Heart Held Captive

Oleh AaliyahLeeXXI

68K 2.6K 1.1K

Love... My idea of love was a mixture of tragedy and beauty. I could still remember how my true parents both... Lebih Banyak

Heart Held Captive
Teaser
﹏๑✿ ・:*:・PROLOGUE ・:*:・✿๑﹏
~✿*1*✿~
~✿*2*✿~
~✿*3*✿~
~✿*4*✿~
~✿*5*✿~
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!
~✿*6*✿~
~✿*7*✿~
~✿*8*✿~
~✿*9*✿~
~✿*10*✿~
~✿*11*✿~
~✿*12*✿~
~✿*13*✿~
~✿*14*✿~
~✿*15*✿~
~✿*16*✿~
~✿*17*✿~
~✿*18*✿~
~✿*19*✿~
~✿*20*✿~
~✿*21*✿~
~✿*22*✿~
~✿*23*✿~
~✿*24*✿~
~✿*25*✿~
~✿*26*✿~
~✿*28*✿~
~✿*29*✿~

~✿*27*✿~

1.6K 84 42
Oleh AaliyahLeeXXI

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Kailangan kong makagawa ng paraan para makaalis sa lugar na ito. I couldn't live anymore under one roof with the son of a criminal. Much more with the son of a mūrderer. The son of the one who ordered to kīll my parents.

Hindi na ulit bumalik si Trevor dito sa bahay since he came here two days ago. Kinakausap na ako ni Ryder pero halatang iniiwasan pa rin niya ako. Litung-lito ako sa mga nararamdaman ko for the past couple of days. Nasasaktan ako dahil hindi pa rin niya ako itinatrato na tulad noon. Nasasaktan ako dahil parang binabalewala na niya ako. But at the same time ay gusto ko rin siyang kamuhian dahil sa mga nalaman ko. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin. Kung siguro inamin pa niya sa akin yung totoo ay baka napatawad ko pa siya. Pero sa tuwing maaalala ko rin na anak siya ng nagpapatay sa mga magulang ko, palagi kong naiisip na maling-mali na makaramdam pa ako ng pagmamahal para sa kanya. I couldn't take the fact that I fell in love with the man whose father ordered my parents to be kīlled.

Mabuti na rin siguro na hindi niya ako masyadong pinapansin para hindi niya mahalata yung panlalamig ng pakikitungo ko sa kanya.

Ilang beses na rin akong nagplano na tumakas pero hindi ko magawa yun dahil hindi rin umaalis ng bahay si Ryder at palagi pa siyang nandoon sa porch sa harap ng bahay at doon palaging nakaharap sa laptop niya.

Naisip kong magpaalam para magpunta sa mall pero siguradong sasama siya dahil wala naman akong pera. Para pa naman yung guwardiya dahil talagang kahit saan ako nagpupunta ay nakasunod palagi sa akin ultimo sa labas ng restroom. Isa pang problema ko, paano ako tatakas kung kahit singko ay wala ako?

Naisip ko yung mga relatives namin dito sa New York sa father side. Kung hindi ako nagkakamali ay malapit lang dito yung tinitirahan nila. Si Auntie Daena, she was Daddy's cousin from the father side, at dito na sila naka-settle ngayon sa New York. Kung makakapunta ako sa kanila ay pwede na akong makahingi ng tulong para makabalik sa Pilipinas.

I needed to device a plan. Kailangan ko nang makaalis dito. Kailangan ko nang makabalik sa pamilya ko para humingi ng tawad sa kanila. Hindi ko matanggap sa utak ko ngayon na mas pinili kong sumama kay Ryder kaysa sa Daddy ko at sa Kuya ko.

Tumihaya ako nang higa rito sa kama at tumitig sa kisame. Mula nung tinopak si Ryder dahil nalaman niya yung tungkol sa mga nangyayari sa negosyo nila ay hindi na rin kami nagtatabing matulog. Iniiyakan ko pa iyon noong mga nakaraang gabi. Ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng sakit dahil sa ipinapakita niyang panlalamig sa akin pero pinipigilan ko nang masaktan dahil pakiramdam ko ay hindi tama na makaramdam pa ako ng kahit ano tungkol sa kanya. Ngayon ay medyo nakakaramdam na ako relief sa hindi niya pagtabi sa akin matulog. Parang hindi ko na rin kasi kayang matulog ulit na katabi siya knowing about his family background. Nagi-guilty ako sa mga magulang ko. At lalong hindi mawala sa isip ko na niloko niya ako.

"Ano po ba ang dapat kong gawin? Please ipaisip N'yo naman po sa akin kung ano ba ang dapat kong gawin na paraan para makaalis na po ako rito," bulong ko habang nagdadasal.

