Not Like The Movies

By Invalidatedman

4K 83 36

It was like a move scene the way I fell for you Only you didn't fall Now it's not like the movies at all. - N... More

Copyright Infringement
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve

Six

149 5 2
By Invalidatedman


A/n: Ngayon ko na-realize na ibang iba na pala talaga 'yung way ko ng pagsusulat. Parang ang purol purol ko na tho di naman talaga ako tumalas, pero mas pumurol yata. HAHAHA. Nagsusulat na lang ako to fulfill my Peraya frustrations. :)



***




Kakatapos lang ng kasiyahan nila at nasa kotse sila ngayong dalawa. Tahimik na nagmamaneho si Caleb habang si Axel naman ay nakatingin sa labas. Sa tuwing may pagkakataon, sinusulyapan nila ang isa't isa ng hindi nila nalalaman. Tanging musika lang na nanggagaling sa radyo ng sasakyan ang maririnig. 



May kanya-kanya silang iniisip. Si Caleb, iniisip niya ang hinaharap. Iniisip niya kung papaano na sa mga susunod na araw, iba na ang katrabaho niya. Hindi na 'yung mga pamilyar na tao ang makakasama niya sa set at panibagong pakikisama na naman. At lalong lalo na, baka madalang na lang silang magkasama ni Axel dahil may kanya-kanya nga silang trabaho. Kung iisipin pa lang ang mga bagay na 'yun, nalulungkot na kaagad siya. Para bang ayaw na niya lang mangyari ang mga mangyayari. 



Si Axel naman, kanina pa niya pilit iniintindi kung bakit 'yun ang kinanta ni Caleb kanina. Kung susumahin, sabi ng isip niya, 'yung kanta ay patungkol sa isang taong ayaw mawalay sa isang tao. Ako ba 'yung ayaw niyang mawala, nasa isip niya? Bakit nung kinakanta niya 'yun, para bang sa'kin niya sinasabi 'yung bawat lyrics nung kanta? Pero sa kabilang dako, parang ang hirap namang paniwalaan na ganoon nga 'yun, baka isa lang sa mga fan service ni Caleb 'yun. 



Kung minsan, nahihirapan din sila sa buhay nila. Oo, masaya maging artista. Maraming taong humahanga sa'yo, maraming sumusunod sa'yo. Lahat maganda sa'yo at siyempre, maayos na buhay din ang kapalit nito. Pero siyempre, may downfall din. Isa an rito ay dahil nga artista sila, hindi nila malaman minsan kung acting pa ba o totoo na ang pinapakita ng mga kasamahan nila. Na kung minsan, hindi na pala arte na lang ang nangyayare, totohanan na pala, walang pang nakakapansin, wala pang nakakaalam. 



"Bakit ang tahimik mo?" pagbasag ni Caleb sa katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. 



Napatingin naman at nagulat si Axel sa biglaang pagtatanong ni Caleb.



"Huh? Ah eh... wala naman. Pagod." at ngumiti ito.



"Mami-miss mo ba ako?" hindi alam ni Caleb kung bakit bigla-bigla, natatanong niya kay Axel ang mga ganitong bagay. Siguro'y dala na rin ng alak na kanina'y iniinom nila.



Nagulat man, hindi na lang ito ipinahalata ni Axel at pilit na umaktong parang normal lang.



"Ikaw? Hindi no?! ASA KA PA! Hahahaha." pero ng mapansing hindi tumawa si Caleb, "Siyempre, oo." dito'y tila nag-iba ang mood ni Caleb. "Ang tagal ko na ring kasama ka. Ang tagal na rin na puro mukha mo na lang 'yung nakikita ko sa set, sa social media... araw-araw. Siyempre hindi madaling kalimutan 'yun agad 'no." 



Isang simpleng ngiti lang ang itinugon ni Caleb. Ngunit halos magwala na ang puso niyo dahil mamimiss rin siya ni Axel.



"Ikaw ba? Mami-miss mo 'ko? Malamang hindi. May bago ka ng loveteam eh." may bakas ng pagtatampo sa boses ni Axel na siya namang ikinatuwa ni Caleb.



"Hindi kita mamimiss..." nagulat si Axel sa narinig. Unti-unti ng napupunit ang puso niya dahil sa narinig ng biglang magpatuloy sa pagsasalita si Caleb. "...kasi hindi ka naman mawawala diba? Oo, magkaiba na tayo ng trabaho pero anjan ka lang naman, at nandito lang ako palagi. Mag-uusap pa rin tayo, tatambay, mag-jajam... diba? Wala namang magbabago. Ako pa rin ito. Ikaw pa rin 'yan." 



Isang awkward na ngiti naman ang ibinigay ni Axel. 



