Vindicte Gratia

By ___LISA___

1.8K 66 163

No one remembers the SECOND BEST. More

Prologus
Caput 2
Caput 3
Caput 4
Caput 5

Caput 1

443 12 41
By ___LISA___

*The Hierarchy *

-----

Inisang lagok ng babaeng nakasuot ng itim na contact lense ang kanyang hawak-hawak na cocktail. Para siyang ihing-ihi na hindi mo mawari habang inikot pakaliwa at pakanan ang ulo, tila ba may hinahanap ito.

"Agent Black . . . "

Napalingon ang babae sa tumawag sa kanya, nanlaki ang kanyang mata saka mabilis na inilagay sa tray ng dumadaang serbedora ang kanyang hawak na baso. "He . . . hehe! Agent Red!"

Ang babaeng may suot na pulang contact lense naman ay napailing na lang, "Agent Black. We shouldn't be drink—"

"Kinakabahan ako!" pag-amin ng babaeng may alyas na Agent Black. "B-baka kasi . . . dumating sila." pabulong lamang ang kanyang pagkakabigkas sa huling dalawang salita.

Ang babaeng kanina'y tinawag na Agent Red naman ay umarko ang kilay, magsasalita na sana siya nang biglang may tumakip sa kanyang dalawang mga mata. Sa pagkakaalam niya ay iisang tao lang gagawa nito. "Agent Violet." walang kaemo-emosyong saad niya.

Nakangising kinurot ng babaeng may suot na lilang contact lense si Agent Red. "Come on girls! Let's party! Umuulan ng gwapo ngayong gabi!"

Nagkatinginan sina Agent Red at Agent Black, iniisip nila kung gaano ka-party freak si Agent Violet. Wala na silang nagawa na dalawa nang hilahin sila nito papunta sa kung saan.

"Ladies nakikita niyo ang naka-itim na iyon?" sabay turo ni Agent Violet sa may kanan, "Siya na raw ang bagong lider ng Detective Rangers! Gosh. Ang gwapo no?"

"Ok lang." walang ka-amor amor na pahayag ni Agent Red.

"Mas pogi pa rin si Oasis.", bulong naman ni Agent Black.

"And that girl over there." turo ni Agent Violet sa kaliwa, "Umalis na siya sa Sassy Sossy Agents because gusto na niyang magpakasal. Like OMG. Inuna niya ang boylet niya kesa sa kanyang agent career."

Nagsalubong ang kilay ni Agent Red, "Eh anong ginagawa niya rito?"

"She's here as a guest."

Tila ba nagningning ang mga mata ni Agent Black habang nakatitig sa babaeng tinuro ni Agent Violet, "Love conquers all." natigilan ang dalaga nang maramdaman niya ang nang-uuyam na tingin ng dalawa, "What? A hopeless romantic here."

"Agent Red, Black, Violet! Over here!"

Nakangiting lumapit ang tatlo kay Agent Gray, isang babaeng may suot na abong contact lense.

"Where have you been?" tanong ng babaeng may alyas na Agent Gray.

"Handsome hunting." sagot ni Agent Violet saka kumindat sa isang lalaking agent na nakatitig sa kanya.

"Sila lang." inosenteng tinuro ni Agent Black sina Agent Red at Agent Violet.

Agent Red almost rolled her eyes, "Siya lang." sabay turo kay Agent Violet.

"Seriously Agent Red? Why so serious?"

Ang kaninang nakapoker face na mukha ni Agent Red ay napalitan ng isang duck face, "Bakit ba? Bawal ba maging cool paminsan?"

"Mas bagay sa'yo maging cute." saad ni Agent Black.

"Agree." pahayag din ni Agent Violet at nakipag-hi five pa kay Agent Black.

Natatawa na lang si Agent Gray sa kakulitan ng tatlo saka inilibot ang kanyang paningin sa buong venue. Kasalukuyan kasi silang nasa Annual Agents Hierarchy Ceremony, isa itong taunang pagtitipon-tipon ng mga Secret Agents Organization. At sa araw din na ito kinikilala ang nangungunang tatlong organisasyon. "Sa tingin niyo darating sila?" out of the blue na tanong ng dalaga.

"Hindi."

Napalingon ang apat na dalaga sa nagsalita, si Agent Plum.

"Where's your guitar?" tanong ni Agent Gray. Himala kasing wala itong dalang gitara.

"May naputol na string." sagot ni Agent Plum kay Agent Gray, "And as usual, hindi na naman sila pupunta." taon-taon kasing hindi nagpapakita sa naturang piging ang nangunguna sa Hierarchy. Kaya iniisip niya na malamang, hindi na naman dadalo ang mga ito sa gabing ito.

"Hindi magkakapareho ang araw Agent Plum. Who knows?"

"Oh Agent Black, ipapa-OLX.com ko ang gitara ko kapag dumating sila."

"Ok! Ipapa-ayosdito.ph ko rin ang tatlo kong tablet na puno ng Android Games kapag hindi sila dumating!" pagmamalaki ni Agent Black.

"At ibebenta ko sa ebay ang puting contact lense ko kapag hindi sila dumating."

