Vindicte Gratia

By ___LISA___

1.8K 66 163

No one remembers the SECOND BEST. More

Prologus
Caput 1
Caput 3
Caput 4
Caput 5

Caput 2

191 12 6
By ___LISA___

*The Origin of the Queens : Agent Black, Agent Violet, Agent White*

-----

"Isang gwapong lalake ang kasalukuyang nakaupo sa kanyang opisina, sa kanyang lamesa ay may nakalapag na pitong folder; folder ng pitong magkakaibang personalidad, pitong talentadong dilag, pitong magagadang kampon ni Eba."

Sinamaan ng tingin ng lalaki ang taong nag-nanarrate. Ito ang kanyang loyal right hand, "ASO, pwede bang manahimik ka diyan? Para kang tanga."

Nag-pout naman ang lalaking tinawag na ASO sa kadahilanang ang pangalan niya ay Aldred Salcedo Ocampo a.k.a ASO. Ang bantot ng initial ng pangalan niya kaya tinapunan niya rin ng masamang tingin ang lalaking tumawag sa kanya ng ASO, si Kaiser Earl Napoleone a.k.a KEN, ang successor na lider ng LISA, "Ano? Nakapag-decide ka na ba KEN?" hindi umimik ng ilang minuto si Ken kaya nagsalitang muli si Aldred, "Lahat sila pasok sa qualifications, plus magaganda sila, matatalino—"

"Plus mga pasaway." dugtong ng lider na si KEN.

"Which could add a little spice in this agency." pagdepensa naman ni Aldred.

Umiling na lamang si KEN, "Whatever you say Aldred. Ok, simulan mo na." nagmistulang touch screen ang paligid ng kanyang opisina nang ilahad ni Aldred ang biodata, background at footage ng kanilang interview sa mga babaeng candidate sa pagiging Agent ng LISA.

"Okay magsimula tayo kay Andrea Gomez." sambit ni Aldred sabay zoom ng iilan sa references na nakuha nila, habang sinasaad niya ang background ng dilag, "Siya si Andrea Gomez, may isang kapatid, nasa mayamang pamilya, ang hobby niya, kadalasan, pagbabasa ng libro at ehem, pagkain—"

Biglang napataas ang kilay ni Ken at saka naman nagsimula ang interview footage ng babaeng nagngangalang Andrea Gomez. 

"Tell me something about yourself Miss Gomez." sabi ng interviewer. 

"Uhm . . . simple lang po akong babaeng nalaglag mula sa langit, destined to be wife ng isang lalaking nakikita ko sa aking panaginip gabi-gabi."

"Uh? Okay, that's new, continue . . . "

"Siya lang naman si Oasis Patriar—OMG! Hindi ba ang hot niya?!"

"Ah, member pala siya ng PS." biglang sumeryoso ang interviewer at saka siya tinanong muli, "Kapag nagkaroon ng pagkakataong nakalaban mo sa field ang lalaking ito, anong gagawin mo?"

"Uh . . . "

"Gagawin mo ba ang misyon mo or susundin mo ang puso mo?"

"Mahirap na tanong yan Ma'am, pero heto po ang sagot ko." seryosong saad ng dalaga at kita sa mata niya ang angas at determinasyon, "Kalaban man o kakampi, gagawin ko kung ano ang tama."

Natapos ang interview footage ng simulan ulit ni Aldred ang susunod na babae sa listahan, tsaka nagpakita ang larawan nito, "Siya Julie Ann Delfin, mayamang lakwatsera, may pagka-cassanova—well maganda naman talaga kasi siya—" bulong pa talaga ni Aldred na hindi niya namang inaasahang marinig ni KEN dahilan para titigan siya nito. Tumikhim na lamang siya saka nagpatuloy, "Sorry KEN. Heto ang kanyang interview footage . . . "

"What is special in your personality Julie?"  tanong ng lalaking interviewer. 

"I am someone who partly applies the third law of motion, The Law of Interaction. "In every action, there is an equal and, not opposite but SAME reaction."

"Nice, I like your answer." puri sakanya ng interviewer. 

"Thank you, I like my answer too.", sagot ng dalaga sabay kindat.

"Oh, okay, any hobbies or sports?", muling tanong ng interviewer. 

"Handsome Hunting."

Nawiweirduhang napatingin ang interviewer sa kakaibang babaeng kaharap niya, "Okay, anything else to add that could fill in your application?"

"Basta isa akong diyosang bumaba mula sa Mt. olympus at napilitang mamuhay sa mundo ng nga mortal. Pak!"

Napahawak sa kanyang sentido si KEN, dalawang babae pa lang ang nakikita niya sa kanyang screen. Tss . . . pasaway talaga ang kinuha noong matandang iyon. Well, kung hindi pasaway, mga baliw naman., sambit ng binata sa kanyang isipan.

"Why so serious KEN?" biglang nag-pop sa screen ang kanyang ama. 

"Pa, why do you hire these crazy people, dalawa pa lang sila, para na silang dalawang dosena, to think na there are seven folders here."

"Ang suplado mo talaga anak, kaya di ka nagkaka-girlfriend eh. They'e extraordinary beautiful women—"

"Pa, more like extraterrestrial for me."

"Kaiser, ikaw ang magiging tagapagmana ng agency, gusto kong ibigay sa iyo ang the best of the best na nainterview. To think they're just teenagers, malawak na sila mag-isip. Sabihin mo mang extraterrestrial sila, but with that thought, they had minds as wide as the universe."

Natahimik si Ken sa nasabi ng ama at napaisip ng malalim, 'Maybe I'm not looking at the deeper picture.'

"I assure you son, they will be the best." muling sambit ng ama sa kanya.

Tumango si KEN at nginitian ang kanyang ama, "If you say so Pa, then I'll believe you."

"Thanks son, salamat naman at naunawaan mo. Siyempre gusto kong magka-apo sa isa sa magagandang dilag na iyan, hehe!"

Ang ngiti ni Ken ay tilang nawala na parang bula sa sinabi ng ama.

"Ako uncle, pwede po ba akong mag-apply bilang alam niyo na . . . sa mga miss universe na ito?" sulsol pa ni Aldred na ikinatawa ng matanda. 

"Mga baliw kayo. Trabaho ito, hindi speed dating." inis na sagot ni Ken kay Aldred.

"Seryoso naman nito ni Ken. Sige na nga uncle, bye bye, itutuloy muna namin ni Ken ang TRABAHO dito." stressing the word 'trabaho'.

"Sige guys, have fun." sabay nawala sa screen ang matanda.

"Ipagpatuloy mo na ASO."

"Mas madali ba talagang bigkasin ang ASO kesa sa Aldred? Ha KEN?" nakukunsiming hinaing ni Aldred kay KEN saka inilipat sa ibang biodata ang screen, "She's Belle Cabilida. Isang . . . nerd? Err, she looks like one. Nevertheless, hindi mayaman ang pamilya niya not until naging successful ang business ng ama niya. Here's her footage." 

"Sino si Belle Cabilida?" ala Boy Abundang tanong ng interviewer sa babae.

"Isang cheerful, curious, stick to one na mukhang nerd kind of girl. Only girl in the family with 1 sibling, big bro and I am someone who kept a low profile despite of my parent's riches." nakangiting sagot ng babae.

Napataas naman ang kilay ng interviewer, "What do you mean by parent's riches? Hindi ba maituturing mo na ring sa iyo ang kayamanan ng mga magulang mo?" 

Muling ngumiti ang babae saka sumagot, "No. Pera nila iyon. Paghihirapan ko pa ang sarili kong pera gaya ng paghihirap ng daddy ko sa pera niya ngayon." 

Ang nanonood na si KEN ay napatango, inisiip niya na sa wakas ay may na-hire na matinong tao ang kanyang ama.

"We hired a nun." nagigimbal na opinyon naman ni Aldred.

"Oh shut up ASO. Siya lang ang matino sa mga pinili ni papa." pag-kontra naman ni KEN sa kanyang kanang kamay bago ipinagpatuloy ang pakikinig sa footage.

"So is there anything you can add up?" 

"Uh . . . actually I have a question?" 

"What is it dear?" 

"Magkaano ba ang sweldo rito? Alam mo kasi may pinag-iipunan ako. Alam mo iyon? Tsaka magkaano ang rate kapag full-time tsaka magkaano naman kung part-time? O kaya graveyard na lang shift ko? Mas malaki ba ang rate doon?"

