Lips that Touched the Fire (V...

By denieceperlita

5.6K 704 176

[ON-HOLD] Saoirse Vellity Bautista, the rebellious daughter of the renowned Bautista family. A girl who was n... More

Lips That Touched The Fire
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3

Prologue

1.2K 160 69
By denieceperlita

Prologue

The warm wind gently blew against my face and tousled my hair. Radiant rays of the sun brightly shone on the bright cerulean sky. Sinalag ko ang palad ko sa sinag ng araw. Nag-angat ako ng tingin sa langit, wispy clouds are scattered across the sky.

The sun pressed against my porcelain skin as I wandered the outside world. A picture of children playing, flashed inside my head as I imagined how fun it would be to play with them.

Patuloy pa rin akong tumakbo sa kung saan ako dadalhin ng aking dalawang paa. The whole place is new to me nor familiar to me pero dapat kong salauhin kung saan ako nanggaling para hindi naman ako mawala dito.

Tuluyan akong napatigil sa pagtakbo nang natanaw ang malawak na batawan ng mga bulaklak sa harapan ko. I was in awe while watching the scenery. The view was mesmerizing and it was filled with different varieties of flowers that I am not familiar with. It looked picturesque, the view was worthy to be painted on a canvas by a famous dutch painter.

I decided to slowly get down this hill para lapitan ang batawan ng mga bulaklak. Sinikop ko ang dulo ng aking kulay rosas na bistida bago tuluyang bumaba sa munting bundok.

The flowers danced when the strong gusty wind blew against them.

"Ang ganda!" pabulong kong sinabi, puri ko sa mga kulay asul na bulaklak sa harapan ko. They were a prepossessing sight to me. Kakaiba sila sa mga halaman doon sa mansiyon na puro kulay berde na thoroughbred na mga halaman. Hindi naman din siguro mahilig si Lola sa ibang kulay maliban sa berde.

Natanaw ko sa paligid ang mga taong nagta-trabaho dito. Some of them were busy harvesting some of the fully grown flowers under the scorching sun, ang iba naman ay abala sa pagtatanim within the vicinity.

I sauntered to the bush of flowers which caught my attention. I fixated my gaze to the flowers in front of me. The center of the small petals of the flower is either like a crafted pearl or a diamond earring. "Woah! These are so pretty" I whispered to the delicate flowers. Bahagya kong inilapit ang mukha sa bulaklak at sinubukang amuyin iyon dahil sa aking kuryosidad. Despite their vibrant colors, they have this mild sweet scent.

"Ano'ng ginagawa mo dyan?" napapitlag ako sa narinig kong baritonong boses mula sa likuran ko.

Mabilis kong binitawan ang hinawakan na bulaklak at kasabay ng paglayo ng mukha roon. I quickly faced the person asking behind me.

It was a kid like me, except that he's taller than me and maybe he looks very much older than me. Kung huhulain ko, siguro mga dalawang taon ang agwat niya sa akin. His noticeable rough features are more highlighted than his soft features and that made him look mature but my instincts are telling me that we share the same age. Sinipat ko ang isang malaking woven basket sa tabi niya, puno iyon ng bulaklak na katulad sa inamoy ko kanina lang pero magkaiba ang kulay.

"Uh pasensya na... naaliw lang ako sa mga bulaklak" saad ko. Napakamot ako sa ulo ko bago tinago ang kamay sa likod.

His brow shot up. "Umalis ka na dito. Mukhang hindi ka ata taga rito" saad niya at walang kahirap-hirap na binuhat at nilagay sa kanang balikat niya ang malaking woven basket sa tabi niya bago umalis sa harap ko.

I blinked twice and my small forehead creased. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang napagtantong hindi ko na pala alam kung saan ako dadaan pauwi. Hindi ko na maalala kung saan ako dumaan kanina. I'm now lost!

Sinubukan kong hanapin ang batang lalaki na kausap ko kanina ngunit wala na siya at mas lalo lamang akong naligaw dito.

This is bad.

The fiery ball of light rising from above made me all sweaty. Mabuti na lang at nakahanap ako ng isang maliit na wooden shed at umupo sa may upuan roon. Since it's noon, katirikan ngayon ng araw. Sobrang init at paniguradong mangingitim ang balat ko kapag magtagal pa ako dito.

I silently cried when I heard a loud raucous near me. Napaangat ako ng tingin at bahagyang nanlaki ang mata nang makita ang batang lalaki na kausap ko kanina.

He swiftly wiped the sweat on his forehead after he placed the woven basket on the soil. Napatingin din siya sa akin at mukhang nagulat din nang nakita ako. "Umiiyak ka ba?" asking the obvious, parang natatawa sa itsura ko. Ang tingin niya ay diretso sa akin, hindi umaalis.

