SUKIYAKI (COMPLETED)

By Gretisbored

373K 13.9K 1.5K

Siya si Filipa Natalia Ferrer o kilala sa palayaw niyang Pipay. Tubong Pampanga. Anak ng isang maralitang mag... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
EPILOGUE

CHAPTER TWENTY-SEVEN

9.3K 378 41
By Gretisbored

"Maupo ka nga, Filipa Natalia! Kanina pa ako nahihilo sa iyo!" asik ni Tita Chayong sa akin. Ilang beses ko na kasing naikot ang maliit naming living room. Oo, magkasama na naman kaming magtiya sa iisang bubong. Ang kaibahan lang ngayon tatlo na kami.

"Paano na kung mapahamak na naman si Kaito?" halos mangiyak-ngiyak kong tanong.

Napabuntong-hininga si Tita Chayong. "Hindi naman ganyan kasama si Furukawa-san. Isipin mo na lang anak niya pa rin si Kaito. Nag-iisa niyang tagapagmana."

"Kung nagawa niya itong ipabaril dati, magagawa niya ulit iyon ngayon!"

Umiling-iling si Tita Chayong. "Palagay ko, pamba-bluff niya lang iyon noon para takutin tayo. Huwag kang mag-alala. Kahit paano naman ay kilala ko ang lalaking iyon."

Hindi ako nakumbinsi. Iniwan ko siya sa living room at pumasok sa kuwarto naming mag-ina. Sinilip ko si beybi sa kuna niya. Himbing na himbing pa ring ang tulog. Lumuhod ako sa harapan niya at hinaplos-haplos ko ang kanyang maamong mukha.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Tita Chayong. Nakapamaywang ito sa harapan ko paglabas na paglabas ko ng kuwarto.

"May bibilhin lang ako sa seven-eleven, Tita. Kayo na muna ang bahala kay baby."

Pinaningkitan niya ako. Duda agad siya. Iniwas kong magtama ang mga mata namin. Hindi niya dapat mabasa ang mga kilos ko.

"Ano ang bibilhin mo? Ipapakiusap ko na lang kay Roselda."
"Ako na ho. Saglit lang po ako, promise." Dali-dali na akong nagtungo sa pintuan. Hinabol niya ako. Akala ko pipigilan niya ako pero pina-guilty lang pala.

"Sana huwag mo kaming kalimutang maglola. Alam mo naman ang kapalit ng pakikipagkita mo kay Kaito. Hindi lang buhay mo ang malalagay sa panganib."

Tumangu-tango ako at mabilis na lumabas ng pinto.

Sinuot ko ang malaking sunglasses sabay pusod sa buhok. Nagsuot na rin ako ng sombrero para kompleto ang disguise. Sinipat ko ang hitsura sa rearview mirror ng nadaanan kong sasakyan sa parking lot. Kahit kakilala ko pa ang makasalubong hindi nila ako mamumukhaan sa suut-suot kong salamin at sombrero. Magaling at nagawa kong itago ang mga iyon sa dala kong malaking shoulder bag. At least hindi ko na kailangan pang gumawa ng excuse kay Tita Chayong.

Kumusta na kaya siya?

Pagdating ko sa parking lot ng building kung saan ang Banzai Studio biglang kumalabog ang dibdib ko. Tiningala ko ang magarang gusali na kumikintab dahil sa sikat ng araw. Tumingin ako kung saan banda ang upisina niya. Nasa loob kaya siya?

Nataranta ako nang mahagip ng aking paningin ang kabababa sa kotseng si Akio. Tila nagmamadali ito. Tumatakbo pa ito papunta sa building. Mabuti na lang at nakapagkubli ako agad. Muntik na akong humarang sa daraanan niya!

Lord, palabasin mo naman siya kahit saglit lang, o. Gusto ko lang siyang makita kahit sa malayuan. Gusto ko lang masiguro na hindi siya ang tinutukoy sa balita na isa sa mga big bosses ng building na iyon na nasugatan sa pagsabog ng homemade bomb sa parking lot. Please, please Lord!

Nadinig ang panalangin ko. Lumabas siya ng building! Pagkakita ko sa kanya tumabling-tambling ang malandi kong puso. Nabistahan kong mabuti ang guwapo niyang mukha bago niya ito natakpan ng itim na sunglasses. Maliban sa bahagyang panlalalim ng mga mata, hindi pa rin siya nagbago. Parang kahapon lang kami naghiwalay gayong mahigit anim na buwan nang hindi kami nagkita.

