Ang True Love Ni Bebeng

By WRITING_LOVE_STORY

42.7K 1.5K 108

"MARRY ME AND BE MY WIFE" Parang biglang tumigil sa pag inog ang mundo ni GENEVIE LOVE MASANGCAY or bebeng fo... More

Mga Cast & Author's Note
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94
CHAPTER 95
CHAPTER 96
CHAPTER 97
CHAPTER 98
CHAPTER 99
CHAPTER 100 (THE LAST PART)

CHAPTER 42

395 14 2
By WRITING_LOVE_STORY

RED...

Habang abala ako sa mga ginagawa kong trabaho sa opisina. hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kanina. naiinis ako. iniisip ko, anong nakaraan kaya meron sina bebeng at gabe noon kaya ganun na lamang ang tuwa nila kanina ng magkita sila.

hindi kaya ex ni bebeng si gabe?

nah.. imposibleng maging ex ni bebeng ang lalaking yun e mismong siya pa nga ang nagsabi sakin noon na never pa talaga siyang nagka-boyfriend kahit kailan.

so, kung hindi ex ni bebeng si gabe.. hmmm isa lang ang sigurado.. dati niyang manliligaw ang bago kong empleyado.

sa aking huling naisip. marahas akong napa-buntong hininga at itinigil ko muna ang ginagawa kong trabaho.

damn! ano ba ang nangyayari sakin? mahal ko na nga yata talaga si bebeng dahil kung hindi ko siya mahal, hindi naman siguro ako mag-iisip ng mag-iisip ng tungkol sa kanila ni gabe at kanina e parang gusto ko ng tanggalin din agad sa kaniyang trabaho ang bago kong empleyado dahil sa inis ko sa kaniya.

oo naiinis ako.. naiinis ako sa GABE MAGTANGGOL na yun! naiinis ako sa kaniya yun ay dahil----

"Riley---"

narinig kong pagkatok at sambit ni audrey sa pangalan ko at hindi ko na nga naituloy pa kung ano ba yung iniisip ko, naitirik ko na nga lang din ang mga mata ko dahil sa totoo lang, bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing magkikita kami ng sekretarya ko.

"come in"

walang kagana-ganang sambit ko at agad namang pumasok si audrey.

"hi---"

tipid ang ngiting sambit ni audrey at kapagkuwan may ibinigay siya saking mga papel na kailangan kong pirmahan ng siya ay makalapit sa desk ko.

seryoso ang mukha kong kinuha yun sa kaniya. at habang pinipirmahan ko ang mga papeles na ibinigay nito. ramdam na ramdam ko ang mataman na pagtitig sakin ni audrey.

"alam mo--- may pakiramdam akong hindi maganda ngayon. feeling ko mukha yatang may gusto ang fiance mo doon sa bagong empleyado"

maya-maya ay narinig kong sabi ni audrey habang pinipirmahan ko pa din ang mga papeles na ibinigay nito.

"im so sorry to say this to you RED ha pero malakas ang kutob ko na mukha ding may nakaraan ang bebeng mo at ang Gabe magtanggol na yun noon. ano kaya sila dati? ex bestfriend? ex lovers or ex live in partner? what do you think?----"

"i think it is none of your business para isipin pa o ang pakiilamanan pa ang buhay ng ibang tao.. yun ang opinion ko sa mga sinasabi mo ngayon audrey. look, sinabi ko na sayo diba. kung gusto mong mag-usap tayo ng maayos. pagusapan natin ang tungkol lang sa trabaho. here tapos na ako sa mga kailangan kong pirmahan. umalis kana at bumalik kana sa trabaho mo dahil marami pa akong gagawin"

rude kong saad kay audrey sabay iniabot ko uli sa kaniya ang mga papeles na napirmahan ko na ngunit hindi nito yun kinuha.

