Chapter 23

10.2K 171 38
                                    

"Andami naman nito, babe.." kasalukuyan kong iniisa isa ang mga pasalubong ni Ivy sakin. Andami talaga eh. Mula sa mga damit, sapatos, keychain ng mga state na napuntahan niya, chocolates, basta andami.

"Para sayo eh." nakangiti lang siya habang nakahiga at nakaunan ang ulo niya sa dalawang kamay niya. "Babe, pwede umidlip muna?"

Nilingon ko siya, nakaupo lang naman kasi ako sa tabi niya. "Tulog ka muna at liligpitin ko lang tong mga gamit mo."

Ewan ko ba pero kakaiba ang nararamdaman ko. Parang naiilang ako. Tsk. Mali. Nahihiya ako... nahihiya ako sa kagagahang ginawa ko. Pero bakit ganun? Pagtingin ko ulit kay Ivy, pagkakita ko ng sobrang peaceful niyang mukha, parang di ko naman kayang iwan siya?

Oo, inaamin ko na ang sama kong tao para magawa to sa kanya. Pero kung pipili man ako ng isa sa kanila, o kung wala akong pipiliin at all, pareho ko silang masasaktan.

Hay. Napahinga ako ng malalim. Tumayo na lang ako at sinimulang ligpitin ang mga gamit ni Ivy. Pagkatapos kong magligpit ay napagpasyahan kong tumabi na lang din sa kanya at umidlip. Nakakapagod hindi lang physically. Nakakapagod din mag isip. Siguro ipagpapaliban ko na lang muna yung samin ni Ara, saka ko na muna siya iisipin. Sisiguraduhin ko muna itong nararamdaman ko bago ako gumawa ng desisyon.

.

.

.

"Babe.." naramdaman kong niyakap ako ni Ivy. "Love you po." hinalikan niya ko sa pisngi.

Automatic naman akong napangiti at napayakap na din sa kanya. Tsk tsk. Bango bango! "What time na, babe?" nagdilat na ko ng mata at napansing ang dilim dilim na.

"7 na. Bangon na tayo? Dinner tayo sa labas.."

"Uhmm sige... pero..." niyakap ko siya ng mahigpit at sinksik ang mukha ko sa leeg niya. "5 mins pa. Ganito lang muna tayo." namiss ko to. Na miss ko siya, ewan ko pero sobrang pananabik lang kay Ivy ang nararamdaman ko ngayon, wala ng iba.

"Kahit 5 hours pa babe.." ginulo niya ang buhok ko at gumanti ng yakap.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili lang sa ganitong posisyon. Tahimik lang kaming dalawa at nagpapakiramdaman, pero ito, itong mga yakap ni Ivy, parang pinapaalala sakin kung gano ako ka inlove at ka patay na patay sa kanya dati...

Yun ang problema ko... Kasi nag-iba na ang lahat... Hindi na lang ang mga yakap niya ang nagpaparamdam sakin ng ganito ngayon...

"Babe, nakatulog ka na naman ata eh," bahagya niya kong niyugyog.

"Uy hindi ah, gising ako." paano nga naman ako makakatulog kung andami lang pumapasok sa isip ko.

"Bangon na tayo? Gutom na ko eh.." tinanggal niya ang pagkayapos sakin at hinimas ang tyan niya.

"Tara.." yaya ko. "Ligo na tayo."

Like the old times, sabay kaming naligo ni Ivy. Parang practical joke na to samin na para daw makasave kami sa water bill eh magsabay kaming maligo.

Habang naliligo kami at kanya kanya sa pagshampoo at pagsabon, hindi ko na naman naiwasang masagi sa isip ko kung gaano ko ka mahal si Ivy. Parang pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na siya lang ang mahal ko, and at the end of the day, sa kanya pa rin ako babalik. But I promised Ara na aayusin ko to. Naisip ko rin, baka nadala lang ako ng moment na yun, kasi wala si Ivy? Hindi ako sigurado.

Looking at Ivy now, hindi ko siya kayang saktan. Pero pag naalala ko kung paano din pinaramdam sakin ni Ara kung gaano ako kahalaga sa kanya, parang hindi ko rin siya kayang bitawan.

.

.

.

"Paano mo nalaman ang lugar na to, babe?" tanong ni Ivy sakin pagkatapos niyang lunukin ang kinakain namin.

We Love Until It Hurts (Mika Reyes - Ara Galang fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon