Black Water

By AknedMars

445K 17.5K 4.2K

Still hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 6

10.4K 426 60
By AknedMars

Chapter 6

Ibinaba ni Sophia ang strap ng suot niyang tank top. Sunod-sunod ang naging paglunok ko. Sumiksik ako sa may sulok ng kama para kahit may pumasok ay hindi makikita na kausap ko si Sophia.

"Take it off," mahinang sabi ko. Tangina, halos walang lumabas na salita sa bibig ko.

"Sabihin mo muna kung anong nangyari d'yan sa mukha mo," sabi ni Sophia at para akong ihinulog sa kama.

"Geez, mamaya na," sabi ko. Para akong kating kati na hindi maintindihan.

"No, sasabihin mo or I'll end the call?" sabi niya sa tonong hindi siya nagbibiro. Huminga ako nang malalim bago sinimulan ang pagpapaliwanag. Mukhang matagal-tagal pa bago ko siya makitang magbihis.

"Napaaway kami ni Julian," sabi ko.

"Saan?" tanong niya at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Alam kong nag-aalala siya sa akin.

"Sa pinuntahan namin na party kanina." Umamin na ako dahil tatagal pa ang pagpapaliwanag, tatagal din yung ipaghihintay ko sa pagbibihis niya.

"Bakit kayo napaaway? May pinormahan kang may kasamang boyfriend?" tanong niya habang nakataas ag kilay.

"Hindi ah, may lumapit na babae kay Julian tapos may umupak sa kanya. Nakiupak na rin ako dahil baka mapuruhan naman si Julian," paliwanag ko.

"Kumusta naman si Julian?" tanong niya.

"Okay naman siya. May umawat din naman kaagad sa amin saka hindi naman kami napuruhan," sabi ko.

"Mabuti naman. Anong sabi nina Chino?"

" Gustong rumesbak kaso sabi namin huwag na kasi ang dami nila pati okay na naman."

"Kawawa ka naman, may sugat sa lips," sabi niya at lumabi siya.

"Gagaling din naman kaagad 'to. Bihis ka na," sabi ko sa kanya.

"Kahit kailan ka talaga! Papaano kung ayaw ko talaga at napipilitan lang ako?" sabi niya bigla. Napayuko naman ako sa sinabi niya, napipilitan lang daw, eh.

"Hindi kita pipilitin kung talagang ayaw mo," sagot ko.

"Talaga ba?" sabi niya ulit.

"Oo nga, hindi kita pipilitin," sabi ko at tumingin pa sa kanya.

Pero napalunok ako nang unti-unti niyang itinaas ang suot niyang tank top at tuluyang alisin iyon. Humantad sa akin ang dibdib niyang tanging kulay itim na bra na lamang ang tumatabing.

"Damn," naiusal ko.

"Oy, pare tara daw kina Casey. Nag-aayang uminom, eh," sabi ni Jacob at sa gulat ko ay bigla kong naitiklop yung laptop.

"Tangina, Jacob, ginulat mo ako!" sabi ko at napahawak ako sa dibdib ko.

Sayang, eh! Pagkakataon ko na sanang makita si Sophia na nagbibihis. Anak ng pating naman talaga.

"Bakit? Marahan naman pagkakasabi ko. Ano bang ginagawa mo at tutok na tutok ka r'yan sa laptop? Parang may pinapanood ka, baka gusto mong ibahagi," sabi ni Jacob.

"Wala," tanggi ko. Gagong 'to, akin lang si Sophia.

"Ah siya sige, tara na ro'n sa baba. Nauna nang pumunta sina Julian do'n."

"Sige, susunod na ako," sabi ko lang at muling binuksan ang laptop ko at nag-video call ulit kay Sophia.

"What happened? Bakit bigla kang nawala?" tanong niya.

"Pumasok bigla si Jacob, eh. Nagulat ako kaya na-close ko 'tong laptop."

