Loosing Grip

By Look_Beyond

426 12 2

"Love makes you hold on to the things you shouldn't." She said. Eyes deceive. Mind dictates. Lips lie. Heart... More

Losing Grip (ON HOLD)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 4

36 2 0
By Look_Beyond

Thea's POV: 

Late na ako sa klase dahil umaga na din ng dalawin ako ng antok. Ang sakit pa ng ulo ko para akong inuumpog sa yelo pati yung mga mata ko ang hahapdi, mukha pang nakagat ng ipis. Nakakainis.

Malapit na ako sa classroom ko ng may biglang humigit sakin tapos dumiretso kami sa isang bakanteng classroom.

Mukhang transferee siya sa school kasi hindi siya pamilyar sakin, tama lang kasi ang populasyon ng estudyante sa school para makilala mo sa mukha o hitsura kung sino ang matagal na at bago sa paaralang ito.

Ikinulong niya ako sa mga bisig niya na ikinagulat ko.

Nakatingin siya sa may kaliwa kong leeg at akmang hahaplusin pero agad ko siyang itinulak.

Hindi ko alam kung paano pero nagawa kong buhatin ang lamesang may bakal na mga paa na nakalagay sa gilid ko. Binato ko ito sa kanya, natamaan ko siya sa bandang tagiliran pero parang hindi ko siya nasaktan.

Binigyan niya ako ng kakaibang ekspresyon.

Sound proof ang lahat ng classroom dito kaya hindi na ako nag abalang sumigaw at pinilit kong buksan ang pintuan.

Sobra akong natatakot sumasabay pa ang sakit ng ulo ko.

Hindi ko napansin na nakalapit na ulit siya sakin.

Nahawakan na niya ako at bago pa ako makapalag unti unti na akong nanghina at nawalan ng malay.

***

Geoff's POV:

Makikipaglaro pa sana ako. Nawalan pa ng malay. Tss.

Binuksan ko na ang pintuan ng classroom. Nakaabang naman agad sina Dave at Kai.

"Bro, ginawa mo dyan?" Turo ni Dave sa babaeng bitbit ko.

"Siya ang tanungin niyo." Pinasa ko ng bastahan sa kanila yung babae. Kamuntikan pa itong mahulog sa sahig ng masalo agad ni Kai. Tama lang yun. Magkakapasa pa ata ako dahil sa binato sakin ng babaeng yun.

"Anong gagawin namin dito?" sabi ni Kai.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at nilagpasan. Minsan yung utak nila hindi mo alam kung gumagana pa. Ano bang dapat gawin sa taong nawalan ng malay, ideretso sa hukay? Teka, bakit nga ba hindi. Susubukan ko nga minsan yun sa mga makakalaban ko.

 ***

Thea's POV:

May dalawang lalaki akong nakita sa pagdilat ng mga mata ko. Estudyante din ba sila dito? Teka ako ba ang binabantayan nila? Bakit ba ako nandito sa clinic eh nasa bakanteng classroom lang ako kanina.

Napaupo ako bigla mula sa kama ng maalala ang huling nangyari.

Automatikong hinanap ng mga mata ko yung lalaking kasama ko kanina.

Napatingin naman sakin parehas yung dalawang lalaki. Mukha silang siga dahil sa porma nila. Pero napansin kong ni bakas ng sugat o peklat sa mukha at sa ibang parte ng kanilang katawan ay wala. Mukhang sila yung tipo na hindi nagpapadapo sa kagat ng lamok.

Isa siguro sila sa nagsisiga sigaan sa paaralan at mahilig lang pumorma.

"Ayos ka na ba?" Tanong sakin nung lalaking nasa kaliwa.

Magsasalita sana ako ng may biglang pumasok.

Siya. Siya yung humila sakin!

"Gising na pala yan, Tara na." Ni hindi man lang niya ako inaksayahan ng oras para tingnan at dire-diretso lang na kinausap ang dalawang lalaki dito.

Agad nag initang ulo ko. Nakita ko yung bottled water sa lamesa na katabi ng kama. Agad ko yung kinuha at binato sa likuran niya.

"Shit!" Humarap siya sakin ng magkasalubong ang dalawang kilay.

"Great! Napansin mo ko. Hindi mo ba ako kakamustahin?" Binigyan ko siya ng isang fake na ngiti.

Ngayon ko lang kasi naintindihan na trip lang yung ginawa niya kanina. Hindi na ako nasanay sa mga estudyante dito!

Nilapitan niya ako ng may seryosong tingin at ipinatong niya yung dalawa niyang kamay sa hinihigaan ko para mas makalapit siya sakin. "Ganyan ka ba magpapansin? Ibang klase din ang style mo napaniwala mo kong hindi ka attracted sakin. Tsk.Tsk. Pare-parehas talaga kayo." Umayos na siya ng tayo at dire-diretsong lumabas.

"Pagpasensyahan mo na si Geoff, ganun talaga ugali niya. Yung sa kanina pala nagkamali lang siya ng nahila kaya ikaw yung napagtripan niya."

"Transferee?" Hindi ko maiwasang hindi itanong.

"Im Kai siya si Dave." Ngumiti sila sakin pero wala na ko sa mood para makipagbatian sa kanilang dalawa.

Tumayo na ako sa kama at kinuha yung gamit ko.

"Bakit ito pang school namin?" sabi ko.

Sa mga ayos nila, mapapagkamalan silang isang gangster pero mukhang hindi naman sila nakikipag away. Paniguradong pag iinitan lang sila ng mga naghahari hariang mga estudyante.

"Bakit hindi? Maganda daw ang quality dito." Punto naman nung Dave ata ang pangalan.

"Hindi basta basta ang mga estudyante dito. Marami ng nag back out." Palabas na ako ng mapansin ko ang pag ngisi nung Dave. Mukhang nakuha agad nila ang gusto kong sabihin pero hindi yan ang inaasahan kong reaksyon nila.

"'Yun actually ang tinutukoy ko, maganda ang quality ng mga estudyante dito. They can be a gangster just like us." Napahinto ako sa narinig ko at automatikong tiningnan ang mga mukha nila.

Hindi ako makapaniwala, mas maniniwala pa ako kung sasabihin nilang sila ay anghel dahil sa maamo nilang mukha at mala pulseras na balat.

"Hindi ka pa nagpapakilala sa amin." sabi nung Kai ng mapansin niya ang mahabang pagtitig ko sa kanila.

"Althea." Lumabas na ako ng clinic at dumiretso sa susunod kong class.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 70.9K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
814K 28K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.3M 151K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...