Coffee and Cookies (COMPLETED...

By AleezaMireya

61.8K 2K 252

"Mahal mo ako? Sigurado ka? Palagay ko, puyat lang 'yan. Eto ang kape, matapang 'yan, isang lagok mo lang, ma... More

Author's Note
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 2

5.1K 203 31
By AleezaMireya


"He is so cute," ani Kathryn, karga si Baby Damien. Nakauwi na sina Lynette sa bahay ng mga ito limang araw na ang nakakaraan.

"Thank you. At alam mo ba na sa sobrang cute, nainggit si Kuya Matthew. Sabi n'ya, siya naman daw ang magkakaroon ng baby sa susunod na taon. Natuwa nga sina Nanay at Tatay."

Hindi siya nagkumento, hindi naman niya alam ang dapat sabihin sa kaibigan.

Pinilit niyang balewalain ang sinabi ng lalaki sa bakeshop. Pero ang tiyahin niya ay hindi iyon nalimutan. Binibiro siya nito, nararamdan daw nito na hindi siya matutulad sa naging kapalaran nito.

Maging ang mga staff ng cafe ay tinanong siya kung nililigawan daw ba siya ni Matthew. Kasama niya ang magtito nang sumaglit sa Coffee and Cookies kaya nakita rin ng mga ito ang binata. Itinanggi niya iyon. Ayaw tumigil ng mga staff noong una, ayon sa mga ito ay laging nakasunod ang tingin ni Matthew sa kanya, lalo na kapag hindi siya kanatingin dito. Pero nang ipaalala niya sa mga ito ang mga babaing napaugnay kay Matthew ay natahimik ang mga ito.

Maliban kay Aleina, pastry chef at manager sa shop nila. Aleina said preference be damn when you found your one true love. Tumigil lang ito nang sinabi niyang seryoso siya at ayaw na niyang makarinig ng biro tungkol doon dahil nakakahiya kay Lynette.

"Kailan n'yo planong pabinyagan si Damien?" pag-iiba niya ng topic.

Ilang araw nang laging nababanggit si Matthew, at sa totoo lang ay napapagod na siyang laging nasasangkot sa usapan ang lalaki. Kung sa cafe ay napatigil na niya ang pagtatanong ng mga staff, ang tiyahin niya ang hindi tumigil sa pagbibiro sa kanya tungkol sa binata. At ang kaibigan niya ay walang kaalam-alam na ipinaaalala nito ang taong ayaw niyang mapag-usapan pa.

"Sa linggo namin plano ni Daniel," ani Lynette. "Airplane ang theme." Piloto si Daniel kaya hindi kataka-takang iyon ang napiling theme ng mga ito.

"Okay. Isang linggo mula ngayon, kaya ko pang isingit ang cake para doon. Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?"

"Kathryn, marami ka nang trabaho sa cafe, may bakeshop ka pa, ayaw na kitang abalahin pa sa cake."

"Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Titingin na ako nang magandang cake design na papasok sa theme n'yo," aniya. Sumulyap sa batang karga niya. He is still a baby, but as early as now, she can tell he will be a good looking boy someday.

"Ang gwapong bata," aniya, nakangiti. Gamit ang likod ng hintuturo ay hinaplos niya ang pisngi nito.

"Inggit ka rin? Mag-asawa ka na kasi," ani Lynette.

"Boyfriend muna, friend," aniya.

"Bakit ba kase ayaw mong bigyan nang chance si Rex? Mabait 'yon," tukoy nito sa kasamahan ni Daniel sa trabaho, isa rin itong piloto. Nakilala niya si Rex noong kaarawan ni Daniel, dalawang buwan na ang nakakaraan. Tinutudyo siya ni Lynette sa lalaki dahil nagpakita ito ng interes sa kanya.

"Wala akong panahon, Lynette. Maraming trabaho sa bakeshop at sa cafe, lalo na ngayon."

"Dahi-dahilan mo. Kahit noon naman, gan'yan din ang dahilan mo kapag may nanliligaw sa'yo. Ang alam ko, hindi ka pa naman nagkakaboyfriend, pero bakit parang man-hater ka?"

"Man-hater agad? Hindi ba pwedeng wala lang talaga akong panahon para doon?"