Kaagad akong napatakbo sa exit ng parking lot nang makita kong papunta siya sa direksiyon ko. Binaba ko pa lalo ang sombrero para matakpan nito ang mukha ko. Sa kamamadali at dala na rin ng takot na baka makita niya ako roon, hindi ko napansin ang maliit na bato sa dinaanan. Napahiyaw ako nang bigla na lang akong nag-slide. Tumilapon ang suot-suot kong sunglasses at sombrero bago tumama sa semento ang aking pang-upo.

"Filipa? Filipa!"

Paglingon ko nakita ko si Kaito na tumatakbo na sa kinaroroonan ko. Nag-panic agad ako. Ganunpaman, mabilis akong nakatayo. Medyo masakit ang balakang ko't puwet dahil iyon ang unang bumagsak sa semento pero nagawa kong tumakbo nang mabilis. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makapasok na sa Takatsuki Station.

**********

"She's here!" sigaw ko kay Akio sa telepono. Hindi maikakaila ang galit sa boses ko.

"Huh? Sino?" tila nalilito nitong sagot. "Sandali lang, ha? Kausap ko lang ang boss ko. Excuse me, gentlemen," narinig kong sabi pa nito. "Ano na naman iyan? Alam mo bang nasa gitna ako ng miting? I was almost there! Magse-seal na kami ng agreement between our companies sumingit ka pa!"

"Nasa Japan pa rin si Filipa! Nasa Japan pa rin ang mag-ina ko!"

"What? No way! Ang sabi ng mga detectives natin nasa Washington, DC na silang mag-ina."

"Tell my secretary, cancel my US flight. Hindi na ako tutuloy."

"Sigurado ka ba? Baka namalikmata ka lang. Alam mo na. Ganyan daw ang nangyayari kapag matagal ka nang tigang." At humagikhik si Akio.

Imbes na sumagot, pinatayan ko siya ng cell phone. Mayamaya'y tumawag ito. Hindi ko na siya sinagot.

Nanlata ako nang makitang halos mga junior high school students ang laman ng platforms sa Takatsuki Station. Ni anino ng babaeng nakita ko sa parking lot, wala na. Napakuyom ang mga palad ko. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa parking lot para kunin ang kotse. Kararating ko lang doon nang mahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha. Dating kasosyo ni Papa sa isang business venture niya. Ngumiti ito sa akin at bahagyang yumuko. I nodded at him. Hindi ko na siya pinag-aksayahan pa ng panahon. Hindi ko makalimutan na isa siya sa mga taong naging dahilan kung bakit nagpumilit si Papa na pakasalan ko si Amane.

Papasok na sana ako sa kotse nang makita kong tumatakbo palapit sa kinaroroonan ko si Akio. He looked worried. Kinabahan ako. Huwag niyang sabihing may nangyari kay Filipa.

"Mabuti't naabutan pa kita rito. We need to go to the hospital. Ang papa mo!"

I smirked. I don't give a shit anymore. Wala akong pakialam kung ano ang nangyari sa kanya.

"Ano ka ba? Your mom was crying on the phone. Seryoso ang lagay ng papa mo. Natumba raw siya kanina sa banyo at nabagok ang ulo sa semento!"

Pilit kong hindi magpaapekto pero habang ini-imagine ko ang eksenang iyon, nakanti ang puso ko. Before I knew it, nagpaakay ako kay Akio patungo sa kotse nito. I let him drove me to the hospital.

**********

Nagkatinginan kami ni Tita Chayong habang isa-isang naglabasan sa building ang sinasabing mga top executives ng Furukawa Group of Companies. Sabay-sabay silang yumuko paharap sa camera. Ang pinakalider ng grupo ay humingi ng tawad sa mga stakeholders nila. Pinapangiliran pa ito ng luha habang nagsasalita. Wala na ang Furukawa Construction Firm. Wala na rin ang Furukawa Cement Factory. Ang dati-rating pinangangalandakan ng buong Kansaijin (people in Kansai) na pinakamalaking metal manufacturing company sa buong bansa na nakatirik sa northern Osaka ay kasamang nalugi. Halos walang natira sa mga pinundar na negosyo ni Furukawa-san. Ang isang bahagi ng puso ko'y natuwa. Karma is a bitch, naisip ko pa. Ganunpaman, hindi ko naiwasang huwag malungkot para kay Kaito.

"Weh, buti nga! Karma is betses!" biglang naibulalas ni Ate Roselda habang pinaghehele ang anak ko. Kapwa kami napatingin sa kanya ni Tita Chayong. Pinangunutan siya nito ng noo. Ako nama'y napangiti.

"Maiwan ko muna kayo't sasaglit lang ako sa labas."

"Saan ka na naman pupunta?" Hinarangan agad ako ni Tita Chayong. "Kung ano man ang bibilhin mo sa seven-eleven ako na ang bibili. Baka kung saan-saan ka na naman makakarating!"

