We Love Until It Hurts (Mika...

By astrophilexx

482K 6.7K 878

More

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
We Love Until It Hurts - Part 2
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - The Ending
Epilogue
Announcement

Chapter 34

6K 163 15
By astrophilexx

"Nice to finally meet you, Yeye!" niyakap ako ng kaibigan nila na ang pangalan ay Aiko.

"Uhm, hi." awkward akong nakipagkamay sa kanya pagkakalas niya sa yakap niya sakin.

"Pasok kayo, pasensya na hindi na ko nagligpit pa kasi aalis naman na kami sa makalawa ng kapatid ko." she lead the way papunta sa kitchen.

Pagpasok namin ay may mga nakahanda ng pagkain sa mesa. Kami lang ang bisita ni Aiko. Ang tahimik nitong apartment niya, sila lang kasi ng kapatid niya ang nakatira dito. At lilipat na sila sa Texas 2 days from today para makasama ang mga magulang nila.

Naupo na kami sa hapag. As usual, todo asikaso pa rin si Ivy sakin. Naiilang ako na ginagawa niya to. Nakokonsensya ako sa sinabi niyang kahit plastican na lang muna. Grabe, ang sama ko ng tao, pero wala akong magagawa. Hindi pa man kami nakakapagusap kay Ivy, naiisip ko na ang magiging buhay ko kasama si Ara.

Kasi hindi ko na talaga kaya pang itago at pigilan. Hindi ko na kayang mag stay sa relationship namin ni Ivy kasi, si Ara na talaga ang mas matimbang. At napapagod na kong itago na lang sa sarili ko ang nararamdaman ko.

"Yeye, ayaw mo ba sa food?" napukaw ang atensyon ko sa tanong ni Aiko. Napatingin ako sa kanya. Nag-half smile na lang ako sa kanya at nagsimulang kumain.

"Pagod lang tong babe ko," hinimas himas pa ni Ivy ang likod ko.

"So, Aiks.. Tuloy na tuloy na talaga, huh?" pag change naman ni Camille ng topic.

"Yup! Excited na nga sila Mama." halata din naman sa itsura ni Aiko na excited din siya. Sana gaya ko na lang siya, masayahin lang at parang walang problema.

The whole time na kumakain kami, hindi man lang ako nakapagsalita. Puro tango, iling, at ngiti lang ang ginawa ko. Parang ayaw lumabas ng boses ko. Parang feeling ko kailangan kong i-reserba ang boses ko para sa paguusap namin ni Ivy mamaya.

"Goodnight, guys!" pagpapaalam na nina Cams bago pa sila tuluyang makapasok sa unit nila.

Nagwave lang ako sa kanila at binuksan na rin ang pinto ng unit namin. Nakasunod lang si Ivy sa likod ko.

Habang papasok kami ni Ivy, ay palakas din ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Pagpasok sa kwarto ay dumiretso lang ako sa kama at naupo. Tiningnan ko si Ivy habang nakatitig lang sa sarili niya sa salamin. Gusto ko siyang lapitan at yakapin at damayan na lang sa sakit ng nararamdaman niya ngayon. Pero kung gagawin ko yun, mas lalo ko lang siyang pahihirapan.

Yumuko na lang ako, hihintayin ko na lang na siya ang unang kumausap sakin. Hindi ko kasi alam kung paano ako magsisimula.

Maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang dahan dahang pag upo ni Ivy sa tabi ko. Pag angat ko ng ulo ko ay nakita kong naka cross sit siya at nakaharap sakin. Nakapatong sa binti niya ang unan na nakasanayan niyang dantayan tuwing gabi.

Ang blank ng expression ng mukha niya pero nangingislap na dahil sa luha ang mga mata niya.

"Why?" mahina niyang tanong. Umiwas ako ng tingin sa kanya, parang hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata. Ramdam na ramdam ko kung gaano ako kasamang tao. Kung gaano ako kasamang girlfriend sa kanya. Kung paano ko siya na take for granted, kung paano ako nanggago sa relasyon namin.

"I don't know." I let out a heavy sigh. "Hindi ko alam kung bakit ko nagawa to sayo." tumulo na ang mga luha ko. Ang sakit din pala. Nasasaktan ako na nasasaktan ko siya. Ang sakit eh. Ang sakit na ang taong kaharap ko ngayon, ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ako ay nasasaktan ko.

"Si Vic, right?"

Napaangat ako ng tingin sa kanya. This time, na magnet na ang mga mata ko sa kanya.

"Alam kong si Vic." 

"I'm sorry.." hinawakan ko ang kamay niya pero agad naman niya itong binawi.

"I don't want your sympathy, Mika Aereen." sa tono ng boses niya, alam kong galit na siya pero pinipilit niya pa ring maging kalmado. "Kailan pa?"

"Naalala mo ba nung sinabi ko na naiwan ko ang wallet sa isang coffee shop?" tumango siya at naghintay na ipagpatuloy ko ang sasabihin ko. "Si Vic at Cienne ang may ari ng coffee shop."

"Bakit kailangan niyo pa kong gaguhin?!" tumaas na ang boses niya at nanginginig na ang mga kamay niya na mahigpit na nakahawak sa unan. "Magkakilala na pala kayo, Yeye!"

