Coffee and Cookies (COMPLETED...

By AleezaMireya

61.8K 2K 252

"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, ma... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 6

4.6K 177 9
By AleezaMireya


"Mamahalin talaga ang mga ito, Madam," ani Aleina, inaayos ang mga bulaklak sa counter. "Isang linggo ang tagal ng roses, magaganda pa rin. Sabihan n'yo po kaya si Mysterious Mr. M na tuwing maka-ikatlong araw na lang magpadala ng flowers."

"Bakit? Ayaw mo ba 'yon, lagi tayong may fresh flowers sa counter?" ani Olivia.

"Ayon na nga. Kasi napapagkamalan tayong flowers shop, imbes na cafe. At saka, saan pa natin ilalagay ang ipapadeliver niya? Tingnan mo, halos lahat ng lamesa puno na ng roses na bigay n'ya."

"Gano'n ba?" ani Matthew, bagong pasok sa cafe, hawak-hawak ang boquet ng pulang rosas.

"Good morning!" ani Lynette, kasabay ito ni Matthew na dumating.

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Hanggang ngayon ay hindi alam ng mga staff nila na ang binata ang nagbibigay ng mga rosas sa kanya.

"Sir Matthew? Ikaw nga po si Mysterious Mr. M?" ani Aleina.

Ngumit lang ang binata at lumapit sa kanya. "For you."

"Salamat," inabot niya ang rosas na ibinigay ng binata.

"Oo," si Lynette ang sumagot sa tanong ni Aleina.

Nagtilian ang mga staff nila. "Sabi ko na nga ba!" ani Aleina.

"Kanina pa dapat kami rito, may pagdaan pa sa flowershop itong kuya ko. Kung hindi ko lang kaibigan ang pagbibigyan, hindi ko sana papayagan. Miss ko na kayong lahat, eh."

"We miss you too, Ms. Lynette," ani Olivia.

"Pwede na bang umorder kahit hindi pa talaga kayo open?" tanong sa kanya ni Matthew.

"Pwede naman na, tutal ten minutes na lang, mag-oopen na rin kami. Anong order mo?" ani Kathyn.

"Yung puso mo," nakangiting sabi ni Matthew.

Nagtudyuan ang mga staff nila. Nilinga niya ang mga ito, pero dahil si Lynette ang pasimuno nang pambubuska sa kanya, hindi tumigil ang mga ito.

Muli niyang nilingon si Matthew. "Seryoso nga. Ano bang gusto mo?"

"Ikaw," his smile so big, his eyes twinkling.

"Hindi ako kasali sa menu," aniya, pinaningkitan ito ng mata, pilit sinusupil ang malakas na kabog ng puso. She bit her lip to keep herself from smiling.

Nilingon nito ang kapatid, "Magagawan mo ba ng paraan na ma-order ko ng talagang gusto ko? Part-owner ka naman dito, di ba?"

"Titingnan ko ang magagawa ko, Kuya. Willing to wait ka ba?" pakikisakay ng kapatid nito.

"Kahit gaano katagal," anito, muling tumingin sa kanya at ngumiti. Umugong na naman ang panunudyo ng mga staff.

Umalis na siya sa counter at pumasok sa kusina. Hindi niya kayang tagalan pa na kaharap ang binata. Baka mabasa nito ang tunay na nararamdaman niya.

Kahapon ay umalis rin kaagad siya sa bahay nina Lynette nang makawala siya sa pagitan ng mga bisig ni Matthew. Ipinagpasalamat ni Kathryn na hindi siya sinundan ni Matthew at ni Lynette. Pero ngayon, natitiyak niya na hindi siya palalampasin ng kaibigan.

Ipinagtaka niya kung bakit hanggang ngayon ay na rito pa si Matthew. Noong nasa Victoria siya ay nalaman niya na tuwing Lunes at Biyernes pinakamaraming trabaho sa farm ng mga ito, at alam niya na ito ang nag-aasikaso sa family business.

"Order up!" ani Lynette pagpasok sa pastry kitchen. Iniabot sa kanya ang kopya ng order slip.

Pancake ang nakaprint doon, pero may hand written doon na "Must be serve by a smiling, beautiful pastry chef, that will dine with me. - M".

Hindi niya napigilan ang ngiti sa kanyang mga labi.

"I'm full," anag boses na nagmula sa pintuan ng kusina. Nakatayo si Matthew roon at nakatingin sa kaya. Ngumiti rin ito nang magkatinginan sila.

"Malayo pa ang biyahe mo, Kuya. Kumain ka muna nang maayos bago ka umuwi," ani Lynette. Binalingan siya ng kaibigan. "Hindi ko napilit mag-agahan 'yan. Dito na raw para sabay na kayo."

"Lulutuin ko lang ito," aniya. Tumalikod na at inumpisahang lutuin ang order ng binata.

"Lumabas ka na, Kuya. Bawal ang hindi empleyado rito sa loob," ani Lynette.

