Warak

By DyslexicParanoia

1.7M 25.8K 1.7K

Standalone [Completed] Language: Filipino Don't mess with someone who has nothing to lose. [Official Website... More

WARAK
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
EPILOGO

KABANATA 5

82.1K 1.1K 50
By DyslexicParanoia

Jacob's P O.V.

"Kuya," Nakangising pagbati ni Eliza habang nakahiga pa ako sa kama. "Rise ang shine! Gising na! Tanghali na!"

Tanghali na? Tiningnan ko ang alarm clock sa side table ng kama ko. Duh! Tanghali na raw? Eh alas kuwartro pa lamang ng umaga!

"Ano na naman ba 'to, Eliza?"

Humagikhik ito.

Isip bata talaga. Kunsabagay, bata pa naman talaga iti. Trese anyos pa lamang naman ito at kasalukuyang nasa second year high school. Sampung taon ang agwat ng aming edad, dahil ayon sa aming mga magulang, hindi talaga nila inasahang masusundan pa ako. Matatawag na menopause baby raw 'tong si Eliza kaya't heto, may kaunting pitik. Napakatalinong bata pero may pagka-eccentric.

"Mag-ice cream tayo, kuya!"

Ice cream? Ganitong kaaga? Hay...pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Hindi naman ako makahindi sa batang 'to. Mabait naman kasi ito at sweet, kahit na ubod nang kulit.

"Kuya, nagka-girlfriend ka na ba?" Dinilaan nito ang ice cream na nasa cone na ibinigay ko rito.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

Nakakainis. Ayokong-ayoko pa namang nakakalkal ang parteng 'yun ng personal na buhay ko.

"Oo." Ini-enjoy ko na rin ang ice cream ko.

"Eh nasaan na s'ya at anong pangalan n'ya? Bakit hindi mo s'ya ipinakilala sa al'min? Anong hitsura n'ya? Maganda? Pangit? Mahinhin? Malandi? Mabait? Maldita? Ma--"

"Hep! Isa-isa lang, pwede?"

"Sorry kuya," Nag-peace sign ito, "Curious lamang naman ako, kasi..."

"Kasi?"

"Sabi ng kaibigan ni Mommy na si Tita Betchay baka raw kasi bakla ka eh. Sabi n'ya kasi kay Mama, baka kaya gusto mong magpari para hindi halata." Napakakasuwal ang pagkakasabi nito habang tuloy ang pag-himod sa ice cream n'ya.

Gamuntik ko namang naibuga ang isinubo kong ice cream.

Ako?! Bakla?! Bago yun ah!

"Nagpapaniwala kayo kay Tita Betchay, eh alam mo namang tsismosa 'yun."

"Well...'yun ang opinion niya eh. Pero hindi naman s'ya pinapansin ni Mommy. So ano? Anong nangyari sa inyo ng girlfriend mo? Paano mo s'ya niligawan? Bakit kayo naghiwalay? Nagkikita pa ba kayo? Mahal mo pa ba s'ya? Mahal ka pa ba ni--"

"Hep!" Eto na naman ang walang preno n'yang bibig, "Wala na akong maalala sa mga itinanong mo eh. Masyado kasing mabilis ang bibig mo kumpara sa bilis ng pagproseso ng utak ko. Isa-isa lang, p'wede?"

"O siya eh di kuwentuhan mo na lang ako tungkol sa kanya para hindi na kita kulitin."

Kung bakit ba naman kasi no'ng nagpamudmod ang ng kakulitan ang Diyos, nasalo yata lahat ng batang ito.

"I had my my own share of girlfriends, yes..."

"Girlfriends?" Nanlalaki ang mga mata nito. "As in may 's'? As in plural?!"

Tumango ako. "Three to be exact."

"Woah... bakit parang wala yata kaming kilala kahit isa?"

"Dalawa do'n eh nung high school pa lang ako kaya hindi masyadong seryoso. Parang puppy love lang, ganun."

"Dalawa? Eh pa'no yung isa?"

I actually wished she wouldn't catch and ask that. But since she did, I guess I have to tell her the truth, anyway.

"She's my college sweerheart. We've been friends for like two years, I courted her for a year and she became my girlfriend for another two years."

"O e di kailan lang yun? 23 ka lang naman di ba? Bakit kayo naghiwalay? At bakit hindi mo man lang ipinakilala sa 'min?"

Argh! This is the hard part, I wish I do not need to remember and tell anyone--lest my own little sister. But here we go...

"Ano na?!"

Mukhang nainip na ito sa pag-aalinlangan ko

"We broke up because I..."

"You?"

"I..."

"Ano ba kuya? Bakit ba pasuspense ka naman masyado? Ano na? Sabihin mo na kasi!"

"I'm..."

"You're Gay?"

"Heck no!"