"I'm sorry.." napahagulgul na ko. Inexpect kong may yayakap sakin. Na yayakapin niya ko. Kasi ganun siya eh. Kahit galit siya sakin, basta oras na pumatak na ang mga luha ko, makakatanggap ako ng yakap galing sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing makita na umiiyak ako. Siguro ito yung quality niya na meron din si Ara.

"Matagal ko ng napapansin, Ye. Hindi naman ako manhid."

"Sorry, I'm sorry. Ba-- Ivy, I'm sorry," naihilamos ko na ang mga palad ko sa mukha ko. Walang tigil sa pag agos ang mga luha ko at hindi ako sanay na wala siyang ginagawa para patahanin ako.

Urgh! Cut it, Mika! What do you expect? Galit at nasasaktan ang tao!

"Just stop saying sorry. Kilala mo ko." matigas niya pang sabi.

Yeah. Kilala ko si Ivy. Isang sorry lang okay na sa kanya as long as alam niyang sincere ka. Ayaw niya ng paulit ulit.

"Nakita ko ang pasimpleng pagsulyap niyo sa isa't isa. Nakita ko sa mga mata mo kung gaano ka ka selos kay Tin! Kasi isang beses ko lang nakita yun, Ye. At yun ay nung panahon pa na selos na selos kay Zen."

Lalo akong naiyak. Tama siya, tama na naman siya.

"Alam ko naman na eh. Nung simula pa lang. Dun pa lang sa bar nung unang gabi na umuwi ako sa Pilipinas. Ye, tanga lang ako sayo pero hindi naman ako manhid para hindi ko maramdaman na ang nagiisang babaeng minahal ko ng ganito ay may mahal ng iba." tinakpan ni Ivy ang mukha niya ng unan at sumigaw. Hindi malakas sa pandinig ko, siguro dahil binibingi ako ng sarili kong konsensya. Pero alam kong kay Ivy, sobrang lakas nun, na inubos na niya ang lahat dun. Alam kong hindi enough ang pagpakawala niya ng malakas na sigaw para mabawasan man lang ng kahit konti ang sakit na nararamdaman niya dahil sakin.

"Ivy,"

"Ye, hindi mo naman ako kailangang gawing tanga diba? Sa harap ni Vic, sa harap ng kambal ng taong karamay ko dito. Wala naman sakin kung nung una pa lang sinabi mo na sakin na siya na eh. Alam mo yung masakit? Yun ay yung pinatagal mo pa. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala lang yung mga nararamdaman ko kasi eto oh, nandito ka sa harap ko! Akala ko ako na eh! Na sa oras na dumating na tayo dito, makakalimutan mo din siya. Kung sana nagka affair lang kayo at nag confess ka sakin agad, matatanggap ko, Ye. Tatanggapin ko kahit gaano kasakit..."

"I'm sorry..." I'm running out of words! Akala ko ako yung may maraming sasabihin samin. Hindi ko inexpect ang ganitong side ni Ivy. Hindi ko inexpect na may side siya na ganito.

"Kung mahal mo siya, bakit hindi mo ko hiwalayan na ngayon pa lang instead of saying sorry?" pag challenge niya pa sakin.

Napapikit na ko at mas lalong sumakit yung kanina kirot lang na nararamdaman ko sa dibdib ko. Kaya ko ba? Kaya ko na ba talagang i-give up ang lahat ng to para kay Ara? Kaya ko bang i-give up lahat ng nakasanayan ko para sa taong ang relasyon namin ay nagsimula lahat sa kasinungalingan?

"Just say it, Ye. Tatanggapin ko." pagtingin ko kay Ivy ay nakapikit siya. Tuluyan ng nag-iba ang mood niya. Ganito si Ivy, hindi niya kayang magalit sakin ng matagal. Masasaktan at masasaktan siya pero hindi pang matagalan ang galit na nararamdaman niya. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha niya at nanginginig ang gilid ng bibig niya, nagpipigil ng paghagulgul.

"Ivy, I--"

"So it's really her, huh? Siya na talaga?" dumilat siya at masakit na ngumiti sakin. Inabot niya ko at hinila pa yakap sa kanya. Ito ang kanina ko pang hinihintay. "Mahal na mahal kita, Ye. Alam mo ba yun? At hindi ako selfish para igapos ka sakin kung alam kong hindi ka na masaya, na hindi na ang lahat ng ito ang gusto mo, na hindi na ako ang mahal mo."

Yumakap ako sa kanya pabalik at nagpakawala ng sobrang lalim na buntong hininga. Iyak lang ako ng iyak sa dibdib niya. Pero dahil sa yakap niya sakin, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin na lang sa kanya.

"Ivy, I'm sorry. Pero si Vic... si Ara.. Siya na talaga."

At naramdaman ko na lang ang dahan dahang pag let go niya sakin.

------------------

Sorry sa lahat ng klase ng errors. Medyo pagod talaga ko ngayon, hindi ko na ma edit. Goodnight guys!

Continue Reading

You'll Also Like

1M 11.3K 15
Usually, a couple gets engaged as they fell in love and bounds to be together for the rest of their lives. The guy goes down to his knees and asks pe...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
4.3K 245 31
Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the f...
24.5K 490 27
Serano #2 [Completed] They said we were bless to have a chill relationship. Our family were supportive, we have mutual understanding with different t...