"Tita naman, e! Wala ba kayong tiwala sa akin?"

Tumawa ito nang sarkastiko at ginagad pa ako.

"I know! Hindi na iyon mauulit pa." At tinaas ko ang kanang kamay na animo'y nanunumpa.

"'Yaan na iyan, Ate. Mabuti nang lumalabas-labas iyan paminsan-minsan. Malay mo may makasalubong iyan na magpapabago ng buhay n'yong tatlo. Para naman huwag na siyang umasa sa itits ng Kaito na iyon. Mabuti nang makahanap siya ng panibagong titihayaan. Por syur, tigang na iyang si Pipay!"

Binatukan ni Tita Chayong si Ate Roselda. Nabaling sa baliw naming kaibigan ang atensyon niya kaya dali-dali na akong lumabas ng bahay. Balak ko na naman sanang bisitahin si Kaito sa Osaka dahil napanaginipan ko siya no'ng isang gabi at may masamang nangyari daw sa kanya. Gusto ko lang masiguro na okay siya sa kabila ng lahat ng pangyayari sa negosyo nila.

Tatakbo na sana ako papunta sa Otsu Station nang mahagip ng tingin ko ang magkaparehang sweet na sweet na magkahawak-kamay habang naglalakad patungo sa isang ekslusibong boutique. Kumulo agad ang dugo ko nang mapagsino ang babae. Siya ang dahilan kung bakit miserable ang buhay ko ngayon. May kaabrasyeteng lalaki ang bruha. Nang tumambad sa paningin ko ang mukha ng kasama nito, napasinghap ako. Si Yamauchi-san? Ano ang ginagawa nila rito sa Shiga? At bakit sila papunta sa boutique na iyon? Para lamang sa high end wedding gowns ang tindahang iyon.

Lalayo na sana ako nang makita ako ni Yamauchi-san. Gulat na gulat ito.

"Ferreru-sensei!" Lumapit agad ito sa akin. Pagkakita sa akin ni Amane awtomatikong umasim ang kanyang mukha. Inirapan pa ako. Nagpaiwan siya sa harap ng front door ng boutique at tinanaw niya lamang ang kasama na ngayo'y masaya nang nakikipagbalitaan sa akin.

"Ang buong akala ko'y nagtungo ka sa Estados Unidos," sabi nito sa Nihongo. "Ikinagagalak kong makita ka rito sa Shiga. Nandito ka lang pala."

Estados Unidos? Ako? Saan naman nanggaling ang balitang iyon?

Bago ko siya sinagot, sumulyap muna ako sa tila naaaburido nang si Amane. May kausap na ito ngayon sa kulay rosas niyang cell phone. Shit! Baka isumbong ako ng bruha kay Furukawa-san! Shit! Hindi ko na pinatagal ang usapan namin ni Yamauchi-san. Kaagad akong nagpaalam. Imbes na tumuloy sa Osaka bigla akong napauwi sa amin.

**********

Ilang araw na akong nakaratay sa isang ospital sa Shiga pero hindi pa rin siya dumadating. Naiinip na ako. Ang hirap din kayang magkunwaring maysakit? Nakakaaburido! Si Akio tuloy ang napagdiskitahan ko. Pagkadating na pagkadating nito'y inangilan ko na agad.

"Siyempre naman! Nagbayad pa nga ako sa lahat ng daily newspaper para ilathala nilang nadisgrasya ka't napadpad sa ospital na ito."

Pero ba't wala pa rin siya? Hindi na ba niya ako mahal? Mayroon na kaya siyang bago? O baka...Tama!

"Dapat sa English newspaper ka nagpalathala! Gunggong! Hindi ka ba nag-iisip? Alam mo namang hindi Haponesa iyon! Paano niya maintindihan ang balita? Ni hindi nga nakababasa ng simpleng kanji iyon, e!"

Tinirik ni Akio ang mga mata at lalo akong ininis.

"Relaks. Binalita na ito sa primetime news, okay? Uso rin kaya ang maghintay. Makiuso ka naman kahit ngayon lang, pakiusap."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Gusto ko tuloy ihambalos sa pagmumukha niya ang dinala niyang mga papeles na kailangan ko raw tatakan ng hangko ko.

"O, siya. Iwan na kita uli rito. Hanggang kailan ba ang dramang ito?"

"Uuwi na ako mamayang gabi," naiinis kong sabi. "It's a waste of time waiting for someone who has already changed her mind about you."

Napahiyaw sa kagalakan si Akio. Pinangunutan ko na naman siya ng noo.

