The Charmer & The Sweetheart...

By fiLYIpina

57.6K 758 238

Once you have loved, you will always love. For what's in your mind may escape but what's in your heart will r... More

TCTS Chapter 1
TCTS Chapter 2
TCTS Chapter 3
TCTS Chapter 4
TCTS Chapter 5
TCTS Chapter 6
TCTS Chapter 7
TCTS Chapter 8
TCTS Chapter 9
TCTS Chapter 10
BONUS STORY
TCTS Chapter 11
TCTS Chapter 12
TCTS Chapter 13
TCTS Chapter 14
TCTS Chapter 15
TCTS Chapter 16
TCTS Chapter 18
TCTS Chapter 19
TCTS Chapter 20
KITOS
PART 2
TCTS 2 Chapter 1
TCTS 2 Chapter 2
TCTS 2 Chapter 3
TCTS 2 Chapter 4
TCTS 2 Chapter 5
TCTS 2 Chapter 6
TCTS 2 Chapter 7
TCTS 2 Chapter 8

TCTS Chapter 17

736 20 7
By fiLYIpina

2 weeks after...

Vball Coach: O, dalawang araw nalang at finals na. Gusto kong mas ihanda niyo na ang mga sarili niyo pati na din yang mga katawan niyo. This time, dapat aware na kayo kung 'pano maglaro ang Ateneo.

All: Yes, coach!

Vball Coach: Okay, gusto kong ngayon palang kondisyon na kayo kaya, sige yun na lang muna ngayon sa araw na 'to. Dumiretso na kayo agad sa dorm. Lalo ka na, Reyes.

Mika: Opo.

All: Salamat po, coach.

Umalis na ang lahat maliban kay Mika. Inayos niya pa kasi ang mga nagkalat niyang gamit dahil bumukas ang bag niya ng kukunin niya na ito. Binalikan siya ni Ara para tulungan.

Ara: Ok ka lang? Kanina ka pa parang wala sa sarili, ah. Ilang beses ka tuloy nasita ni coach kanina.

Mika: Pagod lang siguro talaga ako.

Ara: Yun parin ba ang iniisip mo hanggang ngayon?

Mika: Ha?

Ara: Wag ka ng magkaila, kilala kita. Yung kay Audrey.

Hindi sumagot si Mika.

Ara: Hay naku, hindi ka naman namin masisisi, eh kasi mahirap talaga yang pinagdaraanan ng lovelife mo ngayon. Isang kontrabida lang ang meron kayo pero ang mahirap nun, nagkataon namang baliw pa. Hays! Kumusta na nga pala yun? Nakalabas na ba ng mental yun?

Mika: Sira ka talaga. Hindi naman siya na-mental, na-house arrest lang.

Ara: Ganun na din yun. Grabe akalain mo yun, una inakala ko na nagdo-droga lang siya kaya medyo pang-adik ang behavior pero ang ending natuluyan na pala talaga.

Tama. 1 week mahigit nang "house arrest" si Audrey. After ng nangyaring eskandalo sa bahay nina Jeron ay kumalat sa buong campus ang balitang pagkakaroon daw nito ng serious mental illness.

Nakumpirma nila ito matapos silang kausapin ng mama ni Audrey 3 days after the incident. Humingi ito ng paumanhin sa inasal ng anak at ibinahagi ang mga naging past experience ng anak.

Kabilang na dito ang pangungulila sa sariling ama na iniwan sila simula nung baby palang siya. Makailang beses na daw niyang pinuntahan ang papa niya sa bahay ng bago nitong pamilya pero laging hanggang dalawang minuto lang daw ang mga naging pag-uusap nila. Or minsan nga, wala talaga.

At ang kasalukuyang estado ng pamumuhay nila. Nalaman niyang wala na palang babalikang trabaho ang mama niya sa ibang bansa dahil sa nalugi na ang pinagta-trabahuhan nito.

Isa na din ang mga naging relasyon niya na halos lahat ay hindi nagtagal at laging napuputol sa paraang hindi niya gusto.

Sabi pa nito, marahil daw ay marami ng mga naging boyfriend si Audrey pero lahat naman daw ng mga ito ay minahal niya naman ng totoo. Siguro ay naging mali lang ang interpretasyon ng mga tao. At siguro nga'y naging desperada lang talaga siya para makaramdam ng pagmamahal at nawili sa paghahanap sa kung ano talaga ang ikasasaya niya.

Dagdag pa niya, ay ang lalong lumalalang kondisyon nito na labis niyang ikinababahala. Sabi ng doctor na tumingin sa kanya, ang pinagmulan daw nito ay ang stress, depresyon at ang labis na inggit.

At higit sa lahat, obsession din ang nakikitang posibleng dahilan.

Una, laging si Jeron daw ang bukam-bibig nito. Lagi daw niyang hinihiling na papuntahin si Jeron sa bahay nila or kung minsan iniisip pa din daw niyang boyfriend niya pa rin si Jeron.

Idagdag din ang labis na galit na nararamdaman niya kay Mika dahil sa pang-aagaw daw nito.

Kaya simula nang nalaman nila pareho ang nangyari ay labis itong nakaapekto sa kanila. Kahit sinasabi nilang ok lang sila, kabaliktaran naman yun ng kilos nila.

Mika sighed.

Mika: Alam mo, ilang days ko ng pinag-iisipan na puntahan si Audrey para kausapin pero kasi si Jeron..