We were both drenched in sweat from the heat of the sun. Ni hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon pero I'm sure that there are still traces of my tears left on my cheeks. My eyes are probably now swollen from all that crying.

Pinaningkitan ko siya sa mata. "Obvious naman diba!" iritable kong sinabi as I wiped my tears. Nakakainis naman ang lalaking ito! Halata namang umiiyak ako diba? Magtatanong pa talaga?

He sauntered to me and crouched, he gave me a small white handkerchief. "Huwag kang mag-alala, hindi ko pa yan nagagamit. Malinis 'yan" he said while offering me the handkerchief.

Nanliit ang mata ko sa kaniya bago siya inirapan. Mabilis kong hinablot galing sa kaniya ang panyo at agad na pinunasan ang mga luha ko. Surprisingly, mabango ang panyo niya!

"Bakit ka ba umiiyak?" tanong niya. His brows furrowed as he leaned forward.

"Because I'm lost!" bulyaw ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina?"

"Kasi hindi ko pa alam na nawawala ako. Saka ko na nalamang nawala na pala ako nung umalis ka" sagot ko.

He snickered at my answer but he tried to hide it from me. Alam kong natatawa siya sa akin at hindi ko alam kung bakit niya pinipigilan ang sarili na tumawa. Ayos lang sa akin na pagtawanan niya ako, if a lowlife like him can reach my level.

"Bakit ka napunta dito?"

Inis ko siyang nilingon. "Ano ba, bakit ang dami mong tanong? Gusto ko nang umuwi!" I whined and glared at him. I then covered my face with my soft palms.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sumama ka sa akin. I'll escort you the way to the exit" aniya sa mahinahong boses.

Tumayo ako at dali-daling pinagpag ang damit. I'm a bit dirty. Dust stuck onto my pink vintage dress. Some mud are slightly scattered on my lavish doll shoes that my parents bought me for my 11th birthday. I then followed him quietly.

Napagtanto kong nagta-trabaho pala siya dito. Based from what I saw earlier and until now, he was carrying this huge woven basket. I saw other people in the vicinity, lifting woven baskets with flowers inside, like his.

Dumaan kami sa kung saan ako napahinto kanina. Napaawang ang bibig ko habang nakatanaw sa mga bulaklak. The flowers looked like they were from those magical movies with enchanted gardens, ravishing and appealing.

"Uh, ano pala ang tawag sa mga bulaklak na 'yan?" I asked him and pointed at the bush of flowers. I realized that we're too quiet and I don't like the awkward silence between us, even though I don't know how to start a conversation with a stranger.

Napatingin siya sa tinuro ko at agad ibinalik ang tingin sa daanan. "They're called hydrangeas" tipid niyang sagot sa akin.

My mouth formed an "O" when I heard its name. What a nice name for a good-looking flower. I then pouted when I realized that his reply is too short.

"Do hydrangeas grow here in Antique, that much?" tanong ko ulit sa kaniya.

"I don't know. They said that hydrangeas are very much rare here in Antique. Dito lang ata sa Valderrama ang may pinakamalaking plantation ng hydrangeas"

I smirked at his long answer. May pa- "I don't know" pa'ng nalalaman pero ang dami palang alam! Pa-humble pa! Tinikom ko nalang ang bibig ko para iwasan na ang pagtatanong sa kaniya.

"Sige, hanggang dito lang ako" saad niya.

Natatanaw ko ang parke galing dito kaya ayos na sa akin. "Salamat! I really appreciated your help" tugon ko at nginitian siya, I hid my hands behind my back and intertwined my fingers.

Tumango lamang siya at inayos ang damit.

"Anyways, I should introduce myself, I'm Saoirse" pakilala ko sa aking sarili at inilahad ang aking kamay bago ngumiti sa kaniya.

"Madumi ang kamay ko, Saoirse" aniya baritonong boses habang ipinakita sa akin ang medyo madumi niyang kamay.

"Ayos lang" I smiled genuinely at him, still offering my hand and waiting for him to accept it.

Nagdadalawang-isip pa siya kung tatanggapin pa ba niya ang kamay ko o hindi kahit sinabi ko na sa kaniya na ayos lang sa akin. Sa huli ay tinanggap niya ang kamay ko.

"Castriel" we shook hands pero agad naman niyang binitawan ang kamay ko. "Sige, mag-ingat ka pauwi" aniya at tumalikod na sa akin at naglalakad na paalis sa harap ko.

I hurriedly ran my way back to the mansion. Hindi ko alam kung ilang oras ako nagtagal doon sa plantasyon. Lagot talaga ako kay Lola kapag nalaman niyang tumakas ako.

"Saoirse, jusko!"