"Hay, salamat! Nakita mo na rin sa wakas ang matagal ko na sanang gustong ipamukha sa iyo! Siyempre Filipina iyon, e. Naniniwala akong kahit paano naman minahal ka ng babaeng iyon, pero cash is cash. Kung ako sa kalagayan niya isang daang milyong yenes din ang pipiliin ko kahit anaconda pa iyan. Marami kayang mabibiling anaconda ang milyones."

"Umalis ka na rito!" sigaw ko.

Hinampas ko siya ng unan. Mabilis siyang nakailag kung kaya tumama lang ito sa dingding. Tumatawa ang gunggong palabas ng kuwarto ko. Nakaramdam naman ako ng panghihina nang wala na siya. Totoo yata ang sinabi ng hinayupak. Marahil ay pera lang din ang habol ng babaeng iyon sa akin at nang maibigay iyon ni Papa ay tuluyan na akong kinalimutan. Imbes na wala akong balak mahiga, bumalik ako sa makitid na hospital bed at napatihaya habang nakapatong ang isang braso sa noo. Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan.

**********

Hinipo ko ang benda niya sa ulo at impit na napaiyak. Ang sabi ng nurse hindi naman grabe ang sugat niya sa noo, pero walang malay daw ito nang dinala sa ospital na iyon dahil sa malakas na impact ng pagkakabundol ng kotse sa poste ng waiting shed.

Tsinek ko ang bandang dibdib niya. Tumataas-baba naman. Ibig sabihin ay humihinga pa. Buhay. Nabunutan ako ng tinik kahit paano. Banayad kong hinaplos ang pisngi niya na ngayo'y medyo nangingitim na dahil sa facial hair. Gumalaw ang kanyang ulo. Nataranta ako. Tatakbo na sana ako palabas ng silid nang bigla nitong hinagip ang braso ko.

"Sinasabi ko na nga bang nandito ka pa sa Japan!"

"Bitiwan mo ako!" asik ko sa kanya.

Bumangon siya't naupo sa kama. Ngumiti siya sa akin pero hindi iyon umabot sa kanyang mga mata.

"Sobrang laki ba ng binayad ni Papa na nagawa mo akong ipagpalit?" tanong niya sa mahinang boses. May galit sa kanyang tinig. "Ang buong akala ko, naiiba ka sa lahat pero pare-pareho lang pala kayong mga Filipina! Wala nang mas mahalaga sa inyo kundi ang pera!"

"Hindi totoo iyan!"

Nagtaas ang isang kilay niya at dahan-dahan akong binitawan na tila nandidiri.

"Kung sa bagay, para sa isang katulad mo, ang laki nga naman ng isang daang milyong yen. Marami nang magagawa ang salaping iyon. Kita mo na nakapamuhay ka pa rito sa bansa namin nang halos isang taon na pareho kayong wala nang trabahong magtiya."

Nagbabadyang bumulwak ng mga luha ko pero pinilit ko itong pigilan. Nasaktan ako nang husto sa mga paratang niya. At ano ang pinagsasabi niyang nakatanggap ako ng isang daang milyong yen? Saan niya napulot ang balitang iyon? Kung mayroon kaming ganoon kalaking halaga hindi na sana kami magtitiyagang magtiya sa maliit naming apartment ngayon. Sinabi ko iyon sa kanya. Hindi siya naniwala. Sa halip, umismid pa sa akin at hinatak ako palapit sa kanya. He traced the contours of my face with his fingertips and smirked at me.

"Kung tutumbasan ko ang binigay sa iyo ni Papa sasama ka na ba sa akin? Papayag kang tayo na naman uli?" tanong niya sa mahina at nang-aakit na boses. Bago pa ako makasagot ay bumaba na ang mukha niya't dinampian ng labi ang mga labi ko. Napaawang naman ang mga ito sa kabiglaanan. Sinamantala niya iyon. Kinuyumos niya ako ng halik. Tinulak ko pa sana siya palayo pero hindi ko rin nalabanan ang pananabik sa kanya. Namalayan ko na lang na yumayakap na ako nang mahigpit sa kanya at hinayaan ko pa siyang ihiga niya ako sa makipot na kamang iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

87.8K 1K 61
Kapag nagmamahal ka, hindi mo maiiwasan ang magpaka-tanga. Tulad na lamang ni Aya na matagal inalagaan ang damdamin para kay Charlie... kay Charlie n...
12K 533 76
Do you believe that First Love Never Dies? First love is romanticised to the extent of our nairety and dwell upon as the only true love occurrence of...
332K 6K 52
Estranged hearts, broken souls and shattered well-being. Where did the promise of forever go? Sapphira made her way back to New York, where all it s...
61K 712 40
Kit Vera is a hard-headed college student. Noon 'yon. Bago dumating sa buhay niya si Luna - a lady roaming around the city in her gypsy-like outfit. ...