One Sided Love ✔️

By Everjoy_Condes

528K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... More

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 10
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 14
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 23
OSL Kabanata: 24
OSL Kabanata: 25
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 12

8.5K 334 56
By Everjoy_Condes

"Bye Bff..." pamamaalam ni Nicole sa kanyang kaibigang si Aaron.

"Babush! Ingat sila sa'yo." pambubuska namang saad nito bago pumasok sa kanyang classroom.

Tahimik na naglakad si Nicole pabalik sa kanyang klase, bigla namang nangunot ang kanyang noo nang makarinig ng hagikhikan ng mga estudyanteng kababaihan sa kanyang likuran.

"Gwapo pala si Dela Vega noh?" rinig niyang maarteng sambit ng babae roon, na lalong nakapukaw sa kanyang kuryusidad.

"Sinabi mo pa girl, grabe bakit ba hindi ko napansin ang kagwapuhan ni Dela Vega noon?" kinikilig na turan naman ng isang estudyanteng kakwentuhan nito, kaya mabilis na napatigil ng lakad si Nicole.

Nilingong niya ang mga ito, ngunit nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawang dalagita't nilampasan siya ng lakad habang patuloy sa pagku-kwentuhan.

"Hay nako girl, ako nga nanghihinayang eh. Partner ko na dapat siya dati sa chemistry, pero nakipagpalit ako kay Joanne dahil ayoko kay Dela Vega. Sayang kung hindi sana ako nakipagpalit, nabuild-up na sana ang chemistry namin ngayon, together." rinig pa ni Nicole na wika nito bago tuluyang makalayo sa kanyang kinatatayuan.

"Dela Vega? Hindi kaya si Josh 'yung tinutukoy nila?" kabado niyang saad sa hangin bago pa man marinig ang school bell tanda ng kanyang pagpasok sa klase.


*****


Hindi mapakali si Nicole sa kanyang kinauupuan, hindi mawala sa kanyang isipan ang mga narinig niyang balita mula sa kapwa niya estudyante sa hallway kanina.

"Bakit bigla nilang napansin ang charm ni Josh? Samantalang dati parang hangin lang ito sa paningin nila, ako nga lang ang nakaka-appreciate ng kagwapuhan niya kahit naka-nerdy glasses pa ito." naguguluhang sambit ni Nicole sa kanyang sarili.

Nasa ganoong pag-iisip ang dalaga nang biglang tapikin siya ni Raine sa balikat, "Uy Beshie, tulala ka na naman d'yan." natatawang saad nito.

"H-ha?"

"Tsss... Ang lalim na naman ng iniisip mo kako." nakangising sambit pa ni Raine sa kanya.

"H-hindi may inaalala lang ako, so pa'no... Una na akong umuwi, may practice pa pala kayo sa singing club eh." aniya bago kinuha ang kanyang bag sa upuan.

"Oo nga eh, sige na mag-iingat ka ha?" wika ni Raine bago humalik sa kanyang pisngi.

"Susunduin ka ba ni Icarus ngayon?" biglang pagtatanong ni Nicole nang magsimula silang maglakad sa hallway ng FTHS.

"Hindi ko alam beshie, hindi nga nagpakita sa akin simula nang ihatid niya ako sa classroom kaninang umaga. Wala naman akong cellphone para itext siya." kibit balikat lang na saad nito.

"Nubayan, kakasimula pa lang ng relasyon niyo no communication na agad?" natatawang saad niya rito.

"Hay nako Nicnic, hindi ko nga alam kung seryoso ba talaga siya sa akin. Hindi kaya iniisahan lang ako ni Icarus kasi alam niyang gusto ko siya?" malungkot na sambit ni Raine.

Mabilis naman itong inakbayan ni Nicole sabay sabing, "Ano ka ba beshie, sa tingin ko seryoso naman siya sayo. Wag ka nga masyadong nakikinig sa mga echoserang palaka dito sa FTHS, naiinggit lang sayo ang mga iyon kaya ka sinisiraan." pagpapayo ni Nicole sa kanyang kaibigan.

"Haaayyy... Hindi ko na alam ang gagawin ko beshie, ito naman kasing kagagahan ko eh." iritable nitong saad habang napapakamot pa ng kanyang ulo.

