I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 43: Stay With Him
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23: It's A Date

6.3K 150 8
By AnnoyingKimchi

Hindi ko na namalayan ang nilalakaran ko dahil sa paglingon ko sa buong lugar. Maraming puno at iba't ibang bulaklak sa paligid. Mabango at malamig ang ihip ng hangin. Sigurado akong tanghali na. Natigilan ako matapos kong matanaw ang isang gazebo. Sa paligid noon ay parang lagoon. Naglakad ako palapit dito at nang marating ko ay hindi ko mapigilan humanga sa nakikita ko. Makikita ang mga naggagandahang lumalangoy na mga isda sa tubig. Maging ang karamihan ng kabuuan ng lugar ay matatanaw.

May narinig akong tumikhim sa gilid kaya mabilis ko itong nilingon. Doon ay nakita ko si Callie na naakangiti habang nakatingin sa akin. Nakaitim syang long sleeves na damit na nakaatras hanggang siko. Hapit ito sa katawan nya na dahilan para sumilip ang mabukol nitong braso at dibdib. Itim ang suot nyang pantalon. Nakataas rin ang buhok nyang laging magulo at nakababa.

"I wanted it to be casual and I prepared myself enough but seeing you in that dress, parang gusto kong magbihis dahil pakiramdam ko di bagay ang suot ko."

Ngumiti ako at napailing. Alam kong gwapo si Callie. Una ko palang syang makita noong nagkamalay ako ay namangha na ako sa tindig at mukha nya. Magandang lalaki na sya kahit nakapambahay lang gaya ng palagi ko nakikitang Callie sa bahay. Pero ibang iba ang taong nasa harap ko ngayon. Maaliwalas ang mukha nya at mukhang napakasaya nya.

"Hindi naman ako nakagown kaya pwede ka na."

Ngumisi sya at dahan dahang lumapit sa akin. Nag-init ang mga pisngi ko matapos nyang kunin ang kamay ko at hinalikan iyon.

"You're beautiful."

Yumuko ako dahil hindi ko na kinaya ang pagtitig nya. Nanatiling nakahawak ang kamay nya sa akin hanggang sa maalala kong may mga dapat pala akong itanong dito.

"Teka.. Nasaan ba tayo? At bakit mo naman kinailangan na may utusan pa para bihisan at paliguan ako?"

Nakasimangot kong tanong dito.

"Bakit? Did they make you uncomfortable? I told-"

Hindi ko na sya pinatapos matapos kong makitang kumunot ang noo nya.

"Hindi, mabait sila at inayusan nila ako. Hindi lang talaga ako sanay sa ganoong pag-aasikaso."

Nawala ang pagkakakunot ng noo nya at ngumiti na rin. Hinila nya ang kamay ko para mapalapit ako sa kanya at marahang hinaplos ang buhok ko. Naramdaman kong hinawakan nya ang barrette na nakakabit sa buhok ko at hinaplos iyon.

"Now you should. I'm with you now, babe. I promise to myself to give only the best for you."

Bumaba ang kamay nya sa pisngi ko ang hinaplos naman iyon.

"God, you're beyond beautiful."

Bulong nya.

Bahagya akong lumayo sa pagkakahawak nya.

"P..pero bakit nga ba may ganito pa? Ano bang meron? Bakit ako nandito?"

Ngumisi naman sya bago nagsalita.

"Cause you're my birthday gift."

Natigilan ako, matapos ay nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko ang sinabi nya.

"Ngayon ang birthday mo?!"

Gulat kong tanong dito. Tumango naman sya saka bahagyang tumawa.

"Happy birthday pala."

"Thank you."

Napakunot ako ng noo nang makita ko ang paglahad nya ng kamay sa harapan ko.

"Let's go?"

"Huh?"

"We have a date to attend."

"Date?"

"Yeah, it's a date."

Date. Magdedate kami?

Napatingin ako sa kamay nitong nakalahad sa harapan ko. Bumaling ako sa mukha nyang nakangiti na para bang sinasabi na magpaubaya ako. Kumabog ang dibdib ko matapos kong makita ang kamay kong unti unti lumalapit sa kanya. Hanggang sa dumampi na ito sa kamay ni Callie at dahan dahan namang ipinagsalikod ang mga daliri namin dalawa.

Hawak ang kamay ko ay naglakad kami sa parehong daan na dinaanan ko kanina.

"Saan tayo pupunta? Hindi ba dito yung date natin?"

Medyo nailang akong banggitin ang salitang date. Bigla kong naalala si Kyle at yung naging date namin noong birthday ko. Kumusta na kaya sya? Kumusta na kaya sila?