Bumangon ako ulit at tumingin sa labas ng bintana. Ilang minuto na akong nandoon nang may dumaan na ambulansiya sa kalsada. Parang may biglang umilaw na idea sa utak ko.

"Bakit nga ba hindi?" bulong ko sa sarili ko.

Kaya pagkagising ko kinabukasan ay bumangon ako agad para magluto ng almusal.

Sana talaga umepekto 'to. Hindi pa naman ako magaling umarte, naisip ko habang kumakain kami ni Ryder.

Binagalan ko talaga yung pagkain na parang walang gana pero pinakikiramdaman ko siya.

"Kamusta na yung problema n'yo sa mga kompanya?" tanong ko sa kanya habang hinihilot-hilot yung sintido ko.

He lifted his eyes on me with his usual serious facial expression. "I'm already trying to fix the problems with my most trusted employees." His forehead creased. "Are you ill?"

Hah! Buti naman at napansin niya. Pero hindi rin naman nakaligtas sa akin yung pag-aalala na nabakas ko sa mukha at sa tono niya. Napansin ko kasi na lumamlam bigla yung mga mata niya.

I fought myself to feel anything. Mas gusto ko kasi na makaramdam ng galit sa kanya dahil gustung-gusto ko nang makatakas mula sa kanya. Wag kang magpadala sa mga ipinapakita niya sa 'yo, Katie. Remember, that man is a big liar.

"No. Medyo sumasakit lang yung ulo ko."

"Magpapahinga ka na lang sa kwarto. Ako na mag-aayos dito after we eat."

Umiling ako. "No. I'm fine. Konting sakit lang ng ulo ito. Matatapos ka na rin kumain kaya wag mo na akong hintayin. Do whatever you need to do at ako na ang bahalang mag-ayos dito pagkatapos kong kumain."

Hindi siya kumibo pero tinitigan ako nang matiim bago tinapos yung pagkain niya.

Pagkaalis niya ay agad kong tinapos yung kinakain ko at nagligpit. Nagbaon ako ng pagkain sa kwarto ko bago nahiga. Pagdating ng tanghali ay tiniis kong hindi bumangon kahit inip na inip na ako sa kakahiga.

Then after some more minutes ay nakarinig ako ng footsteps sa labas ng kwarto ko. I pretended to be sleeping. Then I heard the door opened.

"Katheryne," I heard Ryder said while walking towards here in my bed. Naramdaman kong lumundo yung kama sa gilid ko at may lumapat na palad sa noo at leeg ko. "Katie..." he uttered tenderly.

I slowly opened my eyes and instantly saw the worried expression written on his face. Pumikit ulit ako. No, Katie. Tama na. Stop entertaining those feelings and thoughts. You need to get away from him already.

"Are you okay? You're not having a fever pero bakit parang ang tamlay mo?"

Umungol ako saka dumilat ulit. "I still feel dizzy and my head is still aching."

"I'll just cook food for us. You need to eat para makainom ka ng gamot mamaya." He held and caressed my cheek lightly with his thumb before he bent down and placed a gentle kiss on my lips.

Pumikit ako nang mariin habang halos hindi makahinga. Hindi pa rin nakaligtas sa akin yung kakaibang pakiramdam sa sistema ko tuwing hinahawakan at hinahalikan niya ako, but I did my best to try to ignore that feeling.

Pagkalabas niya ay mabilis kong kinuha yung pagkain na dinala ko rito kanina at mabilis na kumain. Nung narinig ko ulit yung mga yabag niya na papunta na rito sa kwarto ko ay mabilis akong tumakbo papasok sa banyo. I put my finger inside my mouth up to my throat to force myself to vomit.

"Katie?" narinig kong tawag ni Ryder sa pangalan ko pagkapasok sa kwarto ko. Seconds later, he was already beside me on the floor in front of the toilet bowl. "What's happening to you, princess?"

I squeezed my eyes tightly and felt hot tears trailed down my cheeks. Bakit ganun? Bakit naaapektuhan pa rin ako sa mga ipinapakita niyang concern sa akin?

Gusto ko nang gawing manhid yung sarili ko sa kanya. Ayoko nang makaramdam ng kahit ano sa kanya dahil gusto ko siyang kamuhian.

He embraced me and rested my head on his chest while wiping my mouth with the toilet paper. "Katie, please answer me. What's wrong with you?" I could hear the panic in his voice already.

"Masakit lang talaga yung ulo ko."

"Fūck!" he hissed out before he carried me and laid me down on my bed. "I'm going to bring you to the hospital already. I don't think this is just a simple headache only."

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Iyon naman talaga yung plano ko dahil baka sakaling pag nasa ospital na kami ay magawa ko na siyang takasan. Pero bakit parang may isang parte sa sarili ko na ayaw mahiwalay sa kanya? Na ayaw siyang iwan?

﹏~✿**♥**✿~﹏

Tiniis ko yung mga tests na pinagdaanan ko sa ospital. They confined me there while waiting for the results of the tests that they had conducted on me.

"Gutom na 'ko, Ryder," sabi ko habang nakahiga sa hospital bed sa private suite ko.

He lifted his head from looking down on his phone. "I'll ask the doctor first if you're allowed to eat already." He stood up before bending over again to kiss my lips. "Will you be fine here alone?"

"Yeah."

"Sandali lang ako." Lumabas na siya.

Naghintay ako saglit. Pagbalik niya ay lumapit agad siya sa akin. "Pwede ka na raw kumain. What do you want to eat?"

"Yung grilled tuna dun sa last restaurant na kinainan natin."

"Princess, that's too far from here."

"Yun lang talaga yung gusto kong kainin, Ryder, eh. Hihintayin kita rito. Bumili ka na para makabalik ka agad kasi gutom na talaga ako."

He stared at me intently with a little frown on his forehead na para bang naghihinala siya sa akin. Kabang-kaba ako dahil baka nahahalata na niya yung mga pinaplano ko sa utak ko.

"Okay," he said afterwards.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang tumayo na siya.

"Just wait for me. Wala ka nang ibang gustong ipabili?"

Umiling ako. "Yun lang."

His eyes scanned me from head to foot even if I was covered with a blanket from my foot up to my waist. His gazed stopped on my stomach before he pulled the end of the blanket up to my chest. Yumuko ulit siya at hinalikan ako sa mga labi. "I love you, Katie," he said softly while gazing down my eyes.

Natigilan ako. Kahit ayaw ko ay naramdaman ko pa rin yung mga mata ko na nagsimulang mag-init dahil sa mga luha na gustong kumawala mula sa mga iyon. Ilang araw ko na iyong hindi naririnig mula sa kanya. But even though I could see his sincerity in his eyes, tumatanggi naman na yung utak ko na pakinggan iyon at magtiwala sa kanya dahil nagawa niyang maglihim at magsinungaling sa akin. Hindi pa rin mababago nun yung katotohanan na hanggang ngayon ay niloloko pa rin niya ako.

I forced myself to smile at him. "Love you. Sige na, bili ka na ng food ko."

He placed a soft kiss on my forehead before he went out.

Noon na ako naalerto. It's now or never, Katie.

Mabilis kong pinagana yung isip ko. I closed my eyes tightly and gritted my teeth before I pulled the needled of the attached IV at the back of my palm while holding my breath. Napaungol ako nang maramdaman ko yung pagkirot. Bumaba ako agad mula sa kama at kinuha yung mga damit ko na nakapatong sa couch. Mabilis akong nagbihis.

Kung anu-anong mga scenarios ang naiisip ko habang nagbibihis ako. Na baka paglabas ko ng pinto ay nasa labas lang pala si Ryder at hinihintay akong lumabas para tumakas dahil mukhang naghihinala na siya sa mga ikinikilos ko kanina. O baka naman makasalubong ko siya habang naglalakad ako sa hallway nitong ospital o kaya ay sa elevator.

Nanginginig ako sa takot na baka mahuli niya ako. Pero kailangan kong subukan. Kung hindi ko siya nagawang takasan noon sa gubat, malaki na ang pag-asa ko ngayon na matakasan siya rito. Kailangan kong gawin ito hindi lang para sa sarili ko at sa pamilya ko na gustong paghigantihan nina Ryder kundi pati sa alaala ng tunay kong mga magulang.

Naglalakad na ako papunta sa pinto nang biglang may gumagalaw na anino akong nakita sa dingding mula doon sa liwanag na nanggagaling sa bintana sa likod ko. Para akong nakaramdam ng kakaiba. It was so weird that it made me turn my head to the window. And my breath got caught in my throat when I saw two white doves outside the glass window.

"Shucks..." I felt goosebumps suddenly spread all throughout my body. Parang biglang tinambol din yung puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nun. Bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Naramdaman ko ulit yung pamilyar na pakiramdam ko noong bata pa ako pag palaging nasa tabi ko yung mga magulang ko. Parang bumalot yung pakiramdam na yun sa buong kwarto. The familiar warmth of their presence and of their love suddenly enveloped the whole room.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sila yun! Yung mga kalapati na palagi naming nakikita noong bata pa kami ni Kuya. At ngayon ko na lang sila nakita ulit after we were kidnapped when I was nine years old.

Pinahid ko yung mga luha ko. "Daddy Just. Mommy Kate. Alam ko pong kayo ulit yan. Please tulungan n'yo po akong makatakas ulit ngayon sa dumukot sa akin. Please."

