Chapter 3: Buy
Aubrey's POV
Pagka-gising ko, nagulat ako nang nakaupo si Darryll sa tabi ko, "Mabuti gising kana, nagugutom na ako, bumili ka ng pagkain." sabi niya.
Wow, ang ganda ng pagsalubong niya sa umaga ko, di ba pwedeng goodmorning muna? Pagkain agad agad, bastusan eh.
"Opo boss." sabi ko at umirap.
"Pakibilisan." sabi niya at ngumisi.
Bibilhan ko pa naman siya ng damit niya dahil wala naman siyang damit, at dahil 'di naman ako yayamanin, sa ukay-ukay nalang kami bibili.
Naligo muna ako bago ko siya nilabas, sinusundan niya ako ng tingin niya kahit san ako magpunta.
"Baka mamaya maya, kinakain na kita, nagugutom na talaga ako." sabi niya at tumingin sa tiyan ko.
"Ang sarap mo." sabi niya.
"Ang laswa mo, alam ko masarap ko okay pero please. control. yourself!" sabi ko.
"Just faster!" sabi niya at mukhang nagagalit na.
"Bibili tayo ng damit mo, para may damit ka, alangan mag suot ka ng pang babae." sabi ko.
Hindi niya ako sinagot at dumiretso na kami papalabas, mukhang nagagalit na ang bampirang ito.
Mukhang gutom na gutom na dahil hindi na maipinta ang mukha at mukhang maka-kain niya pa ako.
Pagkarating namin, ang daming tao, kaya nagulat ako nang nakahawak na si Darryll sa kamay ko, kaya napatingin ako sakaniya na punong puno ng pagtataka but he's just looking straight na parang wala lang ang pag-hawak niya sa kamay ko.
He's so cold, at ang laki ng kamay niya, anyway, naka intertwined ang kamay namin medyo umaatake nanaman ang pagiging assumera ng ate nyo.
Hindi ko nalang pinansin ang paghawak niya sa kamay ko, at nag-tingin tingin na ako ng damit para sa mokong na bampirang ito.
"Ate magkano ito?" sabi ko.
"50 isa lang." sabi niya.
"Bawal ba 45 nalang?" sabi ko.
"Bawal po eh." sabi niya kaya ngumuso ako.
"Ito po magkano?" sabi ni Darryll at itinaas ang isang damit kaya nagulat ako.
"Ay, 50 tatlo para saiyo kuya." sabi ni ate na nagpapacute pa, ang landi ah.
"Ah talaga, salamat ah, may sukatan kayo?" sabi niya.
"Yes po, dito po oh." sabi niya at turo sa isang kwarto.
"Galing mo ah, saan mo nalaman iyon?" bulong ko.
"Wala narinig ko lang sa katabi mong lalaki." sabi niya.
Ah, akala ko marunong siya, narinig lang pala niya. Pero may pakinabang ang kagwapuhan niya ah, nakakatipid ako.
Atsaka para sakaniya naman ito, kaya malamang lang na tulungan niya ako kahit sa simpleng bagay na magagawa niya bilang isang malaking bampirang ignorante.
Hinintay ko siya sa labas at paglabas niya, suot niya ang vintage pink na medyo maluwag sakaniya, damn ang hot niya.
"Bagay sa'yo." sabi ko.
"Syempre, gwapo ang nagsuot." sabi niya at seryosong pumasok muli sa fitting room.
Ay, ay, I am shookt. Pero bagay sakaniya ang damit ah, nakatipid pa, singkwenta tatlo agad, mukhang marami kaming mabibiling damit at mga shorts ah.
Lumipas ang ilang oras na paglilibot namin sa palengke para bumili ng damit, naisipan kong pakainin na itong bampirang ito dahil nagugutom na daw siya, at pawis na pawis na siya, kawawa naman.
He's still holding my hand, bumibitaw lang siya kapag mag susukat siya. Ibang klase rin ito eh, kinareer ang paghawak sa kamay ko.
"Kuya 50 na dugo, wag mo na lutuin." sabi ko.
Pagkabigay niya, bumili na rin ako agad ng pagkain ko at sa bahay na kami kakain baka may makakita pa na kumakain si Darryll ng hilaw.
Pag-uwi namin, walang wala si Flash sa bilis niyang kumain, mukhang gutom na gutom nga, ngumiti nalang ako na para siyang bata na sobrang saya na nakuha ang gustong laruan.
Binigyan ko siya ng ice cream, favorite na favorite niya ang ice cream ah. Ang cute niyang tingnan, pero napatigil ang pagngiti ko nang nagsalita siya.
"Anong ginagawa mo, bakit ngumingiti ka habang nakatingin sakin?" sabi niya at nakakunot ang noo.
Nataranta ako, "Ah, wala wala, may naalala lang ako." sabi ko at umiwas ng tingin.
"Gusto mo mag-aral?" sabi ko.
"For?" sabi niya.
"Pero kailangan maging scholar ka, para maka pasok ka, wala kasi akong pera para pag-enrollin ka." sabi ko.
"No thanks, parang nakakatamad mag-aral." sabi niya.
"Para sana matulungan mo ako sa pag tatrabaho, dahil ang hirap kaya." sabi ko.
"Bakit, sinasabi mo bang pabigat ako?" sabi niya at sumimangot at nagpula ang mata.
"Ha—hala hi-hindi a-ah!" sabi ko at natatakot nanaman.
"Huwag mo akong sinasabihan ng gano'n ah." sabi niya at nawala na ang pula sa mata.
Kumain lang siya nang kumain, sumimangot nalang ako. Masaya naman ako na may nakakasama ako sa bahay, kaso kung ganito naman ang kasama mo na parang gagawin kang kasambahay.
Huwag nalang, dahil nagtatrabaho ako para sa'kin hindi para sa iba at mas lalong hindi para sakaniya, wala na ngang galang sa babae ganiyan pa siya maka-asta.
Pero ano bang magagawa ko, isa siyang di hamak na bampira na walang alam kung hindi kumain nang kumain.
"Why are you pouting?" sabi niya nang napansin niya ako.
"Huwag mo nalang ako pansinin." sabi ko at nawalan na ng gana.
Tumayo ako at dumiretso sa maliit kong table para i-compute ang pera ko dahil kailangan ko pa itong mapa-abot ng next month.
My budget is 5,000PHP pero dahil bumili kami ng halos isang libong halagang mga damit at bili nang bili ng pagkain itong si Darryll.
I have only 2,369PHP left, kailangan ko ng magtipid, kung hindi mawawalan ako ng pera, siya nalang pakakainin ko at magtutubig nalang ako.
"You need money?" sabi niya sa gilid ko.
"No." sabi ko.
"Good, magsacrifice ka naman para sa'kin, dahil anytime I can kill you." sabi niya.
Bakit ko ba kasi ito tinanggap sa buhay ko, ngayon, kailangan ko tuloy magsakripisyo.
Sana lang ay kayanin ko, sana.
____