The Beauty in You (COMPLETED)

By freylala215

102K 3.2K 610

Will they get another chance? A chance to be happy. A chance of making dreams together. A chance to.... For... More

Teaser
Prologue
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SIX
SEVEN
EIGHT
NINE
TEN
ELEVEN
TWELVE
THIRTEEN
FOURTEEN
SIXTEEN
SEVENTEEN
EIGHTEEN
NINETEEN
TWENTY
TWENTY ONE
TWENTY TWO
TWENTY THREE
TWENTY FOUR
TWENTY FIVE
TWENTY SIX
TWENTY SEVEN
EPILOGUE

FIFTEEN

3.1K 107 9
By freylala215

~~~~~
"Love wait lang naman oh! Ang bilis bilis mo naman maglakad eh."

"Kasi naman Mr. Ferdinand Ravena III it's hot na and sobrang bagal mo lang talaga. Look oh! Ate Ly's waiting for us na. Gosh! Bakit ba ikaw ang boyfriend ko!?" Si Bea at rinig na rinig ko ang pagtawa ni Thirdy sa mga sinasabi ni Bea.

"Kasi kahit na mabagal ako love na love mo pa din ako. Patay na patay ka nga sa akin Isabel." Sabi ni Thirdy at binato naman siya ni Bea ng cap na hawak niya.

Malayo pa lang tong dalawa na 'to pero naririnig ko na ang pagtatalo nila. Hindi na talaga nagbago dati na silang ganyan. Ang cute lang.

"Hi ateeeee!" Si Bea sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Buti naman I have someone na hindi nakakairita. Nakakasawa mukha niyan." Sabi niya pa at humalakhak lang si Thirdy sa sinabi niya.

"Nako! Nako! Kapag nga hindi mo yan nakikita kulang na lang puntahan mo sa mga practice niya eh." Sabi ko kay Bea kaya naman umirap siya sa akin.

"Sorry baby pero mas love ako ni Ate Ly sayo eh. Nasaan si Manong ate?" Thirdy asked me.

Sumenyas naman ako sa kanila na sumunod sa akin papasok sa bahay. "Nag-iihaw siya kanina eh. Baka may kinuha lang sa loob. Hindi pwede si Dani?" Umiling lang si thirdy sa akin. Two days na kami ni Kiefer dito at sumunod na lang tong dalawa.

"Sayang naman."

"Yes ate. She's sad nga kanina eh. Gusto niya sumama pero busy daw talaga eh." Bea said. "Wow! Ang ganda ng house ni Manong dito ha."

"Kumusta ang byahe?" Si kiefer na may dala dala na plato.

"I'm just thankful na sa pagbalik natin sa Manila sabay sabay na tayo. Thirdy is a pain in the ass manong. Muntik pa kami malate sa sobrang sabog niya kaninang umaga. Ang dami niyang nakalimutan kanina." Si Bea na nakasimangot pa tapos pagtingin ko kay Thirdy nakangiti lang siya. Tinapik ko siya sa braso pero mas lalo lang siyang ngumiti sa akin.

"Huwag mo siyang pansinin ate. Ganyan lang yan kapag naglalambing." Bulong ni Thirdy pero pareho kaming nagulat ng may lumipad na unan sa harap namin.

"Hoy! Anong sinasabi mo kay Ate ha? Don't believe him ate Ly. He's lying." Sigaw pa ni Bea.

"Oy! Chill na. Tama na yan. Nandito tayo for vacation. Hindi para magtalo kayo ha. Sige na thirds ipasok mo na sa loob yang mga gamit niyo." Sabi ko at tumabi kay Bea. Nang makaalis si Thirdy para pumunta sa loob.

"Ang init ng ulo mo bei." Sabi ko.

"Kasi naman eh napakaharot niyan ni Thirdy ate eh. I just left him to talked to Mommy tapos pagbalik ko he's talking na with a girl. Look how landi diba?" Sabi niya.

"Magkaibigan nga kayong dalawa. Pareho kayong selosa." sabi ni Kiefer at tumawa pa sa amin bago niya binalikan ang mga iniihaw niya.

"Don't mind your manong. Baka naman he's helping lang yung girl. Ikaw talaga, cute cute mong magselos. Good thing nga hindi naiinis sayo si thirdy eh." Sabi ko pero hindi na ako pinansin ni Bea. "Huwag ka ng magtampo or kung ano man yang nararamdaman mo. Thirdy loves you." Sabi ko at tumayo na para sundan si kiefer pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Thanks Ate Ly. I love you." Sabi niya at biglang yumakap sa akin. "Masaya ako for you. I know love mo talaga si Manong and siya lang nakakapagpasaya sayo ng ganito."

"Huh? Anong meron?" I asked her. Parang nagulat pa si Bea sa sinabi ko at hindi na siya makatingin sa akin ng diretso.

"Ha? Ah.. Ano atee. OMG! ang bango naman Manong mukhang masarap." Sabi niya at nilapitan si Kiefer.

"Nasaan na si Thirdy?" Kiefer asked her.

"I'm here Manong." Si thirdy na nakangiti ng nakakaloka sa akin. Napakunot noo ako sa kanya pero hindi na lang siya pinansin. Kiefer asked him to get some plates dahil kakain na daw kami.

"Babe parang masyadong marami naman apat lang tayo ah." Sabi ko paglapit sa kanya. Kiefer marinated a porkchop tapos nag-ihaw din siya ng bangus. Kanina nagluto din ako ng adobo.

"It's okay Babe. Kaya natin yan ubusin. Maniwala ka sa akin." Sabi niya at nilagyan na ang plato ko ng pagkain. Kung kanina nagtatalo si Bea at Thirdy ngayon naman sweet na sweet na sila. Talaga tong dalawa na to.

"Sayang wala si Danielle malamang nauna na yon kumuha ng ulam. Napakatakaw pa naman non." Sabi ni Thirdy.

"Kaya kayo laging nag-aaway ni Dani eh lagi mo siyang binubully." Kiefer said tapos sinubuan niya ako.

"Aww. Manong so sweet." Bea said. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Anyways Manong since mukhang wala naman yung gamit ni Ate Ly doon sa isang kwarto so nag-assume na ako na magkatabi kayo at magkatabi kami ni Bea."  thirdy said.

"Yes! Hindi na ako sanay na hindi kami magkatabi ng ate mo. Pero kung hindi sanay si Bea pwede naman silang magtabi dalawa." Kiefer answered.

Pare-pareho kaming napatingin kay Bea na patuloy lang sa pagkain. Maya maya lang humagalpak ng tawa si Thirdy. "Manong don't mind Bea. Gustong gusto niya pa ngang tabi kaming matulog eh. Kaya no problem sakanya yon. Baka nga kapag nagtabi pa sila ni Ate Ly magkaroon ng problema eh." Paliwanag ni thirdy.

"Baliw ka talaga Thirds kaya kayo nag-aaway ni Bea eh. Masyado kang mapang-asar." Sabi ko.

Nagpahinga muna kami after namin maglunch at nakipaglaro sila Kiefer  sa mga bata dito.

"Ate Alyssa. Ate Alyssa." Si Boknoy at may kasama siyang babae. Tumayo naman ako at sinalubong sila.

"Bok? Wala ka yata kahapon ah." Sabi ko at ngumiti sa kasama niyang batang babae.

"Ah, ate nasa bayan po ako sinamahan ko siya." Sabi niya at tinuro ang katabi niya na nakangiti sa akin. "Ate ito po si Tinay, siya yung babaeng sinasabi ko sa inyo nung dumating kayo dito. Tinay si Ate Alyssa ang kasintahan ni Manong Kiefer."

Kumaway siya sa akin at ngumiti naman ako. "Tinay mabait yan si Ate Alyssa. Huwag ka ng mahiya."

"Bok, maganda pala talaga siya at ang tangkad tangkad niya." Bulong ni Tinay.

"Hello Tinay. Ako si Ate Alyssa. Kinukwento ka palagi sa akin ni Boknoy. Buti nagkita na tayo dito." sabi ko hinawakan ang kamay niya at naglakad kami palapit kila Kiefer. "Bok kumain na ba kayo?" I asked him.

"Ha.. Ah.. Opo Ate Ly kanina po." Sabi niya at umiwas ng tingin. Kilala ko tong bata na to alam ko din na nahihiya lang siya.

"Tara samahan niyo ako." sabi ko pumasok kami sa loob at naghain ako ng kakainin nila.

"Hala ate okay lang po kami. Nakakain na po kami." Sabi niya pero ngumiti lang ako at sinamahan na sila dito.

"Kapag hindi kayo kumain magtatampo ako." Sabi ko at nagsimula na silang kumain dalawa.

"Ate Ly did you see my lotion? Kanina ko pa hinahanap eh." Si Bea at nginitian ang mga bata. "Hello kids." Sabi niya.

"Bei ito si Boknoy at si Tinay. Si Ate Bea niyo ang kasintahan ng Kuya Thirdy niyo." Sabi ko.

"Ate ang deep naman masyado ng tagalog na yon. Hello kids kain lang kayo ha." Sabi niya at tumabi ng upo sa akin.

"Yung bag na may laman na mga lotion?" I asked Bea tumango naman siya sa akin. "Nilagay ko doon sa kwarto namin paano kasi nakita ko na lang doon sa labas. Ikaw talaga gamit mo hindi mo itabi." Sermon ko sa kanya.

"Si thirdy kasi yan ate eh. Ngayon ko lang naalala dahil nga sabi ni Manong mag island hopping na tayo."

"Sige kukunin ko magpapalit na din pala ako. Boknoy, Tinay kumain lang kayo ha. Huwag na kayong mahihiya sa amin ha. Nandito si Ate Bea niyo." Sabi ko at pumunta na sa kwarto namin. Pinili ko ang isang red na two piece bikini at nagsuot ako ng short. Kinuha ko din and chiffon white cover up. I put my hair on a bun and my sunglasses on.

Pumunta akong kusina at naririnig kong nag-uusap silang tatlo.

"Ate Bea ang alam ko po maayos na yon eh. Nakuha na po ang lahat at ready na po yon para bukas. Kanina po yon ang inayos namin sa bayan at mamaya po ihahatid dito." pagkwento pa ni Boknoy.

"Ang alin?" I interrupted them.

"Haaa? Ah ate yung mga Fish na nahuli nila may mga order daw kasi kwento ni Boknoy sa akin kanina." Sabi niya at ngumiti sa akin ng pilit.

"Ate tapos na po kami ni Boknoy Salamat po ha." Tinay said and hugged me.

"Walang anuman Tinay. Saan na kayo pupunta nyan? Gusto niyo bang sumama sa amin?" I asked them. Umiling naman sila sa akin.

"Hindi na po Ate may gagawin pa po kami  eh."

"Babe? Ready na ba kayo?" Kiefer asked me. "Ano Bok? Masarap ba ako magluto?"

"Sarap Nong. Nabusog kami ni Tinay. Sarap magluto ni Ate Alyssa." Natawa naman kaming dalawa.

"Tara na Babe. Mukhang ready na din naman yung dalawa." Sabi ko at sabay sabay kaming lumabas.

"Manong safe to ha?" Bea asked him habang pasakay kami sa bangka.

"Kapag kasama mo ako safe ka love." thirdy said and hugged Bea.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Kiefer. "Babe mukhang ayaw ko yung suot mo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh? Bakit? Pangit ba? Ayaw mo yung color? Hindi ba bagay sa akin?" I asked him. Wala na akong dalang pamalit dito bukod lang sa towel namin at dalawang tshirt ni Kiefer isa para sa kanya at isa para sa akin.

"No... No babe.. Ang ganda nga eh kaso kasi masyadong sexy eh. Huwag mo tong tatanggalin mamaya ha." Sabi niya at mas binalot sa akin ang suot kong cover up. 

"Babe paano ako maliligo kung hindi ko tatanggalin to ha?" I asked him. Kiefer sighed and hugged me tight.

"Sana solo natin ang Isla ayaw kong may tumitingin sayo."

"Napaka possessive naman po talaga ng lalaki na 'to." sabi ko at hinawakan ang noo niya dahil nararamdaman ko na magsusungit na to. "Hayaan mo na sila ikaw lang naman ang love na love ko eh."

"Babe stop please. Kinikilig ako eh." sabi niya at hinawakan ako sa pisngi. "Kiss mo ko."

Kinurot ko siya sa braso at tumawa lang siya sa akin.

"Love bakit ba hindi mo kayang maging ganyan ka-sweet sa akin katulad ni Ate Ly kay Manong ha?" Napatingin kami kay Thirdy sa sinabi niya.

"Tigilan mo ako Ferdinand ha. Si Manong kasi hindi nakakainis maayos siyang kausap at lalong hindi siya nalelate kapag may date sila ni Ate. Kaya deserve niya pagiging sweet ni Ate. How 'bout you?" Bea answered him.

Nanahimik na si thirdy at hindi na lang sinagot si Bea.

"Mukhang solo natin ang Isla ah." Si thirdy pagbaba pa lang namin sa bangka.

Nilapitan ako ni Bea habang nag-aayos ako ng mga gamit namin dito sa cottage.

"Ate Ly." Sabi niya at hinila ako palapit sa kanya.

"Yes Bei?" I asked her.

"Wala lang. I love you ate. I'm so so so happy for you and for Manong. Super happy for the both of you."

"Bei may problema ka ba? You looked so different eh. Kanina ka pa ha. Anong problema mo?" I asked her.

"To naman hindi na pwede maglambing sayo? I'm just happy ate. Kasi diba nagkaayos na kayo. Ganon yon ate." sabi niya at tumango na lang ako. Pero alam kong may tinatago to sa akin.

"Bei huwag mong masyadong kulitin si Ate Ly." Tinignan ko kung nasaan si Kiefer at busy siya kausap ang bangkero namin. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Bea sa kamay ko. She's massaging it pa.

"Ate you have big hands talaga no." sabi niya at parang sinusukat ang mga daliri ko.

"Yes bei. And bakit ba ganyan ka ha?" Sabi ko at bigla bigla namang hinatak ni Thirdy si Bea kaya hindi na niya ako nasagot.

"Magswimming na kami Ate." Sabi niya at tumakbo na papunta sa dagat.

"Weird." I murmured.

Inayos ko ang mga dala namin para mamaya kapag nagutom sila hindi na magugulo dito.

"Babe, mamaya na yan. Ligo na tayo." Kiefer said and kissed my nape.

"Hmm.. Akala ko ba ayaw mong tanggalin tong cover up ko ha?" I asked him.

Tumawa lang si Kiefer at hinila ako paupo. Niyakap niya ako kaagad ng mahigpit at hinalikan ako sa mukha.

"Kakabahan na ba dapat ako?" I asked him.

Napatigil naman siya sa ginagawa at tinignan ako. "What do you mean?"

"Ang lambing lambing mo eh. May kasalanan ka sa akin no? Umamin ka na Kiefer."

"What? Hindi na ako allowed na harutin ang girlfriend ko? Gustong gusto ko lang yakapin ka ng ganito eh." pinisil niya pa ang waist ko.

Tumayo naman ako kaagad at dali daling umalis sa tabi niya. Iniwan ko ang cover up ko sa buhangin at lumusong na sa tubig. Lumangoy pa ako sa medyo malalim na parte at dahil sa sobrang linaw ng tubig dito naeenjoy ko ang dagat. Nagulat pa ako ng may humawak sa kamay ko si Kiefer pala.

"So naughty but I love it." Sabi niya at yumakap sa akin. Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya.

"I love you." I said.

"I love you more Babe. I love you." Kiefer kissed me on my lips, I returned his kisses and I can feel his hands on my body.

I smiled to him and touched his Face. I love this man so much. I love him.

I woke up late the next day. When I checked the time it's past 10am. Naka tatlong isla yata kami kahapon at umakyat pa kami sa bundok dahil nagrequest si Bea. I smiled when I saw a rose on the bedside table.

Kiefer and his never ending pakulo to make me smile.

Tumayo ako at kinuha to at inamoy may letter pang kasama. What a way to start my day.

Hey beautiful,

I love looking at your sleeping face, Babe. I love that pouty lips and I can't help but to stole some kisses bawian mo na lang ako mamaya.

I love sleeping beside you but I have some important things to do. Bea and Thirdy will keep you company. Be back before dinner time. I love you so much Babe.

P.S Please wear a beautiful Dress Babe. I love you.

Tumayo na ako at naligo na kaagad baka kanina pa din ako hinihintay nila Thirdy sa labas.

Pinupunasan ko pa ang buhok ko habang palabas ako. Napatigil si Thirdy at Bea nang makita ko.

"Morning Ate. Mukhang napasarap ang tulog mo ha." Thirdy said.

"Ay. Oo napagod yata ako kahapon doon sa Island hopping natin tapos umakyat pa tayo sa bundok. Pero kaya ko na. Alam niyo ba nasaan ang Manong niyo?" I asked them.

"Sabi niya lang Ate may gagawin daw siya sa Bayan pero babalik din naman siya Ate mamaya daw." Thirdy answered.

"Ate we tried cooking a breakfast. Sabi naman ni Manong ayos lang naman daw. Yung fried rice siya nagluto." Sabi ni Bea tumango naman ako at pumunta sa Dining.

Wala kaming ibang ginawang tatlo kung hindi makipaglaro sa mga bata dito. Kanina nagyaya din si Thirdy na magtraining kami kahit na mahirap dahil sa buhangin na-enjoy ko din naman.

3:30pm nang sabihan ako ni Bea na mag-ayos na dahil may pupuntahan daw kami. Binigay niya pa sa akin ang isang paperbag na may tatak ng sikat na brand ng damit.

Nag-ayos ako ng sarili at sinuot ang damit na bigay ni Bea. Isang puting maxi dress. Backless pa siya at medyo plunging neckline pa pero may mga tali naman. Hindi ko alam kung saan to nakuha ni Bea.

"Ateeee?" Diretso siyang pumasok sa kwarto namin at napatigil pa. "No make up? But still very pretty. Manong is one lucky guy talaga. But we should put some color on your face." Sabi niya at doon ko lang napansin ang dala niyang bag.

"Marunong ka?" I ssked her.

"Of course ate. Alam ko to no. Nanuod kami ni Dani ng mga make up tutorial sa YouTube. Trust me on this."

After almost an hour natapos din si Bea. "Ghad! I did not expect na ganito pala to kahirap. Dapat nandito si Dani eh." Sabi niya at napaupo na lang.

Tumingin ako sa salamin at napatigil ako. "Bei, ako ba talaga to? Thank you Beatriz." I said and kissed her forehead.

"For you and for your happiness. Halika na." sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Lumabas kami at nagsimula na kaming maglakad. Habang papalapit kami sa bundok inaabutan ako ng mga bata ng Roses.

"Ate hanggang dito na lang ako. Just keep on walking, the kids will guide you." Ngumiti ako sa kanya at naglakad na ulit.

Tumawa ako ng makita ko si Boknoy at si Tinay sa pinakatuktok. Lumapit sila sa akin at inabutan ako ng bouquet ng sunflowers.

"Nasaan ang Manong niyo?" I asked them pero ngumiti lang sila sa akin.

"Babe?"

Lumingon ako at nakita ko si Kiefer na palapit sa akin.

"Mr. Ravena anong mayroon? Bakit may mga ganito kang pakulo ha?" I asked him.

Hindi niya ako sinagot at lumapit lang sa akin. "Babe alam mo bang mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita na willing akong isakripisyo ang lahat para sayo. I love you so much that sometimes I'm wondering ako ba talaga ang deserving para sayo? Masyado kang mabait at mabuting tao para sa akin." Kiefer wiped my tears and kisses my hand.

"But I won't let any man touch you. I don't want that. Gusto ko sa akin ka lang. Hindi ko kayang mawala ka sa akin, Ly." Bigla siyang lumuhod sa harap ko at doon na ako napahagulgol.

"K-kief." I murmured.

"Babe, will you marry me? Will you be my Mrs. Ravena?" I touched his face and slowly I nod my head.

"I will Kief. I will marry you Kiefer." Sinuot niya ang singsing sa akin at hinalikan pa ang kamay ko. Narinig ko ang sigawan sa gilid namin. Nandoon sila Bea at Thirdy kasama ang mga bata kumaway sa akin si Dani na may hawak ng camera. Kaya pala may kakaibang kinikilos tong mga 'to. Magkakasabwat pala.

I looked at Kiefer and smiled to him, I wiped his tears and kissed him the moment he stand up.

"I love you."

"I love you."

"Let the sunset, the mountain and the sea be the witness of my love to you. The witness to our relationship."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

112K 2.4K 50
Is the person who hurt me most is someone who can open my wounded heart?
21.5K 150 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
155K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
3K 661 139
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...