Papunta sila ngayon sa isang hotel. Birthday ng kaibigan ni Axel na si Top, kababata niya at gusto niyang pumunta rito. 



"Si Top, kababata ko. Ito oh." sabay pakita ng litrato nilang dalawa. 



Pamilyar kay Caleb ang kaibigan ni Axel sapagkat nakikita niya ito madalas sa timeline ni Axel. Marami silang kuha, marami silang litrato ang puro sweet captions ang makikita mo sa ilalim ng picture nila. Bukod pa rito'y halata mo na kumportableng kumportable sila sa isa't isa. Hindi niya maiwasang mag-selos. Hindi niya maiwasang mainggit pero wala naman siyang karapatan, naisip niya. 



"Ahh. Oo, siya 'yung madalas mo na ipinopost sa IG." tugon ni Caleb na pinipilit na maging normal ang mga pangyayari. 



"Oo. HAHAHA. Sa tuwing pinopost ko 'to, asahan mo ng susugod ang CaXel at magtatanong na naman kung bakit hindi ikaw 'yung kasama ko at ibabash nila si Top kasi third party daw sa'tin. HAHAHA." 




"Wala eh. Ganun talaga, fans eh." maikling tugon ni Caleb.




"Yep. Somehow, dama ko naman sila dahil naging fan din ako. Pero diba... fan service lang naman 'to diba?" si Axel naman ngayon ang nagulat sa itinanong niya.



Sa loob loob niya, umaasa siyang 'hindi, may iba pang dahilan, may mas malalim pang dahilan ang lahat ng ito' ang sasabihin ni Caleb. At the back of his mind, sana totoo na lang pero hindi nya alam kung paano kaya idinadaan na lang niya sa mga paganitong hirit. 



"Paano kung hindi na pala 'to fan service para sa'kin?" seryosong sagot ni Caleb na siyang ikinagulat ni Axel. 



"A... anong sinasabi mo jan?" 



Tumigil si Caleb sa pagmamaneho at madiing tinitigan, mata sa mata, si Axel.



"Paano kung hindi na pala 'to acting lang?" hinawakan ni Caleb ang kamay ni Axel at inilagay ito sa kanyang dibdib. "Paano kung totoo na pala itong tibok ng puso ko? Paano kung nahuhulog na pala talaga ako sa'yo? Anong gagawin mo?" 



Dahil hindi alam ang gagawin, bigla na lamang binawi ni Axel ang kanyang kamay kay Caleb at hinawakan ito. Si Caleb naman, parang naging palatandaan niya 'yun para masabing wala talaga siyang pag-asa kay Axel. Wala talagangg pag-asang mauwi sa totohanan ang kanilang relasyon. 



"K...kung ganun man ang mangyayare, siguro a..." hindi na nakatapos ng sasabihin niya si Axel dahil kaagad na sumingit si Caleb.



"Huy, 'wag ang masyadong seryoso nga jan. Joke lang 'yung kanina! Siyempre fan service lang 'yun 'no." parang gumuho naman ang mundo ni Axel that time dahil handa na siyang sabihing kung sakaling ganoon nga eh handa naman niyang ibalik ang pagtatanging nararamdaman sa kanya ni Caleb ngunit joke lang pala ang lahat, tama nga siya, fan service lang lahat ito. "Bakit? Napaniwala ba kita? Ang galing ko na bang um-acting? HAHAHA." 



"Tae mo. Anong napaniwala? Anong magaling? Bulok nga ng acting mo pre eh. Mag-workshop ka pa nga. HAHAHA." tila normal na pag-uusap ngunit sa likod nito'y mga pusong nawasak. Mga pusong unti-unting binibiyak.



Maya-maya pa ay nakarating na sila sa lugar na pagdadausan ng birthday ni Top. 



"Salamat, Bro." 



"Walang anuman, Bro. Ingat ka ha. Love you." 



Habang unti-unting nawawala ang sasakyan, hindi ito maiwasang sundan ng tingin ni Axel. "Kung ganun nga ang mangyayari, hindi mo naman kailangang mag-alala dahil parehas tayo... parehas na tayong nahuhulog." Ito sana ang gusto niyang sabihin kanina, kung hindi lamang siya binasag ni Caleb. Habang si Caleb, " 'Wag na. 'Wag mo ng ituloy. Alam ko na. Alam kong hanggang dito na lang tayo." 



Continue Reading

You'll Also Like

123K 4.4K 39
❝ if I knew that i'd end up with you then I would've been pretended we were together. ❞ She stares at me, all the air in my lungs stuck in my throat...
353K 12.6K 56
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 Ellie Sloan reunites with her older brother when her hospital merges with his jackson avery x ellie sloan (oc) season six ━ season se...
1.2M 54.5K 100
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
673K 24.5K 99
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...