"Eh ano ba kasi!" Nakasimangot na si ineng.

"We broke up because I am or should I say, was devastated when I learned that she's..."

"She's what?"

"That she's actually...married."

"Married?! How can you be friends for that long ang not know she's married?"

"Exactly. Hindi ko rin alam ang sagot Eliza. I guess because she never told me at all or, it could be because I didn't asked, but hey! She could have told me anyway, well at least, before man lang we had sex--"

Ops.

I kind of regreted I blurted out like that in front of my thirteen-year old sister.

"You had sex with her?!" Nakangising tanong ng alaskadorang bata. "OMG Kuya! Akala ko pa naman banal na banal ka, hindi ba kasalanan sa Diyos ang premarital sex?" Humahangikhik ito.

"See why I do not want to tell you?!" I'm a little irate.

"Ikaw naman kuya, hindi ka na mabiro. Ok lang naman na sabihin mo sa akin. Pasensya na, nagulat lang kasi ako. Masyado ka naman kasing masikreto. So anong nangyari noong nalaman mo? Nag-break ba kayo kaagad? Wala man lang ba siyang explanation kung bakit hindi n'ya sinabi sa 'yo?"

"Ayaw n'ya but yes, I broke up with her right there and then, 'cause I can't conciously have an intimate relationship with a married woman. Hell no! Wala s'yang sinabi sa 'kin kundi...it was because she enjoyed my friendship, company and the--" Hindi ko na itinuloy ang dapat kong sabihin. "And her husband was always away anyway, because apparently he's in the military."

"Hindi mo man lang ba nahalata na hindi na siya V?"

"Anong V?"

"Virgin."

Hindi ako nakapagsalita agad. I don't know. I guess I just feel awkward talking to my little sister--who is not even of legal age, about my sex life.

"Hindi naman kasi mahalaga sa akin 'yun eh." Sabi ko.

"Oh really?"

"Yes, really."

"Kahit na wild woman na pinilahan na ng barangay?"

"Basta ba hindi s'ya asawa ng kahit sino sa barangay."

"Kahit na may anak na?"

"Basta ba hindi n'ya asawa o boyfriend pa ang ama ng anak n'ya."

"Wow kuya, eh napaka-accomodating mo naman pala. Eh 'di may pag-asa pa pala si 'yo si Aling Tale na may crush sa iyo. Biyuda na 'yun ha!" Humagikhik ito.

"Puro ka kalokohan."

Si Aling Tale na dati naming labandera? She's 69 years old--that makes her three times my age!

"Mabalik nga tayo. So, ibig sabihin ba no'n, kasal na s'ya noong magkaibigan pa lang kayo?"

"She's actually 4 years older than me. Second course na n'ya ang kinuha naming magkasabay no'ng college. Kaya, it appears that she has been married since she was 20. So that was maybe only few months before we actually met. Pero parati raw wala ang asawa n'ya kaya..."

"Kaya naghahanap ng kakamot sa pangangati?"

Natulala ako sa hirit ni Eliza.

"At saan mo naman napupulot ang mga salitang ganyan, ha?" Nagsalubong ang mga kilay ako.

"Kay Tita Betchay. 'Yun daw kasing isang kaibigan nila, nanlalaki kasi naghahanap ng kakamot sa kanyang pangangati habang ang asawa niya eh nagpapakatusta sa Saudi."

"You know what? Stay away from Tita Betchay, will you? Kung ano-ano na ang napupulot mong mga salita na hindi maganda eh. Alam mo bang hindi magandang pag-usapan at pagtsismisan ang buhay nang may buhay?"

"Sorry kuya, eh naririnig ko lang naman 'yun nang aksidente kapag nagkukuwentuhan sila ni Mommy."

"Ikaw na ang umiwas. H'wag ka nang makinig."

"Oo. Promise. Ako na ang iiwas. Pero, may tanong pa ako Kuya."

Hindi pa pala tapos. "Ano na naman ba?"

"Eh bakit nga gusto mong magpari? Dahil ba sa brokenhearted ka?"

"No. Alam mo naman na hilig ko na 'yun noon pa 'di ba? Ang kaso, tulad ng ibang mga taong pumipili ng bokasyon, we do find ourselves at the crossroads from time to time. I could say, I was still in a high school, when I began to ask God for signs. Gusto ko ang magpari pero gusto ko rin kasing malaman kung 'yun din ba talaga ang gusto ng Diyos para sa 'kin."

"And? May malinaw na sagot ka na ba mula sa kanya kaya magpapari ka na lang?"

Hindi ako nakasagot.

"O baka naman akala mo 'yun na ang sagot dahil lang sa binigo ka ng isang babae."

Tiningnan ko si Eliza. Medyo napapaisip ako sa kung saan nito nakukuha ang wisdom sa mga gano'ng kaseryosong bagay.