"Hahaha! Text pa more! Yan napapala ng maharot mong puso, lokaret ka kasi eh. Tingnan mo ako hanggang ngayon nananatiling-lihim pa rin 'yung nararamdaman ko para kay J..." bigla namang natigilan si Nicole nang balingan siya ng kanyang kaibigan.

"Sino?" nagtatanong ang mga matang turan ni Raine sa dalaga.

"W-wala, sige na beshie ayan na 'yung music room ohh!" mabilis niyang sambit dito bago humalik ng mabilis sa pisngi ng kanyang kaibigan. "Babye!" pamamaalam pa niya rito bago kumaripas ng takbo.

Hinihingal na napasandal na lang si Nicole sa pader nang makalabas siya ng hallway, kabadong napahawak na lang ang dalaga sa kanyang dibdib na sobra kung kumabog dahil sa matabil niyang dila,

"Letsugas ka Nicnic, ipapahamak ka pa ng matabil mong dila!" iritableng saad niya bago pinakalma ang kanyang kumakabog na sistema.

Nang makapagpahinga ay nagsimula nang muling maglakad papalabas ng eskwelahan si Nicole. Abala ang dalaga sa pagkakalikot ng kanyang telepono, nang biglang may humablot nito.

"Hoy cellphone ko 'yan!" gulat niyang bulyaw rito, ngunit ang mas ikinagulat naman niya ay ang bagong imahe ng taong humablot sa kanyang telepono, "J-josh?" nagtatanong ang mga matang turan niya rito.

"Hi Nicnic..." nakangiting bati naman nito sa kanya sabay kumindat pa.

"P-papaanong... Anong... K-kailan ka pa..." mga tanong na gustong isambit ni Nicole ngunit hindi niya alam kung paano niya itatanong ang mga bagay na iyon, dahil hindi talaga siya makapaniwalang iba na ang itsura ni Josh ngayon.

Ibang-iba ang awra nito ngayon kumpara sa Josh na nakilala't naging kaibigan niya noon. Nawala na ang makapal na nerdy-glasses nito na dati't tumatabing sa kulay brown nitong mga mata, kaya't lumabas ang angkin nitong kagwapuhan.

Iba na rin ang pormahan ni Josh ngayon, kung dati ay ayos na ayos ito sa pananamit ng kanyang polo, ngayon naman ay binuksan nito ang dalawang bahagi ng kanyang butones sa taas, dahilan para mag-iba ang dating ng suot nito at mag-itsurang matikas.

"J-josh wow! Hindi kita nakilala." hindi makapaniwalang saad niya rito at pilit sinisipat pa ang kabuuan ng kanyang kaibigan.

Tanging ngiti ang isinagot nito sa kanya bago siya ura-uradang inakbayan, "Tara Nicnic, kain tayo sa labas, my treat." preskong anas ni Josh kaya't wala sa sariling napatango na lang ang dalaga.

Halos mabingi na si Nicole sa lakas ng kalabog ng kanyang dibdib, parang may mga aso't pusang naghahabulan sa kanyang kalooban, kaya't hindi mapawi ang kabang kanyang nararamdaman ngayon.

Isama mo pa ang kakiligan dahil sa unang pagkakataon, ay nagkalapit ang kanilang mga katawan ng binata't inakbayan p siya ni Josh, na parang magkasintahan lang sila kung titingnan.

Napansin ni Nicole na halos lahat ng madaanan nilang kababaihan, ay nagniningning ang mga matang sinusulyapan si Josh. Samantalang pagbaling sa kanya ay mga nasusuklam na tingin ang ginagawad ng mga ito sa kanya.

"Josh tanggalin mo na nga 'yung braso mo sa balikat ko." inis niyang anas dito habang pilit na tinatanggal ang kamay ng binata sa kanyang balikat.

"Ayoko nga." nakagisi nitong usal at mas hinigpitan pa ang pagkapit sa kanyang balikat.

"Tsss... Tingnan mo oh, nagagalit na sa akin 'yung mga etchoserang palaka, parang kakainin nila ako ng buhay." napapailing na sambit ni Nicole rito habang pilit kumakawala sa bisig ng binata.