Napalingon ang limang dilag sa huling nagsalita. Si  Agent White.

"Yay! Me and storm! 2 versus 1." kumapit pa sa braso ni Agent White ang hyper na si Agent Black.

"Agent Black, I'm not storm." daing ni Agent White. Inaasar siyang storm nito dahil umano sa puting contact lense niya. Nagmumukha kasi siyang si storm ng x-men except that her skin is not black.

"So what did I miss?" nakangiting tanong ng magandang dilag na kararating lang din.

"Oy asul!"

"Oy pluma!"

"It's Plum as in P-L-U-M. Plum." pagwawasto ni Agent Plum sa kadarating lang na si Agent Blue. Ginulo niya pa ang buhok nito na alam niyang kapapa-salon lang dahilan para mapaatras ito.

"How dare you pluma?! And it's Blue as in B-L-U-E! Blue! Not Asul."

"Ahhh . . . B-L-U-E as in Asul?" mas lalo pang inasar ni Agent Plum si Agent Blue. Natutuwa kasi siy sa mukha nito kapag naiinis.

"Okay, cease it everybody. Sa tingin ko magsisimula na ang programa." pahayag ni Agent Gray dahilan para mapaharap silang pito sa entablado.

Mukhang tama nga ang saad ng dilag sapagkat unti-unti ng dumilim ang venue at tanging spotlight na lamang ang nagsisilbing ilaw. Nakasentro ito sa gitna ng entablado kung saan nakatayo ang master of ceremony.

"Agent, ladies and gentlemen, good evening. This is your Monsieur Laire from the Concrete Wall of Agents and . . . this is the moment we've all been waiting for!"

Napuno ng palakpakan ang naturang lugar.

"Hindi na natin patatagalin baka ka'ko mapaano pa ang mundo gayong nasa loob ng bulwagang ito ang mga agents ng buong Pilipinas."

Napuno ng hagikhik ang lugar. Oo nga naman, anong mangyayari sa mundo kung mawawala ang lahat ng mga secret agents ng isang araw o ni isang oras? Siguradong magulo pa sa kwarto ng mga lalaki ang kalalabasan ng bansa.

"Okay, without further ado, here are the best of all the bests! The TOP 3 Secret Agents Organizations! So please, agents, kindly take your seat and let's all enjoy the show."

Nagsiupuan na nga ang mga sa kani-kanilang nakatalagang upuan.

"To start with, bearing 1342 accomplished missions, 34 failed, 11 casualties, a total of 7,491 physical weaponries and gadgets, 16 techniques contributed to the agents industry, and a gross annual income of 45, 163, 273 Php. The third in the rank is no other than . . . the Red Handkerchief Organization!"

"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Agent Violet. Sa pagkakatanda niya kasi eh ni hindi nakapasok sa top 10 noong nakaraang taon ang RHO pero heto ito ngayo't umaariba sa top 3.

"They had a problem with their leader, at ngayong napalitan na, I think they really deserve to be there." pahayag naman ni Agent Blue.

Sumang-ayon naman ang ibang dilag saka nakisama sa pagpalakpak para sa nanalo.

"Congratulations." sambit ni Monsieur Laire matapos kamayan ang huling miyembro ng RHO, "And our next stop, the top 2!"

"You sure you remembered our tabs?" tanong ni Agent Plum sa katabing si Agent Gray.

"Yeah."

Kinakabahang nakatingin ang anim na dilag kay Agent Gray, silently praying na kung ano mang data ang sabihin ni Monsieur Laire eh hindi ito sa kanila.

"Judging their 2753 accomplished missions, 23 failed, 6 casualties, 9,627 physical weaponries and gadgets, 29 techniques contributed to the agent industry, and a gross annual income of 73, 373, 619 Php, they deserve to be the SECOND BEST! The alluring . . . "

Marahas na napabuntong-hininga si Agent Gray na kasalukuyang tinititigan ng anim na dilag saka sinabing, "That's ours."

" . . . Ladies Intelligence Supreme Activity! Looking hot in their wigs and contact lenses!"

Walang nagawa ang magkakaibigan kundi ngumiti ng pilit habang umaakyat sa stage. They can't afford to show some attitudes sapagkat isa rin ito sa naging criteria of judging kahit hindi sinasabi ng master of ceremony.

Napuno ng hiyawan at sipul ang bulwagan nang makatuntong na sa entablado ang magagandang dilag. Ipagkaila man nila o hindi, kakaiba talaga ang dating at aura nila, dinagdagan pa na likas talaga silang magaganda kaya hindi na bago sa kanila ang mga may pagnanasang tingin ng mga kalalakihan.

"Whoah. Pa-ganda kayo ng pa-ganda kada taon Agent White, kayong lahat I mean, ano bang sikreto niyo?"

Nakakunot ang noong tiningnan ni Agent White si Monsiure Laire. Wala kasi siyang ibang ginagawa ritwal sa pagpapaganda maliban sa . . . "Gumamit ng lotion?"

Napuno na naman ng tawanan ang lugar.

"Okay I get it. Thank you beautiful ladies. Can anybody escort them please?"