Natanaw ko si Nanay Rosa na ngayon humihingal na tumatakbo palapit sa akin. She's wearing her usual maid's uniform, may dala din siyang puting face towel sa kamay niya.

"Ikaw talaga'ng bata ka, kanina pa kita hinahanap sa loob ng mansiyon. Lagot ka talaga sa Lola 'pag nalaman niya ang ginawa mo"

"Pasensya na, Nanay. Naaliw lang naman po ako roon" tinuro ko ang direksyon papunta sa plantasyon pero mukhang wala siyang paki roon dahil abala siya sa pagpupunas ng pawis sa noo ko.

"Jusko, ikaw talaga. Malilintikan talaga tayo sa Lola" she muttered, dali-dali niya akong hinatak pabalik sa mansiyon.

Pagpasok namin sa gate ay nagulat ako nang natanaw si Lola na nakatayo sa portico. Agad akong tumago sa likod ni Nanay Rosa. I slightly tugged her uniform as I felt my heart's intense pounding inside my ribcage.

Mahigpit na hinawakan ni Nanay Rosa ang maliit kong kamay at dahan-dahan kaming lumapit kay Lola. I stayed silent as she carefully dragged me behind her back.

"Magandang hapon po, Madame" pormal na bati ni Nanay Rosa kay Lola bago yumuko. Yumuko din ako nang nararamdaman ang tensiyon.

"Saan kayo nannggaling ng apo ko, Rosa?" ramdam ko ang galit sa tono ni Lola. Napapikit ako habang nanatili nakayuko.

"Pasensya na po, Madame" humigpit ang hawak ni Nanay Rosa sa maliit kong kamay.

"I did not ask for an apology, I asked why the hell are you and my granddaughter outside?!"

"Pasensya na-"

"Sagutin mo ang tanong ko, Rosa!"

"May binili lang ako saglit sa labas, Madame. Sinama ko lang si Saoirse" pagsisinungaling ni Nanay Rosa.

My eyes widened before I lifted my chin. Napatingin ako kay Nanay na nanatili pa ring nakayuko sa harap ni Lola. Hindi ko aakalaing magsisinungaling siya kay Lola! I want to tell her the truth of my wrongdoings. I dragged another person with my farce. I wanted to tell Lola the truth but heaven knows that I am afraid of my own grandmother. Gumapang ang kaba sa aking sistema. Takot na takot ako sa kaniya at sa ngayon, mas nangingibabaw sa akin ang kaba at ang pagiging reluctant na magsalita sa harap niya at depensahan si Nanay Rosa.

"Anna, paki-akyat si Saoirse sa kwarto niya. Ipaghanda mo sa siya para dadating kong bisita mamaya" utos ni Lola sa isang kasambahay.

Binitawan ni Nanay Rosa ang kamay ko nang lumapit sa amin ang kasambahay na si Anna. The maid escorted me inside the mansion. I left the porch with a heavy heart.

"Jusko naman, Rosa! Ang dali lang ng trabaho mo, pumalpak ka pa! Napaka-simple pero hindi mo magawa ng maayos!" rinig ko ang boses ni Lola habang paalis na kami roon.

If someone asks me if I ever feel remorse of what happened earlier, Oo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kanina. I was being too reluctant to talk. Mas nangingibabaw ang takot sa aking sistema. Hindi ko kayang magsalita sa harap ni Lola, lalo nang galit siya. We barely even talk. I really wanted to talk and defend Nanay Rosa but my fears are pushing me away from doing that. Naiiyak ako kung bakit ako ganito, bakit hindi ko kayang sabihin kay Lola ang totoo?

Iwinaksi ko iyon sa isipan ko nang bumukas ang pinto at bumungad ang nakangiting Nanay Rosa. She smiled at me as if nothing happened.

Ayos lang sa akin kung magagalit siya sa akin, deserve ko naman na mapagalitan. Hindi ko rin naman ginusto na siya yung mapagalitan. I'm willing to accept her new treatment towards me.

"Ang ganda naman ng alaga ko!" puri niya sa akin habang humahakabang palapit sa akin. The heaviness of my chest remained as I heard her compliment me. Walang nagbago sa pakikitungo niya sa akin.

Nakapag-ligo at nakapagbihis na ako. I'm wearing a short and simple white vintage dress and a pair of beige sandals. May dadating na bisita si Lola kaya kinailangan kong mag-ayos.

Kinuha ni Nanay Rosa ang suklay ko na nakalatag sa vanity table sa aking harapan at sinuklay iyon sa buhok ko.

I heaved a sigh before talking. "Nanay, pasensya na po sa nangyari kanina. Hindi ko po ginusto na ikaw ang mapagalitan ni Lola" napapaos kong sinabi.