Mas kinabig naman ni Josh ang katawan ni Nicole para mas mapagdikit pa ang kanilang mga katawan sabay sabing, "Don't mind them, ang importante tayong dalawa." makahulugang sambit nito kaya wala sa sariling napatingin na lang ang dalaga rito.

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Argh! Hindi mo ba talaga ako titigilan?!" bulyaw ni Nicole bago nagtalukbong ng unan sa sobrang inis.

Simula kasi nang sambitin iyon ni Josh, ay parang sirang plaka na itong nagpaulit-ulit sa kanyang isipan. Halos hindi na nga nakapagsalita si Nicole sa buong oras ng pagsasama nila ng binata, dahil tanging ang mga katagang iyon lamang ang tumatakbo sa kanyang isipan.

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Don't mind them, ang importante tayong dalawa."

"Ahhhh! Ayoko na!" bulyaw niya sa hangin bago napagpasyahang bumangon sa kanyang kama at kunin ang litrato ng binata.

"Ikaw talaga Josh, ginugulo mo na naman ang tahimik kong mundo eh. Sasabihan mo ako ng Don't mind them, ang importante tayong dalawa. pero ang totoo ako lang naman ang nahihirapan sa ating dalawa. Walang tayo, walang dalawa, dahil ako lang ang humaharap sa magulong kaisipan na 'to! Nakakainis ka!" iritable niyang saad sa litrato ng binata habang dinuduro-duro pa.

Mabilis niya itong itinaob sa study table at hinalukipkip ang mga braso, "Hmpf! Galit ako sa'yo!" aniya rito na animo'y kinakausap siya ng litrato ni Josh.

"Sige na nga heto na!" inis niyang anas bago muling kinuha ang picture frame. "Pasalamat ka love kita, habibi kung hindi neknek mo!" natatawa niyang saad bago umirap sa kawalan.

Nagpasyang mahiga si Nicole sa kama habang bitbit ang litrato ng binata. Patuloy lang siya sa pagtitig dito habang hinahaplos-haplos ang bubog nito na animo'y kaharap niya si Josh sa personal.

"Josh... Alam mo, gustong-gusto ko nang sabihin sayo 'yung totoong nararamdaman ko para sayo. Kaya lang noong sinabi mo kanina sa akin, na gusto mo talaga si Raine nabahag na naman ang buntot ko at mas pinili kong manahimik na lang." malungkot niyang saad habang kinakausap ang litrato ng binata.

"Ang buong akala ko kaya ka nagpalit ng image dahil gusto mo nang mag-move on sa nararamdaman mo para sa kanya, pero ginawa mo pala 'yon para magustuhan ka rin ni Raine." aniya rito saka tumawa ng mapakla.

"Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakaharap sayo na parang wala lang, kahit sa loob-loob ko ay paulit-ulit na akong nasasaktan. Naiinis na nga ako sa sarili ko, ang dami namang iba d'yan pero ikaw at ikaw pa rin 'yung hinahanap-hanap ng puso ko." naluluhang sambit ni Nicole bago niyakap ang litrato ni Josh.

"Sana dumating 'yung araw na hindi ko na kailangang maglihim sayo, para naman mabawasan na 'yung sakit na nararamdaman ko." matapos maisambit ang mga katagang iyon ay nagpasya nang matulog si Nicole bitbit ang pag-aasam na mahalin din siya ng binata.



*****


Updated! Hindi pa ito napo-proofread, paki-intindi ng errors. 😊

Sensya na ngayon lang naka-update si Author. Balak ko sanang i-hold itong OSL, kasi nahihirapan akong magshift from mature role ng TYMARA to teens. 😩😩😩

Ano sa tingin niyo?

Alright! See you next Chapter mga labs!❤️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
21.9K 361 54
Si Heracyl ay lumaki na hindi nakasama ang kanyang ama, maaga kasi itong kinuha sa kanila, pero kahit gano'n ay ginawa lahat ng kanyang ina para hind...
7.4K 143 30
TAGALOG ENGLISH. (WILL EDIT SLOWLY) Kate's daydream kind of life ended when everything got twisted by the choices she made. Years past, She successfu...
489K 8.8K 46
Cervantes Brothers Series: 4 Nagsimula ang lahat sa isang dare hanggang nauwi sa totohanan. Nang malaman ng ama ni Knch Cervantes ang relasyon nito s...