"sabihin mo nga sakin red. ano ba talaga ang meron ang bebeng na yun at ganyan kana lang kabaliw sa kaniya? ano ba ang ginawa niya sayo at parang kahit na ano pa ang gawin ko o sabihin ko e nahihibang kapa din sa babaeng yun? what? mas magaling ba siya sakin? mas magaling ba siya sa kama at mas gusto mo ang image niya na kunyari pa-sweet at pa-inosente pero pagdating sa sex, mas wild pa pala siya sakin"

"damn it audrey! wala kang karapatan na magsalita ka ng ganyan kay bebeng dahil hindi mo siya kilala! hindi mo alam ang sinasabi mo! matinong babae si bebeng at hindi siya katulad ng iniisip mo----"

"hindi siya katulad ng iniisip ko? e ano yung nakita ko kanina? oh come on Red huwag ka ngang tanga! kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mag-ngitian at magtitigan ang fiance mo na sinasabi mo at ang gabe magtanggol na yun na bago mong empleyado.. sa tingin ko may malalim silang pinagsamahan noon.. at sa tingin ko din may nararamdaman ang bebeng mo sa gabe na yun-----"

"puwede bang tama na! tumigil kana okay!"

sigaw ko na kay audrey dahil sa mga pinagsasabi nito at mukha namang hindi nito inaasahan ang ginawa ko.

"look, audrey kung ginagawa mo lang ito para siraan kami ni bebeng dahil diyan sa nais mo o ang gusto mong maging tayo. puwes sinasabi ko na sayo. kahit pa anong gawin mo o ang sabihin mo. hinding-hindi mangyayari yang gusto mo dahil si bebeng ang gusto ko. mahal ko siya at malaki ang tiwala ko sa kaniya. wala akong pakiilam kung may past ba sila dati o wala ng lalaking yun dahil ang importante sakin e yung kami ni bebeng nagyon! mahal ako ni bebeng at naniniwala ako na hindi siya gagawa ng anumang ikasasama ng loob ko dahil sa pagmamahal niyang yun sakin. alam mo audrey napapagod na talaga ko. pagod na pagod na ko sa pagtatalo nating dalawa at pakiramdam ko sumisikip na ang opisinang ito dahil satin. i guess, mas makakabuti siguro kung maghanap kana lang ng iba mong trabaho---"

"w-what?! ibang trabaho? sinasabi mo ba sakin na tinatanggal mo na 'ko ngayon dito sa opisina mo dahil lang sa issue nating dalawa?"

hindi makapaniwalang bulalas ni audrey at tiim bagang naman akong sumagot sa kaniya.

"yah.. you're fired audrey! and i am giving you a week para maghanap ka ng iba mong trabaho bago ka umalis ng opisina ko!"

determinadong saad ko at napamaang naman si audrey sa ginagawa ko sa kaniya ngayon.

"a week?! nasisiraan kaba ng bait ha Red? sa tingin mo ganun lang kadaling maghanap ng trabaho ngayon na sa loob lang ng isang linggo e ini-expect mong may nahanap na akong ibang trabaho bago ako umalis dito?"

"audrey hindi ko na problema yun okay.. hindi ko na problema kung may nahanap kana bang trabaho that time o wala pa dahil ang concern ko e ang umalis kana, ang lubayan mo na ako dahil nakakapagod kana!"

"so ngayon nakakapagod na ako? ganun red? pagkatapos mo akong gamitin at gawing parausan sa tuwing kailangan mo ako. ganun nalang ha? ibabasura mo ako ng ganito nalang na parang isang basahan, isang walang kuwentang gamit at isang basura!"

hinanakit ni audrey sakin at nginisian ko lang ang sinabi nitong yun.

"audrey para sabihin ko sayo. pareho lang tayong nakinabang sa isa't isa okay. walang naagrabyado at walang nanalo o ang natalo. bakit mo hindi mo nalang kasi tanggapin na ayoko na, tapos na tayo sa anumang meron tayo at si bebeng talaga ang gusto ko. uulitin ko si bebeng ang gusto ko at mahal ko. hindi ikaw ang kailangan ko audrey kaya please utang na loob paulit ulit nalang tayo!. look ,marami pa akong gagawin okay kaya kung maari sana. nakikiusap ako sayo. walang magandang patutunguhan itong pinaguusapan nating ito kaya please audrey, LEAVE..."

nakikiusap kong pahayag kay Audrey sa huli at masama naman ang loob nitong kinuha sa desk ko ang mga papeles na ibinigay niya sakin kanina bago siya tuluyang lumabas ng aking opisina.

ako naman, nahahapong naihilamos ko nalang ang mga palad ko sa mukha ko dahil sa nangyaring pagtatalo uli namin ngayon ng sekretarya ko.

BEBENG...

Mag-a-alas singko na ng hapon at ngayon ay nasa loob ako ng banyo ni Red para maligo. masiyadong mainit ang panahon ngayon kaya naman kahit pa naligo na ako kaninang umaga bago pa man ako pumunta sa opisina niya, maliligo uli ako.

speaking nga pala kay red. ano na kaya ang ginagawa niya ngayon sa opisina? nakain kaya niya lahat yung pagkaing inihanda ko para sa kaniya?

kumibit balikat nalang ako sa aking naiisip. hindi na din ako nag-abalang i-lock ang pintuan ng banyo ni red dahil una sira naman ang lock niyon at pangalawa, wala naman siya. alas singko palang ng hapon, mamaya pa siya darating kaya safe akong maghubad all the way sa kaniyang banyo para maligo.

pumasok na ako sa shower. nice ang banyo ni red dahil kahit dito mayroon na ding mainit na tubig kaya hindi ko na kailangan pa ang magpainit.

sinimulan ko na ang mag-shower. at habang nag-sa-shower ako may pakanta-kanta pa ako.

"May tatlong Bibe akong nakita

Mataba, mapayat mga bibe

Ngunit ang may pakpak

Sa likod na iisa

Siya ang lider na nagsabi ng

Kwak, kwak, kwak"

Pinatay ko ang shower. sinimulan ko naman ang magsabon ngayon ng katawan ko pagkatapos kong mag-shamppo ng buhok ko.

habang nagsasabon muli kong itinuloy ang pagkanta ko with matching pakending-kending pa ako.

"Tayo na sa ilog ang sabi

Kumending ng kumending

Ang mga bibe

Ngunit ang may pakpak

Sa likod na iisa

Siya ang lider na nagsabi ng

Kwak, kwak, kwak"

patuloy ko sa pagkanta habang nagsasabon ako. nang matapos.

muli ay binuksan ko ang shower para magbanlaw naman ng katawan ko.

makalipas ang mga ilan pang minuto. natapos din ako sa aking pagligo at lumabas na ako ng shower. kinuha ko ang tuwalya para gawin yung pangtuyo sa basa kong katawan. ng ako ay matapos. sinuot ko ang pink na underwear ko maging ang pink din na bra ko. akmang kukunin ko na sana ang t-shirt ko, nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwan niyon ang fiance ko!

Pareho kaming natigilan ni Red sa biglaang pagpasok at pagsulpot nito sa banyo. hanggang sa napasigaw nalang kami nito pareho dahil sa malaya nitong nakikita ang halos hubad na katawan ko.

"umalis ka! umalis ka ngayon din masamang espiritung ligaw! diyos ko po nakita na ang aking virgin mary! ang aking bataan, sinilangan at kanluran! umalis ka!"

sigaw ko kay Red at ng hindi pa din nito magawang lumabas ng banyo dahil sa kaniyang taranta. ako na mismo ang nagtulak sa kaniya palabas sabay malakas na isinara ang pintuan ng banyo niya!

marahas nalang akong napa-sandal sa likod ng nakasarang pintuan at para ba akong hinabol ng isang daang kabayo dahil sa hingal ko sa kakasigaw ko kanina.

RED...

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa gulat ko at sa nakita ko kay bebeng sa banyo. kanina pagdating ko ng bahay at ng kuwarto ko. agad akong nagtungo ng banyo para maghugas sana ng aking mga kamay ng sa hindi sinasadya nakita kong naroon pala si bebeng na walang ibang suot sa katawan kundi underwear at bra lang.

nataranta at nagsisigaw si bebeng dahil sa naabutan kong hitsura nito. maging ako ay nataranta din sa kaniyang pagsisigaw kaya naman hindi ko magawang umalis agad ng banyo. nalilito ako hanggang sa siya na nga mismo ang nagtulak sakin palabas ng banyo ko.

anyway, makalipas pa ang mga ilang minuto. lumabas na din ng banyo si bebeng at nang magtama ang mga mata namin. mga ilang segundo din kami nitong nagkatitigan dahil sa nangyari bago ko nagawa ang magsalita.

"umm----look im so sorry okay. hindi ko alam na nasa banyo ka pala kanina"

panimula ko.