Suminghap siya. I saw through the mirror how she managed to give me a small smile. "Huwag ka nang mag-alala kay Nanay, anak. Ayos lang si Nanay, pero huwag mo nang uulitin, ha? Tuwing summer lang tayo magkikita tapos tatakasan mo pa ako" she smiled softly at me.

"Hindi ko talaga sindya 'yon, Nanay. Bakit mo pa kailangang magsinungaling kay Lola? Tatanggapin ko naman yung parusa niya sa akin" hindi ko naiwasan ang pagluha ng mata ko. My vision became a bit blurry. Dali-dali kong pinunasan iyon gamit ang likod ng kamay ko.

"Ayaw ko ring mapagalitan ka ng Lola mo, anak. Ako naman ang nagdesisyon na sabihin 'yon sa kaniya, Saoirse. Wala kang kasalan"

"I'm sorry" sambit ko at tumayo para yakapin siya. She responded to my soft hug and hugged me back. She hummed a lullaby while hugging me and that made me feel at peace.

"Sige, ano ba ang gusto mong dessert mamaya sa dinner niyo?" pag-iiba niya ng topic.

"Coffee caramel macaroons!" maligaya kong tugon.

She chuckled at me. "Sige, ipaghanada kita niyan" saad niya bago nagpaalam sa akin para tumulong sa mga gawain sa kusina.

I was 10 years old when I was kidnapped somewhere in Manila. Kilalang-kilala ang mga magulang ko roon sa Maynila, since they're both successful magnates. Marami silang kaaway sa trabaho nila kaya hindi talaga maiiwasang masali ako. The kidnappers demanded my parents a ransom of a huge amount of money. Binigay iyon ng mga magulang ko kaya nakauwi ako pero malaking pera ang nawala sa kompanya nila. A reason for their company's sudden downfall. I remembered how those kidnappers locked me inside a cold and abandoned place and left me a paper plate with only canned peas and rice.

"Huwag ka nang mag-inarte dyan. Magtiis ka sa pagkaing 'yan hanggat sa ibibigay na ng mga magulang mo yung perang hinihingi namin!" the guy with a beard laughed as he locked the room before leaving.

Simula 'nun, humigpit ang aking seguridad. May kasama na akong mga bodyguards kahit saan ako pupunta. And I'm not allowed to roam around the city. My only destinations are my school and my house. Tuwing summer naman ay dito ako sa Valderrama nagbabakasyon, my Lola lives here and my parents think that it's safer here.

May kumatok sa pintuan ko. "Ma'am Saoirse, utos po ni Madame na pababain na raw po kayo. Dumating na po ang bisita niyo" imporma ng kasambahay.

"Ah sige po!" I said and glanced myself at the mirror once again. Okay, I'm good to go.

Bumaba ako at sumama kay Lola sa tanggapan. Pinagbuksan ng mga kasambahay namin ang bisita sa pintuan. My eyes drifted to the visitors. Isang babaeng mukhang kasing edad ni Mommy at isang batang lalaki na kaedad ko rin.

"Welcome back, Matilda!" Lola welcomed the lady with open arms. Nagyakapan silang dalawa at nagbeso-beso pa.

"It's good to see you again, Henrietta! How are you doing these past days?" the lady asked Lola.

"I'm good as always. Ikaw ba?" tanong ni Lola sa babae.

"I'm fine too. Traveling is stressing me out! Mabuti na lang at nakapagpahinga pa kami bago tumulak dito. Oh, by the way, this is my son, Harold" pakilala ng babae sa kasama niyang batang lalaki.

Hinawakan ni Lola ang magkabilang balikat ko galing sa likuran. "This is Saoirse, my precious granddaughter" pakilala ni Lola sa akin. I fabricated a genuine smile on my face.

The lady sauntered to me and leaned. "Saoirse, you've got an pretty name, my dear" saad niya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "You can call me Tita Matilda" saad niya.

"Okay po" tugon ko,

"Matilda ayaw mo ba'ng tawaging 'Mama' kay Saoirse?" Lola snickered.

Nilingon niya si Lola at tumawa rin sa sinabi ng Lola ko. "Oh, Henrietta, sobrang aga pa para diyan... and besides there's no need to rush things since everything is planned from the start" she said.

I'm kind of shocked dahil sobrang casual nila sa isa't isa at kapag mag-uusap sila. No formalities at mukhang magkaibigan lang despite the huge age gap. Parang anak lang ni Lola si Tita Matilda.

"Saoirse, you and Harold should go to the backyard and get to know more about each other" bulong ni Lola sa akin.

Nagkatinginan si Tita Matilda at Lola na mukhang kakatapos lang pagbulong ng kaniyang anak. Magkasundo nga silang dalawa.

