapat sa akin na spotlight.

Wait, this is kinda familiar…

I'll never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one
I share my life with.saglit na huminto ang kumakanta at may isa pang spotlight na tumapat sa taong di-kalayuan sa akin.

I don't want to run away
But I can't take it,
I don't understand
If I'm not made for you
Then why does my heart
Tell me that I am?
Is there any way that
I can stay in your arms?doon ko napansin na iyon ang may hawak ng mic. Hindi ko makita yung mukha niya dahil sa distansya namin.

Kilala ko talaga yung boses niya pero ayokong umasa.

If I don't need you
Then why am I crying on my bed?
If I don't need you
Then why does your name resound in my head?
If you're not for me
Then why does this distance maim my life?
If you're not for me
Then why do I dream of you as my wife?"

Muli akong nagtaka nang may mga lumapit sa’kin at isa-isa akong binigyan ng white roses.

“I don't know why you're so far away
But I know that this much is true
We'll make it through
And I hope you are the one
I share my life with
And I wish that you could be
The one I die with
And I pray in you're the one
I build my home with
I hope I love you all my life.

Teka, balak niya talagang tapusin yung kanta?

“I don't want to run away
But I can't take it,
I don't understand
If I'm not made for you
Then why does my heart
Tell me that I am?
Is there any way
That I can stay in your arms?

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang humakbang siya ng dalawang beses palapit sa akin. Hindi talaga maikakaila na mas mapapa-in love ka niya sa  ganda ng boses niya.

“‘Cause I miss you,
Body and soul so strong
That it takes my breath away
And I breathe you into my heart
And pray for the strength to stand today
‘Cause I love you,
Whether it's wrong or right
And though I can't be with you tonight
You know my heart is by your side.

Nagsimula siyang maglakad nang mabagal habang kumakanta at habang palapit siya ay doon ko lang nakukumpirma. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa galak dahil muli ko siyang nasilayan.

"“I don't want to run away
But I can't take it,
I don't understand
If I'm not made for you
Then why does my heart
Tell me that I am?
Is there any way
That I could stay in your arms.

Hindi ko namalayan na kusa na lang akong napaluha dahil sa sobrang saya ng puso ko. Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko at nanatili lang na nakatitig sa kaniya habang patuloy na umaagos ang luha.

Nang tuluyan siyang makalapit ay inilapag niya sa lamesa ang mic at hinawakan ang dalawang kamay ko upang alalayan akong tumayo bago siya tumitig sa mga mata ko.

He cupped my cheeks and wiped my tears with his thumb. “I missed you, Kathie.” he said while smiling.

Napahikbi ako dahil hindi pa nga pala ako nakakahingi ng tawad sa kasalanan ko sa kaniya, “Gael... I-I'm sorry for all of my mistakes,”

“Shhh… don't say sorry, I understand you.” patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko kaya paulit-ulit niya rin itong pinupunasan.

Napatingin ako sa baba dahil hindi ko siya kayang tignan dahil nanunumbalik sa akin ang katangahan ko.

“Kathie...” napaangat ang ulo ko nang tawagin niya ang pangalan ko at muling tumingin sa mga mata niya. “Love, can we start again?” bahagya akong napatigil sa sinabi niya ngunit agad din akong tumango bilang tugon.

“Of course!” masayang sabi ko at bumakas naman sa mukha niya ang tuwa. Napakagat siya sa ibabang labi at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. “U-Uy! Bakit ka lumuhod? Anong ginagawa mo riyan?” kinakabahang wika ko.

Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay isang malawak na ngiti lang ang ibinigay niya sa akin at saka may kinuha mula sa bulsa ng suot niyang puting blazer.

Binuksan niya ang maliit na box at inilahad sa akin, “Kathie De Leon, can you be my MRS. SANTOS?” nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig. Sobra akong nagulat dahil hindi ko inaasahan na magpro-prospose na siya, ang akala ko lang ay aayusin pa lang namin ulit ang relationship. “Will you marry me?” hindi ko na napigilan ang mga luha ko na muling umagos pababa sa pisngi ko at sunod-sunod na tumango.

“O-oo naman! Tinatanong pa ba yan?!” sagot ko at bahagya muna siyang natawa bago isinuot sa daliri ko ang singsing. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. Malugod ko siyang niyakap pabalik dahil kanina ko pa gustong gawin ‘to.

“Thank you, Love.” wika niya pagkabitaw sa yakap. Ngumiti muna kami sa isa’t-isa bago niya ko hinalikan sa labi. “Damn, I really missed you so much!” bulong niya sa akin kaya mas napangiti ako.

Maya-maya ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw at nagpalakpakan ang lahat ng tao.

“Congratulations!” sabay kaming napalingon sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga magulang ni Gael dito at malaki ang ngiti sa amin.

“Tita? Tito?” bulalas ko. Sabay muna nila akong niyakap bago nagsalita si Tita.

“Oh dear, don’t be shy. Call us Mom and Dad, instead.”

Kinilig ako sa sinabi niya kaya malawak akong napangiti. “Thank you po,”

“Sweetie,” mabilis kong nilingon ko yung nagsalita at nagulat ako nang makita si Mom.

“Mom? You’re here!” bungad ko at niyakap siya.

“Of course! And congratulations by the way,” masayang sabi niya.

“Akala ko po ba kumain kayo sa labas ng friend mo?”

“Nah, sinabi ko lang ‘yon pero dito talaga ako pupunta.” natatawa niyang wika kaya napailing na lang ako.

“Pero, paano napunta sa set-up na ganito?” nagtatakang tanong ko sa kanila.

“Sa totoo lang, kinausap ko sila na tulungan ako para sa pagpo-propose sa’yo at para na rin sa engagement party na ‘to. Pinasadya ko na huwag sabihin sa‘yo ang totoo dahil surprise ko ‘to para sa’yo. And… ako nga rin pala ang nagpadala ng damit mo na ‘yan.” paliwanag ni Gael.

Dahil doon ay napatingin ako sa damit ko at sa damit niya na parehong kulay puti. Habang kila Mom naman ay iba ang kulay, so sa madaling salita kami lang talaga ni Gael ang nakaputi rito.

Nag-make sense naman dahil engagement party na rin pala ang event na ‘to. Swerte niya na lang dahil nag-Yes ako, but as if namang magno-No ako eh pangarap ko ang maikasal sa kaniya.

*****************
After ng mahabang preparations para sa wedding namin ay matagumpay namang naisagawa ang seremonya.

“I now pronounce you, Husband and Wife. You may now, kiss your bride.” sabi ng pari at nagpalakpakan ang lahat ng tao nang halikan ako ni Gael sa labi.

Pagkatapos ng ceremony ay lumabas na kami ng simbahan at ibinato ang bulaklak na hawak ko bago sumakay ng puting kotse. Good luck na lang sa nakasalo ng bulaklak na siyang susunod na ikakasal.

Nag-uumapaw ang saya ko dahil sa wakas ay nabasbasan na rin ang pagmamahalan naming dalawa.

- ‘Just Married💐’ -

Continue Reading

You'll Also Like

62.5K 1.4K 25
Rerin Bernardo. Isang Malaking Bituin sa Industriya ng pag aartista. Simple na may pagka maldita. Pero sa harap lang ito ng kanyang manager at dalaw...
446K 9.8K 35
(authors note: pleaseeee !!!!!! support my story po .....sana magandahan kayo kung magandahan man kayo plsss vote.and comment narin ......1st story k...
432K 16.1K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
8.6K 899 43
Gaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano...