SIXTEEN

2.7K 102 3
                                    

~~~~~

"Babe? Hey." Napabaling ang tingin ko kay Kiefer ng hawakan niya ang kamay ko at pisilin ito.

Papunta kami ngayong Batangas para ipaalam ang lahat kila Itay.

Hindi ko alam kung kaya na ba namin silang harapin pero wala na kaming choice. May plano na kami ni Kiefer na magpakasal at kailangan namin ang blessing nila.

"Kinakabahan ako." I said and rested my head on his shoulder.

"Don't be. Kasama mo ako Babe, hindi kita pababayaan." Sabi niya. Alam kong kinakabahan din si Kiefer, ang huling sabi sa akin ni Inay galit na galit daw si Itay kay Kiefer noon na kahit anong sabihin niyang dahilan hindi daw nakikinig si Itay hindi ko alam kung nagbago na ba ang pakikitungo niya kay Kiefer sa lumipas na panahon.

Lalabas na sana si Kiefer para pagbuksan ako ng pinto pero hinatak ko siya pabalik. "I love you, Kief." I said.

Kiefer planted a soft kiss on my lips. "I love you more. Tara na?" I nodded and smiled to him.

Nauna akong maglakad para mag doorbell.  Narinig ko pa ang pagsigaw ni Inay kay Kian na buksan ang pinto.

"Ate?" Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Tumakbo naman siya para pagbuksan ako pero napatigil din ng makita niya ang nasa likod ko. "Kuya Kief?"

"Kian. Kumusta?" Sabi niya at tinapik pa sa balikat ang kapatid ko.

"Ayos lang kuya. Ikaw po?"

"Mabuti. Maayos ako. Si... Si Itay?"

"Nasa Bayan ate may kukunin daw siya. Tara pasok kayo." Sabi niya at sumunod kami kay Kian papasok sa loob ng bahay.

"Kian? sino ang bisita natin?" Si Inay na hula ko nasa Kusina. Magtatanghalian na din pala kaya siguro busy din siya.

"Nay? Pwede pong halika muna dito." Si Kian habang nakatingin sa amin. Pinaupo ko si Kiefer dahil napansin kong tahimik na din siya.

"Kian bakit mo ba ako tinat-- Alyssa?" Tumayo ako at lumapit sa kanya at nagmano.

"Nay? Pasensya na po ngayon lang ako nakauwi." sabi ko at yumakap sa kanya pero wala sa akin ang atensyon niya kung hindi na kay Kiefer na nakatayo sa likod ko.

"Nay?" sabi niya at nagmano.

"Kief..." hinawakan ni Nanay ang ulo niya at ngumiti dito. "Nakakamiss ka, Nak. Namiss kitang paglutuan ng mga pagkain na paborito mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Naging super close si Kiefer sa pamilya ko lalo na kay Nanay minsan kapag si Kiefer ang humiling ng pagkain talagang pinagbibigyan niya.

"Namiss ko din po kayo. Kumusta po Nay?" Kiefer asked her.

"Mabuti. Mabuti ako Anak. Buti pumasyal na kayo dito. Ikaw Alyssa ha magtatampo na sayo ang Itay mo." sabi niya at sumimangot sa akin.

"Sorry na po Nanay masyado lang pong nabusy kasi after nung sa Baguio namin may mga kailangan din pong gawin." paliwanag ko.

"Kumain na ba kayo? Patapos na akong mag-ayos ng lamesa. Halina't kumain na kayo." sabi niya at sumunod naman na kaming tatlo.

Kiefer intertwined our hands I just smiled to him. "Nay ano pong niluto niyo?" Kiefer asked Nanay.

"Mukhang naramdaman kong dadating ka ngayon kasi ang niluto ko ay Caldereta." Pareho kaming natawa ni Kiefer sa sinabi niya. Tinulungan ko siyang kumuha ng mga plato sa kitchen namin. At hinayaan kong mag-stay si Kiefer sa Dining kasama si Kian.

"Masaya ka. Halata sa mukha mo." Sabi ni Inay at hinawakan ako sa pisngi.

"Sobra po, Nay. Sobrang masaya po talaga ako ngayon. Hindi ko po alam pero siguro nga si Kiefer din ang dahilan. Siya po ang nakasakit sa akin pero siya pa din po pala ang makakapagpawala ng sakit na yon." sabi ko.

The Beauty in You (COMPLETED)Where stories live. Discover now