"P'wede rin naman kasi na may ibang misyon ang Diyos para sa 'yo. Baka kailangan mo lang maghintay ng kaunti."

"At ano naman ang alam mo tungkol do'n?"

"Eh kasi naniniwala ako, na kung hindi ukol, hindi bubukol. Tulad ng hindi hahayaan ng Diyos na magtagumpay akong purgahin ka, para lang hindi ka matuloy na maging Semenarista. Malay mo naman kung may mas malaking proyekto sa 'yo ang Diyos,m na hindi mo magagawa kung magpapaka-celibate ka."

Nakakinis. Parang medyo nakalabit ang pride ko sa maturity ng pag-iisip ng kapatid ko. May punto s'ya. Pero kung may mas malaking proyekto nga sa 'kin ang Diyos, ano naman kaya yun? At kung meron man? Kailan ko naman kaya malalaman?

Copyright 2014 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza, All rights reserved.

***

"Mama, bayad ko." Sabay abot ko ng pamasahe ko sa driver ng Jeep na sinasakyan ko. Papunta ako ngayon sa parokya sa aming lugar, boluntaryong guro kasi ako sa Sunday School. Malapit lamang naman 'yun kaya hindi ko na ginamit ang kotse namin. Sayang lang kasi ang gasolina, tapos poproblemahin ko pa kung saan ako paparada.

Itinuwid ko ang pagkakaupo ko at naghintay hanggang sa mapuno ang Jeep. Hindi kasi ito sumisibat hangga't hindi puno. Naiintindihan ko naman ito dahil sayang nga naman kasi ang gasolina sa bawat biyahe, kung kakaunti lamang ang pasahero sa bawat pasada.

Nilalaro ko ang smarphone ko nang may narinig akong tila sumisinghot at humihikbi. Iginala ko ang mga mata ko at nakita kong nanggagaling ito sa babaeng nasa harapan ko. Nakayuko ito at may takip na panyo sa ilong at bibig; pilit itinatago ang pagtangis na halata pa rin naman.

"Miss, ok ka lang ba?"

"Ha?" pinunasan nito ng panyo ang sariling mga pisngi.. "Oo...ok lang ako. Salamat." Namumugto ang mga mata nito

Pero teka, pamilyar ang mukha ng babaeng ito. Oo tama! Ito nga 'yun! Ito nga 'yung matapang na babaeng sumaksak sa tuhod ng holdaper.

Pero 'di tulad no'ng una, ibang-ibang ang aura nito ngayon. Kung noo'y punong-puno ng confidence ang itsura nito, animo'y pinagsakluban naman ito ng langit ngayon.

Tumahan na ito, pero halata pa rin na tila gusto pa rin nitong umiyak. May ibang pasahero na napapatingin na rin sa rito, pero wala namang maglakas loob na tanungin ito.

Maya-maya lang, pumara na ito. Hindi pa rito ang destinasyon ko pero ewan ko ba kung bakit bumaba rin ako para sundan ito.

Kung saan-saan ito lumiko. Pero tinandaan ko naman ang bawat kalye na kanyang nililikuan. Nagpunta ito sa isang madilim na eskinita. Nakiramdam naman ako habang lumalapit ako sa hinintuan nito. May kausap  itong isang lalaki na basta na lamang itong hinablot at buong puwersang isinalya sa sementadong pader. Dinig na dinig ko ang pagkakauntog ng ulo nito kaya batid kong nasaktan ito.

Copyright 2014 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza, All rights reserved.

"Saan ka ba nagsususuot ha?! Bakit sabi ni Papa, hindi ka na raw umuuwi sa bahay? Saan ka nakatira, ha? May lalaki ka 'no?!" sinakal ito ng lalaki.

"W-wala kuya Rob...s-sa kaibigan ko lang. P-pero uuwi na rin ako mamaya."

Kuya n'ya? Papa nila? Magkapatid sila? Pero kung magkapatid sila, bakit naman ganito ang pagtrato sa kanya?

"Siguraduhin mo umh!"

Huh? Hinalikan at pinaghihipuan ito ng lalaking 'yun? Pero, akala ko ba Kuya n'ya 'yun?

"K-kuya Rob huwag..."

Sinikmuraan ito ng lalaking tinawag nitong kuya Rob. Namilipit ito sa sakit.

"Tumatanggi ka ba?" Sinampal ito ng lalaki. "Tumatanggi ka na?" Inulit pa nito ang pananakit. "Ano? Matapang ka na, ha?!" Sinampal pa ulit ito nito. "Lumalaban ka na, ha?!" Mas malakas na.

Sinasaktan ito ng kapatid n'ya?

This is too much. I can't take this anymore!