Pumunta kaming dalawa ni Harold sa likod ng mansiyon. Tahimik kaming dalawa hanggang sa nakarating kami roon. Umupo ako sa dulo ng fountain at hinarap siya.

Mistulang, tumingala ako sa langit. The velvet dark night sky was beckoned by the glowing moon and accompanied by the luminous stars as it lighten up the inky darkness of the summer night. The moistureless air was calm and cooling, but it sent a chill up to my spine.

"You sure have a big house, huh?" aniya habang sinipat ang mansiyon ng aking Lola.

"Oh no, this is not my house but rather my Lola's mansion" pagtatama ko.

"But, it will soon be yours, right?" tanong niya.

I chewed on my lower lip as I pondered on his question. Wala namang sinabi sila Mommy at Daddy na mapasakin ang mansiyon ni Lola. Nagkibit-balikat ako, "Hindi ko alam" tugon ko sa tanong niya.

"I'm Harold Garrick, by the way" pakilala niya sa sarili at naglahad ng kamay sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang kamay niya. "My name's Saoirse Vellity" pakilala ko.

Napitlag ako nang bigla niyang hinalikan ang likod ng kamay ko."B-bakit mo hinalikan?" gulat kong tanong.

"Why? Is it not allowed in your country?" naguguluhan niyang tanong, genuinely puzzled.

I shook my head and calmed down. "Ah h-hindi, nagulat lang ako" pag-amin ko. I've seen these kind of scenes through romance movies where a man kisses the back of the woman's hand. No, we're too young for that. Napakurap ako at iwinaksi iyon sa isipan ko.

"Oh, ganon ba? I'm sorry" sambit niya. "Nasaan pala ang mga magulang mo?" tanong niya, diverting the topic. He probably noticed that I'm not with my parents.

"Nasa Maynila, iniiwan lang nila ako dito sa Valderrama tuwing summer" tugon ko. "Ikaw? Saan ka pala nakatira?" I asked him.

"I live in New Orleans"

"Woah! That's great! I mean, you got to travel to another country" saad ko.

"Uhmm yeah, but it's tiring" he said lazily.

"Ganon ba? Well, totoo naman na nakakapagod but I envy you. I have always wished to travel to France or South Korea someday and that's my sole reason why I need to take my studies seriously" kuwento ko.

"South Korea is nice, but if you want to visit SoKor then you should start learning korean" aniya. "Anyways, can I have your number? So we could still communicate after this" dugtong niya.

I scratched the back of neck. "Uh wala eh. They said I'm too young to have a phone but maybe soon they'll give me one. I'll give you my phone number when I have one" sabi ko. Sa gitna ng pag-uusap namin ni Harold ay bigla kaming tinawag ng isa sa mga kasambahay para pumasok na at para kumain.

Nasa gitna at pinakadulo nakaupo si Lola sa aming lamesa, that is where she usually sits. It's like her throne whenever we eat. Nakaupo naman si Tita Matilda sa kanan niya. Umupo si Harold sa tabi ng ina niya samantalang ako ay umupo sa kaliwa ni Lola.

Naglapag si Nanay Rosa ng coffee caramal macaroons sa harap ko at kinindatan ako bago umalis sa tabi ko.

Lola and Tita Matilda were catching up while eating, they even chatted about some family's business that I'm too young to understand. Kumakain ako ng coffee caramel macaroons nang naagaw ni Tita Matilda ang aking atensyon.

"Saoirse, how old are you again, sweetheart?"

I swallowed the food inside my mouth before talking. "I'm eleven pa po but I will be turning twelve next week" I answered and sipped on my orange juice.

"Birthday na pala niya next week!" gulantang ani Tita Matilda at agad na napalingon kay Lola. "Are we invited here, Henrietta?" tanong nito kay Lola.

Tumawa si Lola sa tanong nito. "Oo naman, Matilda. How would I forget?" saad ni Lola at nagpatuloy sila ni Tita Matilda sa pag-uusap. Their topics are the usual ones, family, family business and more.

"I'm very sure that Saoirse will grow up to be an elegant and fine woman" ngayon, nasa akin ang atensyon nilang tatlo kaya hindi ako kumportable nito. I shifted on my seat and stared on my food as I listen to their conversation.

The dinner ended well. Hinatid namin sa labas sina Harold at Tita Matilda. Kinuwento ni Harold sa akin kanina na hindi sila pwede magtagal dito sa Valderrama dahil naka-check in sila sa isang hotel sa Iloilo kaya mahaba ang biyahe nila.

"Goodbye, Saoirse" ngumiti sa akin si Harold.

"Goodbye, Harold. I guess... see you again next week?" I smiled sweetly at him.