Mabilis pa sa alas kwatro na nagsitayuan ang mga lalaking agents upang alalayan ang mga dilag papunta sa kani-kanilang mga upuan.

Kahit pa na nagwagi sila sa ikalawang pwesto ay hindi pa rin sila masaya. Limang taon. Limang taon na lang kasi silang palaging nasa pwestong iyan. Limang taon. At sa limang taon na iyon ay palagi na lang silang nauungusan ng iisang organisasyon na hindi nila matalo-talo.

Napakurap ang pitong dilag nang may makita silang nga imahe, nanggagaling ito sa kanilang mga contact lenses. Dito ay makikita at mababasa nila ang mga impormasyon patungkol sa kanilang mga misyon at sa kasalukuyan nga ay mayroon silang kailangang atupagin na misyon.

"At syempre! Ang hashtag number 1 sa gabing ito . . . "

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan, alam nilang kailangan na nilang umalis pero tila ba nakamighty-bond ang mga pwet nila sa upuan kaya hindi sila makatayo. Nais nilang marinig ang data ng nangungunang organisasyon.

" . . . grossing 5378 accomplished missions, 6 failed. Whoah! This is insane folks. 3 casualties! 13,384 physical weaponries and gadgets, 53 techniques contributed to the agent industry, Jesus! And a gross annual income of, shit. If I told you, you'll all try to rob them. 5.65 billion! Holy cow!"

Sa bawat numerong ibinibigkas ng master of ceremony ay katumbas ng paglaglag ng mga pang ng mga nakarinig, lalong lalo na ang mga dilag ng LISA. Hindi sila makapaniwalang ganun ang lamang ng oragnisasyong iyon sa kanila.

Nanlulumong tumayo ang mga dalaga pero natigilan din sila nang marinig ang pagsinghap ng mga tao. Nagtatakang sinundan nila ng tingin ang mga mata ng agents at maging sila ay hindi mapigilang mapasinghap.

Ang Philosopher Stones.

O mas kilala bilang PS, kasalukuyang naglalakad papunta sa entablado suot-suot ang kani-kanilang mga maskara. Binubuo sila ng sampung lalaki at isang babaeng tumatayo bilang lider.

Dahan-dahang napaupo ang magkakaibigan pabalik sa kanilang mga pwesto. Tila ba tumigil ang oras habang patuloy na naglakad ang PS.

"Good evening." bati ng babaeng may suot na itim na maskara, siya si Code Priestess, ang lider ng PS. "Una sa lahat, humihingi ako ng despensa sapagkat ngayon lang kami nakadalo sa pagtitipong ito. Honestly, we find it unnecesary to attend. An offense was meant for the organizer."

Napuno ng bulung-bulungan ang bulwagan.

"Pangalawa, we have a favor to ask at maiintindihan namin kung hihindian niyo ito."

"Oasis . . . " tila ba nakakita ng isang shooting star si Agent Black habang titig na titig sa lalaking may suot na silver na maskara.

"Pangatlo, ang pabor na aming hihilingin ay sana itigil na ang hirarkiyang ito. Bakit? Simple lang. Hierarchy means triangle and triangle means unfairness. Halimbawa, kayo RHO at kayo LISA . . . "

Nagulat ang mga dalaga nang ituro sila ni Code Priestess.

" . . . papayag ba kayong may grupong nasa tuktok? Kami, hindi. Ang layunin ng pagiging agent natin ay matulungan ang kapwa at hindi maglamangan. Sana maintindihan ninyong lahat ang katwiran namin. Magandang gabi." huling pahayag ng Code Priestess saka bumaba na ng entablado kasunod ng mga kalalakihan.

Muli, nagkatinginan ang magkakaibigan, tila ba binabasa nila ang nasa isip ng bawat isa.

"NO WAY! HINDI TAYO PAPAYAG SA GUSTO NILA!"

"OO NGA! LUMALAKI LANG ANG ULO NILA EH!"

"PERO SYET PRE! ANG HOT PALA TALAGA NI CODE PRIESTESS ANO?"

"OH MY! HINDI AKO MAKAGET-OVER KAY CODE SILENT! TININGNAN NIYA TALAGA AKO!"

"DAMN. MAY POINT SILA!"

"PERO MAS MAGANDA 'YUNG GANITO, MAY KOMPETISYON! MAS MAY CHALLENGE!" 

Competetion. Challenge. Ang dalawang C na iyan ang palaging hinahanap-hanap ng sino mang agent, lalong lalo na ng LISA. That's why they decided . . . ayos lang sa kanila ang magkaroon ng grupong nasa tuktok pero sisiguraduhin nilang hindi ang PS iyon.

They smirked at tuluyan ng naglakad paalis ng venue with one thing on their mind.

They got 1 year to abandon the title . . . SECOND BEST.

Continue Reading

You'll Also Like

25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
1.2M 18.7K 50
Sophia's a hopeless romantic. Ayaw niyang pumasok sa isang relasyon kung hindi naman ito pangmatagalan. At kung papasok man siya sa isang relasyon, d...
2.4M 69.2K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...