"Babe?"

"Huh?"

Napaangat ako ng tingin at napansin ko ang nag-aalalang mukha ni Callie.

"May problema ba?"

Umiling ako at napansin kong nasa may bungad na kami sa mismo binabaan ko ng kotse kanina. Napansin kong may isang gray na magarang kotse ang nakapara sa harap namin.

"Huh? Wala naman. Ano.. Hindi ba dito ang date?"

Inalis ko sa isipan ko ang naalala ko kanina at pilit na ngumiti.

Ngumiti naman sya at umiling.

"It's just a meeting place. Hindi pa nagsisimula ang date."

May kinuha sya sa bulsa at nang pindutin nya iyon at tumunog ang sasakyang nasa harapn namin.

"Get in."

Sabi nya matapos buksan ang pinto ng passenger seat.

"Sasakyan mo?"

"Yeah."

Nang maisara ay mabilis naman syang umikot papunta sa driver seat. Naisip ko kung gaano kayaman si Callie. Mukhang mamahalin ang sasakyan na ito. Utusan nya ang mga nakasama ko kanina at mukhang malaki ang paggalang ng mga ito sa kanya. Sobrang hirap isipin na ang isang tulad nyang halos perpekto na ay maiisipan mo ng masama at mapagbibintangan mong dumukot ng isang babaeng kinababaliwan nya. Kapag nalamang ako iyon ay siguradong walang maniniwala. Kumpara sa kanya, walang wala ang isang tulad ko.

"You're staring at me a lot. Are you starting to like me, babe?"

Natauhan ako matapos marinig ang sinabi nya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Wala akong maisip kundi ang sumandal na lamang sa bintana ng kotse.

"Yabang."

Bulong ko. Narinig ko syang ngumisi.

"That's a heck of a birthday gift."

Hindi ko na sya pinansin hanggang sa mapasinghap ako matapos maramdaman at hawak nya sa bewang ko.

"Relax. Seatbelt. Safety first."

Inayos nya ang seatbelt ko at umayos na ng upo matapos ikabit ang kanya.

"Saan naman tayo pupunta?"

Hindi ko mapigilan itanong.

"You'll see."

Ngumisi sya bago pinaandar ang sasakyan nya.

Hindi pamilyar sa akin ang daan tinatahak namin. Hindi na rin ako nagtanong pa at masaya ng tumitingin sa mga nakikita ko sa labas. Namiss ko rin kahit papano na makakita ng ibang tao bukod sa amin. Ngayon na rin lang ako muling nakalabas at nakapagbyahe.

Maya maya ay unti unting naging pamilyar ang lugar. Hanggang sa marealize kong papunta kami sa isang mall. Napatingin ako sa kanya at nakita ko namang nakangiti itong nagmamaneho. Inihinto nya ang sasakyan sa parking lot.

Naguguluhan akong nakatingin dito pero sya naman ay parang masayang masaya sa ginagawa nya. Nag-aalala ako na kapag nagkataon ay baka may makakita sa amin. Hindi ba sya nag-aalala na pwede akong makatakas sa kanya? Sa tagal kong nawala, paniguradong pinaghahanap na ako. Nagkalat na ang litrato ko nito sa kung saan at sigurado akong may makakakilala sa akin. Gusto ko iyon sabihin sa kanya pero walang ni isang lumalabas sa bibig ko. Bakit parang ako lang ang kinakabahan dito? Wala ba syang pakialam sa pwedeng mangyari?

Nakita kong may kinuha sya compartment ng sasakyan. Inilabas nya ang dalawang itim na sunglasses. Kinuha nya ang isa at isinuot iyon sa akin at ang isa naman ay isinuot nya.

Humarap sya sa akin at ngumiti.

"I don't want us to get notice."

Napakunot ako ng noo. Eto? Eto ang naisip nya na paraan? Eh, mukhang lalo kami nitong pagtitinginan.

Mabilis syang lumabas ng sasakyan at pinabuksan ako. Nilahad nya ang kamay nya sa akin at di ako nagdalawang isip na tinanggap iyon. Lumingon sya sa paligid at ngumiti nang bumaling sa akin.

"Let's go."