My eyes widened as he suddenly planted a soft kiss on my left cheek. Uminit ang mukha ko sa ginawa at napahawak doon sa parte'ng hinalikan niya. "B-bakit-" he cut me off.

"We're going to get married anyways so it's practically normal" saad niya at nginitian ako.

Lumapit sa amin si Tita Matilda. "Sweetheart, did you already bid your goodbye to Saoirse?" rinig kong bulong ng ina sa anak nito.

"Yes, Mom"

I spent days after that night as usual, still locked inside the mansion, hindi makakalabas at palaging nasa tabi si Nanay Rosa. Mabilis na dumaan ang mga araw at dumating ang kaarawan ko.

Napadilat ako dahil sa sinag ng araw. Powerful rays penetrated through my glass window. I heard the usual shrill of chirping of birds outside the window. My tardiness is pulling me backwards as I rub my drooping eyelids. I pushed my crumpled sheets and dragged my feet off the bed. My warm feet then touched the cold floor.

"Happy birthday, anak!" Nanay Rosa jumped to me when I unconsciously stood up from my bed. She was holding a small chocolate cake with twelve candles on it. Nakasindi na ang lahat na kandila nito.

Inayos ko ang sarili ko bago ngumiti sa kaniya. "Salamat, Nanay!" sabi ko at inihipan ang mga nakasindi'ng kandila.

"Teka, ako ba yung pinakaunang bumati sayo?" she asked.

Tumango lamang ako at tinawanan ang reaksiyon niya. I then prepared myself for the day. Naligo ako at nagbihis ng pambahay bago bumaba para mag-breakfast.

"Happy birthday, Saoirse!" Lola greeted me as I went inside the dinning room.

Lumapit ako sa kaniya at hilakan ang pisngi niya. Umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kumain.

"The dress that I ordered for your birthday party will arrive later, just in time before your party starts" imporma ni Lola sa akin habang nakatingin sa sariling pinggan.

"Okay po, Lola...uh, pupunta po ba sila Mommy at Daddy mamaya?" tanong ko.

Nilingon ako ni Lola. She gave me a small smile. "Of course, hija. They wouldn't miss their precious daughter's birthday" tugon niya.

Lola was busy preparing for my birthday party at ganoon din ang buong mansiyon. Tanging si Nanay Rosa lang ang kasama ko sa kung saan-saan sa mansiyon.

Binuksan ko ang bintana sa kwarto ko at natanaw ang parke. Maraming tao ang nandoon ngayon. I pulled an ottoman and placed it near the window before sitting on it. Gusto ko'ng bumisita ng sandali roon pero mukhang hindi naman ako papayagan.

Nanay Rosa combed my hair as I was watching outside the window. "Nakapunta ka na ba sa may plantasyon dito, Nanay?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi eh pero nakita ko na. Sobrang ganda, anak" tugon niya.

"Yeah, I heard they also have hydrangeas. I like those. Gusto ko tuloy pumunta" –ulit, I heaved a sigh and closed my eyes while she continued brushing my hair. Kamusta na kaya si Castriel?

Narinig kong bumuntong-hininga si Nanay sa likuran ko. "Gusto mo talagang pumunta, anak?" mahinahon niyang tanong.

"Oo, Nanay, kaso mukhang hindi naman ako papayagan ni Lola" I rolled my eyes.

"Gusto mo ba talaga?" tanong niya ulit.

Nilingon ko siya, "Opo" sagot ko.

"Halika, pupunta tayo doon sandali" she said and pulled me.

Natigilan ako. I pondered on what she said. A part of me is excited and a part of me is pulling me back. "Nanay, paano po? Mapapagalitan ulit tayo ni Lola."

"Ayaw mo? Sayang naman, may naisip pa naman akong paraan" aniya.

Napatayo ako sa sinabi niya. "No, no, no, Nanay, gustong-gusto ko po. Tulungan mo po ako, Nanay" I begged her.

"Sige, pero sandali lang, ha? Hindi ka puwede'ng magtagal doon. Kailangan natin bilisan ang kilos mo, baka maya-maya ay hinahanap ka na ng Lola mo"

Hindi alam ni Nanay Rosa na nakapunta na ako sa plantasyon. I had the guts to tell her but I chose to make it a secret to myself. I think she only knew that I went to the park when I last escaped.

Lumabas kami sa mansiyon pero hindi pa kami nakalabas sa gate. May nagbabantay kasi na guwardiya sa gate. Nagtago kami ni Nanay Rosa sa likod ng mga halaman sa gilid.

"Dito ka lang, ha" bilin niya sa akin bago umalis sa tabi ko at lumapit sa guwardiya.

Nakita kong nag-usap sila sa guwardiya. I saw how the guard nodded and how Nanay Rosa handed the guard a fifty-peso bill and left his station.