Walang salitang lumapit ako at binitbit ko ang lalaki sa likod ng kuwelyo nito. Mas matangkad ako sa rito kaya walang problemang naisalya ko rin ito sa isang sulok at sinuntok sa mukha at sikmura ng ilang beses. Gigil na gigil ako kaya hindi na makalaban ang lalaking 'yun sa bilis at lakas ng mga suntok ko. Naaala ko kasi ang kapatid ko, at hindi ko maimagine na sasaktan ko ng gano'n si Eliza.

Duguang lumagpak ang lalaki sa lupa bago ko nilingon ang kawawang babae. Nilapitan ko ito, hinawakan sa kamay at saka ko ito hinila papalayo sa lugar na 'yun.

Sumama naman ito akin. Iyak pa rin ito ng iyak. Nakita kong putok pala ang ibabang labi nito; dahil siguro ito sa malalakas na sampal ng demonyong lalaking 'yun sa kanya. Mabuting hindi na tumayo pa ang gagong 'yun, dahil kung nagkataon, baka napatay ko pa ito.

Pagkarating namin sa kalyeng binabaan nito kanina, pumara ako ng taxi. Mabuti naman at wala itong pasahero kaya nakasakay kami agad.

"Number 347 Buenavista Subdivision po." Sabi ko sa taxi driver.

"Malapit lang po 'yun kung patatakbuhin ko ang metro, pero may minimum po kasi ak---"

"Eto ang dalawang daan," Sabay abot ko ng dalawang daan, "Walang problema." Alam ko naman kasi na may minimum fare sila. Pero mas mahalaga ang makarating agad kami sa bahay, para naman magamot ko ang sugat ng kasama ko.

"Heto po ang sukli." Sabi ng taxi driver sabay abot nito sa akin ng sukli.

"Keep the change na lang po manong."

"Naku maraming salamat po."

"Maraming salamat din at isinakay mo kami agad."

Ngumiti ang taxi driver.

Nilingon ko ang babae, tumutulo pa rin ang mga luha nito. Ewan ko pero hindi ko mapigilang punasan 'yun ng likod ng aking hintuturo.

"Huwag ka nang umiyak." Hinatak ko ito aking dibdib at inakap. "Halika na!" Tumigil na kasi ang taxi sa harapan gate namin.

"Nakakahiya naman sa 'yo." Anito. Bumababa na kami ng taxi.

"Hindi...ok lang, halika sa loob para magamot natin 'yang sugat mo." Hinila ko na ito sa loob ng bahay at agad na pinaupo sa sofa.

"Ok lang ako. Wala ito. Sanay na ako."

"Sanay?!" Gulat na gulat ako. "Bakit? Parati ka ba n'yang sinasaktan? At saka sino ba 'yun? Kuya mo ba talaga 'yun? Kung kuya mo 'yun eh bakit ka n'ya ginaganyan?"

Hindi ito nagsalita. Yumuko ito at lalong umiyak. Mukhang na-overwhelm yata ito sa mga tanong ko, kaya natutukso man akong magtanong pa, pinigilan ko na. Sa halip, nilapitan ko na lang ito at lumuhod sa harapan nito upang muling punasan ang mga luha nito.

"Pasensya ka na? Hindi ko gustong makialam sa buhay mo. Pero kasi, hindi kaya ng pagkatao ko na may nakikita akong sinasaktan ng ganun nang wala man lang akong ginagawa. Pasensya na kung nabugbog ko ang kuya mo. Binubugbog ka rin kasi n'ya eh, tapos...tapos..." Nag-aalinlangan akong sabihin ang gusto kong sabihin, "Tapos bakit ganun? Bakit ka n'ya hinahawakan, hinihipuan at hinahalikan ng ganun? Minomolestya ka ba n'ya?"

Tumingin ito sa mga mata ko. Lalong tumindi ang pag-iyak nito. Wala man ito sinasabi...nakuha ko na rin naman ang kasagutan.

Tarantadong hayup! Kulang pa pala ang pambubugbog na ginawa ko sa kanya. Dapat pala ipinadampot ko pa sa pulis!

"Ako nga pala si Jacob. Jacob Santiago. Pero p'wedeng Jake na lang, ikaw? Anong pangalan mo?"

"Ako si Alexa. Alexa Lopez." Ngumiti ito sa akin sa kauna-unahang pagkakataon.

[ITUTULOY]

Continue Reading

You'll Also Like

23K 787 24
I am a successful romance novelist, have a very nice best friend and a romantic relationship with a doctor. Masaya na ako sa buhay ko. Natupad ko ang...
68.9K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
209K 6.5K 63
"Kuya? Ano yung hentai? Pinag-aaraalan ba yun? Turuan mo nga po ako. " - Yuin Quinzel nakamoto yuta | 091316-021317 | nct chat series [ COMPLETED ] ...
82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.