"I see. Tama na muna iyong tank top ko, next time na ulit," sabi ni Sophia. Noon ko napansin na nakabihis na ulit siya.

"Next time, mas marami ka nang aalisin?" tanong ko na may kasamang pilyong ngiti sa labi ko.

"Depende talaga 'yon," sabi niya.

"Geez. You're teasing me."

"Hindi, ah," tanggi niya.

"Anyway, lalabas lang kami. D'yan lang kami sa ibaba, ini-invite raw kami nina Casey. Kilala mo siya, 'di ba?" Sabi ko.

"Yes, nakwento mo siya sa akin. Sige, enjoy yourself para naman makabawi ka kahit papaano r'yan sa naging sugat mo sa labi," sabi niya at inayos na ulit ang buhok niya.

"I want to kiss you," mahina kong sabi.

"Huh?" tanong niya.

"Wala, I'll call you later," palusot ko.

"Okay, sige. Lalabas din lang ako, may bibilhin lang ako."

"Sige, mamaya na lang."

Nang mag-end call ay napabuntonghininga na lang ako. Isang taon na lang. Isa na lang.

***

Nasa canteen kami at pinagkakaisahan namin si Jacob dahil nakatingin na naman siya sa pictures nila ni Andrea dati. Tangina, ang sarap agawin ng cellphone ng ungas na 'to at i-delete ang lahat ng pictures nila.

Wala lang namang naimik sa amin pero lahat kami ayaw kay Andrea. Tangina naman kasi nang bahagya, eh. Mahilig sa lalaki si Andrea. Sobrang effort na ni Jacob at talagang mahal niya si Andrea pero nakuha pa rin siyang lokohin ni Andrea. Iba na talaga panahon ngayon, eh. Minsan mas maloko pa yung ibang babae kaysa sa lalaki.

"Rebound lang katapat niyan!" sabi ko kay Jacob.

"Ayoko ng rebound. Magiging unfair lang ako sa babaeng gagawin kong rebound," sagot naman ni Jacob.

Tangina talaga si brad. Ang bait, niloko na ni Andrea payag pa rin. Mauntog na sana 'to para matigil na.

"Sige, ganito na lang, Jacob pare. Hindi ka magpapakita ng motibo sa kanya, sa kung sino mang babae, tropahin mo lang yung babae gano'n, tapos text mo minsan, chill kayo gano'n, ma-divert mo lang yung attention mo kahit papaano basta wag mong papaasahin para wala kang kargo riyan sa konsensya mo," sabi ni Pipo.

"De pre, bahala na yung babae kung ma-fall siya sa moves mo. Basta chill ka lang. 'Di pwede 'yang self-righteous ka lagi. 'Di ka naman ganyan dati bago umeksena 'yang si Andrea. Ang bilis mo sa babae dati, ah," sabi ko. Totoo naman. Lapitin din itong isang 'to, mabait nga lang talaga tapos napunta pa sa hindi naman karapat-dapat.

"Sira, dapat d'yan kay Jacob, slow-mo lang. 'Kita mo nang 'di naman nagkakaigi sa fast-paced 'yan. 'Di pwede ng quickie 'yan," sabi naman ni Julian at pareho kaming napangisi, nag-high five kami. Tunay namang hindi pang mabilisan 'tong si Jacob, pang-matagalan 'tong brad namin.

"Mga loko, ano Esso, matagal pa ba 'yang kakambal mong hilaw?" tanong ni Jacob sa akin pero 'di ko lang pinansin.

"Ba, malay ko. 'Di ko naman alam kung nasaan 'yon, pero pare seryoso, hanap kang rebound. 99% makaka-move on ka r'yan sa ex mo," sagot ko lang.

"Pili tayo ng chicks dito sa canteen," sabi ni Julian kaya pare-pareho naming iniikot ang paningin namin sa cafeteria.