Did Nanay Rosa just bribe our guard? Ganon lang ka simple?!

Dali-daling bumalik sa akin si Nanay Rosa at mabilis niya akong hinila paalis sa pwesto ko. Mabilis kaming tumakbo patungo sa gate.

"Nanay, did you bribe our guard?"

"Huh? Anong bribe? Pinabili ko lang ng itlog kay bilisan mo dahil malapit lang yung tindahan dito"

Nang nakalabas kami sa gate ay pinatago niya ako sa likod ng isang puno. "Pasensya na, anak, hindi makakasama si Nanay sayo. Ako yung magbabantay sa kuwarto mo baka sakali'ng hahanapin ka ng Lola mo" she quickly said and left me behind the tree.

Natanaw kong nakapamewang na hinihintay ni Nanay ang guwardiya sa gate. Napatingin siya sa direksyon ko and she gestured her hand at me. I took that opportunity to run away as quickly as I can. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon para tumigil at magpahinga kaya hingal na hingal akong tinatahak ang daanan papunta sa plantasyon.

Pababa na sana ako nang natapilok ako dahil sa aking pagmamadali. Pagulong-gulong akong nahulog papunta sa mga bulaklak. I fell and trampled on a bush of flowers.

Hirap akong bumangon at tinignan ang sariling sugat. I winced when I tried touching the wound on my elbow. "Ang sakit" bulong ko at inihipan ang sugat.

"Jesus christ, anong nangyari sayo?" agad na dumalo sa akin ang isang pamilyar na lalaki.

My eyes widened at the sight of him. "Castriel?" I bit my lower lip after I said his name.

"What the hell happened to you, Saoirse?"

His long eyelashes casted a shadow as he watched my wounds intently. His forehead, slightly drenched in sweat from the heat of the sun- its glowing rays embraced every inch of our skin. His natural rosy cheeks were highlighted as he leaned closer to me.

"Kita mo naman siguro na galing akong nahulog?" I asked him sarcastically, pagmamaldita ko pala. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "Joke lang" bawi ko kaagad.

His eyes squinted. Nanatili ang seryoso niyang mukha. I have never seen those dark unfathomable eyes of a man-I think I read too much books. Sumeryoso naman ako nang naramdaman ang galit niya.

"You think it's fine to joke during a situation like this?" galit niyang tanong. Binuhat niya ako at tumakbo sa kung saan. Nahiya pa ako ng konti dahil hindi naman siguro kailangan niya akong buhatin. But I'm not sure if I can walk properly with these wounds and bruises. Pero...I mean, baka mabigat ako? Na-concious tuloy ako.

Dinala niya ako sa isang bahay na may dalawang palapag na parehong gawa sa magandang klase ng kahoy at laryo. Pumasok kami sa loob at iginiya niya ako papunta sa kusina nila. Hinayaan ko ang tubig galing sa faucet na linisan ang marumi kong sugat. Pagkatapos ay bumalik kami sa tanggapan nila at pinaupo niya ako sa isang mahabang brown leather couch.

"Castriel? Nakauwi ka na pala anak- bakit may dala ka'ng babae?!" gulantang tanong ng isang babae na may kaedaran.

"Ma, naman" Castriel pouted at the lady. "Nasaan ba yung first aid natin, Ma?"

"Nasa kuwarto, teka lang may kukunin ako sa kusina" mabilis na umalis ang ina ni Castriel. Castriel left my side and went inside a room to probably fetch the first aid.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Their house is a bit minimalistic. You can see wooden embellishments and picture frames hanging from one wall. I liked how the wooden chestnut floor complimented with the cream walls of the room. Green-colored plants on beige plastic vases were hanging from every open wooden framed sash window in the place.

"May iba ka pa bang sugat maliban sa paa mo?"mahinahon niyang tanong. Ipinakita ko sa kaniya ang sugat sa magkabilang siko ko. Tumango lamang siya st sinimulan ang paggamot sa mga sugat ko.

Dumating ang ina niya na may dala'ng pitser at dalawang baso. Nilapag niya iyon sa maliit na lamesa at lumapit sa amin. "Huwag kang mag-alala, hija. Magaling gumamot ang anak ko. Mahilig 'yan magbasa ng libro tungkol sa medisina kaya doon niya natutunan ang mga iyan" kuwento ng kaniyang ina.

Napatingin ako sa lalaking ginagamot ang sugat ko sa paa. Nakapokus lang siya at sinisigurong maingat ang kaniyang ginawa. Prente lamang akong nakaupo sa sofa nila. I did not wince or what, he was just so careful in treating my wounds.

"Salamat... Uh, pasensya na pala sa abala" sabi ko pagkatapos niya akong gamutin. I looked at the cute bandage he pressed on my skin.