Pagsarado ng pinto ay tumayo si Lynette sa tabi niya. "Kahapon pa dapat tayo nakapag-usap, pero dahil makulit ang kuya ko, hinayaan kita. Pero ngayon hindi ka na makakatakas sa akin."

"Ano ba ang dapat nating pag-usapan?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na kuya ko pala ang nanliligaw sa iyo? Kung hindi pa sinabi nina Nanay at Tatay, hindi ko malalaman!"

"Lynette.."

"Ma'am, ako na po ang magtutuloy ng pagluluto," ani Aleina.

"Salamat, Aleina," ani Lynette, hinigit siya nito palayo sa kalan. "Explain!"

"Sabi ko nga sa'yo, di ba? Hindi ako sigurado kung seryoso s'ya," aniya, isinuot ang kamay sa bulsa ng suot na uniform, kinagat niya ang labi.

"Kailan pa nagkainteres sa'yo ang kuya ko?" pinipilit nitong paseryosohin ang mukha pero nakikita niya ang pinipigilang ngiti ng kaibigan at ang kislap ng panunudyo sa mga mata nito.

"Ang kuya mo ang tanungin mo n'yan dahil hindi ko rin alam. Basta isang araw, bigla na lang idineklara sa akin na liligawan daw n'ya ako," huminga siya nang malalim, "Kung kailan at kung bakit siya nagkainteres sa akin, siya lang ang makakasagot."

"Kailan n'ya sinabi na manliligaw s'ya sa'yo?" ang panunudyong pinipigil kanina ay bakas na sa ngiti nito.

"Noong nagkita kami sa bahay n'yo. Sumunod s'ya sa akin sa bakeshop."

"Naalala ko, noong nasa ospital kami, panay ang tanong n'ya tungkol sa iyo. Hindi ko lang binigyang pansin dahil panay rin ang kwento ni Daphnie tungkol sa iyo noong araw na iyon."

Hindi na niya sinagot ang kaibigan. Ito naman ay nahulog na sa malalim na pag-iisip.

"Luto na po, Ma'am," ani Aleina.

"Mahaba-habang usapan pa ulit ito Kathryn. Unahin mo na muna ang pagkain ni kuya. Hindi talaga umuwi 'yon kahapon. Gusto raw niyang personal na ibigay ang bulaklak sa iyo ngayong umaga. At gusto raw umpisahan ang linggo na maganda. Sa tingin ko, malakas ang tama sa'yo ni kuya," ani Lynette bago siya tuluyang iniwan.



Ipinatong ni Kathryn ang pancake sa harapan ng binata, pati ang kape. Iniuutos niya iyon sa mga staff pero walang gustong sumunod sa kanya. Kahit nagkunwari siyang nagagalit ay walang kumilos sa mga ito. Dahil na rin sa sinabi ni Lynette na siya lang ang magseserve kay Matthew. Costumer is always right daw, at dahil ang request ng costumer ay siya ang magserve, siya ang dapat magserve.

"Enjoy your meal, Sir."

"Halika, sabay na tayo. Alam ko hindi ka pa rin nag-aagahan," ani Matthew.

Karaniwan na'y alas-otso siya kumakain. Tuwing umaga ay kape lang ang iniinom niya, at kakain na lang siya kapag tapos na ang early morning rush.

"Hindi na. Ayos lang ako. At marami na kaming costumer," aniya. Ngunit bago siya makatalikod ay hinawakan ni Matthew ang kamay niya. Parang may kuryenteng nanulay sa balat niya pataas sa kanyang mga braso, papasok sa kanyang katawan.

Napasulyap siya sa kamay niya na hawak nito, "Kung hindi ngayon, kailan kita pwedeng maimbitang kumain sa labas?"

"Kapag hindi na ako busy sa bakeshop at sa cafe."

Tumawa ang binata, "Kapag aantayin ko 'yon, aabutin ako nang walang hanggan. Pwede ka ba bukas?"

"May ibabake akong birthday cake, dalawang order iyon at isang gender reveal cake."

"Sa Wednesday?"

"Mayroon din akong cake na ibabake noon. Actually araw-araw may ibabake ako, lalo na ngayong linggong ito. Kasal na ng pinsan mo sa sabado. Marami pa akong finishing touches na ginagawa."

Matthew's lip curled up, telling her he knows exactly what she's doing.

"Nasabi na sa akin ni Lynette 'yan. At wala akong planong matulad sa mga naunang nanligaw sa iyo. Kaya kung inaakala mong maitataboy mo ako, ngayon pa lang, sinasabi ko na sayong hindi ako katulad nila na nawala na lang bigla."

Nakagat niya ang labi. Iyon mismo ang ikinatatakot niya kaya inilalayo niya ang sarili sa lalaki.

"At kung hindi ka pwedeng umalis ng bakeshop, ako ang pupunta," ibinabadya ng mga mata nito na seryoso ito sa sinabi.

Nahahati ang emosyon ni Kathryn sa pag-asam at pag-aalala.






"ANAK, may bisita ka," ani Tita Demy.