"Alam mo bang ang greatest fear ni Tita Demy ay matulad ka sa kanya? Sa nakikita raw n'ya, parang wala kang interest sa kahit kaninong lalaki. At sa nakikita ko, parang ganoon nga. Gwapo naman si Rex, may matatag na trabaho. Ano pang inaayaw mo sa tao?"

"Walang mali sa kanya. Tama ka, gwapo s'ya, mabait din naman, pero wala talaga akong time para doon."

"Kung talagang gusto, may paraan, at sa nakikita ko, ayaw mo, kasi marami kang dahilan," pinag-aaralan ng kaibigan ang mukha niya, sinusuri nito ang reaksyon niya.

Hindi si Rex ang unang inereto ng kaibigan sa kanya. Pero lahat ng inireto nito ay walang nagtuloy. Ang iba ay nakasama niya sa date. Ang iba na nagyaya ng second date ay isinailalim niya sa ultimate test na ginagawa niya sa mga manliligaw. Pero hanggang ngayon, wala pang nakakapasa. Sabagay, duda rin naman siyang may papasa sa pagsubok na iyon. Tinaggap na niyang walang tatagal na relasyon dahil makikilala ng lalaking mamahalin niya ang pamilya n'ya. At sa huli, maiiwan na naman siyang mag-isa sa isang tabi. Tanggap na niyang matutulad siya kay Tita Demy.

Pero ang akala ng kaibigan ay pihikan lang siya sa lalaki. Maigi na iyon,  kesa malaman nito ang totoong dahilan nang pag-iwas niya.

Bumuntong-hininga siya at muling ibinaling sa bata ang paningin, "Baka hindi ko pa lang talaga nakikita ang lalaking nakalaan para sa akin."

"Bakit ba naman kase ikunukulong mo sa kusina ang sarili mo? Pa'no mo makikita ang lalaking nakalaan sa'yo kung maghapong oven ang kaharap mo?"

"Kahit na saan pa s'ya, kahit nakakulong sa kusina at maghapong oven ang kasama, kapag darating ang lalaking para sa kanya, darating talaga," anang isang tinig na bagong dating. Bukas ang pinto ng nursery kaya hindi nila namalayan ang pagpasok ni Matthew doon.

"Kuya! Naligaw ka?" ani Lynette.

"Alam ko ang daan papunta rito, kaya hindi ako naligaw," anito sa kapatid. "Hi, Kathryn."

Napilitan siyang lingunin ito, tinaguan lang niya ang lalaki. Lumapit siya sa kaibigan at ibinigay rito si Damien. "Aalis na rin ako. May ibibilin ka ba kay Aleina?"

"Wala na. Nagkausap na kami kanina nang dumaan s’ya rito para bumisita. Pasabi na lang kay Tita Demy na salamat sa padala n'ya."

"Mamaya, kapag maaga kaming makakapagsara ng bakeshop ay dadaan kami rito. Gusto raw niyang makita ang gwapong batang ito," aniya. Hinalikan niya ang binti ni Damien at muli siyang nagpaalam sa kaibigan.

Nanatili si Matthew sa pinto. Paglampas niya rito ay sumunod ang lalaki sa kanya. Narinig pa n'ya nang tanungin ito ng kaibigan niya kung saan ito pupunta pero hindi sumagot ang lalaki, umagapay ito sa pagbaba niya sa hagdan. 

"Kararating ko lang, aalis ka na?"

"Sumaglit lang talaga ako rito. Kailangan ko nang bumalik sa bakeshop at sa cafe. Bagong panganak ang kapatid mo, marami akong trabaho ngayon."

"Inantay kita sa ospital, pero hanggang makauwi kami, hindi ka dumating."

Sinigurado talaga niyang nakauwi na ang mga ito bago siya pumunta roon. Tinawagan niya si Ana at itinanong kung naihatid na ni Matthew si Daphnie. Nang malamang nakauwi na ang mga ito ay saka siya nagpunta sa ospital.

"Katulad ng sinabi ko kanina, marami akong trabaho ngayon. Bukod sa bakeshop, doble ang load ko sa cafe ngayon. Not that I am complaining."