Hindi ako nagkamali nang maisip kong pagtitinginan kami. Panay ang sulyap ng karamihan ng babae kay Callie pagkatapos ay sa akin naman. Walang araw sa loob ng mall pero nakashades kami kaya kapansin pansin talaga at isa pa, napansin ko ang kakaibang tindig ni Callie sa paglalakad. Para syang model kaya nga lang hawak nya ang kamay ko. Kaya kitang kita ang pagkadismaya sa mukha ng ibang babae dahil siguro may kasama sya. Para syang artista na naligaw lang dito sa mall. Nailang tuloy ako dahil napapansin ko ang pagtingin ng mga babae sa akin mula ulo hanggang paa na para bang masuri akong ineeksamin. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Kung iisipin mo, para kaming magboyfriend-girlfriend dahil na rin sa parehong sunglasses na suot namin at magkahawak na kamay. Masyadong head turner si Callie. Lahat ng napapadaan at sumusulyap sa kanya. Tama ako sa sinabi kong napakalabong may makaisip na kidnapper at stalker ang isang 'to.

Nakarating kami sa movie floor ng mall. Mahigpit ang kapit ni Callie sa kamay ko. Marami rin kasing tao at sigurado naman akong hindi ako bibitawan nito dahil iisipin nyang tatakbuhan ko sya.

Lumapit kami sa ticket counter. Akala ko ay pipila kami pero lumapit lang si Callie sa gilid nito. Hindi pa kami nakakalapit ay may sumasalubong na na nakangiting babae.

"Si-"

"2 tickets for Callie Rivera."

Hindi pa natatapos ang babae ay mabilis nang nagsalita si Callie. Lumapit naman ang natigilang babae sa computer sa harap nya at maya maya pa ay nakangiti nitong inilapag ang dalawang ticket sa harapan namin.

"Here you go, Sir."

Kinuha iyon ni Callie at tumalikod na.

"Salamat."

Ako na ang nagpasalamat sa babae dahil sa hiya. Ganito ba ang ugali ni Callie sa ibang tao? Masyadong suplado.

"Anong gusto mong panuorin?"

Nakatapat kami sa isang malaking screen kung saan nakalista ang lahat ng movie sa iba't ibang cinema at oras. Nakita kong tatlong movie ang available ilang minuto nalang. Ang isa ay horror, ang isa naman ay isang Filipino movie dahil sa poster ng isang pinoy na aktres at aktor. Nakangiti kong itinuro ko kay Callie ang panghuli. International movie iyon, hollywood version ni Gagamboy.

Narinig kong mahinang tumawa si Callie kaya napatingin ako sa kanya.

"I thought you'll want to watch this."

Tinuro nya iyong isang pinoy na romantic movie.

"Ayoko nyan, ito nalang. Napanuod ko na yung una nito. May pangalawa na nga pala. Gusto kong panuorin."

Napanuod ko na nga ito dahil humiram ako ng DVD nito kay Kyle noon. Maganda sya at action, hindi lang pambata. At isa pa, gwapo ang bida.

"Ako rin, I love that movie. Let's go."

Lumapit si Callie sa snack bar ng sinehan at bumili ng napakalaking size ng popcorn at large na mga inumin. Maging doon at hawak nya pa rin ang kamay ko. Gusto ko na ngang bumitaw dahil baka napapasma na iyon dahil kanina pa kami magkahawak pero mukhang wala syang balak bumitaw. Inabot ko ang isang inumin at inipit sa braso ko ang plastic ng popcorn. Bigla akong tinakam sa amoy ng popcorn kaya inunahan ko syang kunin iyon. Tumingin sya sa akin. Hindi ako sigurado sa mukha nya dahil sa salamin pero siguro ay nakaangat na ang isang kilay nito ngayon.

"Ako na."

Umiling ako at iniwas sa kanya ang popcorn. Ngumiti naman sya na para bang nagpapaubaya at kinuha na rin ang inumin nya. Hinila na nya ako pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa hindi pa nya kinukuhang sukli.

"Sir, sukli po!"

Tawag sa kanya ng nagtitinda.

"Keep it."

Sabi nya pabalik at hinila na akong tuluyan. Ang bigtime talaga ng isang to, keep-the-change nalang ang drama.  Bago kami pumasok sa sinehan ay inabutan kami ng nagbabantay doon ng 3D glasses. Hawak iyon ni Callie habang pumapasok kami ng sinehan. Madilim kaya't napahigpit ako ng kapit sa kanya.

"Careful."

Bulong nya nang maramdaman nya siguro ang higpit ng kapit ko. Nakahanap sya ng pwesto sa bandang gitna at inalalayan ako paupo. Nang makaupo kami ay inayos ko na ang dala kong plastic ng popcorn at inilagay na ang inumin sa holder sa gilid.