Katatapos lang niyang magawa ng fondant rose flowers na gagamitin para sa cupcakes na order ni Zaira. Pasado alas-siyete na nang gabi noon at sarado na ang bakeshop. Ang akala niya ay nakauwi na ang tiyahin kaya hindi niya inaaasahan ang pagpasok nito sa pastry kitchen.

"Sino po?" Inaayos na niya ng mga nagawang fondant rose. Kailangang matuyo ng mga iyon bago pa magsabado.

"Ako," ani Matthew. 

Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa binata. Ginantihan niya ang ngiting ibinigay nito sa kanya, pinipilit hamigin ang pusong biglang nagwala pagkarinig pa lang sa tinig ng binata.

"Uuwi na ako, anak. Ikaw na ang bahalang magsarado ng bakeshop," anang tiyahin niya.

"Kumain po muna tayo bago kayo umuwi," ani Matthew. Ipinatong ng binata ang dala nitong take-out na pagkain sa bench niya.

"Hindi na, sa bahay na ako," anang tiyahin niya bago tuluyang lumabas ng kusina.

"Napasyal ka?" inaayos na niya ang mga ginamit sa pagcucut ng fondant flowers kanina.

"Nasabi ko na sa'yo noong nakaraan, gusto ko sanang yayain kang kumain sa labas. Pero dahil nasabi mo sa akin na marami kang tinatapos dito sa bakeshop. At para hindi ako makaabala nang sobra sa iyo, bumili na lang ako ng pagkain sa labas. Dito na lang natin kainin."

"Salamat. Pero hindi ka na sana nag-abala," pinunasan niya ang working table. Iniiwasan niyang tumingin sa binata. Ilang araw niyang nililibang ang sarili para hindi ito maalala, at para hindi siya umasa sa binitawang salita nito.

But here he is now, making true of his promise.

Pero sabat na bang patunay iyon? Lalo siyang natakot na tinupad ng lalaki ang unang pangakong sinabi sa kanya.

Mas lalo niyang kailangang ipaalala sa sarili na kailangan pa rin niyang pag-ingatan ang puso. Kahit na nagdududa na rin siya, kung kaya pa nga ba niya iyong isalba, dahil sa lakas ng tibok noon, mukhang tuluyan na siyang nabihag ng binata.

Sabi sa kanya ni Lynette, bigyan niya ng pagkakataon ang kuya nito. Mabait naman daw si Matthew at sa tingin daw ng kaibigan niya ay seryoso naman ito. Binilinan daw ng kaibigan niya ang kapatid na kung sasaktan lang siya ay wag nang ituloy ang panliligaw.

Pero paano kung katulad ng ibang manliligaw niya dati, bigla na rin lang itong mawala oras na subukin niya?

"May maitutulong ba ako?" anito, lumapit sa tabi niya.

"Okay na," lumigid siya sa kabilang parte ng lamesa. Masyadong malapit ang lalaki. Ang pagdating nga lang nito ay sapat na para mauwi sa wala ang tatlong araw na effort niya sa paglimot dito.

"Bakit ba nalayo ka? At bakit hindi mo ako tinitingnan?"

"Hindi naman, inaayos ko lang ito," aniya, hawak ang rolling pin. Napilitan siyang tingnan ang binata.

Ipinararating sa kanya ng binata, sa pamamagitan nang pagngiti nito, na alam nito ang totoo. Kaya kahit anong palusot niya ay hindi ito maniniwala. Nag-iwas siyang muli ng paningin sa lalaki.

"Nagkasabay na tayong kumain noong nakaraan. Hanggang ngayon ba'y hindi ka pa rin komportable sa akin? Bakit noong nasa Victoria tayo, komportable ka?"

Noong nasa Victoria sila ay nawala ang pag-aalangan niya dahil sa mga magulang ni Matthew. Ilang beses na niyang nakaharap ang mga iyon, kaya palagay na ang loob niya. Pero ewan ba niya, kapag si Matthew ang kasama ay hindi siya mapakali, nauunahan siya ng kaba.

"Maraming pagkakataon pa na magsasabay tayong kumain. Kaya dapat ngayon pa lang, masanay ka na," muling lumapit ang lalaki sa kanya.

"Ahm, halika na, kumain na tayo," muli siyang lumigid sa kabilang bahagi ng lamesa. Nilapitan ang mga pagkaing dala ng binata at lumabas sa kusina. Pumunta siya sa pantry area ng bakeshop.

Ipinatong niya sa dining table ang mga pagkain at tinaggal iyon sa paper bag. Lumapit sa kanya ang binata at tinulungan siya sa paglalabas ng pagkain.

"Sana sa susunod ay makasama na kita sa labas."

"Lagi akong maraming ginagawa rito, hindi ko maipapangako," kumuha siya ng plato at iba pang utensils, ang binata naman ang kumuha ng baso.

"Kung hindi ka pwedeng lumabas, wala namang kaso sa akin, kahit dito tayo lagi kumain. Ang mahalaga sa akin, kasama kita."

Her foolish heart flutter. She really is in a heap of trouble.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
167K 3.9K 54
What will you do if you end up in someone else body?
789K 26.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...