"Tangina p're, puro chicks ni Esso mga nandito," sabi ni Pipo.

"Ayoko ng tira-tirahan mo, Esso," sabi ni Jacob na tinawanan ko lang. Marami-rami lang akong naging ka-fling pero 'di naman seryosohan, mahirap na. Hindi ako handa sa mga seryosong bagay. May magagalit sa akin kapag nakipagseryosohan ako sa iba.

"Ganito na lang, kung sino ang babaeng dadaan at uupo roon sa dulong table, siya ang target," sabi ni Julian.

"Sige, sige gano'n na lang," sagot namin.

Nagtatalo-talo pa kami dahil umaayaw pa si Jacob hanggang sa dumating na si Chino. Kung ano-ano pang sinasabi ni Jacob na kesyo huwag na raw siyang ihanap at si Andrea lang naman daw ang gusto niya. Tangina, ang sarap kutusan ni brad.

Hanggang sa may umupo na babae roon sa initan at halos lahat kami ay napamura.

"Si Rachel ba 'yon?" tanong ni Pipo.

"Tangina, pare si Rachel nga!" pagkukumpirma ko.

"Jacob, pare, good luck sa 'yo," sabi ni Pipo at isa-isa na kaming nagtayuan at tinapik sa balikat si Jacob. Hindi ko maiwasang mapailing. Ang tapang kasi n'ong si Rachel. Kung matapang si Sophia at takot na ako kay Sophia, mas nakakatakot si Rachel. Malambing pa si Sophia. Kayanin sana ng kapangyarihan ni Jacob si Rachel.

Bumalik kami sa apartment at binuksan namin yung suhol ng kapatid ni Pipo.

Habang nasa kusina kami ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. May message si Sophia ro'n.

"Bonjour, Monsieur Esso."

Umaga pa lang ngayon doon samantalang hapon na rito. Napailing ako at ibinalik ko sa bulsa ko iyong cellphone ko. Wala akong pang-reply sa kanya, mamaya na lang ako magme-message sa Skype.

No'ng hapon na bumalik si Jacob ay pinaulanan namin siya ng pang-aasar dahil nagpunta na yata kaagad sa mall kasama ni Rachel. Matindi talaga 'tong si Jacob, hindi lang siya aware.

***

"Good evening." Nag-leave ako ng message dahil offline siya.

"Busy ka ba? Bakit offline ka? Anong ginagawa mo?" tanong ko ulit sa kanya. Lumipas ang magdamag na hindi siya nag-online at hinayaan ko na lang. Magme-message rin naman iyon once na mag-online na siya.

***

Napabalikwas ako nang marinig kong nagbi-beep ang laptop. Naka-online pala ako sa Skype at nakita kong tumatawag si Sophia. Kahit mumukat-mukat pa ako ay sinagot ko iyon.

"Hey," sabi ko sa kanya at muli akong pumikit at bumalik sa pagkakahiga. Hinihila talaga ako ng antok.

"Hey, sleepy head, how's your day?" sabi niya. Hindi ako makabangon at nakadapa lamang ako sa kama.

"Hmm? I'm okay, ikaw? Bakit 'di ka sumasagot? Anong ginawa mo?" sabi ko at bahagya akong tumingin sa kanya, naka-sweater siya at nakapusod ulit ang buhok niya.

"Ah, may trip kasi kami sa isa sa mga university dito, baka 'di ako makapag-online sa mga susunod na araw," sabi niya.

"Hmm, bakit? Hindi ka ba magdadala ng laptop?" sabi ko at bumangon na ako at kinusot ko ang mata ko.

"Magdadala, kaso hindi ako sure kung makakatawag ako. Anyway, magdamit ka nga baka magkasakit ka r'yan," sabi niya at napangiti lang ako.

"Huwag na, mainit naman dito hindi kagaya r'yan. Tumawag ka kapag makakatawag ka," sabi ko.