"At dadagdagan ko pa. Susunod ako sa'yo sa bakeshop. Oorder ako ng cake para sa isang inaanak ko."


"Galing dito si Matthew kanina, hinahanap ka. Nang sabihin kong nakina Lynette ka, umalis na rin kaagad. Nagkita ba kayo?" ani Tita Demy pagpasok niya sa bakeshop. Tumango siya at itinuro ay kotseng katitigil pa lang sa harapan ng bakeshop.

"Ano raw ang kailangan? Niyayaya ka ng date?"

"Tita, oorder lang po s'ya ng cake."

"Narito na siya kanina, wala namang sinabi sa akin. Ikaw talaga ang gustong makita n'yan."

"Tita, nag-assume ka na naman po," pinaikot niya ang mga mata.

"Magandang hapon po ulit," ani Matthew pagpasok nito.

"Magandang hapon, hijo."

"Maupo ka muna," itinuro niya ang lounge chair sa lalaki.

Pumasok siya sa maliit na office area nila para kunin ang schedule logbook, laptop at ang sketch pad. Doon nila madalas kinakausap ang mga customer na nagpapagawa ng cake, pero wala siyang planong papasukin doon ang binata. Alam niyang lalo siyang bibiruin ng tiyahin kapag napag-isa sila ng lalaki sa kwarto kaya sa labas na lang niya ito kakausapin.

"Nice office," ani Matthew.

Napalingon siya. Hindi niya inaasahan na susunod ang lalaki roon. Nakita pa niya nang naupo ito sa lounge chair sa labas.

"Pinasunod ako sa'yo ni Tita Demy. Waiting area raw iyon para sa mga pipick-up ng cake. Baka raw maabala lang tayo, kung doon tayo mag-uusap. May mga for pick-up daw kayong cake ngayon."

She bit the of inside of her lip. She cannot do anything about it now. Tumango lang siya at itinuro ang bangko sa harap ng desk. Naupo siya sa swivel chair at binuksan ang schedule logbook.

"Kailan ang party?"

"Sa sabado," anito. His gaze intense, as if remembering all the details of her face. His stares makes her shiver, it send a delicious, tingling sensation thoughout her body.

Nag-iwas siya ng tingin sa binata, niyuko niya ang logbook. "Ano ang gender ng celebrant at ilang taon?"

"Babae, seven years old."

"Anong flavor ng sponge cake? Mocha, chocolate?"

"Red Velvet. Sinabi ko sa kumare ko na ipapatikim ko sa kanila ang pinakamasarap na Red Velvet sa buong mundo." 

Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Totoong paborito nito ang Red Velvet. Mabuti na lang at naipagbukod na niya ng anim na cupcakes si Lynette, kung hindi ay baka walang nadalang cupcake sa ospital para sa kaibigan niya. Naubos nito at ni Daphnie ang ibang cupcakes na ginawa niya. Maging si Ana ay isang cupcake lang ang nakain, dahil matapos niyang lagyan ng frosting ay pinagkaguluhan na ng magtito ang cupcakes.

"You should smile more. You have very beautiful eyes and I like your dimples. You have an arresting beauty, especially when you smile," he said, looking at her with wondrous expression in his eyes.

Na para bang nagagandahan itong talaga sa kanya.

Ngunit imbes na ngumiti, lalong napalis ang ngiti sa kanyang mga labi. Hindi siya sanay na pinupuri. Sanay siya na nasasabihang may pinakaordinaryong mukha sa kanilang magkakapatid. The ugly duckling. Ang problema, walang transformation na magaganap, dahil mula pagkabata, hanggang ngayong twenty seven na siya, napag-iwanan siya ng ganda ng mga ate niya.

Si Lorraine, ang panganay, ay isang Sales Manager sa isang kilalang hotel sa Manila. Maraming nagpilit dito noon na sumali sa beauty contest, talaga lang hindi hilig ni Lorraine iyon. Ang sumunod na mga ate niya, si Adelline at Maribelle ay parehas International Flight Stewardess. Parehas ding sumali sa beauty contest ang dalawa. High school pa lang ay laman na ng beauty contest ang mga ito. Adelline represented Lipa City, Batangas in Ms. Earth Philippines, while Maribelle joined Ms. World Philippines. Hindi man pinalad manalo, ang makapasok pa lang sa mga kompetisyong iyon ay isa nang malaking karangalan.