"hindi mo alam. hindi mo ba narinig ang ingay ko dun kanina at nakitang naka-switch ang ilaw dito sa kuwarto mo para bigla-bigla kana lang papasok?"

"bebeng wala talaga akong narinig na ingay sa banyo kanina at hindi din naman naka-lock yun kaya naisip ko, wala ngang tao at wala ka dun. look, kung alam ko lang talaga na nandun ka, hinding-hindi ko bubuksan ang pintuan ng banyo at hindi ko din namang nanaisin na makita ka sa naabutan ko sayo kanina---"

medyo akward kong saad sa huli at alanganin namang tinakpan ni bebeng ng kaniyang mga braso ang kaniyang dibdib na para bang nakahubad pa din siya.

"isa pa, wala naman talaga akong nakita sayo kanina. i mean, naka-underwear at bra ka ng nakita kita at isipin nalang natin na kunyari nasa beach ka o di kaya naman ang nasa beauty pageant ka---"

"beauty pageant at saka sa beach? for your information hindi ako sumasali sa beauty pageant at lalo ng hindi ako rumarampa sa beach ng naka-underwear lang at bra okay kaya-----"

"bebeng, riley... bebeng..."

narinig namin ni bebeng na pagkatok uli ng lola ko sa may pintuan ng kuwarto ko at hindi na nga din nito natuloy ang kaniyang sasabihin pa sana.

huminga ako ng malalim. naglakad ako palapit sa pintuan ng kuwarto ko at pinagbuksan ko ng pinto ang lola ko.

"lola, bakit ho? may kailangan po ba kayo?"

tanong ko sa lola ko at nagpalipat-lipat muna ang tingin nito sakin at kay bebeng bago siya nagsalita.

"narinig ko kayong sumisigaw uli kanina. anong nangyari? n-nag-aaway naba talaga kayo ha?"

muli ay tanong ng lola ko samin ni bebeng tulad ng kagabi.

"ho? kami ni bebeng nag-aaway? lola sinabi ko naman sa inyo diba, bakit ko naman ho aawayin itong asawa ko e ang bait-bait nito. hindi lang yun sobrang sweet pa"

kunway nakangiti kong saad sa lola ko at sa huli ay inakbayan ko pa si bebeng sa kaniyang balikat.

"uhm ano kasi--- may nakita uli si bebeng na ipis sa banyo kanina pagkatapos niyang maligo kaya hayun napasigaw uli siya. pasensiya na la kung nag-alala na naman kayo samin nitong honey milkshake ko"

patuloy ko at kunway sinegundahan naman ni bebeng ang sinabi ko.

"opo lola, totoo po talagang ipis lang uli yung dahilan kung bakit ako napasigaw kanina. ipis na basta-basta nalang pumapasok sa banyo at makikita akong halos hubo't hubad"

"ipis na nakita kang halos hubot hubad? naku e hayaan mo na yun hija. ipis lang naman yun kaya okay lang kahit maghubad kapa ng tuluyan sa harapan niya. saka teka nga muna maalala ko. kaninang umaga e naglagay na ang tita nimfa ninyo ng gamot doon kanina sa banyo ninyo para pamatay ng ipis. bakit hanggang ngayon may ipis pa din dun? hay naku mga pesteng ipis talaga oo, napakakulit!"

parang naiiritang sabi ni lola sa huli na sinang-ayunan naman ni bebeng.

"naku lola sinabi niyo pa. sadya po talagang makukulit ang mga ipis na yan at kung minsan talaga kahit na anong spray ang gawin natin sa kanila. hindi sila basta-basta mauubos at magugulat nalang po tayo dahil sa pabigla-bigla nilang pagsulpot sa BANYO"

sabi ni bebeng sabay pasimple nitong tinanggal ang braso kong nakaakbay sa kaniyang balikat.

feeling ko parang ako yata yung ipis na tinutukoy ni bebeng ha? akmang mag-re-react sana ako sa sinabi nito nang sumulpot naman si tita nimfa at sinabing dumating daw si ate alexandra kasama ang asawa at anak nito.

Continue Reading

You'll Also Like

20.8M 512K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
329K 5.2K 23
Dice and Madisson
2.5M 161K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
160K 3.8K 54
What will you do if you end up in someone else body?