"Okay, matulog ka na, parang antok na antok ka pa," sabi niya.

"Ginising mo ako para patulugin lang ulit?"

"Hindi naman, kaso alam ko namang inaantok ka pa. Ang husky ng boses mo," sabi niya.

"Really? Wanna hear it huskier?" I teased.

"Huwag na. Matulog ka na, mag-aayos pa ako ng gamit," sabi niya.

"Okay, mag-message ka sa 'kin."

"Oo na. Napakasuplado mo sa akin kapag nar'yan ako, ang clingy mo naman kapag wala ako," sabi niya at bago pa ako makasagot ay nag-end call na siya at nag-offline na rin kaagad.

Geez. Napakamot ulo ako at tiniklop na rin ang laptop ko. Inilagay ko iyon sa may bed side table at bumalik na sa pagkakatulog ko.

***

Buong linggong mainit ang ulo ko at pinagtatakhan na ako nina Julian.

"Napapaano ka ba, p're? Ang init ng ulo mo, para kang babaeng nireregla," sabi ni Julian at tinawanan naman ako nina Pipo.

"Inaano ko ba kayo, ha?" singhal ko sa kanila.

"Ikaw ang inaano ba namin? Hindi ka namin maintindihan, buong linggong para kang nang-aaway," sabi ni Julian.

"H'wag niyo na lang pansinin iyan, nagta-tantrums lang 'yan," sabi ni Chino.

"Gago, sinong nagta-tantrums? Baka ikaw," ganting sabi ko sa kanya at lalo akong pinagtawanan ng mga loko. Umikot lang ang mga mata ko at bumalik sa kwarto.

"'Di yata kasi siya mine-message ni Pia kaya mainit ang ulo," sabi ni Chino at biglang sumang-ayon iyong mga ungas sa labas. Pinagtatawanan nila ako pero wala akong pakialam, bahala sila.

Muli kong kinuha ang laptop ko at binuksan iyon.

"Hindi ka talaga nag-message buong linggo? Kahit isa wala? Ano bang ginagawa mo r'yan at gaano ka ka-busy para hindi ka man lang makapag-message kahit isa? Tangina naman, Sophia. Ipinaaalala ko lang sa 'yo na may mga taong nag-aalala sa 'yo rito."

Huling tawag niya ay iyong nakaraang linggo pa. Hindi niya man lang masabi kung nasaan na ba siya at kung kumusta na siya. Pinapawis ako nang malamig at umiinit ang ulo ko.

Ano 'to? Ginagantihan niya ba ako sa pagiging suplado ko sa kanya kaya ngayon ay dine-deadma niya ako? Ni hindi makuhang mag-reply sa akin.

"Kapag hindi ka nag-reply hanggang bukas, talagang magagalit na ako." Message ko ulit sa kanya.

"Sige, hindi na ako magagalit, binabawi ko na basta ba mag-message ka sa akin. Mag-reply ka naman."

"Miss na kita."

Tangina, dapat siguro hindi ko sinabi iyon. Baka umasa ang magaling na babae.

"Hindi, joke lang 'yon. Basta mag-message ka lang."

Masisiraan ako ng bait. Anong ginagawa niya? Sinong kasama niya? Lintik na 'yan. Papaano kung may makilala siyang iba ro'n? Iyong parang sa movie na Made of Honor? Putang ina talaga, hindi pwede.

"Seryoso, miss na kita," sabi ko. Baka mamaya ay mangyari nga iyong kagaya sa pelikula.

***

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 81K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
9.3M 183K 54
Maganda, mabait, mayaman, perfect. Yan ang mga katangian na palaging bukam-bibig ng mga taong kilala si Jasmine. Nasa kanya na nga siguro ang lahat m...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.6M 23K 36
PUBLISHED UNDER LIB PHR Available in NBS Bookstores and thru online stores via shopee and lazada for as low as 199 pesos. Lahat na ata ng zone mapa-f...