Sa kanila ay si Lorraine pa lang ang may asawa. Ang dalawang flight stewardess na ate niya ay nag-eenjoy pa raw sa trabaho kaya wala pa sa isip ang pag-aasawa.

While all her sisters inherited all the good genes from her mother side, she inherited the genes from her father side. Ayon sa ama, ang kamukha niya ay ang ina nito. Iyon din ang sabi ni Tita Demy. And she herself have seen that on the old photos of her Lola. At dahil kamukha niya ito, ang pangalan niya ay variation ng pangalan ng Lola Katarina niya.

Running joke sa angkan ng ina na kaya tumigil sa kanya ang Mommy at Daddy niya ay dahil pangit na ang lumabas, latak kumbaga. She would laugh, but deep inside, she is hurt. Kaya hindi siya sanay na nasasabihang maganda.

Si Tita Demy ang madalas magsabi sa kanya na maganda siya. Gandang Filipina. Ayon sa tiyahin, ang ganda niya ay ang tipong hindi nakakasawang tingnan. Bagkos mong titigan ay mas lalo mong hahangaan. Pero nahihirapan siyang paniwalaan ang tiyahin, lalo na kapag kasama niya ang mga ate niya. Dahil ang gandang pinupuri nito ay mukhang ordinaryo, kapag mga beauty titlist na ate niya ang kasama.

"Anong oras mo kukunin ang cake?"

"Umaga," anito. "Hindi ka ba naniniwala sa akin na maganda ka?"

Nagkunwari siyang hindi narinig ang tanong nito. "Anong theme ng party?"

"Moana. Kulot din ang buhok n'ya, di ba? Parehas kayo, parehas maganda."

Muli, nagkunwari siyang walang narinig, pero walang kasing lakas ang tibok ng puso niya. Iniiwasan niyang sulyapan ang lalaki. Binuhay niya ang laptop na nakasleep mode at iniharap iyon kay Matthew.

"Alin sa mga design dito ang gusto mo? Pumuli ka na. Kung wala kang mapili, pwede tayong magcustomize."

Hindi man lang tinapunan nang tingin ng lalaki ang laptop, sa mukha niya nanatiling nakatitig. "Bahala ka na. Isipin mong inaanak mo ang bibigyan mo n'yan, for sure, maganda ang kalalabasan."

"Magkano ba ang budget mo?"

"May budget ba dapat kapag mahal mo? Di ba kahit magkano, bibilhin mo?"

"Hindi lahat ng pagmamahal, pera ang sukatan. Mas madalas na-aappreciate ng tao ang pagmamahal kapag effort ang basehan."

Ngumiti si Matthew, nagpatango-tango. "Tatandaan ko 'yan," anito. "So, kailangan kong mag-effort para maniwala ka na nagagandahan ako sa'yo."

Bumuntong-hininga siya, "Matthew, can we focus on the real issue why you are here. Oorder ka ng cake, hindi ba?"

A corner of his lips twitch upward, his eyes held her, different emotions swirl inside of them, sucking her in. "Okay, let's focus on the real issue why I am here. Maaari akong umorder ng cake sa Bakeshop sa Victoria, o pwedeng sa Mernel's sa Los Banos, Laguna. Mas malapit iyon sa amin kumpara dito sa Alabang. Ang tunay na rason kung bakit ako na rito, maliban sa talagang masarap ang Red Velvet cake mo, ay para ipapaalam na uumpisahan ko na ang panliligaw ko sa'yo."

Natigilan siya, umawang ang mga labi, tinitigan niya ang lalaki, sinusukat kung seryoso ba ito sa sinabi.

"Papasa na bang paunang effort ang layo nang biniyahe ko?"

Continue Reading

You'll Also Like

239K 13.6K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
572K 4.7K 7
-WARNING: SPG [MATURE CONTENT]- LEGENDARY BOYS #2: ZAINE ERA FORBES Zaine Era Forbes is un-Married man. He's Single and ready to Mingle. Sharey Dela...
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...