CHAPTER 10: <3 <3 <3
MATTHEW’s P.O.V
Madilim na, at lahat kami nakaupo lang dito sa labas, may bon fire kasi.
“Hoy Matthew! Shot mo na!” – sigaw ni Ivan.
Kinuha ko yun at tinungga.
“Nandito siya.” – bulong ni Lian.
“Sino?” – ako.
“Si Tj.. kausap ko siya kanina”
O.O
“Bat nandito siya?!” – sigaw ko.
“Hindi ko alam! Basta ang alam ko lang kahit anong oras pwede silang magkita ni Alex.” – bulong niya parin.
Napatingin ako kay Alex, tumatawa siya.. kita mong unti unti na niyang gustong kalimutan ang lahat, kahit nahihirapan siyang gawin yun.
“Bantayan mo si Alex, kasama ni Tj si Nezza.. bat kasi napakawalang modo ng kapatid ni Tj!” – inis na sabi ni Lian.
Napatingin si Alex sakin at ngumiti, nginitian ko rin siya.
Lumapit siya sakin.. amoy alak na siya..
“Hey!” – bati niya sakin sabay umupo sa tabi ko, tumungo siya sa balikat ko.
Siniko ako ni Lian..
“Alagaan mo yan.” – pagkasabi ni Lian nun lumapit siya kay Ivan.
Bigla niya kong kiniliti sa bewang.
“Hoy Matthew, alam mo bang birthday ko ngayon?” – bulong niya.
O.O
Birthday?! Bakit hindi ko alam!?
“HA?! Seryoso ka ba? Baka ginagaya mo lang si Lian.” – sabi ko.
Tumawa siya.
“Joke!” – nakatungo pa rin siya.
Hinawakan niya yung kamay ko.
“Birthday ngayon ng puso ko.” – sabi niya.
Ano nanaman ‘to? Maglalabas nanaman ba siya ng sama ng loob?!
“Today is May 8! 3 months na Matthew :)” – nakangiting sabi niya.
Sabi ko na nga ba.. yun nanaman..
“Waaa eto promiseee! Last na talaga ‘to.” – humikbi siya habang tumatawa.
“Tama na.” – sabi ko.
Tumango tango siya.
“Talagang tama na.” – sabi niya sabay pahid ng luha sa pisngi niya.
Biglang may kumanta sa mini stage.
( paki play yung kanta ---> )
[Alam kong mayroon nang iba
Sa kilos mo'y nadarama
Mukhang ako ay kinalimutan mo na
Wala nang masasabi 'di ba]
“Psh, pang asar yung kanta.” – sabi niya.
“Tinatamaan ka ba.” – natatawang sabi ko.
Hinampas niya ko sa braso.
“Tamang tama sayo yung kanta!” – pang aasar ko sakanya, kahit na alam kong medyo masakit sakin.
Tahimik lang siya, dati akala ko biro biro lang o sa palabas lang nangyayari yung mga ganito, ang bakla pakshet.. yung mamahalin mo yung isang babae dahil nakikita mo siyang nasasaktan at wala ka ng ibang gustong gawin para sakanya kundi ang pasayahin siya, ang tanggalin lahat ng sakit na nararamdaman niya kahit alam mong hindi naman ikaw yung taong makakapag-alis nung sakit na nararamdaman niya..
Natutunan ko na siya mahalin.. tsk!
[Sa isip ko'y yakap ka pa
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Kahit sa isip ko na lamang]
“Alex.” – ako.
“Hmm.” – siya, nakatungo pa din siya.
“Mahal na kita.” – bulong ko! Bahala na! Pero eto talaga yung nararamdaman ko.
Napatingin siya sakin.
“Ano?” – sabi niya.
Ang bingi? O nagbibingi-bingihan.
“Sabi ko mahal kita!” – napasigaw ako.
Yan! Nakatingin na samin yung mga barkada ni Alex!
Nakatingin lang si Alex sakin, sa mata. Yung mata niya parang nagsasabi na wag ko siyang mahalin!
LIAN’s P.O.V
“Sabi ko mahal kita!” – sigaw ni Matthew.
o.O
lahat kami napatingin sakanilang dalawa.
Si Alex nakatingin lang sa mata ni Matthew, ganun rin si Matthew.
Wooo! Para kaming nanonood ng teleserye! HAHA!
Lahat kami tahimik na pinapanood sila at hinihintay ang susunod na mangyayari!
Tumungga si Matthew ng beer sa bote naubos niya yung isang bote, si Alex nakatingin parin sakanya.
Tumayo si Matthew.
Okay yung mga ulo namin napatingila! Haha! xD
Pero umupo ulit si Matthew, nahilamos ng palad niya yung mukha niya, pagkatapos!!!
O.O – Lahat kami..
Hinalikan niya si Alex!
Sa Lips!
“Oh my ghaaad!!” – sigaw ni Kaye at Glecy.
*GULP!!* - Lahat kami.
Si Kim nabuga yung iniinom na beer.
Napapikit si Alex! At napansin kong may tumulong luha mula sa mata niya.
Dahan dahan din sila naghiwalay.
May mga ibang tao na rin na nakakita nung scene na yun.
“Woooaa!” – sigaw nila Ivan.
“Pare! Congrats!” – sigaw ni Kim.
Nagsigawan na sila.
Si Alex tulala pa rin. Si Matthew naman patuloy parin pag inom..
So? Sila na ba?! Ang gulo!
Ano ba Lian nagkiss na nga eh! Edi sila!
“Bagay kayo dude!” – sigaw ni MC.
Nakipag apir si MC kay Matthew.
Napailing ako habang nakangiti..
O.O
Si Tj?
Nakatayo siya sa likod nila Matthew, mejo malayo.
Pero hindi ako nagkakamali na siya yung nandun..
Nakatanaw siya sa dalawa.
Kay Alex at Matthew.
Nasasaktan ako para sakanila..
“CR lang ako!” – sigaw ni Alex.
Hinawakan ni Matthew yung kamay niya. At parang may tinanong, umiling lang si Alex saka umalis.
>>>>>
_Ash..