Black Water

By AknedMars

445K 17.5K 4.2K

Still hurting from the past, aspiring chef Esso Arvesu opts to feed his ego and deny his feelings for Sophia... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 1

43.2K 711 195
By AknedMars

CHAPTER I

Sunday, December 19, ang aga kaming ginising ni mama; magsisimba raw kami. Umuwi kami ni Chino sa 'min dahil magpa-Pasko na saka bakasyon na rin naman talaga.

Nag-aaya sina Jacob na pumunta rito sa 'min dahil isinama namin sila rito no'ng nagdaang Pasko. Ang kaso lang kasi ngayon, nagkataon na lahat kami may kanya-kanyang plano na kasama ang mga kanya-kanya naming pamilya.

Panahon din talaga ng reunion kapag Pasko.

Inaantok pa ako pero bumangon na ako dahil baka mayari lang ako lalo ni mama, saka naririnig ko nang nagkakagulo yung tatlo sa labas—sina Chino, Frappe, at Latte—mukhang nagpapauyuhan kung sino ang unang maliligo. May banyo naman sa ibaba, mayroon din dito sa itaas ang kaso lang, kaming apat ay banyo lang sa itaas ang ginagamit. Bumangon na ako at hindi pinansin yung tatlo. Habang abala sila sa pagtatalo ay sinamantala ko iyon para pumasok sa banyo at unahan silang lahat.

"Oy, tangina ka, Esso, labas d'yan!" sigaw ni Chino mula sa kabilang panig ng pinto. Hinahampas niya rin yung pinto. Bahala siya, kahit anong gawin nila roon, 'di ako lalabas. Dito na ako titira.

"Mama, si Kuya nagmumura!" sigaw naman ni Frappe.

"Sumbong naman agad 'tong isang 'to," sabi ni Chino kay Frappe. "Esso, labas d'yan, mas matanda ako sa 'yo!" sigaw ni Chino sa 'kin. Ulol, kainin niya yung thirteen minutes na tanda niya sa 'kin. Para naman akong walang narinig at nagsimula lang sa pagtu-toothbrush. Geez, gusto ko pang matulog.

Nang lumabas ako ng banyo ay nakapila yung tatlo sa labas at lahat sila ay masama ang tingin sa akin.

Ang hindi ko napansin ay ang mabilis na kamay ni Chino. Nabatukan niya kaagad ako ng isa.

"Lintik ka, Esso," sabi ni Chino at agad na pumasok sa banyo.

"Urgh! Isa ka pa, Kuya Chino! Napakadaya mo! Doon na lang ako sa kuwarto nina Mama maliligo," reklamo ni Frappe at narinig ko lang na tumawa nang exaggerated si Chino sa loob ng banyo.

"Bang-aw," sabi ni Latte na nakasandal lang sa may pader. "Kayong dalawa, bang-aw kayo pareho." Sinabayan ko lang yung tawa ni Chino at bumalik na sa kuwarto para magbihis.

***

Nauna na kaming maglakad ni Chino papunta sa simbahan. Malapit lang naman kasi 'yong simbahan sa bahay. Two hundred meters lang yung layo mula sa street namin. Lumalayo lang din dahil medyo papasok pa mula sa kalsada iyong bahay namin.

Marami kaming nakakasabay na maglakad ni Chino na lahat ay sa simbahan papunta. Bumabati kami sa kanila dahil halos lahat sa bayan ay magkakakilala. Bawal magsuplado rito dahil mayayari kami nina mama. Nakakahiya raw sa mga kakilala nila kaya naman kahit 'di naman talaga namin kilala ay nginingitian na lang din namin ni Chino.

Nakita namin si Julian sa harap ng simbahan, akay-akay yung pamangkin niyang dalawang taon. Sobrang likot na bata, parang anak ni Julian dahil kamukhang-kamukha niya. Gano'n din ang itsura ni Julian no'ng maliliit pa kami.

"Oy, p're," tawag ko kay Julian na ngumiti naman sa amin at bumati rin. Kami na ang lumapit dahil hindi makalakad si brad dahil sa pamangkin niya.

"Nasaan ang kapatid mo?" tanong ko kay Julian.

"May kausap." Nag-hi kami ni Chino sa pamangkin ni Julian. Para namang inasinang bulate yung pamangkin ni Julian, nakikipagkilitian maski kanino.

Makailang saglit lang ay pumasok na kami sa loob ng simbahan dahil magsisimula na ang misa.

Sa may bandang unahan sa kaliwa kami naupo dahil malapit sa electric fan at mas presko ro'n kaysa sa may gitna. Isa pa ay pinababayaan na namin yung mga matatanda na pumuwesto sa may gitna. Gustong-gusto nila 'yon, eh, mga nakaupo sa unahan at sa gitna.

Nagsimula na yung misa at nakatayo kami. Katabi ko si Chino at katabi naman niya si Julian. Sa unahan namin ay nakaupo sina mama at ang pamilya ni Julian.