One of the doves tapped its beak on the glass window as if it was telling me something. Ngumiti ako doon sa kalapati bago mabilis na lumabas ng kwarto. Nagmamadali akong sumakay sa elevator. Parang nawala bigla yung takot ko. I suddenly felt safe after seeing those two doves. Naging mas lalo akong determined na makatakas mula kay Ryder.

Nang makalabas na ako ng building ng ospital ay luminga-linga ako. I was finally free but I was also feeling a void deep inside me. Parang bigla akong nalungkot. Gusto kong umalis at makalaya na mula kay Ryder pero bakit parang may bigat sa loob ako na nararamdaman ngayon na maaari ko na siyang matakasan?

I looked around again dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. And my heart suddenly felt glad when I saw the two doves on the concrete ground. Lumipad ang mga yun papunta sa kaliwang bahagi ng sidewalk.

"Goodbye, Ryder," I uttered before I followed the two doves. Hindi ko alam kung tama ba na gawin ko ito dahil sa isang normal na sitwasyon ay wala namang tao na nasa matinong pag-iisip ang maniniwala sa ganitong klase ng bagay. But I wanted to trust my instinct. Minsan na kaming iniligtas sa peligro noon ng mga kalapati na pinaniniwalaan namin na mga magulang namin. Wala namang masama kung maniwala pa rin ako sa bagay na yun ngayon.

The two doves kept flying and I kept following them. Nagulat pa ako nang mabunggo ako sa isang babae na lumabas mula sa pinto ng isang cafè.

"I'm so sorry!" sabay pang sabi namin nung nakabanggaan ko. Pero nanlaki yung mga mata ko nang makilala ko yung babaeng nabangga ko.

"Auntie Daena/Katie?" sabay ulit na sabi namin.

"Oh my goodness, Katie, is that really you?" she asked with equally wide eyes. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit bago inilayo ulit para matitigan. "What happened? Paano ka napunta rito sa New York? Alam mo bang worried na worried kaming lahat sa 'yo? Napauwi kami ng Pilipinas two months ago when Lance told us na kinidnap ka raw sa Paris!"

"Long story, Auntie. Pupuntahan po sana kita talaga kaso nagulat naman ako na nakabanggaan pa po talaga kita rito."

"Well, if that's the case, then we're really destined to bump with each other right now. Halika na sa bahay. Marami kang dapat ikuwento sa amin."

Napalingon ako doon sa dalawang puting kalapati na palipad-lipad na ngayon sa ere na para bang ang saya-saya nila. "Thank you po, Daddy and Mommy. I know you led me to find Auntie Daena here to make sure that I'll be safe. Thank you so much po," I whispered and smiled at the two birds flying around before they flew away already.

﹏~✿**♥**✿~﹏

I used Auntie Daena's phone to call Daddy as soon as we reached their home. While it was still ringing, I was already anxious to hear his voice. Dasal din ako nang dasal na sana ay hindi siya galit sa akin dahil sa ginawa ko noon sa France noong sumama ako kina Ryder para tumakas.

"Daena?"

Biglang kumabog yung dibdib ko nang marinig ko yung boses ni Daddy sa kabilang linya.

"D-daddy?"

The line suddenly went blank. Alam kong nagulat si Daddy nang marinig yung boses ko.

"Dad," tawag ko ulit sa kanya. "Si Katie po ito."

"Katie?"

Nag-init na yung gilid ng mga mata ko nang banggitin niya yung pangalan ko.

"What are you—? I mean how did you get in there? Are you with your Auntie Daena?"

I started sobbing already. "Daddy, miss na miss ko na po kayong lahat. Please sunduin n'yo na po ako rito sa bahay ni Auntie Daena. Gusto ko na pong makauwi diyan sa atin."

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

w◆021717-u◆030418

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

348K 40K 74
✦ ᴄᴀɴ ʙᴇ ʀᴇᴀᴅ ᴀs ɢᴇɴᴇʀᴀʟ.ғɪᴄᴛɪᴏɴ ✦ - 𝖒𝖆𝖓𝖎𝖐 𝖝 𝖆𝖓𝖆𝖍𝖎𝖙𝖆 𝖝 𝖓𝖆𝖓𝖉𝖎𝖓𝖎 - --- ♡ --- "𝘔𝘺 𝘩𝘦𝘢𝘳𝘵 𝘴𝘵𝘰𝘱𝘱𝘦𝘥 𝘴𝘦𝘢𝘳𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘧...
Ice Cold Oleh m

Fiksi Umum

2.3M 84.4K 49
[boyxboy] Wren Ridley is always two steps ahead of everyone, or so he thinks. His life seems out of his control when he starts having feelings for so...
428K 26.9K 39
Let's see how different personalities mends with each other to form a beautifull bond together. Where the Eldest is calm and cold, Second is aggress...
167K 6.2K 79
Not many people understood 12 year old Jessica, as a person and an individual. That doesn't include, however, her older sister, who Jessica adores w...