Ara: Ay naku, yan ang wag na wag mong gagawin. Paano kung saktan ka ng baliw na yun dun? Magagawa mo bang mag-demanda, eh baliw yung nirereklamo mo.

Binatukan siya ni Mika.

Mika: Kahit kailan talaga yang mga reaksyon mo OA. Actually, kayong lahat. Daig niyo pa yung mga writer sa pelikula, eh. Ang lawak, alam mo yun?

Ara: Ah basta! Wag kang pupunta dun kundi isusumbong kita kay Jeron. Tsaka hello! Gusto mong masermonan ulit? Di ba nga sabi ni coach dorm arrest din muna tayo.

Tinignan siya ni Mika ng nakakapangloko.

Ara: Ay ay ay... wag mo kong tinitignan ng ganyan. Hindi mo ko madadaan diyan.

Mika: Arabels, sige na please? Pagtakpan mo nalang muna ako, please? Ngayon lang naman, eh. Tsaka hindi talaga ako mapakali, eh hanggang hindi ko nase-settle ang lahat. At isa pa baka ito pa yung maging dahilan para tuluyan na kong ma-out of focus sa laro natin. Gusto mo ba yun? Di ba hindi? Kaya please, tulungan mo nalang ako.

Ara: Hay! O, sha sige na. Basta bilisan mo lang, ah. Sabihin kong may binili ka lang.

Mika: Hindi. Sasama ka.

Ara: Ano?!

Wala pa silang isang oras sa daan, ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon - ang bahay ni Audrey. Ilang minuto din ang ginugol nila sa paghahanap ng nasabing subdivision.

Nasa loob sila ngayon ng sasakyan. Naka-park ito sa di kalayuan. Si Ara ang sa driver's seat.

Ara: First time kong minaneho 'tong sasakyan mo, ah. Infairness magaan. Hihi.

Mika: Parang wala yatang tao.

Ara: Ha? Saan ba naglalagi ang tao? Di ba sa loob? Alangan naman sa labas.

Mika: Tama na nga ang biro.

Ara: Oops, sarreh. Anyare sa'yo? Bakit ka umaasta na para bang aakyat ka ng ligaw? Bipolar ka din, eh.

Mika: Ano? Normal lang po ang kabahan.

Ara: Eh, sino ba kasi ang may gusto na pumunta tayo dito? Di ba, ikaw?

Mika: Ako nga, pero di ko naman sinasabi na wag na tayong tumuloy. Ang sabi ko lang parang walang tao. Ok?

Ara: Edi galit ka na niyan?

Mika: Ano ba Victonara?!

Ara: Oo na po. Kumatok na kasi tayo dun para matapos na 'to. Baka mamaya hinahanap na tayo sa dorm. Wala pa tayong pahinga, huy.

Mika: Tara na nga.

Meanwhile...

Thomas: Bro, handa ka na ba yung banner mo sa Sabado?

Natatawang sabi ni Thomas ng maalala ang ginawang kabaduyan dati ng kaibigan nung finals.

Dave: Tama. This time mas makakapag-cheer tayo dahil wala tayong game.

Thomas: Oy, bro! Andito ka ba? Tulala ka yata.

Jeron: Ah... masakit lang ulo ko.

Dave: Sabihin mo nalang kasi samin na bothered ka lang dahil sa nangyari kay Audrey. You know what, I can't believe talaga na hahantong siya sa ganitong sitwasyon. I mean, look at her, pantasya ng maraming lalake tapos biglang nabaliw dahil sa isa pang "pantasya" rin ng marami. Hahaha!

Jeron: Tigilan niyo nga ako.

Thomas: Bow hands na talaga kami sa kakisigan mo, bro. Iba ka!

Hindi na kumibo pa si Jeron.

Dave: How is she, ba? Tinatawagan ka pa din ba niya? Grabe lang talaga. Until now hindi parin ako maka-move on sa mga happenings. Kahit mga blockmates ko, yun din ang bukam-bibig.

Thomas: Right. She even gained more popularity. Ano nga yung hashtag sa kanya sa Twitter. Hmm, curious ako kung magte-trend yun. Grabe ang mga tao.

Dave: As in malala. Parang sirang-sira na nga image niya, eh. Tsaka...

Jeron: Stop it! Don't make fun about it, ok? Seryoso yung nangyari sa tao.

Nagkatinginan sina Dave at Thomas. Nabigla yata sila sa tono ng boses ni Jeron.

Dave: Sorry. It's not what we meant. It's just that...

Jeron: It's just that, masyado niyong jina-judge yung tao. Hindi natin alam kung ano ang mga pinagdaanan niya kaya wag naman natin siyang husgahan agad.

Napayuko ang dalawa.

Jeron: Oo, puro negative ngayon ang comments sa kanya sa social media. And yet, both of you are happy for that? Hindi niyo man lang ba naisip na nada-drag din yung pangalan ko, ha? Ano ba naman kayo. Minsan naging kami nung tao tapos hindi niyo siya nirerespeto? Kahit sakin nalang.

Yun lang at walang pasabing umalis si Jeron. Halata naman sa mukha nina Dave ang pagkagulat.

Dave: Ang daldal mo kasi, eh.

Thomas: Bakit ako?

Continue Reading

You'll Also Like

174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
657K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
14.6M 275K 46
PART TWO ON GOING