Habang nagsasalita si Father ay kinulbit ako ni Julian at tumingin naman ako sa kanya at nagtanong kung bakit.

"Si Pia," bulong niya.

Sabay naman kaming napalingon ni Chino at naramdaman kong siniko ako ni Chino. Muntik na akong tumiklop.

Naka-plaster sa mukha nina Chino at Julian ang mapang-asar na ngiti.

Nang makita ko si Pia na nakaupo sa kabilang bahagi ng simbahan ay pumaling na ako kaagad sa unahan. Mahina akong tinutukso nina Julian at Chino pero 'di ko na lang pinansin. Makikinig na lang ako sa misa kaysa makipag-asaran sa dalawang 'to. Mas may sense 'di hamak si Father kaysa sa dalawang ulol na ito.

Nang hindi ko pansinin yung dalawa ay tumigil na rin naman sa pang-aasar.

Habang nagho-homily si Father ay palihim akong sumulyap kay Sophia. Nakapalda siyang lagpas tuhod at may shoulder bag siya, nakasintas ang mahaba niyang buhok, at nakasuot siya ng sneakers na puti. Ganoon na siyang magbihis maski noon pa mang high school kami. Agad akong tumingin din kay Father dahil baka makahalata pa itong dalawa kong katabi na nakatingin ako kay Sophia.

Nang sabihin ni Father na magbigayan daw kami ng kapayapaan ay hindi ako lumingon man lang sa likuran. Yung mga nasa harapan at nasa gilid ko lang ang binati ko. Makita pa ni Sophia kaguwapuhan ko, eh 'di nagkandarapa na naman sa akin 'yon. Nakakaawa na rin naman dahil habol nang habol sa akin.

Nang matapos ang misa ay lumabas kami kaagad nina Chino.

"Tara na't umuwi," yaya ni Frappe kina mama. May pinapanood kasi 'to kapag Linggo, eh.

Tumango naman ako at ganoon din si Latte.

"'Di mo lalapitan si Pia?" tanong ni Chino. Nagsimula naman yung dalawa na tuksuhin ako.

"Bakit ko naman lalapitan 'yon?" sSabi ko lang.

"'Di mo kukumustahin? Tanong mo kung kumusta ang France," sabi ni Julian.

"Bakit 'di ikaw magtanong?" sabi ko sa kanya.

"Inang, ang init ng ulo mo ngayon, brad," sabi lang ni Julian at 'di ko lang siya pinansin. Kapag pinatulan ko ang isang ito ay hahaba lang ang usapan, wala rin namang mangyayari.

"Buti na lang talaga 'di ka pinadadampot ni Congressman. Balitang-balita kayo ni Pia rito sa bayan, daming nakakakita sa inyo,." singit ni Latte.

Tinaasan ko lang ng kilay si Latte. Imbento ang kung sino mang nakakakita sa amin ni Sophia. Anong magkasama? Papaanong magkakasama, eh, sa ibang bansa mag-aaral si Sophia at ako naman ay sa ibang siyudad. Tangina mga tao, eh, may maibalita lang.

Nag-iisang anak ni Congressman si Sophia. Dating Mayor ng bayan tapos tumakbong Governor. Malakas kaya tumakbo na ring Congressman, ayun, lusot pa rin. Baka nga kung tatakbo pa sa mas mataas na katungkulan si Congressman, eh, lumusot. Ganda ng image niya saka talagang napaganda at napaunlad niya itong bayan at ang iba pang kalapit na bayan.

"'Pag nalaman ni Congressman mga kalokohan nitong si Esso, tiyak na ipapakain 'yan sa pating," sabi ni Julian at nagtawanan silang tatlo. Parang mga ungas.

"Anong kalokohan ang sinasabi niyo r'yan, eh, wala naman akong kalokohan?" hamon ko sa kanila.

"Ulol, huwag ka nang magkaila. Alam na alam na namin kayo ni Pia, may mga pagtatagpo pa kayo nang palihim," sabi naman ni Chino. "Lagi mo ring kausap si Sophia kapag gabi kaya wala ka nang tago."

Natanaw ko si Sophia na lumabas ng simbahan.

"Imbento kayo," sabi ko lang at umalis na sa umpukan nila.

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila. Kumapit naman sa braso ko si Frappe at naglakad na rin. Nagpaalam kami kina mama na uuna na at binilisan ko ang lakad nang mapansin kong papalapit kina mama ang pamilya ni Sophia na ka-holding hands pa si Congressman.

***

"Kuya, totoo ba na ikaw ang bumasted kay Ate Pia?" tanong ni Frappe sa akin.

"Oo, 'di naman maganda, lakas ng loob magkagusto sa 'kin," sabi ko at ngumiti nang pilyo kay Frappe.

"Yuck, ang yabang mo. Maalibadbaran ka nga sa sinasabi mo, Kuya," sabi ni Frappe at sumimangot siya.

"Hindi, ah, totoo ang sinasabi ko."

"Weh? Ang alam ko nga rin dati may crush ka kay Ate Pia, eh. Napunta ka pa nga raw sa bahay nila no'ng Mayor pa lang si Tito Albert. Pinag-uusapan kaya ng mga kapitbahay natin 'yon, naririnig ko 'yon, saka sinasabi rin nila kina Mama."

"Bakit ko naman pupuntahan 'yon? Sinasabi ko sa 'yo huwag kang makikinig sa mga sabi-sabi ng mga kapitbahay, mga duling ang mga 'yan," sabi ko kay Frappe.

"Naku, Kuya, buong bayan na kaya ang may alam ng tungkol sa inyong dalawa. Ikaw ba naman ang ma-link sa anak ng congressman, para kang artista rito sa bayan. Kung ako ikaw, 'di ko na papakawalan si Ate Pia, ganda-ganda niya, eh, tapos ang bait pa niya, hindi siya maarte tapos hindi rin siya suplada."

"Anong maganda ro'n? Pangit kaya n'on, 'kala mo kung sinong maganda hindi naman. Maputi lang palibhasa may aircon sa bahay. Lakas ng loob magkagusto sa 'kin, pangit naman," sabi ko at inakbayan si Frappe. "Saka, anong hindi maarte? Napakaarte ng babaeng 'yon."

"Ikaw ang malakas ang loob, ikaw itong pangit, at ang hangin-hangin mo pa. 'Kala mo naman guwapo ka, mas guwapo kaya sina Kuya Chino at Kuya Latte sa 'yo, tapos binasted mo pa si Ate Pia, kung totoo mang binasted mo. Suwerte mo na nga at may nagkagusto sa 'yo na tulad ni Ate Pia. Ang ganda kaya niya. Parang siya yung babae ro'n sa pinanood naming movie ni Mama na si Brad Pitt ang bidang lalaki," ani Frappe.

"Alin do'n? Daming movie ni Brad Pitt."

"Yung kumakain ng peanut butter, pero huwag mong baguhin ang usapan!"

"Meet Joe Black? Tangina, ang layo, ah. Pasasalaminan kita kina Mama, baka malabo na iyang mga mata mo," sabi ko kay Frappe na inirapan naman ako.

"Sabi nang huwag mong baguhin ang usapan, eh!" sigaw ni Frappe na tinawanan ko lang, tinakbuhan ko na rin siya, at patuloy na inasar hanggang sa mapikon na siya sa akin.

***

Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko at nang tingnan ko ay si Sophia ang nag-message. Agad naman akong napasimangot nang basahin ang message niya.

"Nasaan kayo ni Frappe? Umuwi na ba kayo?"

Sumimangot ako at tumigil sa paglalakad; tumigil din si Frappe at tumingin sa akin. Hindi ko naman muna siya pinansin at nagsimula na akong tumipa sa screen ng cellphone ko.

"Uuwi na kami, may papanoorin pa si Frappe."

"Ah, okay. Sige, magkita tayo mamaya, nagpaalam ako kay Dad na makikipagkita sa inyo."

"Busy ako."

Isinilid ko na yung cellphone ko sa bulsa at naglakad na lang kami ni Frappe pauwi.

Nang makarating kami sa bahay ay dumeretso si Frappe sa kusina at binuksan ang TV doon. Nakita ko rin siyang nagbukas ng ref at kumuha ng pagkain doon, habang ako naman ay sa kuwarto dumeretso at nagbihis ng panligo.

Umalis na ako kaagad dahil baka abutan pa ako nina Chino sa bahay. Hindi na rin ako nagpasabi kay Frappe dahil baka mamaya ay isumbong lang din ako n'on kay mama. Baka mamaya rin niyan kasi ay maimbita pa nina mama si Sophia sa bahay. Ewan do'n, ilang beses ko na namang sinabi na wala akong gusto kay Sophia at hindi ko rin syota pero akala mo lagi mag-aasawa na ako kung ma-entertain niya si Sophia. Kasalanan ito ng mga tsismosa naming kapitbahay.

Pumunta ako ro'n sa may cliff dala ang goggles. Inilapag ko ang tuwalya sa may 'di kalayuan. Huminga ako nang malalim at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin at ang amoy ng dagat. Kay bango, pakiramdam ko ay inilulutang ako sa bawat paghampas ng malamig at maalat na hangin sa aking mukha. Kahit masaya sa siyudad ay hinding-hindi ko ipagpapalit ang lugar na ito. This is home. Uuwi at uuwi ako rito. Saan man ako mapunta ay ito pa rin ang tatawagin kong tahanan. Walang makakahigit pa rito. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at tumalon ako ro'n para sumisid at lumangoy.

***

Continue Reading

You'll Also Like

Unwanted By CreepyPervy

General Fiction

2.6M 73.2K 41
After being accused of killing her husband and spending years in prison, Savannah returns to seek vengeance and justice. Her new face? Elleria Andrad...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
7.6M 247K 98
Rian Nieves will crawl to hell and back for money to support her family, and if that means being Drake Montemayor's personal assistant, then so be it...