Napatampal ng noo si KEN. 'Right. What do I expect from my dad?' naiiling niyang pahayag sa isipan saka tiningnan si ASO na tawa lang ng tawa.

~~~

Natatawa na lamang ang lalaking si KEN nang maalala ang araw na napanood niya ang unang tatlong footage ng kanyang mga agents. Si Andrea Gomez bilang Agent Black, Julie Ann Delfin bilang Agent Violet, at si Belle Cabilida bilang Agent White. Weird girls., sa isip niya bago pumasok sa kanyang opisina upang simulan ang kanyang trabaho bilang lider ng ahensyang LISA.

May pinindot siyang buton sa kanyang kaharap na laptop kaya agad niyang nakita ang mukha ng kanyang mga Agents o mas tamang tawaging . . . Queens. Kailangan niyang makipagvideo cam sa mga ito sapagkat alam niyang tamad ang mga itong bumangon mula sa higaan lalong-lalo na't galing ang mga ito sa pagsasalo kagabi.

"Good morning boss." sabay-sabay na bati ng mga dilag habang nanatili pa ring nakahiga sa kani-kanilang mga kama.

"Good day ladies. As you see . . . " panimula ni Ken sa pitong dilag, " . . . naging kontrobersyal ang naganap sa party noong nakaraang gabi sa lahat ng agencies, but let me tell you this, you are my Queens—"

"At syempre boss, you are my King este— our King pala. Typo lang. Haha!" dugtong ni Agent Violet sabay kindat sa kanyang lider na si KEN.

Tumikhim lamang si KEN at pilit na nililihis ang kanyang tingin sa mga mata ni Agent Violet, 'Why does she have to look hot in her bed look?', "Agent Violet, boss mo pa rin ako, okay? Be professional. As I was saying, the strongest of all chess piece was the Queen."

"Ano po ang gusto niyong sabihin Boss Ken?" tanong naman ni Agent Gray.

"I know you aim for something after that party, in this industry there will be always Competition and Challenge, but in life we can change everything with that motivation holding to that one goal." sa speech ng kanilang boss ay nadagdagan pa ang lakas ng loob ng pitong dilag at nang makita nila mula sa contact lense nila ang susunod nilang misyon. Agad na bumangon ang mga dilag pero muli silang napabalik sa pagkakahiga.

"Damn this headache! Oh Oasis makita lang kita mawawala na ang sakit ng ulo ko!"

Natatawa na lang si ASO na kakapasok pa lang sa opisina ng among si KEN nang marinig ang hinaing ni Agent Black, "May ipinadala na akong gamot sa kanya-kanyang kwarto niyo." pahayag ni Aldred sa mga dilag. Mas lalo siyang natawa nang makita sa laptop ang porma ni Agent Red, nagmukha itong si Sadako habang pagapang na pinupuntahan ang CR.

"Throw up in your bed Hannah!" suggestion ni Agent Blue nang makita rin ang sitwasyon ni Agent Red sa kanyang laptop.

"No . . . way." sagot ni Hannah ngunit hindi na niya napigilan at sumuka na nga sa kanyang higaan.

"Yuck." saad ni Agent Plum saka inilagay ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig. Oh no . . . , sambit niya sa isipan saka sumunod na sumuka.

Napangiwi si KEN nang makita ang sitwasyon ng kanyang mga agents, "Wash up ladies. May misyon pa kayong gagawin." 

"Ouch!" hinaing ni Agent White nang mabangga siya sa isang haligi ng kanyang kwarto. Nagpagewang-gewang siyang humarap sa laptop at nag-thumbs up, "Okay lang a—" hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang siyang nawalan ng ulirat.

Tawa ng tawa si ASO sa sinapit ng mga babae. "Kegagandang mga nilalang pero dinaig pa ako kung umasta! Haha! Mga baliw talaga! Haha!"

Natawa na rin si KEN lalo na nang makitang nag-beautiful eyes sa kanya si Agent Violet, "Baliw man sila, they're the best Queens I have." Sa chess, ang Queen ang may pinakamaraming moves. Oo pumapangalawa sila sa King but that doesn't mean na mahina ang Queen. In fact, she's the strongest of all chess pieces., bulong ni Ken sa isipan saka sumandal sa kanyang swivel chair.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 49.2K 40
Heartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a s...
1.9M 70.8K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...