Kinuha ni Callie ang suot kong sunglasses at nakitang hindi na nya suot ang kanya. Saka naman nya isinuot sa akin ang 3D glass. Sya naman ay isinuot na rin agad ang kanya.

Nagsimula ang palabas at hindi ko mapigilang makihiyaw sa mga nasa loob ng sinehan. Si Callie naman ay naririnig kong tumatawa rin. Panay ang kain ko sa popcorn na ako ang may hawak. Si Callie naman ay nakikikuha rin. Inaabot pa nya minsan sa labi ko ang straw ng inumin ko dahil nakakalimutan ko ng uminom dahil sa sobrang tutok ko sa palabas. Nakakalungkot nga lang dahil namatay ang bidang babae sa huling bahagi ng palabas. Ang sama naman ng palabas na 'to. Sya na nga ang nagliligtas ng tao, sya pa ang dehado.

"There's gonna be part 3 and he'll be happy so don’t worry."

Rinig kong bulong ni Callie. Malamang napansin nya ang pananahimik ko sa parte kung saan namatay ang babae.

Natapos ang palabas at bumukas ang ilaw. Tinanggal ko na rin ang 3D glass na suot ko. Tumayo na ako at nag-unat ng kaunti. Kinuha ko ang inumin ko at napansin kong hindi pa halos kalahati ang nababawas dito. Nang makita ko naman ang baso ni Callie ay ubos na ubos ang laman.

"Let's go."

Muling hinawakan ni Callie ang kamay ko at hinila na ako palabas. Hindi na rin namin suot ang itim na sunglassess namin kanina. Panay na ang sulyap ng iilang nakasabay naming manuod kay Callie, lalo ngayon na wala kaming suot na sunglasses ay litaw na litaw ang kagwapuhan nya.

Nang makalabas ng sinehan ay may natanaw akong iilang nagkukumpulan.

"Free taste po."

Rinig kong sabi ng lalaking nasa counter.

Kahit malayo ay naamoy ko kung ano iyon. Madalas akong lumalapit sa ganito lalo na kung free taste. Dati ay halos makisiksik ako kapag ganito. Nakakatuwa kasi.

"Halika."

Hinila ko si Callie pero mabigat ang katawan nito ay parang ayaw magpahila.

"What?"

"Free taste."

Nakangiti kong sabi.  Hindi na ako nakatiis kaya mabilis akong kumalas sa pagkakahawak nya sa kamay ko at mabilis na lumapit sa may Free taste. Napalunok ako dahil nachos iyon at mukhang masarap. Agad naman akong inabutan ng lalaki sa counter at masaya iyong tinanggap. Kumuha ako ng isa at kinain. Napangiti ako ng malapad dahil sa sarap noon. Bumaling ako sa gilid ko at natigilan ng makita kong wala si Callie. Nang tanawin ko ang pwesto namin kanina ay nakita ko syang nakangiting nakatayo lamang doon at kumaway.

Nalunok ko ang nginunguya ko nang marealize ko na nakabitaw ako sa kanya. May kalayuan ang pwesto nya sa lugar na kinatatayuan ko.

Bigla akong kinabahan ng maisip kong hindi na ako hawak nito. Maraming tao at may pag-asa ng makatakbo ako. Muli akong tumingin sa pwesto nya at nakita ko syang natayo lang doon at nakapamulsa habang nakatingin sa akin.

Kumikirot ang dibdib ko sa ideyang pumapasok sa isip ko. Doon ko nakita ang sarili kong humahakbang na dito paatras.

Nakakaisang hakbang pa lamang ako ng biglang dumami ang tao sa pagitan namin ni Callie. Napatingin ako sa mga nagsilabasang tao sa isang sinehan. Parami ng parami ang mga tao. Tinanaw ko ang pwesto ni Callie, nandoon sya hanggang sa unti unti ng matabunan ang paningin ko.

Nanlaki ang mata ko ng maradaman kong natatangay na ako palayo. Nabitawan ko ang hawak kong pagkain.

Dapat ay tumakbo na ako palayo. Siguradong makakatakas ako. Pagkakataon na ito.

Pero hindi ko nagawa.

Nakita ko nalang ang sarili kong pilit na ipinagsisiksikan ang katawan palapit sa kinatatayuan ni Callie.

"Excuse po! Padaan!"

Sigaw ko na parang hindi naririnig ng iba.

"Callie?"

Unti unti akong dinapuan ng matinding takot dahil sa hindi ko ito naririnig.

"Callie?!"

Patuloy ako sa pagsigaw ng pangalan nya ngunit wala pa ring sumasagot. Halos matulak ko na ang mga nakakasalubong ko makarating lang sa pwesto nya kanina.