"Walang anuman" tipid niyang saad habang nililigpit ang mga gamit.

"Merienda muna kayo" his mother placed a tray of unfamiliar food on the little table in front of us. Orange juice lang ata ang kilala ko diyan.

"Ah, hindi na po kailangan, Tita. Pasensya na rin po pala sa abala" paumanhin ko. Umayos naman ako sa pagkaupo sa sofa nila.

"Ano ka ba, hija? Syempre, ayos lang! Mag-merienda muna kayo, ha! Aalis na ako dahil may gagawin pa ako. Sige, kain lang kayo diyan" she left us in the living room with a smile fabricated on her face.

"Bakit ka bumalik dito sa plantasyon" tanong ni Castriel nang iniwan kami ng ina niya.

"Ay, bawal ba bumisita dito?" pagsusungit ko sa kaniya.

"Hindi naman... pero dahil diyan, nagkasugat ka" aniya at tinuro niya ang mga sugat ko.

"Hindi ko naman ginusto na magkasugat ako" saad ko. My cheeks puffed as I sucked my breath.

Kumunot ang kaniyang noo. "Ano pa ba kasi ang binalikan mo dito?"

"Yung hydrangeas nga" inirapan ko siya at humalukipkip.

Natahimik siya at hindi na nagtanong. Sinipat ko ang pagkaing nasa lamesita. Kumuha ako ng isang pagkaing hindi ko naman kilala basta nakabalot ito sa dahon ng saging.

"Anong tawag nito?' tanong ko at ipinakita sa kaniya ang hawak kong pagkain,

Nag-angat siya ng tingin sa akin. He chuckled and smirked at me. "That's suman, Saoirse" natatawa pa rin siya sa tanong ko.

"E, eto? Anong tawag nito?" ipinakita ko sa kaniya ang isa pang pagkain na hindi pa rin pamilyar sa akin.

"Kakanin" tipid niyang sagot.

Una kong tinikman ang kakanin dahil sa agaw-pansin na kulay nito - like the first layer is violet the the next layer is white and the bottom layer is yellow. "Ang sarap" my ignorant tastebuds have never tasted food this good before!

I heard him chuckle. "It's your first time, huh?"

I rolled my eyes at him and stood up. Lumapit ako sa pader kung saan nakasabit ang mga picture frames nila. "Ikaw ba 'to?" tanong ko at tinuro ang isang litrato ng isang sanggol.

Tumango lang siya at hindi nagsalita.

"You look so cute when you were young!' puri ko at kumagat sa dala kong kakanin. Sinulyapan ko siya, I saw how his rosy cheeks flushed profusely while he was staring at the floor. I twisted my lips and stopped myself fom laughing at his cute reaction.

Hindi kami nagtagal sa kanila dahil sinabi niya sa akin na may trabaho pa daw siya. I'm kinda impressed, a kid like him who chooses to work instead of playing. Usually, kids like us go out and play, yung iba nga nagta-tantrums pa rin.

"Can I have some of those hydrangeas?" mababa kong tanong sa kaniya.

"Hindi pwede, we do not give those flowers for free, we sell them, Saoirse" he said in a monotone.

"Kahit birthday gift mo sa akin?" sinimangutan ko siya.

"Kailan ba birthday mo?"

"Ngayon" tugon ko.

Castriel halted on his tracks and slowly turned to me. Napatigil din ako sa paglalakad. Mas maayos ang itsura niya ngayon kesa sa una naming pagkikita. Hindi ko naman siansabi na ang dumi niya noon pero parang ganoon na nga ata. Magulo at medyo mahaba ang buhok niya but he looks good anyway!

"Good bye" I gave him a small smile as I hid my intertwined hands behind me.

Nanlaki ang mata ko nang inilahad niya sa aking ang lima'ng malaking kulay rosas na hydrangeas. There was paper wrapped in the middle of the five hydrangeas- to probably keep the flowers in their bouquet style position.

"Happy birthday" he gave me a small smile as he handed me the hydrangeas.

Continue Reading

You'll Also Like

124K 3.9K 74
The Vampire Diaries Book 1 in the Soulmates Series Season Two - Season Four The Originals Season One - Season Five Kol Mikaelson x OC
1K 80 39
This is a bodyguard romance novel There are some 16+ moments maybe even 18+. There may also be mentions of SA, that may trigger readers. Readers disc...
879K 21.1K 56
⚠️ MATURE STORY⚠️ "Now, why is a little girl getting involved in the devil's playing field. Didn't daddy ever tell you not to play with the big boys...
7.5M 207K 67
"I'm marrying your daughter." "W-what do mean you're marrying my daughter?" "James, you failed to pay what you owe so now I'm going to take somethi...