Tuluyan na akong nilamon ng kaba at takot na baka hindi ko na sya muling makita.

"Callie naman eh?! Nasan ka?!"

Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko at unti unti ng bagbublur ang paningin ko. Nanghihina na nag tuhod ko dahil hindi ko matanaw kahit anino nito.

Nasan ka na, Callie? Nasan ka na? Umalis ka na ba? Iniwan mo na ako?

Sa gitna ng kaba at takot ay may biglang humigit sa bewang ko.

"Gotcha!"

Mabilis akong tumingin dito at nakita ko agad ang nag-aalalang mukha ni Callie. Hindi ko napigilan ang sarili ko at mabilis na yumakap sa kanya. At saka tuluyan ng napaiyak sa dibdib nito.

"Saan ka ba galing? Sumasakit na ang paa ko kakahanap sa'yo. Nabitawan ko pa yung pagkain ko."

Hindi ko na alam ang mga pinagsasasabi ko. Ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang saya dahil natagpuan ko sya.

"Kapag iniwan mo'ko, hindi na ako makakauwi. Hindi ko alam ang daan."

Patuloy lang ako sa pag-yak.

Niyakap nya ako at naramdaman kong humaplos ang kamay nito sa buhok ko. Pakiramdam ko ay unti unti ng nawala ang takot at kaba ko dahil sa mararahang halik nito sa noo at ulo ko. Na para bang kinakalma ako at sinasabing maayos na ang lahat.

"I'm sorry. I won’t let that happen again. I'm so sorry, babe. Stop crying, I'm here."

Inilayo nya ang mukha ko mula sa dibdib nya at pinunasan ang mga luha ko.

"Oh, God. I thought I lost you."

Bulong nya.

"I'm sorry. Nasaktan ka ba? I'm sorry."

"Stop crying okay? Pinagtitinginan na nila tayo, baka akalain ng mga tao dito, pinaiiyak kita."

Unti unti ako lumingon sa paligid at napansin kong may mga iilang dumadaan na napapatingin sa amin. Ang iba naman ay nakangiti na para bang may nakakatuwang pinanunuod. Hindi ko mapigilang isubsob ang mukha sa dibdib ni Callie dahil sa kahihiyan.

Narinig ko naman syang mahinang tumawa at yumakap na rin sa akin.

"Si kuya, pinaiiyak si Ate."

May narinig ako biruan sa tabi. Boses iyon ng isang babae at may mga nakikitawa rin. Tumawa rin sya Callie habang nakayakap sa akin.

"Hindi, naiyak lang sa movie yung girlfriend ko. Patatahanin ko lang."

Biro nya. Natigilan ako ng marinig ang salitang 'girlfriend'. Napansin kong kanina pa ako nakayakap sa kanya at sa itsura namin ay iyon ang maiisip ng mga nakakakita. Bahagya akong lumayo dito at nagpunas ng mukha.

"Easy, you're ruining your make-up."

At sya pa itong namroblema sa make-up ko. Sinamaan ko sya ng tingin at nakita kong tumawa naman sya ng mahina.

"Kidding."

May kinuha sya sa bulsa at nakita kong panyo iyon na mabilis nyang ipinunas sa basa kong pisngi.

"I guess it's time for this."

Inilabas nya ang hawak na itim na sunglasses kanina. Isinuot nya ang akin at ang kanya naman ang isinunod.

Ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko.

"Ready?"

Tumango ako at mahigpit na kumapit sa kanya.

Naisip ko ang nangyari kanina. Kung paano ko hindi nagawang makatakbo palayo. Kung paano ko hindi nagawang makatakas. Ang takot na naramdam ko nang maisip ko hindi ko na sya makikita. Kung gaano kahigpit ang kapit ko sa kamay nya ngayon. Pakiramdam ko ay nabibigyan na ng kasagutan ang mga nagiging pag-aalinlangan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 311 13
❝My pain was enough reason to change and choose myself this time.❞ Triumph University College Series 01 [COMPLETED] *** Date Published: May 16, 2021 ...
93.1K 2.4K 15
Adeline Ronsville the Governor's daughter run away from her so-called fiance and board on the ship of 'Hurricane' where she will meet the Captain of...
42.5K 2.1K 39
(Completed) Parenting is a tough job but seeing your child smile and laugh is a worthy sight. -- "Laro tayo," biglang usal ko. I didn't know wher...
29.3K 1.1K 37
The Black Rose Series #2 Assassin - specialize in positioning and artful killing. They strike when the time is right - no sooner, no later.